18th Rose: One Last Song

18th Rose: One Last Song

 

 

April 29, 1995, the day when I was born.

 

Hindi ko akalaing 18 years na ang lumipas simula nung araw na yun.

 

At ngayon, April 29, 2013, the day of my Debut

the day when I will be 18 . . . . .

the day when i'm going to reach the right age . . . . .

the day where I planned to tell him the truth . . . . .

 

 

 

 

Okay. Enough. Enough. Birthday na birthday ko ngayon pero ang drama ko.

Eh kasi naman, naiinip na 'ko. Kanina pa 'ko nandito sa kwarto. Ang tagal naman nila akong tawagin.

Okay na naman ah. Ready na 'ko. Ayos na din ung make-up ko. Ano pa bang hinihintay?

 

 

Biglang may kumatok at nagbukas sa pinto

"Kim, let's go."

Si daddy pala. 

Well, IT'S TIME TO SHINE :D

 

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos ang sarili tapos lumabas na 'ko sa kwarto.

Lumapit ako kay daddy tapos humawak ako sa braso niya.

 

 

We're now walking towards the stairs. Excited ako but at the same time, kinakabahan din. Paano kung hindi maging maganda ung result ng plano ko?

 

 

Biglang nag-stop si daddy sa paglalakad kaya napatigil din ako at tumingin sa kanya.

"Kim, this is your night. So smile."

Hindi ko napansin na ang lungkot pala ng itsura. Pero not really malungkot. Worried face lang.

Tama si daddy. This is my night. Mamaya ko na iisipin yung about sa plano ko.

Sa ngayon, i'll just enjoy the party. Sooo, SMILE~ :DDDD

 

 

 

 

"Ladies and Gentlemen, let's all welcome, the Debutante, Ms. Kimberly De la Vega."

** Entrance Song: Beautiful in my Eyes - Joshua Kadison **

[http://www.youtube.com/watch?v=i8lR_sYTSlA]

 


Ahhh, kaya pala tumigil si daddy sa paglakad kanina dahil may introduction effect pa.

 

 

 

As we go downstairs, kitang-kita ko lahat ng bisita.

Lahat sila nakangiting pumapalakpak.

Lahat sila nakatingin sakin.

Yung mga staffs, mga relatives ko, family friends, mga college and highschool friends ko, mga BFFs ko pati ung mga ibang bisita.

.

.

.

Pero wait, may napapansin ako.

Bakit si daddy ang kasama ko ngayon at nag-aalalay sakin?

Nasa'n ung ko? Nasa'n si Oliver?

Hindi pwedeng wala siya dito.

He's my and he's my 18th rose . . . . . . . . 

. . . . . . . . tsaka, pa'no na ung plano ko???

 

 

 

Nung mismong  nasa baba na kami, tinanong ko si daddy 

"Dad, where's Oliver?"

"May biglaang meeting daw siya. He said he can't make it today."

 

Whaaaaat?! Hindi siya makaka-attend? Bakit ngayon pa natapat yang meeting na yan?

 

Na-disappoint ako. Akala ko magiging masaya at memorable 'tong gabing to pero hindi pala.

Ngayon ko pa naman sana balak sabihin sa kanya ang lahat.

Yung matagal ko ng nararamdaman para sa kanya. 

Pero pa'no ko naman gagawin yun kung wala naman siya dito?

 

 

Oliver is my childhood friend and he's my first love. Magkakilala na kami since I was 3 and he's 5. Kahit 2 years ang tanda niya sakin, close kami sa isa't-isa. Pero dati un, nung mga bata pa kami. Kasi habang lumalaki kami, nalalayo na rin ung loob namin sa isa't-isa. Kesyo busy sa pag-aaral, busy sa ganito, busy sa ganyan hanggang sa madalang na lang kami magkita. Siguro twice a year na lang kung magkita kami. Sobrang dalang noh? Kaya ayun, medyo naging awkward. Pero nag-uusap pa rin naman kami, yun nga lang hindi na tulad ng dati na tipong lahat ng bagay tungkol sa isa't-isa alam namin. 

Pero hindi ko naman talaga siya gusto agad nun eh. To tell you the truth, ang panget niya dati. SOBRA.  Ewan ko ba dyan sa lalaking yan, taon-taon nag-eevolve. Pagwapo ng pagwapo. Nalaman ko lang na gusto ko na siya simula nung madalang na kaming magkita. Kasi naman eh, namimiss ko siya. Lagi ko siyang hinahanap tapos hindi rin ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Oh diba? Signs yun ng CRUSH or INFATUATION or maybe LOVE. Ay nako, ewan. Basta gusto ko siya. TAPOS. Na-feel ko ata ung mga signs na un nung grade 4 ako. I can't remember exactly, basta elementary ako.

 

 

Well, siguro nga mas importante kesa sakin ung meeting na yun kaya nagawa niyang hindi umattend sa special day ko.

Hindi ko rin naman siya masisi. Matagal niya ng pangarap ang maging architect. Tapos siya ng BS Architecture sa UP. At ngayon, part na siya ng isang construction company. I heard from his mom na may new project sila ngayon. Yun siguro ung pinagmi-meetingan nila.

 

Enough for story telling. I'm here to celebrate my 18th birthday. Not to be a story teller.

 

 

Pagkarinig na pagkarinig ko ng 'he can't make it today', unti-unting nawala ung ngiti sa mukha ko.

Paano pa 'ko ngingiti eh kung wala naman dito ung dahilan ng party na to?

 

Eh kasi, months ago nagrequest ako kay daddy na gusto kong magkaroon ng bonggang debut kasi nga gusto ko na sa mismong 18th birthday ko ako aamin sa kanya.

Sabi kasi nila daddy na pag naging 18 na 'ko, pwede na akong magka-boyfriend. And i'm just taking the risk na umamin. Kasi malay mo, after nitong party na 'to, may boyfriend na 'ko.

Pero pa'no nga mangayayari yun kung WALA NGA SIYA DITO. Paulit-ulit na lang.

 

 

 

Pero sabi nga nila, 'The show must go on.'

So tuloy lang ang party. Yun nga lang, BORING na.

Nawalan na ako ng gana. Walang Excitement. Walang Enjoyment. Emotionless.

 

Hindi na lang ako masyadong nagpahalata na wala na ko sa mood ituloy ung party.

Sayang naman ung ginastos nila para dito.

Kaya ayun, fake smile dito, fake smile doon. Para kunwari masaya ako. Pero deep inside, gusto ko ng umuwi :(

 

 

 

 

Start na nung mga 18 churvalooo.

 

First, 18 one thousand. Imbes na 18 gifts, 18 one thousand na lang ung ni-request ko para may pera rin ako. Kasi baka hindi ko rin magustuhan ung ireregalo nila sakin eh. Kaya cash na lang.

Isa-isang lumapit yung mga ninang and ninong ko pati mga tito at tita ko na kasali sa 18 one thousand. Konting message and  wish muna para sakin tapos sabay abot ng sobreng may laman na 1 thousand. Dahil 18 sila, may 18 thousand ako. Ang laki na rin nun noh :)

 

 

Second, 18 candles. I love this part kasi mga friends ko na ang magbibigay ng message sakin.

Tumayo na ung mga friends ko na kasali sa 18 candles. Magkakatabi silang nakatayo sa gilid ko at may mga hawak na isang kandilang may sindi. Binigay ung mic sa unang magsasalita tapos sunod sunod na yun. Pasa pasa ung mic.

Sa part na 'to, habang pinakikinggan ko ung mga messages nila, sandaling nawala sa isip ko si Oliver. Nakalimutan kong wala siya dito sa party ko. Sa sandaling 'to, totoong saya ung nararamdaman ko.

Natutuwa slash natatawa kasi ako sa mga kaibigan kong to. Ang hahaba ng mga messages nila for me. Mala-nobela sa haba eh. Yung iba may papel pa na hawak at binabasa ung message. Baka daw kasi may makalimutan sila kaya sinulat nila. At ito pa, sila pa ung naiyak imbes na ako. Diba dapat ako ung umiiyak? Yung iba naman may mga pasabog pa. Nag-prepare ng Video Presentation. Bongga!

"hoy friend, wag kang magbabago ah. Stay baliw forever :)"

"Thank you Kim sa lahat. Tsaka sorry rin sa lahat haha"

"Ang ganda ganda mo talaga Kim ngayon. Ngayon lang naman."

"I love you Kim. Best friends forever ah."

Yan yung mga samples ng mga messages nila. Kahit pa-joke ang dating, alam kong seryoso at totoo ung mga sinabi nila.

Sa totoo lang, kanina pa talaga ako naiiyak eh. Hindi pa sila nagsasalita naiiyak na ko. Cry baby kasi ako. Madali akong umiyak. Pero dahil nga 18 na 'ko at tunay na dalaga na, pinigilan kong tumulo ung mga luha ko, for the sake of my image. Haha joke lang. Pero na-touch talaga ako sa mga baliw na kaibigan kong to. Kahit na araw-araw kaming nag-aasaran at nagsasakitan, mahal ko yang mga yan. At alam kong mga TRUE FRIENDS talaga sila.

 

ANG DRAMA KO NA NAMAN !!!!

 

 

 

 

Ito na pala ung pang last, the 18 roses.

Mukhang mapapahiya ako sa dulo ah. 

Kasi naman wala sa Oliver. (ulit na naman?!) Siya pa naman ung pang-last rose ko.

Hayy nako, bahala na nga.

.

.

Tumugtog na ung first song.

'Dance with my father' yung kanta. Si daddy kasi ang 1st rose ko.

.

Kalahati lang ng kanta ung na-consume tapos pinasa na 'ko sa iba. Ang bad! Joke :)

 

2nd rose . . .

 

3rd rose . . .

 

4th rose . . .

 

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 

 

17th rose . . .

Halaaa. Malapit na ung pang 18th rose. Anong gagawin ko?!!!

 

Biglang nag-iba ung kanta. Naging 'The Gift' na.

Ito kasi ung kantang nirequest ko para sa pang 18th rose na sayaw.

 

Umalis na yung partner ko na nagbigay ng pang 17th rose.

Naiwan akong mag-isa sa gitna. Pero wala pa ung substitute na pang 18th rose.

Nasa gitna lang ako hawak ung 17 roses na isa-isa nilang binigay sakin kanina.

Hindi ko alam gagawin ko.

Tapos na ba? O may pang 18 pa?

 

Nasa chorus na ng 'The Gift' pero wala pa rin naman lumalapit sakin na magbibigay ng pang 18th rose. Nagmumukha na kong tanga dun sa gitna.

Babalik na sana ako sa upuan ko ng biglang huminto ung tugtog kaya napahinto din tuloy ako sa paglalakad.

Then bigla na namang may nag-play na kanta.

** Now Playing: One Last Song - A1 **

[http://www.youtube.com/watch?v=9LigdI-Kg-k]

'One Last Song?' Bakit yun? Wala akong nirequest na ganyang kanta.

Pagkatugtog na pagkatugtog na kanta, biglang naghiyawan ung mga tao.

Lumingon ako sa mga bisita, nakita ko ung mga friends ko naging wild tapos may tinuturo sila dun sa may likod ng mini stage sa harap kung saan sana ako papunta kaya tumingin ako dun.

O_O 

Nagulat ako, nandun si Oliver. Nakangiti at nakatingin sa kin. At unti-unti siyang lumalapit.

Pero diba may meeting sila?

 

[a/n: ** means ung lyrics ng kanta.]

** Take my hand

Nasa harap ko na siya. Nilagay niya ang kaliwang kamay ko sa kanang balikat niya.

** touch my face

At hinawakan naman ng kanang kamay niya ung kaliwang kamay ko.

** Let me feel your embrace

Yung kaliwang kamay niya nasa bewang ko.

And right at that moment, sumasayaw na kami.

** let me see in your eyes

Nakatingin lang ako sa kanya, at ganun din siya sakin. Ewan ko pero para akong naging mannequin na sumusunod lang kung san igalaw ung katawan ko.

** that you won't say goodbye

Ngumite siya sakin. Ako naman, wala pa rin reaksyon.

Totoo ba to? O baka nananaginip lang ako?

** just tell me how you feel

Parang wala ng ibang tao sa paligid namin eh. Siya lang kasi ung nakikita ko at tanging ung kanta na lang ung naririnig ko. Wala boses ng kung sino mang mga tao.

** I don't know what you're thinking anymore

Then he pull me closer to him.

** And if you need me, you'd kiss me
Then tell me how you feel
And if you want me, you'd show me
That your love is for real
And if you love me
You'd hold me in your arms where I belong
So while I'm feeling strong
I sing you one last song

Nagulat ako ng bigla niyang punasan ung pisngi ko.

Dun ko lang napansin na tumutulo na pala ung luha ko.

Napayuko ako pero inangat niya ulit ung ulo ko at tinignan niya ako sa mata.

"Why are you crying? Masisira ung make-up mo."

Pero walang sagot na lumabas sa bibig ko. Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko.

At tuloy lang din kami sa pagsayaw.

** Let me ask time has passed
Do you feel this could last
If you don't, why then stay
Take your wings, fly away

This time, sinabayan niya na ung kanta.

** "I love you way too much
To wanna be the one who brings you down

And if you need me, you'd kiss me
Then tell me how you feel
And if you want me, you'd show me
That your love is for real
And if you love me
You'd hold me in your arms where I belong
So while I'm feeling strong
I sing you one last song"

"Kim, kilala na natin ang isa't-isa simula nung mga bata pa tayo. At hindi ko akalaing mamahalin kita ng ganito. It's been 9 years, 9 years simula nung mahalin kita. Nagawa kong maghintay sayo sa loob ng siyam na taon. Ang tagal kong hinintay na dumating tong araw na to, na masabi ko sayo ang lahat. At alam kong ganun ka din. Matagal ko ng alam ang totoo Kim. 'Wag kang mag-alala, alam na to lahat ng parents mo. Planado na lahat to simula pa kanina. So, Ms. Kimberly De la Vega, will you be my girl?"  

** And if you need me, you'd kiss me
Then tell me how you feel
And if you want me, you'd show me
That your love is for real  

Nagulat ako sa lahat ng sinabi ni Oliver.  

** And if you love me
You'd hold me in your arms where I belong

Gusto niya rin pala ako? Eh anong 'pang hinihintay ko? 

** Swhile I'm feeling strong    

"YES"

** I sing you one last song

Pagkasabi nung word na yun, bigla niya akong niyakap.  

Narinig ko nagpalakpakan at hiyawan ulit ung mga bisita.  

At sa harap ng maraming tao, he kissed me,        

 

 

 

sa Lips.

 

 

"Happy Birthday Kim. I love you."

"I love you too Oliver. This is the best birthday celebration I ever had. And this is the BEST gift I ever received." 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan tapos na siya :) Maganda ba? Hahha, inspired eh. Joke lang :D 
COMMENT AND VOTE ^__^ 


Pagpasensyahan niyo na lang din kung may mga wrong grammar ah. Paki-correct na lang hahah :D 

Thanks :) 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
haylin18 #1
Chapter 1: hehehe ang ganda ng lovestory nyo.