Hindi Inaasahang Pagtatagpo

"Hindi Inaasahang Pagtagpo" by IndigoTruffles07

 

... Nang makalabas na ako ng ospital, magagaling na mga sugat ko pati yung paa ko na naipit sa aksidente. Tulad nga ng sinabi ko, ayun nilibre ko mga kaibigan kong lagi nalang akong binibisita at tinuturuan. Patapos na rin ang taon, sayang mas maaga bakasyon ng mga kaibigan ko, habang ako kumukuha ng remedial. Wahahaha. Oks na rin, buti sila maayos kalagayan. Awa ng Diyos talaga buhay pa ako, yey :)) Ginalingan ko nalang ung mga remedial classes ko. Buti nalang mabilis akong makapag-cope up sa studies ko. Matalino eh. :>(Haha, yabang! xD) Sa wakas natapos ko rin at bakasyon na!

 

Nung bakasyon, nagtravel-travel kami sa iba-ibang lugar sa Pilipinas as we usually do every year. Pumunta din kami ng Korea para maglibot at bisitahin yung pamilya sa side ni Daddy. Bumili din kami ng mga bagong damit, ang daming magaganda, nakakalula.

 

Matapos ang aming bakasyon sa Korea, bumalik na kami ng Pilipinas. Nanlula kami sa dami ng tao sa Incheon Airport. Kasi naman pala, kakabalik lang ng EXO-K sa Korea mula sa concert nila sa ibang bansa. Mga fans nga naman oh! Isa na ako dun. HIHI. Gusto ko sana lumapit kaso baka daw mawala ako pag lumayo pa ako sabi ni Kuya. KJ talaga nung mokong yun. Pero lab ko yun. :) Sa sobrang dami ng tao, buti nga hindi ako lumayo kasi kahit kami naiipit kami. Pero ayos lang. Suddenly bigla nalang ako nakabangga ng tao. "Mianhe (sorry)" sabi ko at sabi niya. Nahulog yung hawak kong sumbrero. Sabay naming pinulot at nagkatinginan kami. Eye to eye. Grabe talaga. Si Suho pala yun o_o Kim Jun Myeon my labs. Nginitian niya ako na parang isang anghel na hulog ng langit, sobrang puti at napakagwapong nilalang. Ang pinakacrush ko sa EXO-K. Sinabi niya ulit sa akin "Mianhe" at nakatunganga lang ako nakatitig sa kanya. Inabot niya sa akin yung sumbrero ko. "Will you please sign my beret? I'm really a big fan of you, Kim Jun Myeon" (sinabi ko sa Korean). "Ne~ (Sure!)". Kinuha niya yung marker sa bag niya at pinirmahan yung sumbrero ko. Ang gwapo talaga niya. Iniabot na niya sa akin at sinabi kong "Kamsahamnida Kim Jun Myeon!~ (Thank you Kim Jun Myeon!)" at dumeretso na siya paalis.

 

Kinakalabit ako ni Kuya, di kasi ako umaalis sa pwesto ko at nakatitig lang ako sa sumbrero ko at nakangiti. "Huy Monic, mukha kang ewan diyan. Anong meron sa bago mong beret at tinititigan mo yan nang husto? Nakangiti ka pa at tumatawa para kang baliw diyan! HUY!" Aysus. Nagulat ako sa pangalawang "Huy!" ni Kuya. Jusko naman. "Tara na, tumayo ka na jan at nandyan na yung plane natin!" "Oo na sige, teka lang kalma!" Aish. Nananaginip nang gising. Hindi naman talaga dagsa ng mga fangirls ung airport, at wala rin dun yung EXO-K, at wala rin dun si Suho my labs. Lahat iyon ay kathang-isip lamang habang nakaupo ako sa may waiting area, nakatitig sa sumbrero ko. At ayun, tumayo na ako, sinuot ko ang sumbrero ko, kinuha ang mga gamit ko at umalis na sa kinauupuan ko. Pauwi na kami ng Pilipinas~...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ilabya7 #1
interesting~
JeonHyejeong
#2
Chapter 1: chuwerte ni gull