The Letter(one-shot)

The Letter

 


Napost ko na toh sa Figment.com Tsaka sa Wattpad pero ipopost ko rin dito :)

ONE-SHOT STORY

 pag naka Italized (except sa letter) flashback po... Thank you

Figment is another story-telling site that i have discovered today.. So, to view more of my oneshot stories, click the external link for my figment account. Thank you :D

 

----

 

April 13..

 

Araw namin ngayon ng girlfriend ko, unang anniversary namin ngayon.


Actually, pupuntahan ko nga siya ngayon eh. Bibigay ko sa kanya etong anniversary gift na binili ko.

 

Tinignan ko yung singsing na hawak ko tsaka ngumiti.

 

Hay, napakasarap alalahanin nung mga araw na, una ko palang siyang nakita. Una kaming nagtagpo.

 

Alam niyo, hindi naman ganon kadali yung pinagsamahan namin eh. Hindi rin kami yung "perfect couple"na sinasabi nila. So pano nag-work out yung relationship namin?

 

 

Faith..

 

--

 

"Aray naman Nico, ansakit nun ah!" reklamo niya.


"Eh bat kasi hindi ka umilag?Ayan, natamaan ka tuloy.Tsk" sabi ko ng may halong concern. Naglalaro kasi kami ng volleyball ngayon.

 

Oo, yan ang past-time naming magsyota, volleyball.

 

"Eh tanga ka pala eh!" sabi niya sakin. "malamang sasaluhin ko yan, volleyball to eh"


"Tsk, dapat umilag ka kung di mo kayang saluhin." lumapit ako sa kanya."Halika nga! patingin kung may bukol. Aww, kawawa naman ang baby ko, nagkasugat." sabi ko sabay inakap ko siya. "Sorry na, baby ko. Di na mauulit"

 

Nagpipigil siya ng ngiti. "Ang korni mo, alam mo yun!"

 

Napangiti narin ako. "Kinilig ka naman?"

 

"Hinde ah!"

"Uy.." sinundot ko siya sa tagiliran, kung saan siya may kiliti.

 

"A-ano ba! W-wag diyan! Ahahaha" kiniliti ko siya ng kiniliti. Tumakbo siya palayo sakin, at ang initial reaction ko naman is habulin siya. Naghabulan kami sa court kung saan kami naglalaro. Nung nahabol ko siya, niyakap ko siya.

 

"Huli ka! Hahaha" sabi ko tsaka ko siya tinitigan. 

 

Tumitig rin siya sa akin. Parang nangungusap yung mata niya.

 

"..I love you Nico" sabi niya.

 

"I love you too, Trisha" sabi ko, tapos hinalikan ko yung ilong niya, tsaka ko siya inakap. Wala na akong paki kung mabaho man kami parehas, basta..

 

Mahal ko siya, at mahal niya rin ako..

 

--

 

Maganda naman ang samahan namin ni Trisha.

Hindi perfect pero, nagagawa naming i-work out. Kasi nga, mahal namin yung isa't isa.

 

May time kami sa isa't isa. Andyan rin yung favorite past time namin.. ang Volleyball.

Every monthsary, dinadalhan ko siya sa bahay nila ng Blue Rose.. Oo, blue rose. Favorite niya yan eh. Syempre, hahanapin ko yan para lang sa kanya. Then, dadalhin ko siya sa park , tapos mini-picnic ang gagawin namin.

 

Wala na ata akong mahihiling pa..

 

Sabi nga sa Kanta ni Daniel Padilla " Nasa'yo na ang lahat" ..

 

Maganda, mabait, matalino. Lahat na nga, nasa kanya na..

 

Ang swerte ko noh? Kaya di ko yan pinapakawalan.

 

Maswerte rin naman siya sa akin eh. Bakit? Hindi dahil gwapo ako o ano.. Kasi, Mahal ko siya...

 

 

 

Pero bakit ganoon? sa dinami-dami ng magsyota sa mundo, bakit kami pa? Bat kami pa yung napiling..

 

Saktan

 

Paghiwalayin

 

Pagkalasin..

 

Bakit? Yan yung tanong na bumabagabag sakin gabi-gabi..

 

--

 

Papunta ako ngayon sa bahay nila Trisha. 7th Monthsary kasi namin ngayon..

 

As usual, dala ko ang isang bouquet ng Blue Roses dahil yun ang favorite niya. May dala rin akong isang paperbag ng Cadbury tsaka Hershey. Hala, di kaya masira ngipin ng mahal ko dito? Bahala na.

 

Tapos, nasa paper bag rin yung Monthsary gift ko sa kanya, isang necklace.

 

Sabi kasi, pag daw ika-7th monthsary ng magsyota, magbigay daw ng infinity necklace sa partner mo para tumagal pa kayo, yaan ang sabi sa akin ng nanay ko. Actually, etong bibigay kong necklace is galing pa sa nanay ko. Ibigay ko daw kay trisha. Cool mom huh?

 

Kakatok na sana ako sa pinto nila nung salubungin niya ako. Automatic na lumapad yung ngiti ko pero bigla ring natanggal nung nakita ko yung malungkot niyang mukha..

 

Tinanong ko siya. "Mahal, bakit?"

 

Ngumiti siya ng pili at nakita ko yung luhang nagbabanta sa mata niya. "Ahh, Nico, pwede ba tayong mag-usap?Sandali lang naman to mahal."

 

Hindi ko pinahalata yung gulat at takot ko at sumang-ayon ako. Ayoko namang sirain ang Monthsary namin ngayon. " Sure, mahal. Tungkol saan ba yan?" Masigla ko pa ngang sabi sa kanya.

 

Naglakad kami papunta sa ilalim ng puno na katabi ng bahay nila.

 

Hinarap niya ako. Tsaka ako biglang niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya, ginantihan ko nalang siya ng yakap.

 

"Mahal, ba-bakit?" naguguluhan kong tanong.

 

"Ma-mahal, patawarin mo ako ahh?" narinig kong umiiyak na siya kayakap ako. nararamdaman ko na yung mainit na likido doon sa balikat ko. Natataranta na ako sa mga nangyayari ngayon. Di ko maintindihan.

 

"Sa-sandali, mahal. Wala ka namang ginawang masama ah? Bakit?" naguguluhan kong tanong.

 

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin tapos nakita ko yung itsura niya na basang basa na sa luha. Hindi ko narin mapigilang manggilid luha sa nakita ko kahit hindi ko alam ang nangyayayri. Basta ang alam ko, nasasaktan ang mahal ko.

 

"Ma-mahal, patawarin mo ako. Di ko natupad yung pangako ko sayo." sabi niya habang nagpupunas ng luha. 

 

"Huh? Wala ka namang ginawang kasalanan mahal, anong pangako yan?" naguguluhan kong tanong.

 

"Mahal, aalis na kami bukas, magmimigrate na kami sa Korea.. Mahal, di ko natupad yung pangako ko sayong habangbuhay tayo.. patawarin mo ako mahal!" Bigla siyang yumakap sa akin ulit at nagpatuloy ang hagulgol niya.

 

Maging ako ay natulala sa nangyayari at sinabi niya.. Parang biglang nagunaw lahat.

 

Yung purpose kong mabuhay..

 

Wala na...

 

Tapos na ang lahat.

 

Nanatili kaming magkayakap sa ilalim nang puno na iyon. Parehas umiiyak dahil sa mangyayari. Pero, kailangan magpakatatag eh. Kumalas ako sa kanya tapos hinarap siya.Patuloy na umaagos ang luha naming dalawa pero ngumiti ako ng mapait sa kanya.

 

"Mahal, tandaan mo ah.. Mahal kita. Ku-kung pwede... Susundan kita doon okay?" tapos inakap ko ulit siya. "Mahal, tandaan mo, Kahit anong mangyari... Ikaw lang ang Trisha sa buhay ko. Ok?"

 

Tumango siya tsaka ngumiti rin.

 

"I love you Nico, ikaw lang.. Hinding hindi ako lilingon doon." sabi niya sabay ngumiti siya kahit umiiyak na.

 

"Ikaw rin, mahal kita. Hindi rin ako lilingon sa iba.. Promise" sabi ko sabay ngiti. 

 

 

Then, hinalikan niya ako , tas tumugon naman ako.

 

--

 

Sabi ko nga, Anniversary namin ngayon.. So, dadalhan ko siya ng regalo.

 

Pero bago yun, nagpuntamuna ako sa kwarto, tapos nilabas ko yung kahon na matagal niya nang binigay sa akin.

 

Naglalaman yun ng mga bagay na.... binigay ko sa kanya, as gifts. Monthsary gifts ko. 

 

Binalik niya kasi ulit lahat ng binigay ko sa kanya nung araw na umalis sila...

 

Binuklat ko yun, nakita ko lahat ng Letters, bracelets. Di kasi ako nagbibigay ng Bears na stuffed toys, allergic kasi siya dun eh.

 

Naghalungkat pa ako at nakita ko yung infinity necklace.. Kinuha ko yun.

 

Habang dinadampot ko yun, nag-umpisa nang pumatak yung luha ko. Naalala ko nanaman yung araw na umalis siya..

 

 

Marahan akong natawa tsaka ko tinago lahat ulit sa box. Isasama ko to pagpunta ko sa kanya, ibabalik ko to sa kanya, kasi sa kanya naman talaga to eh.

 

So, umalis na ako ng bahay para puntahan siya.

Pero, huminto muna ako sa flower shop para Bumili ng Blue Roses na paborito talaga niya.

 

Pagkabili ko, pumunta na agad ako sa kinaroroonan niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa kinahihimlayan niya..

 

Andito ako ngayon sa puntod niya sa National Cementery..

Oo, ang babaeng pinakamamahal ko..

 

Wala na..

 

Hindi sila nakaabot sa airport nung papaalis na sila dahil sa kasamaang palad, nabundol ng isang truck ang sinasakyan nilang Van.

Sadly, walang nakaligtas ni isa sa pamilya niya.

 

Nung narinig ko yun, parang gumuho yung mundo ko, tatlong linggo akong di lumabas ng bahay, nawala narin yung mga kaibigan ko.

Lahat na nawala, nawalan na ako ng will na mabuhay.

 

 

Buti nalang, nung kinomfort ako ng mama ko, bumalik na lahat.

Natanggap ko na.

 

 

Nung panahon rin na yun, may binigay ang mama ko sakin. Sabi niya, wag ko daw bubuksan hanggang sa anniversary namin ni Trisha. Sinunod ko naman yun bilang respeto.

 

At ngayong dumalaw ako sa puntod niya ngayong anniversary namin, malalaman ko na ang laman nun.

 

Nilapag ko yung bulaklak malapit sa lapida niya.

 

"Mahal, kamusta?" Sabi ko... Di ko na napigilan, umiyak narin ako.

 

"Mahal, miss na kita.." sabi ko habang hinihipo yung malamig na lapida na nakasulat yung pangalan ng mahal ko. 

 

"Mahal, all this time.. Ikaw parin ang mahal ko. Wa-walang ibang pumalit, mahal. Ikaw lang.." hikbi ko habang pinagmamasdan yung mga nakaukit sa lapida.

 

Matagal rin akong natahimik, tsaka ko naalala yung sulat..

 

Binuksan ko ba yun,

 

 

 

 

Dear Nico,

 

                            Mahal! Alam mo ba? Mamimiss kita ng sobra-sobra! Babalitaan kita sa lahat ng mangyayari sakin dito sa Korea. Mahal, alam mo naman Facebook tsaka twitter ko diba? Dun tayo mag-usap palagi. Mahal pag-cellphone eh hehehe. Pwede mo rin akong i-message. Tapos, pwede rin na once a week, mag skype tayo! Andami palang ways na pwede eh, pwede tayong magkita!Kahit online lang, diba?

 

                       Mahal, alam mo ba kung bat ako napasulat?Kasi kagabi mahal.. Nanaginip ako. mabubungo daw kami!? Nakakatakot! Di ko nalang sinabi kila mama kase alam kong kabaliktaran ng panaginip ang nangyayari sa totoong buhay diba?

 

                       Pero mahal, kung sakaling mangyari man yoon, mahal.. May hihilingin sana ako. 

                      Pwede mo ba akong sundan dun mahal? Nang pag nawala na ako, magkasama parin tayo..

 

                     Alam kong selfish act yun mahal, pero, ewan ko rin. Hindi ko siguro makakaya kung mawawala ka, kahit sa kabilang buhay na. Atleast, pag di tayo nagkasama sa Korea, dun sa heaven, pwede naman diba? ^___^

 

                     Mahal, hanggang dito nalang. Tamad kasi akong gumawa ng letter eh hehehe. Sorry ^__^v Basta mahal, ang tandaan mo, i love you! Mahal na mahal kita Nico! Ikaw lang ang nag-iisang mahal ko sa buhay! I LOVE YOUUUUUU! MWUAAAA!

 

                                                                                                                                                                                                          Nagmamahal,

                                                                                                                                                                                                                                 Trisha.

P.S. - I asked tita na ibigay to sa 1st anniversary natin para masurprise ka! Yahoo! I LOVE YOU NICOLO PONCE! From Trisha Gozun! <3

 

 

 

Hindi ko namalayan na basa na pala yung papel ng luha ko..

Grabe, parang nung binasa ko yung sulat, bumalik lahat sa akin, parang kahapon lang.

 

Tinignan ko ulit yung lapida niya.

 

"Trisha, ma-mahal kita... Ikaw lang" sabi ko habang nakangiti ng masaya, kahit umiiyak na.

 

 

 

 

"At wag kang mag-alala.....

 

 

 

 

Susundan kita diyan, magkikita na tayo mahal ko"

 

___

 

Wooh, salamat po sa pagbabasa! Thank you very much!

-Gray

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mambokinoki
#1
ate...sana sa chapter mu nilagay ndi sa description, its much better, but the story would be lot good to read in if its post in the right box... just a suggestion...