Chapter 2

60 Seconds

CHAPTER 2

 

MIMO’S POV

 

Nakatingin parin kami sa isa’t isa nang mapansin ko ding natunaw na pala ice cream niya. lol. Pero.. Ganto pala feeling ng love at first sight? Ay landi. Haha. chos lang, like lang to. ;)

 

Nakita kong dahan-dahang nagkaroon ng ngiti sa mga labi niya. Ngumiti din ako.

 

“A-ah, hi.” sabi nung nahihiyang sabi nung nakangiting lalaki. Napapakamot siya sa ulo niya pero andun padin yung nakakahimatay na titig niya ;A; Alam niyo yun? May charisma siya! Pati yung boses, ang lakas ng impact! Ang cute niyaaa :3

 

“Hello.” :) sumagot din ako, ningitian ko din siya. Nahihiya din ako T_T

 

“A-ahh.. 60 seconds maybe, I think, is enough to tell my feelings right now. You caught my eye and then it seems like you already entered my heart.” biglang seryosong sabi nung lalaki

 

Hindi naman siya mukhang delikado, in fact, maamo ang mukha niya. Cool siya tignan. :’>

 

Huminga siya ng malalim.

 

“Nga pala, my name is Woohyun. Ikaw, ano name mo?” Ah so Woohyun pala name niya.. cute!!

 

“Mimoline. Pero just call me Mimo. Ay siya nga pala. Siya si Jiae.” pakilala ko sa kanya. Pinakilala ko na din si Jiae. Mukhang hindi mapakali sa pwesto niya eh. Mukhang pigil na pigil ng kilig samin. -_-

 

Babatiin niya na sana kami nang may dalawang lumapit sa kanyang lalaki. Dumagdag sa init ng araw mga looks nila! Ang gagwapo. T_T

 

“Oh andito na pala kayo? Ay Mimo, ito sina Yeol at Hoya. Mga kaibigan ko.” :)

 

Yeol? Aw. Naalala ko tuloy childhood bestfriend ko. Sungyeol name niya pero Yeol tawag ko sa kanya. Nasan na kaya siya.. Sa kanya ko din naranasan ang first love. Puppy love lang naman kaya nothing that serious. One day, naglalaro kami sa bakuran nila. Naghahabulan kami, dahil sa pagkahyper ko nun at ayaw kong mahabol niya ako, tinulak ko siya. Napalakas tulak ko at natisod siya sa malaking bato. Natamaan yung ulo niya hanggang sa kailangan niya isugod sa ospital. Yung mommy niya hindi na uli ako pinabalik dun, pinaghihiwalay kami. Delikado daw kasi ako kasama. Hindi ko naman sinasadya eh. :( Namimiss ko na si Yeol. :( Pilit ko nalang kinakalimutan yung nangyaring yun, tutal nung 8 years old palang din ako nun.

 

“A-ah, hello! Ay siya nga pala, sige mauna na kami at malelate na kami!” sabi ko sabay aya kay Jiae. Mejo masama kutob ko eh..

 

“Teka! Di mo pa sila pinapakilala samin!” sabi nung Hoya kay Woohyun. Nyaaaa late na kami eeeeh.

 

“Pakilala mo nalang kami Woohyun, nagmamadali na kami eh. Sensya na!” sabi ko sabay talikod na

 

“Teka! Gusto niyo magkape mamaya? Treat namin.” Woohyun

 

“Eyy pre anong NAMIN? Baka treat MO?” Yeol

 

“Mukhang may dadagdag sa kapeholic kong kaibigan ah.” bulong sakin ni Jiae

 

“Ah sige mamaya nalang. Malelate na talaga kami eh.” sabi ko

 

“Sige, dun sa coffee shop na yun, 5:00 pwede?” Woohyun

 

Bat parang close agad kami? XD

 

“Sige try namin.” Jiae

 

Himala biglang nagsalita to. wahaha. Tahimik kasi to sa iba. Close na din? XDD

 

“Bye!” kaway ko sa kanila. Kumaway din naman sila.




 

“Tindi ng charisma mo girl. Nakita mo yung ice cream niya? Tunaw! Hahaha! Pati yung mata niya nanlaki tas napanganga pa! Nako nako hahaha!” Jiae

 

“Tahimik nga. Haha. Pero nakakatuwa kasi hindi siya mahirap kausapin. Alam mo yun? Parang open agad ako sa kanya?” sabi ko

 

“Di nga best? Baka maging inspired ka na sa kanya ah! At ang inspiration pag lumago, alam mo na! XD” Jiae

 

“Baliw! Punta na tayo sa canteen. Gutom na ko!”

 

At pumunta na kami sa canteen. XD


 

*end of school*

 

“Oy best! Dun na tayo sa coffee shop!” sabi ko kay Jiae

 

“Asus! Excited ka naman?” Jiae

 

Nandito na kami sa malapit sa coffee shop, kung saan kami unang nagkita ni Woohyun kanina. Mga five minutes lang nakaraan nang dumating na sila. Sila padin, si Woohyun, Yeol, Hoya. Umorder na din si Woohyun. Mocha frappe para kay Hoya, Woohyun, Jiae. Espresso naman para samin ni Yeol.

 

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Kakaiba talaga e, parang close na close kaming lahat. Parang matagal na kaming magkakabarkada na ngayon lang nagkasama sama dahil sa dami ng kwento namin. Grabe XD Pati nga tong si Jiae dumadaldal na eh. =))

 

“So.. Hiwalay hiwalay na tayo ng landas?” Woohyun

 

“Ay oo pre, kailangan pa natin magpractice no!” Hoya

 

“Teka nga pala, sa tagal nating nagkwentuhan dito hindi ko pa alam mga pangalan niyo! Ano ba names niyo? XD” Yeol

 

“Ah, siya si Jiae, ako si Mimo. :)” sabi ko.

 

Napatigil naman si Yeol, napanganga pa nga eh.

 

“Oh bakit parang gulat na gulat ka?” lumingon ako sa likod, baka may something na nakakagulat eh. o.o

 

“Ah.. Wala lang. Haha! Osha sge, punta na kami sa practice! :)” Yeol

 

At umalis na sila. Si Yeol parang nag iisip padin. o.o hindi kaya siya yung dating Yeol na kilala ko? Pero hindi.. pinaglayo talaga kami nun eh..



 

“Uy best! Punta tayo sa record bar, tignan natin kung may bagong labas na album! Balita ko may bagong labas CNBlue eh!” Jiae

 

“Ay oo! Sge tara tara bilissss!”

 

“Punta ka ba sa concert nila?” Jiae

 

“Di ko pa sure, wala akong kaching eh.” sabi ko


 

“Good afternoon mam! Ano pong hanap niyo?” bati nung saleslady samin.

Sa totoo lang ito dahilan kung bat ayoko pumunta sa mga stores mag isa eh. Hindi ko kasi alam isasagot ko lalo pag magwiwindow shopping lang ako. Haha!

 

“Ahh mga KPOP album po?” Jiae. Alam niya din kasi sikreto ko sa mga saleslady. HAHAH XD

 

Tinuro na samin nung saleslady yung mga kpop albums. May mga bagong labas sila, pero kunti lang. Mas prefer ko padin talaga magonline shopping! XDD

 

“Uy alam mo ba. Alam mo ba yung Woollim Entertainment? Maglalabas daw sila ng 7-member boy group! May mga teasers na nga eh, pero hindi pinapakita pa yung mga mukha. May mga teaser din ng sayaw nila, ng music. Maiinlove ka promise! Pakita ko sayo pag-uwi!” Jiae

 

(an: hindi pa nag-eexist Infinite sa story na to ah. xD mga ordinaryong tao palang sila. ;D)

 

“Nyeee? Bat di ko alam yan? Pakita mo ah! Sana hindi naman makasira sa bias list ko! XD” sabi ko

 

“Nako, hindi malayong hindi masisira yan!” Jiae

 

“Loyal ako kay Youngmin nu!” sabi ko

 

“Hahaha! Ako din naman eh, kay Minwoo <33”


 

Nakauwi na ko sa bahay, pinakita din sakin ni Jiae yung sinasabi niyang bagong group. Grabe, D-A-E-B-A-K. Pero love ko padin Boyfriend. :”>

 

“Mimo, may regalo ka na sakin?” tanong ni Kuya Suho.

 

Ay onga no! Wala pa kong regalo kay kuyaaa. birthday pa naman niya sa Sabado!

 

“Ahh wala pa kuya eh. Intay intay ka nalang! Sorry kuya!” at hinug ko si kuya. hahaha. bait kaya nito. :3

 

“Basta alam mo na ah? iPhone. Kahit anong iPhone! Mapa1,2,3,4,5!” Kuya Suho

 

“Che, san naman ako kukuha ng pera noh? Enge pera bili nalang kita regalo!”

 

“Edi ako nalang bibili para sa sarili ko! hahahha! Kotongan kita jan eh.” sabay pisil niya sa pisngi ko

 

“Aray naman.” sabi ko. hahahah. pero hindi naman talaga masakit. XDDD

 

“Akyat na ko kuya! Babush!!”


 

What to do what to doooo..

 

*tut*

1 message received: Jiaeee

 

Bruhaaa! Nagwawala ako dito!! Tignan mo fb mo! Bilis!!

 

Reply: Oy baket ano nangyayari?! To na to na :O


 

Nagonline na ko sa facebook. May friend request, message galing kay Jiae, may noti din. message muna. :p

 

Jiae: OYYY MAG ONLINE KAAA DI KO NA KERIII

 

Ako: Oy baket ba kasi?!

 

Jiae: PANUORIN MO TOOOOO

 

Ako: Ano ba yan?

 

Jiae: Naglabas uli bagong teaser, nagpakita na yung isang member!! Sungjong name!! Waaaaah!

 

Ako: AKALA KO NAMAN KUNG ANO BRUHA KAAA WAHAHAHA Sge tititgnan ko!


 

Ako: CRUSH KO NA SIYAAAA WAAAAH! ANG CUTE NIYAAA!! Feeling ko siya maknae? Mukhang bata pa itsura eh!!

 

Jiae: Parehas tayo! Feeling ko din maknae to! Ang cute waaah~


 

Tinignan ko muna yung friend request.

 

Na Mu - Accept/Ignore

sno to. HAHAHA. Inaccept ko nalang.

 

Noti naman. :3

 

ASDFGHJKL Puro game requests. -___-


 

Rereplyan ko na si Jiae.

 

Ako: Hindi tuloy ako makapaghintay lumabas yung ibaaaa



*log out

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet