Walangsumbat
I'm a Filipino Exchange Student in Korea [ T A G A L O G ]![](https://31.media.tumblr.com/tumblr_mcmlhjWfks1qihztbo1_500.gif)
*PAKIBASA NANG MAINTINDIHAN ANG ISTORYA NG MAIGI.
Sa istorya na ito ang BAP ay hindi po KPOP idols. At lahat ng kaganapan ay purely FICTIONAL. (kahit alam kong gusto nating magkatotoo) Maraming Salamat! :D
Tandaan:
And red ay Tagalog. Ang Blue ay English. At Green naman ang Korean.
Parang ZAIDO lang. BLUE, RED, GREEN! ZAIDOOOO~ ppyong!
__________________________________________________________________
Tekla,
Ang sakit sakit ng ulo ko. Shemay naman kasi si mama. Makasigaw wagas eh alam namang natutulog ako. Napabalikwas tuloy ako at naumpog. Ang laki ng bukol ko.
Bakit ba ang mga nanay natin eh masyadong advance ang sarili nilang oras? Ala singko palang nang umaga, sumigaw ba naman ng "LENG LENG! GISING NA! TANGHALI NA!"
Hindi pa nga sumisikat ang araw, tanghali na? Shemay.
Magdadalawang buwan na rin noong nagsimula ang bagong semester. Medyo boring pala ang second year ng college. Ewan ko lang ah, pero ganoon ang feeling ko eh. Tapos ito pang professor ko sa Rizal, ngayon lang nagpakita.
WOW. Lupet ng hangover sa bakasyon. July na, dre.
Eto pa. Parang naging first day of class lang sa highschool ang naging peg ni Mr. Bean. (kamukha niya kasi eh. PRAMIS) Nagpakilala kami isa isa, ulit. At noong turn ko na, inasar ba naman ako sa apel
Comments