My Nappeun Boyfriend

My Nappeun Boyfriend

 

 

 

 

 

"THUD!!!" may narinig akong kumalambag sa tabi ko kaya napatingin ako.

 

 

 

"Ano? Papalag ka na ngayon, ha? Akin na yang pera mo! HA-HA!"

 

 

 

Ayan na naman sila. Nangbubully na naman ng taong walang kalaban laban sa kanila. Kawawang mga bata. Tsk Tsk.

 

 

Hindi ko nalang sila pinansin at dinaanan ko nalang sila. Wala din namang mangyayari kung pipigilan ko sila eh. Kapag pinigilan ko sila, bubully-hin nila ako pero hindi pa din nila titigilan kung sino man yung sinubukan kong iligtas mula sa kanila.

 

 

 

Pagkadaan ko, may nabangga naman ako na kung sino.

 

 

"Ah!" sigaw ko na hindi naman masyadong malakas. Medyo malakas din yung pagkakabangga ko kasi nagmadali akong umalis at lagpasan sila kaya napaupo tuloy ako at nalaglag ko pa yung gamit ko.

 

 

Sino naman kaya yung nabangga ko? Infairness, ang bango niya ah. XD

 

 

Tumingala ako at tinignan ko siya. Nakatayo lang siya at nakatingin sakin at hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil sa ilaw na nakatapat sa kanya na sumisilaw sakin.

 

 

 

Pero nung inilihis niya yung ulo niya at natakpan yung ilaw...

 

 

 

O.O

 

 

 

Si Troy. Si Troy Andrew De Leciano.

 

 

 

 

K-kailangan ko nang umalis! Nagpapanik na ko! Baka kung anong gawin niya sakin!

 

 

Pupulutin ko na dapat yung mga gamit ko pero bigla siyang umupo at lumapit sakin kaya napatigil ako.

 

 

Habang nakaupo siya, dahan-dahan siyang lumalapit sakin at tinitignan ako. Hindi ko masabi kung anong nasa isip niya ngayon at ayoko nang malaman. Sana mawalan siya ng ganang gantihan ako at palagpasin nalang niya ako! >.<

 

 

Pinikit ko nalang yung mga mata ko kasi hindi ko na kayang makita pa ang mga susunod na pwedeng mangyari.

 

 

 

Ramdam ko na yung hangin na nagmumula sa ilong niya at nararamdaman ko na din yung mukha niya na malapit na talaga sa mukha ko.

 

 

 

"(sniff)(sniff)" rinig ko mula sa kanya. Parang... ina--

 

 

 

Inaamoy niya ako???

 

 

 

"(Sniff)(sniff)" nagpatuloy siya sa ginagawa niya at naramdaman kong inaamoy niya yung leeg ko pati na yung buhok ko. >.< Argh. May topak ba to???

 

 

 

Finally nung dinilat ko yung mga mata ko, tumigil na siya sa kakasinghot sakin. Ano bang meron? Ganun ba ko kabaho para amoyin niya ng ganun???

 

 

 

"Ahh! Yan ang paborito kong pabango sa babae ah! Ang bango mo! Sa wakas, naamoy ko din ulit! Ha-Ha!" tas bigla siyang tumayo, tumingin sa mga kaibigan niya na may bago na namang binubully at bigla nalang umalis -- nang wala ng ibang sinasabi.

 

 

Grabe. Ang wierd niya. >.<

 

 

Bago pa man niya maisip na bumalik, dinalian ko na ang pagpulot at tumakbo na ako paalis at papunta ng classroom.

 

 

 

"Phew. Buti nalang wala pa si Prof.." bulong ko sa sarili ko habang hingal na hingal kakamadaling tumakbo para hindi malate.

 

 

 

Pumunta na ako sa upuan ko, umupo na at naghanda na para sa klase namin.

 

 

 

"Okay, class. Open your textbooks to page 145." bungad ni Prof. pagkapasok palang niya. >.<

 

 

 

At habang busy akong gumawa ng pinapagawa niya, naramdaman kong may ibinato sa likod ko. Papel na nakalukot na nakacrumple pabilog at nahulog ito kaya pinulot ko naman. May nakasulat sa loob kaya binuksan ko at binasa.

 

 

"Hoy, Lyka Anna!!! Magtutuos tayo mamaya!!!" nakasulat sa papel.

 

 

O.O

 

 

Matutuos??? Nino??? Wala namang nakalagay na pangalan kung kanino galing. >.<

 

 

Lecheng buhay to oh. Kung bakit ba naman kasi dito pa ako pinag aral nila Mama eh? Saklap.

 

 

Tumingin tingin ako sa mga classmates ko habang gumagawa sila. Wala namang suspicious ang kilos pero syempre, ipapahalata ba nung kung sino mang nagsulat nito na siya yun??? Boplaks.

 

 

Eh! Ewan! Bahala na kung sino man siya. Matutuos kung magtutuos! Laban! Aja!

 

 

--

 

 

*Kring!*

 

 

 

"Okay, class dismissed. You may now go." sabi ni Ma'am.

 

 

Tumayo na ako at lumabas ng room. Wala na akong dapat hintayin pa kasi hindi naman pumasok yung best friend ko eh. Saklap ulit.

 

 

Nung inilagay ko na yung mga gamit ko sa loob ng locker ko at napadaan ako sa may bagong bodega ng school, may humila sakin papasok.

 

 

 

O.O

 

 

 

"AAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!! YUNG BUHOK KO!!!!" sigaw ko. Hinila niya kasi yung buhok ko para papasukin ako sa loob nung bagong bodega. Siguro siya yung nagsulat sakin nung kanina.

 

 

Nung tumigil yung paghatak sakin at napaupo ako sa sahig, tinignan ko agad kung sino at hindi na ako nagulat kung sino.

 

 

Si Trisha.

Siya na naman. Stress.

 

 

 

"Hoy, alam mo ba kung ano yung ginawa mo? Ang laki kaya ng kasalanan mo sakin. Heh." sabi niya habang nakahawak parin sa buhok ko.

 

 

 

"Ah! A-ano ba yun? Hindi nga tayo nagkakasalubong eh! Ngayon lang! Ti-tigilan mo na nga yang paghila sa buhok ko!!!" sabi ko sabay hawak sa kamay niya nakahawak sa buhok ko na sinusubukan kong ialis sa buhok ko. Feeling ko matatanggal na yung anit ko eh. >.<

 

 

Hindi pa kami nagkakasalubong ever sa mga nakaraang buwan after magsimula yung klase pero kilalang kilala ko na siya. Sikat siya eh. Sikat sa kaimpaktahan kasama na yung mga alagad niya. Mga impaktita.

 

 

"Malamang hindi mo alam kasi wala ka namang alam eh! Hah! Ganito nalang ha? Ibigay mo nalang sakin yang pabango mo at hindi na kita guguluhin pa."

 

 

 

O.O

 

 

 

Yun lang yung gusto niya??? Yung pabango ko???

 

 

 

Tumingin ako sa kanya at sinubukan kong malaman kung anong iniisip niya sa pagtingin sa mukha niya. Mukhang nakukuha ko na kasi kung anong gusto niyang mangyari.

 

 

 

"Hindi mo pa rin ba nakukuha??? Kaya ko lang naman kinukuha yung pabango para kay Troy KO. Kitang-kita ko yung mga ginawa niya sayo kanina at narinig ko na ang pabango mo ang pinakapaborito niyang pabango ng babae to the point na nung maamoy niya yun sayo, kuntodo siya lumapit at amoyin ka."

 

 

Sabi ko na eh. Lagi naman eh. Lahat ng may kinalaman kay Troy, gusto niya siya lang meron para siya lang ang mapansin. Wa epek naman. XD

 

 

 

"E-eh kung pabango ko lang pala yung habol mo, eh bat hindi ka nalang bumili ng sarili mo???" tumayo ako at pinagpag yung palda ko. Tama naman ako, diba? Sakin to eh, bat ko ibibigay sa kanya?

 

 

Nagsmirk siya. Nakakatakot yung tingin siya at dahan-dahan silang lumapit sakin.

 

 

"Hindi mo pa ba ako kilala??? Halos lahat kaya kilala na ako! Well, sige. Pagbibigyan kita. Ako lang naman ang ang pinakamadamot pag dating kay Troy at ayokong ayoko na kung ano ang gusto niya ay wala ako at mas lalong ayoko na kung anong meron ako at gusto ni Troy ay meron din yung iba. Kailangan ako lang ang meron! Para ako lang ang mapansin niya! Ha-Ha!" at habang sinasabi niya yun, yung mga alagad niya kinuha na pala yung bag ko at ibinigay kay Trisha.

 

 

 

Hindi! Hindi niya pwedeng makuha yun! Ibinigay kaya ni Mama yun sakin!

 

 

 

Okay! Battle Plan!

 

 

Hawak-hawak na ni Trisha ngayon yung pabango ko at winisik wisik na niya sa leeg niya with matching tawa pa! Inis ah. Kailangan ko yon na maagaw sa kanya, kunin yung bag ko at tumakbo palabas nang hindi nila mahuhuli.

 

 

 

Okay... 1... 2....

 

 

 

 

3!!!

 

 

Tumakbo na ako at inagaw ko na kay Trisha yung pabango ko! Check!

 

 

Nakuha ko na rin sa mga alagad niya yung bag ko! Check!

 

 

 

"Hoy!!! Bumalik ka dito!!! Girls!!! Habulin niyo siya!!! Dali!!!" sabi niya at mabuti nalang nakabukas yung pintuan kaya madali akong nakalabas at nakatakbo papalyo sa kanila.

 

 

 

Kaya lang...

 

 

 

"Ahhh!" may nabangga na naman ako. Pero hindi naman nabasag yung pabango kaya Phew. Okay pa rin.

 

 

 

This time hindi na ako napaupo sa sahig dahil hindi naman masyadong malakas yung pagkakabangga namin sa isa't isa. Eh sino na naman kasi to???

 

 

 

"Ikaw na naman??? (sniff) Hmm. Ang bango mo pa rin." sabi niya sakin.

 

 

 

Jongina. Si Troy na naman. >.<

 

 

 

"A-ah ehh..." Hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin. Nakatingin lang kasi siya sakin.

 

 

 

Nakahawak siya sa kamay ko at sa bewang ko, "Wow, meron ka palang bottle niyan?" sabi niya pagkatingin niya sa hawak kong bote ng pabango ko.

 

 

 

"Lyka!!!!!"

 

 

 

O.O

 

 

Takte. Naabutan ako nila Trisha. >.<

 

 

 

"T-troy!!! A-ah... Yan! Ninakaw niya ung pabango ko! Yang hawak niya! Pabango ko yan!" sigaw niya habang papalapit siya samin.

 

 

 

Ano? So, ako pa ang magnanakaw ngayon??? Jongina.

 

 

 

Nung makarating siya samin, tinulak niya ako agad palayo at siya? Kuntodo cling kay Troy.

 

 

 

"Troy, kinuha niya yung pabango ko! Tas kaya ko nga siya hinahabol kanina kasi ayaw na niya ibalik sakin (sniff)(sniff)" sabi niya kay Troy na parang iiyak na. Ipinatong niya yung ulo niya sa dibdib ni Troy at kunyaring umiiyak.

 

 

 

Ay nako, nagdrama pa ang maarte.

 

 

 

Tumingin sakin ng masama si Troy. Naniwala naman tong isa? Nako, bagay nga sila. Bagay silang itapon sa labas ng universe na to. Lintek.

 

 

Nagsmirk siya after niya akong tignan ng matagal tas tinignan niya si Trisha na nakacling pa rin ng mahigpit sa kanya.

 

 

"Sabihin mo sa kanya, Troy! Sabihin mo na ibalik na niya sakin yung pabango ko kung hindi--"

 

 

 

"Oh, shut up, will you?" he interupted her, "And when did i say that you can cling to me like you are my girlfriend, huh? How dare you???" sinabi niya yun sa harap niya at sabay naglakad paalis. At si Trisha? BOOM. NGANGA. XD

 

 

 

Pagkaalis ni Troy, umalis na din ako. Ayoko nang maabutan na magising si Trisha sa pagkakanganga niya dahil sa nakita niyang ginawa ni Troy sa kanya. XD Kung tragedy yun para sa kanya, sakin comedy. :D

 

 

 

--

 

 

 

"Oh, ano?! Lalaban ka pa, ha?!" rinig kong may nagsabi malapit sa nilalakaran ko pauwi sa bahay. Parang kilala ko yung boses na yun?

 

 

At dahil pamilyar sakin yung boses, dahan-dahan akong lumapit at tinignan kung sino yun.

 

 

 

"Ano, ha?! Magbibigay ka lang naman ng pera eh! Alam kong ninakaw mo lang yan kaya nanakawin na din namin sayo! Hah! Tsaka hindi pa nga kayo nakakabayad sa atrasong ginawa niyo samin nung nakaraan eh!" sabi ni...

 

 

 

Troy.

 

 

 

Binugbog niya yung isang lalaki na mukhang katulad din niyang war-freak at kasama niya yung mga kaibigan niya na busy din sa kakabugbog sa mga kasama nung lalaki.

 

 

 

"Dali na... Ibigay mo na sakin yan, Justine." sabi niya dun sa lalaki na may kasamang pagbabantang suntukin niya.

 

 

"E-eto na!!! Alam ko naman kung saan niyo gagamitin yan eh! Pero bat hindi nalang sa magandang paraan?! Bakit kailangan niyo pang mangbugbog?!" tanong nung lalaki habang ibinibigay na kay Troy yung pera. Ang kapal. Ang kapal nung perang inabot sa kanya.

 

 

 

"Ano ka ba??? Kung ako ba magnanakaw ng pera ng iba, ibibigay ko agad? Kailangan pwersahan, pare! Heh. Salamat dito ah? Sige, next time ulit. Tara na." tinapik niya yung balikat nung lalaki tas tinawag na niya yung mga kasama niya paalis.

 

 

Sinundan ko sila sa susunod na pinuntahan nila. Gusto kong malaman kung anong gagawin nila dun sa perang "ninakaw" din nila?

 

 

 

Pumunta sila sa isang abandonadong kalye at doon sila nag usap usap. Lumapit pa ako ng konti para marinig ko yung pinag uusapan nila.

 

 

 

"Oh, hati-hati na tayo dito ah? Alam niyo na kung saan niyo yan dadalhin. Binigyan ko na kayo ng kanya-kanyang lokasyon, diba?" sabi ni Troy habang pinaghati-hati yung mga perang nakuha nila.

 

 

 

Ano na namang kayang gagawin nila dun? Malaking pera din yun ah.

 

 

 

"Ok na lahat? Tara na! Magkita nalang tayo sa bahay, okay?" at isa isa na silang nagsi-alisan at pumunta sa kung saan man. Pinili kong sundan nalang si Troy dahil naglakad lang naman siya. Yung mga kasama niya kasi nagmotor na. Mukhang malapit lang ung pupuntahan niya.

 

 

 

5 o'clock na ng hapon at naglalakad pa rin siya. Saan ba kasi siya pupunta? And then, naisip ko na baka worthless lang tong ginagawa ko kaya naisipan kong bumalik nalang at umuwi na pero...

 

 

 

Nakita ko siyang pumasok sa isang bahay na medyo may kalumaan na pero malaki at makulay ang pagkakapintura sa bahay na iyon.

 

 

Nung pumasok na siya, lumapit ako sa harapan nung bahay para makita kung ano ba talaga yung lugar na 'yon.

 

 

 

"Angels' Home." basa ko sa karatula na nakapaskil sa bahay na yon. Bakit dito siya pumunta?

 

 

 

O.O

 

 

 

Napatigil ako sa paglalakad sa sumunod kong nabasa.

 

 

 

"Ah, Orphanage. Orphanage???"

 

 

Ang isang lalaking katulad ni Troy, pupunta sa ganitong lugar?

 

 

Nagmadali akong sumilip sa pintuan nung bahay. Nakita ko si Troy... nakikipaglaro sa mga batang nandoon. Tuwang-tuwa sya. Nakangiti habang nakikipaghabulan sa kanila.

 

 

Dahil sa nakita ko, napaisip tuloy ako: Yan ba yung sinasabi nilang lalaking mahilig sa gulo? Siya ba yung sinasabi nilang mapanganib na lalaki? Ano ba talaga??? Sino ba talaga siya???

 

 

Tas may babaeng nasa 40's na yata yung lumapit sa kanya. Tumayo siya at tumigil muna sa pakikipaglaro sa mga bata. Inabot niya yung perang pinaghati-hatian nila kanina ng mga kaibigan niya.

 

 

"Gamitin niyo po yan na pang tulong sa mga bata. Kayo na po ang bahala sa kanila." sabi niya pagkaabot niya yung pera dun sa babae.

 

 

 

"Nako Andrew, salamat sa hindi mo pagsawang tumulong dito sa ampunan. Hulog ka talaga ng langit para sa mga batang ito." sabi nung babae. Siya siguro yung may ari nitong ampunan na to.

 

 

"Wala iyon, Nanay Illa. Eh dapat lang po na tumulong ako kung saan ako lumaki, di ba?"

 

 

 

O.O

 

 

Kung saan siya lumaki??? Lumaki siya sa dito sa ampunan na to???

 

 

"Sige po, gabi na. Kailangan ko na rin pong umuwi. Pakainin niyo na rin po sila ng hapunan. Haha. Bye, mga repa! Babalik ulit ako!" nilapitan niya ulit yung mga bata at nagpaalam na siya sa mga ito pero bago siya makatayo, niyakap siya ng lahat ng mga bata.

 

 

Ngayon na nakakakita ako ng ganito at nalaman ko na mali ang mga sabi-sabi tungkol sa kanya dati, hindi ko mapigilang maiyak nalang sa sobrang ganda ng mga pangyayari.

 

 

At sa sobrang pagfocus ko sa pag iyak, hindi ko namalayang nabuksan ko pala yung pinto kaya... nakita nila ako at nakita NIYA ako.

 

 

"Ikaw???" nasabi niya pagkakita niya sakin at nakatingin na rin sakin lahat nung mga bata.

 

 

--

 

 

 

"Bakit mo ko sinundan, ha?" unang-unang tanong niya sakin pagkalabas namin sa Angels' Home.

 

 

 

"A-alam mo na sinusundan kita???" napaatras ako ng konti nung tinanong ko yun.

 

 

Natawa siya, tumingin sakin at lumapit, "Ano bang tingin mo sakin, ha? Alam ko na kahit nung naghahati palang kami ng pera dun sa may kalye. Heh. (sniff)(sniff) Kung hindi mo lang pabango yun baka kanina pa kita--"

 

 

 

"Eh bakit nagpatuloy ka pa?" tanong ko.

 

 

"H-ha? Anong tinuloy ko???" nagtanong siya na parang hindi niya alam yung sinasabi ko.

 

 

Lumapit ako sa kanya, "Kung alam mong sinusundan na kita, bakit tumuloy ka pa ring pumunta sa ampunan? Alam kong ayaw mo na may makakita sayong iba doon bukod sa mga kaibigan mo pero bakit pumunta ka pa rin?"

 

 

Sobrang gusto ko talagang malaman kung bakit. Bakit ba kasi talaga? Kung ano ang nasa posisyon niya, ayoko din naman na may makakita sakin except sa mga kaibigan ko.

 

 

"Tara, may kukwento ako sayo. Sumama ka sakin." Hinila nalang niya ako bigla pero pinigilan ko siyang hilahin ako.

 

 

"Sa-saan? Kailangan ko nang umuwi kasi baka hinahanap na ako sa bahay eh."

 

 

"Ayoko. Gusto kong makinig ka sa lahat ng sasabihn ko sayo at para masabi ko iyon, kailangan mo munang sumama sakin sa isang lugar kung saan makakakwento ako nang maayos. Halika na, dali." at hindi na ako nakapalag pa. Hinila na niya ako kung saan niya gustong pumunta kami.

 

 

Ramdam ko yung kamay niya, ang kinis at ang lambot pa. Parang hindi talaga siya yung mga naririnig kong "Troy" na masama.

 

 

--

 

 

"Wala na sila." bungad niya sakin pagkaupo namin sa may bench sa park.

 

 

Sa park niya ako dinala at mukhang madami din akong matutuklasan sa kanya na hindi ko inaasahan.

 

 

 

"Sino???" tanong ko habang papalapit ako sa kanya.

 

 

"Sila. Yung mga magulang ko." biglang lumungkot yung boses niya pati na yung mukha niya.

 

 

"Naaksidente daw sila nung maliit palang ako kaya yung nakakuha sakin dahil ako lang ang nakaligtas, dinala ako sa ampunan na pinanggalingan natin kanina." kasunod na sinabi niya.

 

 

After kong marinig yun, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Masakit mawalan ng magulang lalo na kung bata ka pa nung mawala sila. Tumingin ako sa mga mata nya at nakikita kong teary eyed na siya.

 

 

Naiiyak na din ako.

 

 

TT__________TT

 

 

"G-ganun ba? Eh pano ka nakakapag aral ngayon?"

 

 

"Yung mga kapatid ng mga magulang ko. Sila ang tumutulong sakin sa pag aaral ko. Heh. Ang bait nga nila eh." ngumiti siya na halatang pilit na pilit na.

 

 

"Ah... Eh yung tungkol dun sa kanina. Ah, wag kang magagalit ah? Yung binugbog niyo yung mga lalaking nagnakaw nung pera na binigay mo dun sa ampunan?"

 

 

"Yon? Haha. Gawain namin yun. Yung ang totoong ginagawa naming magkakaibigan. Haha." tumawa siya sabay kamot ng ulo niya. Natawa pa siya?

 

 

Hindi ko siya magets. >.<

 

 

 

"Eh ano ba yung totoong ginagawa niyo?" lumapit pa ako sa kanya nang mas malapit pa.

 

 

Lumapit din siya sakin at tinignan niya ako, "Heh. Alam mo? Napakaswerte mo kasi ginanahan akong magkwento tungkol sa sarili ko at sa mga ginagawa ko ngayon sayo. Actually, first time ko nga to na may nakinig saking babae eh. Halos lahat kasi ng babae na nakaencounter ko, puro paglalandi lang ang alam. Ikaw si Lyka, diba?"

 

 

O.O

 

 

"P-pano mo nalaman yung pangalan ko??? Hi-hindi mo naman ako ipapasalvage pagkatapos nito, diba?"

 

 

"Haha. Relax ka lang! Bakit ko gagawin yun? Teka, sasabihin ko muna sayo kung ano ba talagang ginagawa namin, okay?" hinawakan niya ako para pigilan akong lumayo sa kanya. Kanina nasa balikat lang ngayon nasa kamay ko na. Chansing koya?

 

 

"Si-sige. Magkwento ka na." binitawan ko yung kamay niya at lumapit nalang sa kanya na halos ilang inches nalang yung pagitan namin.

 

 

"Nanghuhuli kami ng mga magnanakaw ng pera tas pinalalabas nalang namin na kami yung gagamit nung pera nila pero ibibigay talaga namin yun sa mga ampunan na inaassign ko sa kanila at syempre pati na sa mga kinalakihan na namin."

 

 

O.O

 

 

"I-ibig sabihin..."

 

 

"Oo, lahat kami lumaki sa ampunan. At sila? Yung mga kaibigan ko na nakikita mo sa school na nangbubully? Pinapalit nila sa pera o kaya ibibigay nila mismo sa mga bata na nasa ampunan yung mga nakukuha nila."

 

 

O.O

 

 

XDDD

 

 

 

"Ahahaha!!! Ahahahahahahaha!!!" Natawa ako sa huling sentence na sinabi niya. Diba parang mali?

 

 

"Oh, anong nakakatawa?" tanong niya sakin with matching taas ng kilay.

 

 

"Eh kasi naman! Ahaha! Mali yung pa raan niyo ng pagkuha ng pera para makatulong! Bakit pa kayo mambubully at mambubugbog ng iba? Eh pwede naman kayong magtrabaho, diba?" dumanatay ako sa balikat niya habang tumatawa.

 

 

Lumingon siya sakin mula sa malalim na pag iisip at tumingin siya sa kamay ko na nasa balikat niya at sa mga mata ko nang seryoso kaya bago pa siya makapagsalita, iniba yung ko na yung expression ng mukha ko at inalis ko na yung kamay ko sa balikat niya.

 

 

 

"Hehe. Nakakatawa no? Natatawa na nga ako eh. Ahaha! Ahaha!" sabi niya habang sobrang pilit na pilit na tumatawa.

 

 

"Hmp! Ewan ko sayo! Bahala ka jan! Uuwi na ko!" maktol ko sabay tayo at lakad palayo sa kanya. Hindi ko na aasahang susundan niya pa ako eh sino ba ako para sundan niya diba?

 

 

"Te-teka!"

 

 

O.O

 

 

Sinundan niya nga ako???

 

 

Lumingon ako sa likod ko para tignan kung sinusundan niya nga ba ako at oo, sumunod nga.

 

 

"Bakit? Ano na namang kailangan mo ha? Mang aasar ka na naman?" tanong ko sa kanya na may kasamang pagsusungit.

 

 

 

"Naiwan mo to oh. Nalaglag yan kanina nung pagkatayo mo. Nakalagay ata sa bulsa mo tas nalaglag."

 

 

O/////O

 

 

OH.MY

 

 

"aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!" sigaw ko pagkakita ko nung naiwan ko daw. Hindi ko na kinuha pa yun at tumakbo nalang paalis at palayo sa kanya.

 

 

"Sandali, Lyka!!! Yung Napkin mo!!!" at sinigaw pa niya talaga.

 

 

--

 

 

"Ano ba? Bat ayaw mo pa 'tong kunin sakin? Wala naman akong paggagamitan nito eh. Gusto mo bang ito pa ang maging remembrance mo sakin? Ahahahah!"

 

 

"Ano ba?! Hindi na nga ako nagsasalita dito at hinayaan nalang kita na sundan ako eh. Yan? Itapon mo na yan. Marami pa ko niyan sa bahay kaya hindi yan kawalan sakin."

 

 

"Oh sige, sabi mo eh." tinignan niya yung napkin ko tas hinagis niya nalang sa likuran niya tas sumunod ulit siya sakin nung naglakad na ulit ako.

 

 

"Oh, eh ano pang ginagawa mo jan? Natapon mo na yung napkin ko diba? Bakit sumusunod ka pa rin? Umuwi ka na. Baka naghihintay na ung mga kaibigan mo sa bahay mo."

 

 

"Wag na. Hayaan mo na silang maghintay dun. Tsaka nasa tapat na kaya tayo ng bahay mo oh..." may tinuro siya sa right side niya.

 

 

O.O

 

 

Tumingin ako sa side kung saan siya nakaturo at bahay ko nga yun. Pano niya nalaman? Bakit niya alam?

 

 

"A-alam mo, ikaw? Hindi ko alam kung anong dapat isipin ko sayo eh. Kanina nakakaawa ka tas biglang naging nakakainis tas ngayon naman misteryoso? Hay, ewan. Papasok na ko. Umuwi ka na." lumakad nako palapit sa gate nung bahay namin tas nagsalita siya...

 

 

"Wala man lang bang "babye" jan o kaya "ingat sa pag uwi" man lang?" napahinto ako sa paglalakad. Iba yung tono ng boses niya. Parang hindi siya si Troy na kinatatakutan ng lahat dahil sa mapanganib siya.

 

 

 

Nagflashback tuloy sakinlhat ng mga sinabi niya sakin kanina tungkol sa mga magulang niya na maagang nawala sa kanya at ang magandang hangarin nila ng mga kaibigan niya na makatulong sa mga bata sa likod ng pagnanakaw nila ng pero o pang bubugbog nila.

 

 

Tumalikod ako sa gate at humarap kay Troy. Lumapit na din ako sa kanya. At nung malapit na ko sa kanya, hinawakan ko nalang bigla yung mukha niya.

 

 

Ang nasa isip ko lang ngayon ay siya. Siya na nagsasakripisyo para makatulog sa iba kahit na masakit ang naging nakaraan niya. Na kahit ibang-iba yung mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya sa mga natuklasan ko sa kanya ngayon, parang hindi siya nagpapaapekto sa mga yun.

 

 

"B-bakit umiiyak ka???" narinig ko nalang na sabi niya na nagpawala sa mga iniisip ko at natauahn ako.

 

 

Hinawakan ko yung mukha ko. Basa at patuloy na lumuluha yung mga mata ko. Hindi ko alam na napaiyak na pala ako sa harapan niya. Tinignan ko siya at bumalik na naman yung pagka awa at pag hangan ko sa kanya na dahil ng pag iyak ko kaya mabilis kong pinunasan yung mga luha ko at mabilis na umalis pero...

 

 

"Lyka! Teka lang muna, humarap ka muna sakin! May sasabihin ako." hinawakan niya yung kamay ko para pigilan ako.

 

 

Humarap ako sa kanya at lumapit siya sakin tas...

 

 

O//////O

 

 

Kiniss niya yung forehead ko.

 

 

"Tandaan mo 'tong araw na 'to ah? Kasi buwan-buwan na nating isecelebrate 'to." sabi niya pagkakiss niya sakin.

 

 

Huh? Ano daw? "Natin"? Natameme ako dun ah.

 

 

"Huh? Ano ba yang sinasabi mo???" inaalis ko yung kamay niya sa pagkakahawak sakin pero ayaw niya.

 

 

"Alam mo ba kung ano ang isang girlfriend para sakin???"

 

 

"Hindi! T-tsaka wala akong balak na malaman!!! Argh! Bitawan mo na nga ako!"

 

 

"Teka lang... Patapusin mo muna kasi ako. Kung hindi mo pa alam edi sasabahin ko. Ang gusto kong girlfriend ko ay yung masasabihan ko ng lahat ng secrets ko at komportable ako habang sinasabi ko sa kanya. Siya din yung dapat na unang babae na makakakita sakin sa loob nung ampunan habang nakikipag laro ako sa mga bata doon."

 

 

O.O? Eh un ung ginawa namin kanina ah? Kinukwentuhan niya ako tas nakita ko din siya sa ampunan na nakikipag laro sa mga bata.

 

 

No way... Joke ba un?

 

 

"Ahaha! Ano yan? Joke yan, no? Ahaha!" kumunot yung noo niya pagkasabi ko nun. Mukhang hindi yun yung inaasahan niyang reaksyon mula sakin. Humigpit yung hawak niya sakin at tinignan niya ako sa mata.

 

 

"Hindi mo pa rin ba nagets? Ang dami ng clue nun ah... Hay nako. Ang sinasabi ko--"

 

 

 

"Oo, syempre nagets ko un. Sinasabi mo sakin na girlfriend mo na ako mula ngayong araw, ganun ba? Sus, ano ba? Kailan pa naging pwede un? Loser ako, loser at ikaw, prinsipe ka ng school natin. Imaginein mo nga un? Hay nako... Baka inaantok ka lang. Haha. Matulog ka na sa inyo ha? Babye, ingat ka sa pag uwi mo. Yan, sinabi ko na. Haha." tinapik ko yung balikat niya, tinanggal yung kamay niya sa pagkakahawak sakin at tumalikod na para maglakad at pumasok na sa bahay.

 

 

Ung reaksyon niya, nakatulala lang. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kanya. Eh totoo naman eh. Nako, baka pinagtitripan lang niya ako--

 

 

"Ayoko. Gusto ko, IKAW."

 

 

O////////O

 

 

 

Bago ko pa mahawakan yung gate, niyakap na ako ni Troy. B-A-C-K-H-U-G.

 

 

 

"Wala akong pakielam kung loser ka man at prinsipe akoIkaw lang ang nag iisip niyan at hindi ako. Ikaw ang gusto ko, Lyka."

 

 

 

>////////<

 

 

 

"K-kung maka-Lyka ka sakin parang ang tagal mo na akong kilala ah? Hello? Ngayon lang tayo nagkita at nagkausap no. Bumitaw ka na nga." nag iistruggle na ko para lang kumawala sa yakap niya.

 

 

"Ayoko! Hindi ako bibitaw hangga't ayaw mong tanggapin yung sinasabi ko. Confession na kaya tong ginagawa ko." mas lalo pang humigpit yung yakap niya. Ramdam na ramdam ko yung hangin mula sa ilong niya sa tenga ko pati yung baba niya na nasa balikat ko at yung yakap niya na feeling ko matutunaw na ko sa sobrang higpit.

 

 

"C-confession??? Mula sayo??? Ma-may iba pang babae na mas nararapat para sa confession mo, Troy--"

 

 

"Lyka... Ikaw ba yan, anak? Nakauwi ka na--"

 

 

O.O...

 

 

O.O..!

 

 

O.O.!!

 

 

O.O!!!

 

 

Si MAMA!!! >.<"

 

 

Natameme lang si Mama pagkakita samin na magkayakap parin ni Troy na pati kami nganga na lang din.

 

 

Inalis niya yung yakap niya sakin tas binati si Mama, "Hi, Tita. Ako po si Troy. Boyfriend po ni Lyka." nung sinabi niya yun i was like, "Y YOU SAY THIS TO MY MOMMA???!!!" pero sa totoo, nanahimik nalang ako at ngumiti nalang.

 

 

"Nako... Anak, bat wala ka man lang nasasabi sakin ha? Dadalaw pala sakin yung boyfriend mo, edi sana nakapaghanda pa ko? Pero dibale, may pagkain naman sa loob eh. Sige, pasok na kayo."

 

 

Deng! I'm dead. I'm really really dead. Sa ginawa ni Mama, mas kukulitin pa ako niyan Troy tungkol dun sa--

 

 

"Oh, ano pang hinihintay mo jan, Lyka? Tara na, pumasok na kayo." alok ni Mama sabay lapit samin at hila papasok.

 

 

Nung nakapasok na kami sa loob ng bahay, tinignan ko si Troy. Hindi ko maexplain yung mukha niya. Parang naaaning na dahil sa sobrang tuwa. Tumingin siya sakin, inilingon ko yung sarili ko sa ibang side tas naramdaman ko nalang na lumapit siya sakin tas bumulong, "Phew. Kinakabahan ako. Haha."

 

 

>//////<

 

 

"Nako, kung hindi lang lumabas si Mama--"

 

 

"Lyka? Oh, sino ba yung sinasabi ng Mama mo na ipapakilala mo daw sakin?" lumabas na si Comander. Si Papa. >.<

 

 

"Ah eh... P-papa! S-si Troy po." tumingin muna ako sa kanya bago ko pa ituloy yung sasabihin ko. "(sigh) Boyfriend ko po." tuloy ko.

 

 

"Hello po, Tito. Ako po si Troy De Leciano. Nice meeting you po!"

 

 

Huh? Bat feeling ko may kumakalabit sakin???

 

 

Ah... Si Baby Sheeka pala. Kapatid ko.

 

 

"Ate, ate, may ibubulong ako sayo. Dali." sabi niya sakin kaya umupo ako at pinakinggan yung bulong niya.

 

 

"Ano ba yun, Baby?"

 

 

"Ate, ang pogi naman ng boyfriend mo."

 

 

 

O//////////////O

 

 

 

--

 

 

Troy's POV

 

 

"Sige, papayag ako basta wala dapat makakaalam na iba lalo na sa school. Sige, umuwi ka na. Good nyt."

 

 

Yan ang mga huling sinabi niya sakin nung pauwi na ako. Sa sobrang saya ko na habang naglalakad ako sa kalye, patalon-talon at patakbo-takbo ako.

 

 

Halos ilang buwan na din ang nakalipas na puro ganito ang ginagawa namin.

 

 

Kapag nasa school, kunyaring hindi ko siya kilala at hindi ko siya papansinin kapag nagkakasalubong kami. Tas after ng school, tsaka ko palang siya pwedeng makita at makausap kapag nasa bahay ko na siya o kaya vice versa. Hindi ko pa nga rin nasasabi sa mga kaibigan ko eh pero hindi nagtagal nagtanong na sila tungkol samin.

 

 

"Pare, is there something between you and Lyka? We're noticing something wierd on you since before."

 

 

"Oo nga, Troy. Ano bang meron, ha?"

 

 

"Kami na. Kami na ni Lyka."

 

 

"WHAT???" sabay nilang sabing tatlo.

 

 

"Woah... How did you get the nerve to finally get her, huh?"

 

 

"Yeah, i was really thankful that i finally got the nerve to--"

 

 

"Kiriringkiriring" nagring yung phone ko. May tumatawag.

 

 

When i checked it, it was from... Lyka.

 

 

Napasmile ako agad at madali kong sinagot yung tawag niya.

 

 

"Troy!!! Troy, Anak! Pumunta ka na dito dali!" si Tita to? Bakit parang umiiyak siya?

 

 

"Hello??? Tita??? Nasan po si Lyka??? Bakit po kayo yung tumawag???" sinimulan na akong kabahan.

 

 

"Naaksidente si Lyka! At nandito kami ngayon sa Ospital! Dali, kailangan ka niya!" at walang pag aatubili na kinuha ko yung susi ng kotse ko at lumabas ng bahay.

 

 

"Teka, Troy! San ka pupunta?! Anong problema?!" tanong ni Eric na kaibigan ko.

 

 

"Nasa ospital si Lyka at kailangan niya daw ako! Pupuntahan ko na siya."

 

 

"Sama kami! Wait lang!"

 

 

"Sige, angkas na! Bilis!"

 

 

Kinakabahan ako. Natatakot na baka mawala pa siya sakin ngayon na kami na. Wag naman sana. Sana hindi maging malala ang kondisyon niya.

 

 

 

--

 

 

Lyka's POV

 

 

 

"Trisha!!! Tigilan mo na ako!!!" sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanila.

 

 

 

*Flashback*

 

 

"Hoy, ano yung narinig ko na may something daw kayo ni Troy? Hindi ka man lang ba magseshare???" harang niya sakin nung natapos yung klase at wala nang masyadong tao sa school. Pupuntahan ko din kasi si Troy sa bahay nila.

 

 

"You don't have to care about it, Trisha. It's only between me and him so, move away." oh, paenglish-english pa ko! Hah! Taray!

 

 

 

"So you think i will let you go that easily, huh? Heh. I don't think so." At lumapit na sakin yung mga alagad niya at hinawakan ako sa magkabilang braso ko tas isinandal ako sa pader.

 

 

"Oh ano, Lyka? Wala ka bang gustong linawin tungkol sa inyo ni Troy?"

 

 

"Kahit meron man, it doesn't concern you!" nung medyo lumawag yung hawak nila sakin, kumalas na ako agad at tumakbo papalayo.

 

 

*end of flashback*

 

 

At eto parin ako, tumatakbo at tinatakasan sila.

 

 

Hindi ko na alam kung saan pa ako pwedeng dadaan. Hanggang sa nang makarating ako sa part nung school na may mahabang hagdanan at nung pababa na ko, nahuli nila ako.

 

 

Pinatalikod nila ako sa hagdanan at pinaharap kay Trisha.

 

 

"Oh, tamang tama pala yung lugar na to eh. Heh! Kung wala at ayaw mo talagang sabihin pwedeng itulak nalang kita dyan para kahit hindi ko malaman kung ano, masosolo ko na si Troy at wala ng Lyka na katulad mo! Haha!"

 

 

 

"Kahit sabihin ko pa sayo, wala ding mangyayari! Argh! Bitawan niyo ko!"

 

 

 

"Oh, sure. Sabi mo eh. Sige, bitawan niyo na siya. Heh. Ayaw mong sabihin ah..."

 

 

 

At binitawan nga nila ako. Napredict niyo na ba yung sumunod na nangyari? Kung ang prediction niyo ay nahulog ako sa hagdan ay mali kayo. Dahil hinulog nila ako at nagpagulong gulong ako sa mahabang hagdanan. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari kasi nawalan na ko ng malay nun bago pa man ako makaabot sa ibaba. Pero nakaramdam ako ng sakit at kirot. Siguro nagkasugat ako. Ewan.

 

 

Troy's POV

 

 

"Tita! Tita!" tawag ko kay Tita pagkakita ko sa kanya sa ospital.

 

 

"Troy! Si Lyka! (sob)(sniff)" iyak sakin ni Tita pagkayakap ko sa kanya.

 

 

"Ano po bang nangyari sa kanya?"

 

 

"Na-nahulog daw siya sa hagdan eh! (sniff) Diyos ko, pagkakita namin sa kanya na dinadala dito, parang matindi ang pagkakahulog niya! (sob)(sob)"

 

 

"Wala po bang nakakita kung may nagtulak sa kanya--"

 

 

Lumabas na yung doktor. Pawis na pawis at hindi ko malaman ang expression ng mukha. Lumapit ako agad at itinanong siya, "Dok, ano na pong lagay niya? Okay na po ba sya?"

 

 

Tumingin siya sakin, tinanggal yung mask niya at umiling, "We tried our best to revive her and..."

 

 

Kumunot yung noo niya at yumuko. Natakot ako. Baka hindi maganda ang sasabihin niya sakin.

 

 

"Ano, Dok?! At ano?! Makakasama ko pa ba siya?! Tell me!!!" naiyak na ko. Hindi ko maexplain yung takot ko. Yung takot ko na baka nga wala na siya at iniwan na ako.

 

 

Tumingin ulit sakin si Dok ng seryoso at hinawakan yung braso ko...

 

 

 

"And she's now at her consciousness and is awake. You can see her now." nagsmile si Dok. "Sorry if i have been so dramatic before i said it. You are a wonderful man, son. By seeing and watching you shed a tear for her, it really touched me. You really love her. Now, go ahead and see her."

 

 

Natuwa ako. At ngayon naman, naiyak ako sa tuwa. Pero bago man ako makapasok, may sinabi pa siya ulit sakin, "And son? I heard her calling your name when she woke up."

 

 

"Thanks, Dok. You did a really great job and i promise to make it up to you or shall i say "we will". I better run off. Thanks again!" at tumakbo na ako ng mabilis papasok sa ICU.

 

 

Ayun, nakita ko siyang nakatingin sakin at nakangiti habang may nakakabit sa kanyang kung ano anong mga wire.

 

 

Dali-dali ko siyang nilapitan at kinausap.

 

 

"Lyka... Lyka, nandito na ko. May masakit ba ha? O-okay ka na diba?" Hindi ko na napigilang hindi maiyak nung nakita kong nakangiti siya pero umiiyak pagkalapit ko.

 

 

 

Tumango lang siya at hinawakan yung mukha ko. Hinawakan ko yung kamay niya na 'yon, "Alam mo bang sobrang natakot ako??? Akala ko mawawala ka na sakin eh."

 

 

 

"H-hindi ako ma-mawawala sayo, Troy. Pi-pinaglaban ko yung re-relasyon natin ka-kay T-Trisha." nauutal na sabi niya. Hirap pa siyang makapagsalita pero ano daw? Kay Trisha? Sabi ko na nga mga may nangyaring kakaiba kaya nangyari 'to sa kanya eh.

 

 

 

"Ano? Si Trisha? Bakit? Siya ba ang gumawa nito sayo--"

 

 

"Shushushush. I-it doesn't matter n-now. All that ma-matters is now -- that we're to-together exactly f-for our 6th mo-monthsary. We're now ha-halfway through a-an anniversary, Troy." masayang masaya siya. Nakakagulat na sa kabila ng sinapit niya, nakuha niya paring isipin ang monthsary namin ngayon pero syempre alam ko din yun no!

 

 

"Yeah, i know. It's great, right? And because it's our special day, i wanna tell you something or a story perhaps. And it's related to us." kumuha ako ng upuan at umupo malapit sa kanya at hinawakan yung kamay niya.

 

 

"Really? Well, then let me hear it."

 

 

"Okay, here it goes. May isang lalaki na kahit nung nasa highschool palang siya, sikat na siya dahil sa mga kumakalat na sabi-sabi at bali-balita na masama daw ang ugali niya."

 

 

 

"Hehe. Parang ikaw?" tanong niya.

 

 

"Haha. Oo, parang ako nga. Tas nung nakarating siya ng college, noong mga bagong araw palang, kumalat na din sa school nila at alam na nilang lahat ang tungkol sa ginagawa nung lalaki sa labas nung school at pati narin sa loob. Totoo lahat ng sinasabi nila, alam niya sa sarili niya yun kaya ginagawa nalang niyang makatotohanan ang lahat ng sinasabi tungkol sa kanya."

 

 

"So, nangbubugbog din siya sa loob ng school?"

 

 

"Oo, pinatunayan niya sa school na yun na totoo lahat ng mga alam nila tungkol sa kanya at masaya siya na natatakot sa kanya ang mga tao. Pero dumating sa punto na nakakita yung lalaki ng isang napakagandang babae na naglalakad sa hallway ng school nila. Nagkasalubong sila pero hindi man lang tumingin miski isang saglit yung babae sa kanya at nagtuloy tuloy lang sa paglakad niya. Naguluhan yung lalaki kasi sanay siya na kapag dadaan siya sa kahit saang parte ng school nila, titignan at titignan siya ng mga taong nakakasalubong niya. Pero yung babae? Hindi."

 

 

 

"Oh, tapos?"

 

 

"Medyo pinaimbestigahan nung lalaki yung babae na yun at nalaman niyang freshman yung babae at kakatransfer lang nung araw na nagkasalubong silang dalawa kaya hindi pa nga siguro siya aware kung sino yung nakasalubong niya."

 

 

"Pero nakilala naman ba nung babae yung lalaki?"

 

 

"Yun ang hindi niya pa alam kaya gumawa siya ng paraan para makilala siya nung babae at para sa susunod na magkakasalubong sila, titignan na siya ng babaeng yun at hindi na siya dadaanan nalang nang basta-basta."

 

 

"Nako, naeexcite ako sa kwento mo."

 

 

"Haha. Here's the exciting part; Sinubukan nung lalaki na makipagrambol sa harap nung babae pero wala lang. Sinubukan din niyang umaway ng babae sa harapan niya pero wala lang din. Nagkaroon ng pakiramdam yung lalaki na lahat ng effort niya, walang epekto sa kanya at ilang linggong nakalipas, dahil na rin sa sobrang pag iisip niya ng paraan at sa pag iisip niya dun sa babae na yun, hindi niya namamalayan na..."

 

 

"Na ano? Na ano, Troy?"

 

 

"Na... nainlove na siya dun sa babae."

 

 

"Talaga??? Ang ganda, sobra. Tell me more."

 

 

"At dahil nainlove siya dun sa babae, he decided na hindi na siya makikipag away sa harapan nung girl na yun kasi isang beses narinig niya mula dun mismo sa babae na yun na, "Worthless ang mga lalaking nakikipag away para lang sa kasikatan. Nonsense sila." narinig niya un habang nakikipag usap yung babae sa cellphone nito." habang tumatagal at dumadami yung kinukwento ko, nag iiba yung mukha ni Lyka. Pero parang hindi niya pa rin gets ung meaning kung bakit ako nagkukwento ng ganito sa kanya ngayon.

 

 

 

"Eh pano ginawa nung lalaki yun?"

 

 

 

"Ha? Edi hindi na siya nakipag away sa kung sino man basta't nasa loob siya ng school kahit wala mismo sa harap niya yung babae. Kasi naisip niya na kahit wala man sa paningin niya yung babae na yun at nakipag away pa rin siya, mababalitaan at mababalitaan niya parin yun. Kahit nga kapag mga kaibigan na niya ung nag aalok sa kanya na sumali siya sa pambubully at pagbubugbog, inaayawan na niya at naghahanap nalang siya ng ibang paglilibangan."

 

 

 

"Teka... P-parang pamilyar sakin lahat ng sinasabi mo."

 

 

 

"At pati kapag pauwi na yung babae, sinusundan siya ng lalaki kaya alam nito ang kung saan yung bahay niya. Pati yung mga paboritong puntahan nung babae, alam niya na din kung saan. Gusto mo bang malaman kung anong pangalan nung lalaki tsaka nung babaeng gusto niya?"

 

 

 

"O-oo naman. Gustong gusto ko."

 

 

"It's easy. Yung lalaki ay si Troy at yung babae ay si Lyka."

 

 

 

--

 

 

Lyka's POV

 

 

"So you had really known me for that long?" nagets ko na. Lahat ng kinuwento niya sakin kanina, lahat yun narecall ko na.

 

 

Lahat ata ng sinabi niya, yun yung eksaktong nangyari eh. Hindi pa niya nakakalimutan kahit isang taon na ang nakalipas nun.

 

 

"At kaya pala alam mo din yung bahay ko nung unang unang magkasama tayo no? Nako, kaya pala nakakaramdam ako na may sumusunod sakin dati eh kapag umuuwi ako. Ikaw pala yun, pasaway ka!"

 

 

"Ahaha! Isn't it cute? Ang cute kaya ng love story naten! Haha!"

 

 

At pagkatapos kong maconfine ng ilang linggo, nakauwi na rin ako at nakapagschool na ulit ako. Ngayon, hindi ko na gustong itago sa kanila ang relasyon namin ni Troy dahil wala naman talagang dapat itago eh. Kung kami, wala silang magagawa at ang pwede lang nilang magawa ay manahimik at walang masabing nakakagalit dahil i have MY NAPPEUN BOYFRIEND. :))

 

 

At si Trisha? Siya ba kamo? Hindi na siya nagpakita samin eversince after nung accident na yun. Balita namin nagmigrate na siya sa States at hindi na siya babalik dito... i guess? XD

 

 

 

And after we graduated from college, we; Troy and I including our parents, have decided that we should get married. Syempre dahil siya si Troy at ako si Lyka, after a few months just after out marriage, we were gifted a baby boy! And he was born last September, 9 months after i got pregnant. And he was named Leo Martin De Leciano which i think is a handsome name that was especially for him.

 

 

 

Well, we have a happy family now and we will continue to be for the sake of Leo and our upcoming baby girl. And she will be named as Lauren Aleeyah De Leciano.

 

 

Anyone who stands on our way better be ready. Why? I had MY NAPPEUN BOYFRIEND in the past, I now have MY NAPPEUN HUSBAND in the present and i will also have MY NAPPEUN SON AND DAUGHTER in the future. Haha. Just joking. XD Hindi ko ikukusinte ang mga anak ko na maging nappeun katulad ng tatay nila.

 

 

Troy is being a good father to Leo and will be too kay Lauren and he is a good, loving and a caring husband to me lalo na ngayon na buntis pa ako.

 

 

Troy: Salamat sa pagbabasa ng istorya namin. Magiging mabuting ama ako kay Leo at kay Lauren. Hehe. Promise ko yan! 

Lyka: Sus, eh sakin? Wala? Basta ako lang magbibigay ng anak sayo, ganon? 

Troy: Tss. Syempre, ikaw din, Hon. Pwede ba kitang kalimutan?

 

 

 

And that ends up their love story. THE END. :))

 

 

 

 

--

 

 

 

Uy! Haha! Pasensya na dahil sobrang haba nung oneshot ko! Nag enjoy eh! XD

 

 

 

 Yung sa main image yung sila Lyka at Troy tsaka si Leo at Lauren. :))

 

 

 

Salamat sa pagbabasa! Sana nagustuhan niyo! :))

 

 

 

Thanks for reading!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet