Pinale.

→BFF┊↷ [ Pearl of the East Story Telling *^* ]

 

Nagka giyera sa bayan ng mga maharlika, malamang makakarinig ka ng putukan everywhere. Pero may tatlong magkakaibigan. Si Lee Beog, Soo Man at Jae Sang. "Lee Beog! Natatakot na ako, napatay na nila ang mga magulang ko, ayoko pa mamatay!" sabi ni Soo Man. Binatukan ni Jae Sang si Sooman. "Siraulo ka ba?! Ang alam ko gagawin nila sa mga bata na lalaki tulad natin ay ipapadala sa bayan."

"Ano kaya gagawin dun?" tanong ni Lee Beog. "Malay natin." nagshrug sila. Nagtatago sila sa may box ng tv malapit sa puno. Pero nahuli sila. Nadakip si Sooman, nadakip ng ibang sundalo si Jae Sang at naiwan si Lee Beog. ", pano na yan. Huhuhu, mommy kunin mo na ako!" umiiyak na sabi ni Lee Beog.

Hindi alam kung ano ang mga ginagawa sa mga lalaking bata, pero ginagawa silang trabahador para umasenso ang pamahalaan.

Lumipas ang 25 years..

Naging isang boss si Sooman at nagpatayo ng sariling entertainment company, SM Entertainment kung saan gagawa ng artista at di na papabalikin pagkatapos ng debut. CHAROT. Si Jae Sang naman ay nagiba ng pangalan at siya ay kilala ngayon sa pangalan na Psy. Kilala sya sa buong mundo bilang Oppan Gangnam Style. Ito ay naging world hit. Si Lee Beog naman ay di umasenso, at tumira nalang sa lungga ng mga club.

Sadyang mapagbiro ang tadhana..

"EXO, DI NA YAN BABALIK. F(X) WALA NG FANDOM NAME YAN. SJ, PABALIKIN NYO PERO GANUN PADIN ANG OUTFIT. SNSD, PABALIKIN NYO NG BONGGA. THE GRACE, WAG NA TALAGA PABALIKIN. TVXQ, DALAWA NALANG TALAGA SILA. WALA NA AKONG PERA PANG SWELDO SAKANILA!" Mainit na ulo ni Sooman sinabi nya sa secretary nya.

"Pano yan boss, magwawala ang exotics." sabi ng sekretarya. "HAYAAN MO SILA! BAHALA NA!"

Nalulugi na ang kumpanya, pero may naisip na istrategy si Sooman. Tumawag sya kay Psy. "Hello Psy, Sooman to' pwede ka ba mag cameo sa comeback ng f(x) title ng album nila siguro.. Gentlewoman. Wala pang katiyakan, pero pwede ka bang pumunta dito para ma discuss natin ang mga bagay bagay?" umagree naman si Psy at he will go der later.

Nakarating si Psy sa SMENT para makausap si Sooman. "Pakipirma nalang to, signature over printed name." sabi ng secretary, pagkatapos ng pirmahan napansin ni Sooman..

"Jae Sang.. Park.." tumingin sya kay Psy. "May problema po ba?" tinanong ni Psy. "PARE! AKO TO SI SOOMAN! DI MO NA AKO MAREMEMBER?!!" at yun, nagremenisce sila sa mga bagay bagay pero may kulang.. 

Si Lee Beog.

Pagtapos ng pirmahan.. pinahanap nila si Lee Beog sa parang CSI. At sinabi nito, nagmamay ari ng isang abandunadong disco club house.

Pumasok sila dun.

"Yobosaeyo?" sabi ni Psy. Lumabas isang matanda na parang nalipasan ng panahon. "Sino yan? Sarado na tong club." sabi ng lalaki.

"AHN LEE BEOG. DI MO NA KAMI KILALA?" sabi ni Psy. Natigilan si Kanor.

"HOMAYGAHD! MY BROTHERS!" nagyakapan sila, di naman nila masabi kay Kanor na amoy luya na sya. Naginuman muna sila at nagusap.

Pagkatapos nun..

"Kanor, gusto mo dun nalang tumira sa villa namin?" alok ni Sooman. Tuwa naman si Kanor. "Sige ba!"

"BESTFRIENDS TAYO FOREVER HA!" nagbrotherly hug sila.

-----

wala nang tatalo sa kaibiganang 

kanorpsyman. 

upang makita mo sila..

sali na kayo sa pearl of the east!

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet