Quadri Square Moments

Description

Tagalog fic, UST!au. Habang nagmamasid si Sehun sa bintana ng kanyang paboritong tambayan sa unibersidad, ang Reader’s Café, napaisip siya sandali kung sadyang itinadhana na magkatapat ang Aklatan ng Benavides at ang gusali ng Komersyo’t AB sa Quadri Park. 

 

Title: Quadri Square Moments
Pairing: taohun, kaisoo, more to come (????)
Rating: PG-13

Since most of the Tagalog EXO fics I’ve read are mostly centered either on UP, Ateneo or La Salle,
I decided to make a fanfic centered on UST.
A million thanks to my
beta, who gave me this taohun prompt. c:

 

Foreword

Quadricentennial Square. Sa iba ito ay tinatawag na Quadri o Quadri Park, at sa mga mag-aaral ng unibersidad sa nakalipas na limang taon at higit pa, ang Colayco Park. Dati itong parte ng Botanical Garden na katapat lang nito, at naging paradahan ito ng kotse katulad ng Plaza Mayor dati. Ngayon karaniwan ito ang Dance Studio ng unibersidad sa dami ng nag-eensayo rito dahil sa maraming sockets na pwedeng saksakan para sa speakers at laptop, so, why not? Bukod sa mga estudyanteng nag-eensayo ng kanilang mga sayaw, ang Quadri Park din ang nagiging tambayan ng mga estudyante ng Pay High pagpatak na pagpatak ng 3:40 ng hapon.

Habang nagmamasid si Sehun sa bintana ng kanyang paboritong tambayan sa unibersidad, ang Reader’s Café, napaisip siya sandali kung sadyang itinadhana na magkatapat ang Aklatan ng Benavides at ang gusali ng Komersyo’t AB sa Quadri Park.

Ngunit wala siyang pakealam. Sa ngayon.

Comments

You must be logged in to comment
ClassicalQueen
#1
Waaaaah sa wakas may tagalog na rin! <3