Sulat nina Tatay at Nanay sa Atin
Sulat nina Tatay at Nanay sa AtinSa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o
nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinasabi mo o pakisulat na lang.
Pasensya ka na, Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pag tiyagaan mo sana akong
tulungan tumayo, katuladng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral
ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. huwag mo sana akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa
ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, akoý masungit, dala na
marahil ito ng katandaan, Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit
sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong mag-isa.
Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na
sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alm kong hindi
ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata
ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal
mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na akoý magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
pagpasensyahan mo sana kung ako man ay maihi o madumi sa
higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng
loob na harapin ang aking kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na
lumikha, ibubulong ko sa Knaya na pagpalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina ...
Base on the Story of
Fr. Ariel F. Robles
Credits too:
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
Comments