The Fiesta!
Bipolar Love (tagalog story)Jeon Chang Min’s POV
--------------
Nasa tapat na kami ng pintuan namin, inutusan ko si Tao na pindutin o i-punch yung mga code ng makapasok na kami. Nag reklamo pa nga dahil daw, kaya ko naman, pero sumunod din naman s’ya eh.
“Ate Yenne, pasensya ka na sa ugali ng Panda nay an ah? Mukha lang halimaw yan, pero mabait yan.” Sabi ko at pinapasok na s’ya sa dorm namin. “Pag pasensyahan mo na din tong dorm naming, MGA TAMAD kasi maglinis yung mga tao dito.” Dag-dag ko pa.
“Nandito na kame!” Sigaw ni Tao, nagulat nanaman sila dahil may bisita kami bihira lang kase kami mag imbita dahil nga, walang maayos na lugar dito sa dorm kung hindi ang kwarto ko lamang. Ang yabang ko eh noh? “Chang, bumili nga kayo ni Tao ng pagkain, hindi naman kase kayo nag sabi na may bisita palang pupunta dito.” Sabi ni kuya Suho. “Eh pano, kanina pa kayo tinatawagan, hindi n’yo sinasagot. Tapos ngaun, uutos-utos kayo samin.” Reklamo namin ni Tao.
“Tama na nga yan, ako nalang sasama kay Chang Min.” Sabi ni Luhan. Nagulat lang kami ni Tao ay mali, kami palang lahat hindi naman ganyan si Luhan, tamad nga yan eh. “Ate Yenne, iwan lang kita dito ah? Bibili lang kami ng dinner natin, pasaway kasi eh, naka-silent lahat ng cellphone nila.” Tumango lang si Ate, kinakabahan pa kong iwan siya dito dahil baka anung kalokohan ang gawin nila.
“Uhm.. Luhan, kaya ko namang bumili mag-isa ng dinner natin pw---“ hindi ko natapos ang sasabihin ko, nag salita na agad si Luhan. “Chang Min, bumabawi lang ako sa’yo.” Sabi n’ya. Hala? Si Luhan ba ito? “Ah. Eh Luhan, nag da-drugs ka ba ngayon?” Yun nalang ang natanong kop. Aynako, Chang Min, sa sobrang speechless mo ba ganyan ang nasasabi mo? Ikaw ata tong naka-drugs eh. “Min, seryoso talaga ako. Gusto kong bumalik yung dating tayo.” Sambit ni Luhan, ano ba yan, pinapahirapan n’ya naman ang sitwasyon eh.
“Mag-usap tayo mamayang 3:00 kung gising ka pa non, hindi ka naman mahilig mag puyat, di’ba?” Sabi ko, kung sinabi mo agad yan Luhan, hindi ko na sana binigyan ng chance si Tao. “Sige.”
LUHAN’S POV
Haynako, Jeon Chang Min manhid ka talaga kahit kalian eh? Pero sige, challenge to. Hindi ko hahayaang mapunta lang sa wala ang halos 4 years kong pag ignore sayo.
It's now or never I think. Nakabili na kami ng pagkain ewan ko ba kasi at manok ang pinili ni Chang Min. Nakarating na kami sa dorm.
“Luhan, Thank You sa pag-sama sakin ha.” Naka-ngiting sabi ni Chang min. Ngumiti lang ako, at binulungan siya ng “Mamayang 3 ha.” Tumango lang siya, sana hindi pa huli ang lahat.
JEON CHANG MIN’S POV
“Ate yenne, kamusta naman ang pag-trato nila sayo dito habang wala ako?” Tanong ko kay ate, baka mamaya may Hinarass nila si Ate Yenne, hndi pa ko handing maging tita! Peace lang.
“Maayos naman nila akong minaltrato. Ay! Este maayos naman ang hospitality ng mga Kuya mo.” Sagot niya. Nahuhuli talaga ang isda sa bibig. “Ate? Hindi ka ba nila hinipnotize? Makaka-uwi ka pa ba ng maayos sainyo? Hindi k---“ Ay! Bastos, nagtatanong eh, sino ba yung pesteng bumatok sakin? Langya. Si Kuya Kris lang pala, jusme naman! “What’s yo’ problem, dude?” sabi kop ng may nakakabanas na tono. “You’re the problem, Missy. Ikaw tong may bisita, ikaw tong walang hospitality.” Sermon n’ya. Mukha bang ako ang walang hospitality? Sabihin n’yo nga sakin, ako ang walang hospitality?!?! You don’t do that to me! Charot.
“Ahm.. Sisingit muna ako sa pag-aaway n’yo ha. Makiki-c.r kasi ado eh, san ba?” Tanong ni Ate Yenne, gaganti ako!
“Ah, Ate, doon oh!” Sabay turo dun sa pinto ng C.R tumingin ako kay Kuya Kris at nag-smirk. Tignan naten kung hindi makita yang mala-fiesta nyong banyo dahil sa dami ng naka-sabit. Mwahahaah! Lahat sila nag panic! Bute nga!
“WA---“
“AHHHHHHHHH!” Sigaw ni Ate Yenne. Yan kasi hindi marunong mag ligpit! Mga Tamad! Ako pa walang Hospitality ah!
To be continued.....
(A/N: hindi ko pa po alam kung kelan ulit ako mag a-update. hihi, pero as much as possible po ita-try ko para sainyo, lovely readers!)
Comments