5000 miles away from him

5000 miles away from him

 

 
ASHLEY'S POV
 
"ashleeeey!" yan si Ayesha, bestfriend ko. ang ingay niyan. akala mo nakalunok ng microphone o kaya naman megaphone. kung naririnig mo lang, mabibingi ka. Swear.
 
 
 
"ui, kamusta? tagal nating di nagkita ha?" sabi ko. as if naman e, kanina lang magkasama kami. actually, umuwi nga lang siya sa kanila para kumain ng tanghalian. haha.
 
 
 
"uluuuuuts! abnormal ka talaga"  sagot niya. uluts, expression niya yan. muntanga lang 'no?
 
 
 
"kasi naman te, makasigaw ka parang di tayo nagkita 1 hour ago" oo, OA kasi siya e no? Haha.
 
 
 
"Lul. tara na nga, bili tayo pagkain" yaya niya sakin. taena nito, kakakain lang, pagkain nanaman iniisip. imagine-in niyo na lang kung gano siya kataba. Haha. Joke lang. di naman ganun. Chubby lang. :"> 
 
 
 
"potapete, kakakain mo lang ha? diba umuwi ka nga para kumain or should i say, LUMAMON" pang-aasar ko naman.
 
 
 
 
"ELEL, te, wag magmalinis, kung tutuusin nga mas matakaw ka pa kaysa sakin" Oh well, totoo naman sinabi niya. Haha. matakaw ako. puro Junk Foods nga lang tinitira ko. LMAO. 
 
 
 
Osya, papakilala muna pala ko. Ako si Princess Ashley Cruz Cortez. 17 years of existence. Freshman Student sa Centro Escolar University. Information Technology ang course ko.
 
 
 
kung tungkol naman sa lovelife? Hmm. Since hindi naman ako bitter, iku-kwento ko sa inyo. kakabreak ko lang sa EX ko mga 1 month ago. Bakit? Wala. Ayoko na rin pag-usapan yung damuhong impaktong yon. Oo, hindi ako bitter.
 
 
 
Oh well, hayaan na siya. masaya naman na siguro sila nung pinalit niya saking mukhang kabayo. Haha. Joke lang. makapanlait e no? akala mo maganda. Well, maganda naman talaga ako. kumpara mo dun sa pinalit niya sakin. Mukha tuloy siyang hinete pag magkasama sila. Hahahaha!  
 
 
 
Now, Let's proceed. parang lesson lang sa school?
 
 
 
punta naman tayo kay Ayesha. Siya, Si Ayesha Hayley Garcia Ocampo. Bestfriend ko since Childhood. Partners-in-crime kami niyan. kampihan pag may kalokohang nagagawa. Classmates kami sa School. Parehas kami ng course eh. sabi sayo, di uso iwanan samin. 
 
 
 
kung tungkol naman sa Lovelife niya, May Boyfriend siya ngayon. si Andrei Shin. Heartthrob sa school. Sosyal no? Ibang klase din naman kasi ang alindog nitong Bestfriend ko. Haha. Gwapo, Mayaman, Matangkad, MVP ng Basketball, Galante, Ah basta. Siya yung tipong tinitilian ng mga babae.
 
 
 
"Hoy, bruha, lalim ng iniisip mo ah. di ko ma-reach" biglang sabi naman niya sakin, nagulat ako, nagising diwa ko. Haha.
 
 
 
"Ah, wala naman. Ay, teka nga pala, nakapagreview ka na ba? malapit na Mid-Term ha?" tanong ko sa kanya. Ako kasi wala pang narereview kahit isa. Seryoso, di ko alam san magsisimula. Ermahgerd.
 
 
"Sus. Madali lang yan. Haha. Kering-keri yan te." kampanteng sagot naman niya sakin.
 
 
 
Gaga talaga 'to minsan 'no? Mid-Term na yon, ha? Tss. pero sabagay, di naman sa pagmamayabang ha? matalino din naman kasi kami. Hehe.  
 
 
 
Nandito kami ngayon sa bahay niya. wala naman kasing ibang tao, siya lang at yung isang maid na hindi naman stay-in. yung mga magulang niya, nasa ibang bansa. naiwan siya dito para mag-aral. ayaw niya kasi sa ibang bansa eh. Arte no? Haha. Nanonood kami ng DVD. This is a Typical Day for us pero pag weekends lang. Alamonaman kung gaano ka-busy ang isang college student. Lalo pa pag midterm or finals.
 
 
 
"sabi ko nga, tali-talino nga pala natin. stock knowledge lang kailangan dyan" at eto nanaman ako, umaariba ang fighting spirit. Haha. bakit ba? nagiging honest lang. :)
 
 
 
"I told you naman kasi" Haha. Um-agree naman 'tong bruhang 'to.
 
 
 "O'na. puma-fighting spirit ha? Haha. Hoy, teka nga, may pagkain ba sa ref?" tanung ko. Ubos na kasi yung Piattos na malaki na kinakain namin kanina. Haha. 
 
 
 
"Kailan ba nawalan ng laman yan?" sagot niya.
 
 
 
"Oh sabi ko nga" dali dali na kong tumungo at binuksan yung Ref.
 
 
 
tengene, ano bang pwedeng kainin? may Hotcake Mix kaso tinatamad akong magluto. may Chocolate, Ice Cream, Cake, Chocolate Syrup (oo, pinapapak namin yan. sino ba naman ang hindi?) Haha. may Donuts, may piattos, Cheezy, tortillos, Lays, Pic-A, may tinapay, may mogu-mogu, Arrrrgh. Ano baaaa? 
 
 
After 1hour ng pamimili ng kung anong gusto kong kainin, I decided na kumuha ng slice ng Black Forest cake at isang tortillos. tapos yung mogu mogu. Haha. Grabeeee. tataba ako nito eh. Sira nanaman diet ko. Sht. 
 
 
 
Agad akong bumalik sa Sala upang ipagpatuloy ang panonood. "Hoy, Shokla, kamusta na nga pala kayo ni Andrei?" tanong ko sa kanya.
 
 
"Ayun, okay naman kami. Going Strong" Ngiting-aso namang sagot niya. Haha. 
 
 
 
"O edi kayo na" walang ganang sabi ko. Haha. Bitter ba masyado? Hindi ah. Haha.
 
 
"Ikaw naman kasi, kailan mo balak palitan yung EX mo?" tanong niya. naalala ko nanaman yung Damuhong yun =_____=
 
 
 
"not now. di pa yata ako ready sa isa pa uling commitment" totoo naman eh. nakakatakot nang masaktan. paulit-ulit na lang.
 
 
 
"eh kailan ka magiging ready? kapag kasal na siya sa ibang babae?" umariba nanaman ang ka OA-an nitong bruhang 'to.
 
 
"Gaga. Kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay ko, Labas na siya dun. wala na kong pakialam sa kanya" I'm done with him. Tapos na ko sa pagiging dependent sa kanya.
 
 
 
"Sabi mo eh" matipid na sagot niya saka ulit tumingin sa TV at pinagpatuloy ang panonood. ganun na rin naman ang ginawa ko.
 
 
 
 
*Monday@School*
 
 
 "Babe! Ashley! GoodMorning!" agad na salubong samin ni Andrei.
 
 
"GoodMorning, Babe" ganting bati ni Ayesha. Saka siya hinalikan ni Andrei.
 
 
"GoodMorning din. Guys, Iwan ko muna kayo ha? pupunta lang ako sa Library. magreresearch ng konti" sinabi ko saka ngumiti. maaga pa naman eh. mamaya pa ang first subject namin.
 
 
 
"sige, friend, kita na lang tayo sa classroom. wag papalate ha?" bilin sakin ni Ayesha.
 
 
"sige. ingat, ako muna bahala sa BFF mo" sabi naman sakin ni Andrei.
 
 
"salamat. Haha. hoy, andrei, ihatid mo yang si Ayesha sa Room ha? sige na aalis na 'ko"  paalam ko.
 
 
"Ma'am, Yes, Ma'am" narinig kong pasigaw pa ni Andrei bago ako tuluyang makalayo. Haha. natuwa naman ako don. Nakakainggit silang dalawa. namimiss ko tuloy ang feeling ng taken. :)
 
 
nang makarating ako sa Library, wala na 'kong sinayang na oras, agad akong kumuha ng mga kailangan kong libro at nagbasa. ewan, wala naman talaga kong balak magpunta rito. pero parang pakiramdam ko kanina, gusto ko munang mapag-isa.
 
 
 hindi naman kasi sa nabi-bitter ako. ayoko muna lang kasi ng nakakakita ng sweet na couple. Ewan, di ko talaga ma explain yung Feeling eh. :|
 
 
 
sa kakamuni-muni ko, di ko namalayan na 9:45 am na pala. harujusko po. 15minutes before our first class. i think kailangan ko na pumunta sa classroom. baka mamaya nandun na yung terror kong prof. ma-late ka lang ng 1second, absent na. Ibang klase no? =='
 
 
 
Habang nagdidiscuss yung Prof, ako eto, nakanganga, nakatulala. Ang Boring eh. Potatona. woo. tinatamad akong makinig, magmumuni-muni na lang ako. di ko rin naman naiintindihan mga sinasabi niya eh. =='
 
 
"Hoy, Ash! anyare?" bigla naman akong natauhan sa pagsigaw sakin ni Ayesha.
 
 
"Huh? Ah- wala. asan na yung prof?" Haha. Tungunu. Napapaghalataang di ako nakikinig e no?
 
 
"Gaga, Lumabas na. mga 30seconds ago. Lumilipad ang utak, te?" Sambit naman niya :3 Haha! taena, nakakawalang gana kasi eh =='
 
 
maya-maya lang dumating na yung prof for the next subject. Multimedia na. Ayan, gusto ko 'to. interested kasi ako dito eh :">
 
 
 
*after 1234567890087654321 years* 
 
 
Haaaaaay, natapos diiiiin lahat ng subject. It means uwian na at kanina ko pa hinihintay 'tong paking moment na 'to. Gusto ko na ma-relax sa bahay. Oh God. =='
 
 
pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay, binuksan ko agad laptop ko. makapagFacebook muna. pampabawas stress. 
 
 
10 Friend Requests. binuksan ko yon at saka ko inaccept lahat. pero yung pinakahuli ang nakapukaw sa aking atensyon. Kurt Adrielle Parkson ang pangalan. wow. wattaname.
 
 
 
tinignan ko yung timeline niya. pati yung photos, Infairness, ANG GWAPO. . :D Osige ako na stalker. pero ang gwapo eh. 
 
 
teka, BAKA NAMAN POSER 'TO -.- Lemme Explore more. I mean, stalk more pala :3
 
 
tinignan ko mga albums, pati mga tags at friends niya. mukhang hindi naman. ang dami naming mutual friends .________. Sino naman kaya 'to? ==' 
 
biglang may lumabas sa chatbox ko.
 
 
SIYA. 
 
 
"hi, ate :)"
 
 
 
since mabait ako at approachable, sasagutin ko siya.. dejklang HAHA. pasalamat siya gwapo siya. pero pachoosy muna ang ate niyo. :)
 
"do i know you?"  oh, ang taray ko no? Haha!
 
"we have a common friend. kaya kita nakilala. and i want to know more about you" 
 
woooow, si kuya dumadamubs. .____. eh sino naman kaya yung common friend na yun? 
 
"sinong common friend? at bakit? may kailangan ka ba sakin?" 
 
baka mamaya 'to tapos pagnasaan yung y kong katawan at maganda kong mukha . hahaha. charaught. 
 
"basta. you don't need to know. at don't worry. mabait ako gusto ko lang talaga makipagkilala sa magandang tulad mo" 
 
 
nambola pa si kuya susko. di effective sakin yan. marami na nagsabi sakin niyan. Hahah! kapal ko talaga.
 
 
 
ILANG buwan na rin ang lumipas, lagi kaming magkachat ni Kurt. Minsan siya na lang dahilan kung bakit ako nagoonline. 
 
 
 
Marami na rin kaming napag-usapan. nasa ibang bansa pala siya. specifically, Canada. Nung nagkakilala kami, kakabreak niya lang pala sa Girlfriend niyang KANA. kana kasi amerikanang babae. Okay, corny ko no? =___=
 
 
nakwento ko na rin siya kay Ayesha. So si ayesha naman eh deadma lang. hays. talaga 'tong babaeng 'to oh.
 
 
 
pero nung sinabi ko na nanliligaw sakin yung si Kurt, aba, bigla namang nagulantang.
 
 
 
"talaga, teh? ows? di nga?" O___O yung expression niya eh para bang gulat na mangha. ganon.
 
 
"Oo nga. eh bat parang bigla kang nabuhayan ng dugo diyan?" 
 
 
 
"Ah eh, wala. Haha! natuwa lang ako kasi sa wakas, mapapalitan mo na rin yung EX mo" sagot niya. sabagay tama siya. ilang months na rin naman ang nakalipas after we broke up. pero teka, bibigyan ko ba ng chance yun? pwede rin. mabait naman siya, gwapo, mukhang okay naman talaga.
 
__
 
 
 
sinagot ko na nga pala si Kurt :) actually, malapit na kaming mag-10months. tagal na rin, no? :) Okay naman siya as boyfriend. sweet, maalaga, kahit malayo kami, napapatunayan niya kung gaano niya 'ko kamahal.
 
Araw araw magkausap kami sa skype. Gumawa pa nga siya ng account para sakin eh. cam-to-cam syempre :) hanggang sa pagtulog, nakabukas lang yung laptop. It's either pinapanood ko siyang matulog, or ako ang pinapanood niya. depende sa oras namin. time difference eh. nagegets niyo ba? =_=
 
 
 
may usapan kami. sa Anniversary namin eh, uuwi siya dito. :) Nako, excited na 'ko. kailangan kong magpaganda ng bonggang-bongga kahit maganda na talaga 'ko. Haha! charaught. pero seryoso, paghahandaan ko 'yun. ayoko namang maturn-off siya sakin pag nakita niya 'ko. :) 
 
 
 
saka nagpapasundo rin siya sa airport. ako naman 'tong si excited na tensed na hindi malaman. 'Di ko alam gagawin. siguro pag nakita ko siya maglulupasay ako sa sahig. pero biro lang yun. baka ma freeze ako sa kinatatayuan ko. :3 Syempre, diba? Yung lalaking matagal kong hinintay, mayayakap ko na sa wakas :)
 
 
 
Isang gabing magkausap kami sa skype..
 
"Baby, I have something important to tell you" pagputol niya sa masayang paguusap namin. sumeryoso siya bigla.
 
 
 
 
"What is it, babe? Any problem?" Bothered ko namang tanong :3 Ano kayang meron? .___.
 
 
 
"I guess i won't make it on our Anniversary. We have Exams. 'Di naman basta basta pwede mag-excuse." malungkot na sabi niya. ouch. ang sakit. nag-expect na 'ko eh. andun na. :) pesteng expectations talaga. pahamak.
 
 
 
"Oh, I see" mangiyak-ngiyak kong sabi. wala. speechless na 'ko. nag-iinit na 'yung mga sulok ng mata ko.
 
 
 
"Sorry" yun na lang ang nasabi niya. Oo. Masakit ha? Masakit. tagos puso, laslas pulso, gilit leeg, talon 7th floor, saksak puso tulo ang dugo. 
 
 
 
"No, It's okay." Okay, Okay daw. Oo, Ashley. Ang galing mo umarte. 'yung totoo, Best Actress ka? Okay daw. PLASTIK mo, Ash. PLASTIK. dapat sa'yo sa Junk Shop. -___-
 
 
 
taena naman 'tong konsensya ko, kinokontra pa 'ko, 'di na lang maki-ayon. :(
 
 
 
"I'm really sorry, baby. I promise I'll make it up to you." Fck. Fck those promises. ayan nanaman, nag promise nanaman siya. promises are meant to be broken. Fck. Fck. Ayoko na umasa.
 
 
 
"No. Gawin mo na lang. Wag ka na magpromise" sabay nagbitter smile ako. Yun bang smile na pilit. 'Di umabot sa mata.
 
 
 
"Are you mad?" bothered na tanong niya. DaHeck? ano bang sinasabi nitong lalaking 'to? Malamang kahit sino naman, magagalit... teka, Galit nga ba 'ko? .___. Hay, buhay.
 
 
 
"No. I'm not mad, I'm hurt." Oo, di ako galit. nasasaktan lang. 
 
 
 
"I'm really really sorry. It's unexpected" Yun, unexpected. Eh ako, nagexpect. wow. :)
 
 
 
"Deh, okay lang talaga. Sige na, Goodnight, baby. Let's sleep na. I Love You. Take Care!" punyemas na luha, bakit ayaw mong magpapigil? :3 
 
 
 
 
"Okay. Sorry talaga, babe. Goodnight. I love you. magiingat ka dyan, ha?" yun lang at ako na ang nagbaba mismo ng call. 
 
 
 
Doon ako umiyak ng umiyak. Non-stop yung tulo ng luha ko. nagregister yata sa unli-cry. Okay pauso ako. pero deh, masakit talaga eh. Hays. 
 
*krriiiinng* 
 
umaga na. exactly 7am. nakatulog pala 'ko kakaiyak kagabi. pero atleast medyo magaan na yung pakiramdam ko.
 
 
 
tinatamad akong bumangon at pumasok. shift naman eh. kailangan kong makalimutan 'yung lungkot, anu baaaaaaa. 
 
 
 
tumayo ako at dumiretso sa banyo. ligo ligo din kasi pag may time. after 123456789 minutes, Oo ganyan ako katagal maligo, natapos din ako. Daming arte sa katawan. Exactly 8am, on the way na 'ko papunta kay Ayesha. lagi kasi kaming sabay.
 
 
 
"Problema mo, Ash?" bungad niya sa'kin. napansin siguro na matamlay ako.
 
 
 
 
"Ah. wala naman. pagod lang siguro? Ewan? Wag mo na lang akong pansinin." pinilit kong ngumiti. kaso 'di yata effective.
 
 
 
"Nag-away ba kayo ni Kurt?" Sabi na eh. Kilalang-kilala na kasi ako nitong bruhang 'to.
 
 
 
"Ah. not really "AWAY" naiinis lang ako sa kanya" totoo naman. 'di naman kami nag-away, diba?
 
 
 
"Oh? Bakit?" Gulat niyang tanong.
 
 
 
Kinuwento ko kung ano yung napag-usapan namin kagabi. Siya naman, N/R. As in, totally. NO REACTION. tss. yung totoo, bato ba 'tong babaeng 'to? :3
 
 
 
nung malapit na kami sa school, saka lang siya nagsalita. 
 
 
 
"Alam mo, Girl. Intindihin mo na lang. Eh sa ganun talaga eh. No can do tayo. Unang-una, pumasok ka sa LDR na yan. kailangan tanggapin mo lahat ng consenquences. Kayanin mo, para sayo. sa inyo. mag tiwala ka lang sa kanya, ha?"
 
 
 
may point siya. minsan pala may sense kausap 'tong bestfriend ko 'no? Joke. Mahal ko yan, kahit ganyan yan :)
 
 
 
nakarating kami sa school, nagsimula, natapos ang klase. ganun ganun lang. 
 
 
 
wala akong masyadong naintindihan sa mga dinaldal ng professors ko. Shift naman kasi. napaisip ako sa sinabi ni Ayesha. Siguro nga, nadala lang ako ng emosyon kagabi. dapat ko talaga siyang intindihin. mamaya, magsosorry ako sa kanya. :)
 
 
 
nung gumabi na, binuksan ko na laptop ko saka yung skype. hinihintay ko tawag niya. kadalasan kasi 7pm tumatawag yun.
 
 
 
8pm na, wala pang tawag. .______. aba naman at.. tsk. ano kayang ginagawa nung lalaking yun? =_=
 
 
 
8:30 pm. still waiting for his call. pag umabot ng 9, papatayin ko na talaga 'tong laptop ko =__=
 
 
 
8:45. still, no signs of him. haaay. ano kayang nangyari dun? di kaya nagalit din siya? .___.
 
 
 
nang akmang papatayin ko na yung laptop, biglang tumunog. Ayun, si kurt na nga. sinagot ko agad agad. di na ko nagpachoosy pa kahit chix naman ako. :D
 
 
 
"Babe, galit ka pa?" malungkot na bungad niya. Haha! ang gwapo talaga ng boyfriend ko. :3
 
 
 
"Hindi na po. Sorry sa inasal ko kagabi. Nacarried away lang talaga" 
 
 
 
"talaga? Di ka na galit? Okay lang naman. naiintindihan kita. Sorry talaga ha? Babawi talaga 'ko sayo" malapad yung ngiti niya habang sinasabi niya sakin yan. halatang sumigla siya.
 
 
 
"Opo. Okay lang. Basta wag kang mambababae dyan, ha?" pabiro kong sabi.
 
 
 
"Loyal ako sayo, mahal ko. Ang swerte ko na sa'yo kaya di na kita ipagpapalit" Aww. Ang sweet ng asawa ko. Oo, asawa ko. papalag ka? wag na. wala ka nang magagawa :D
 
 
 
 
"Asuuus, nambola pa. Osya, kamusta araw mo?" pinagpatuloy namin yung usapan hanggang sa antukin nanaman ako. pinanood niya uli akong matulog. 
 
 --
 
ANNIVERSARY namin ni Kurt myhon ngayon. Hahaha! maaga ang dismissal namin. wala naman akong gagawin sa bahay =_=
 
 
 
"Ash! diba ngayon yung Anniversary niyo ni Kurt mo?" Biglang sabi naman sakin ni Ayesha.
 
 
 
"Ah. Oo. Ngayon nga yun. Ngayon dapat nandito siya eh." nalungkot nanaman ako nung naalala ko. :3
 
 
 
"Anong balak niyo? pano kayo magcecelebrate?" Uhm pano nga ba? .___. siguro bibilhan ko na lang siya ng cake tas magvivirtual date kami sa skype. Haha! Odiba? Sosyal :">
 
 
 
"wala nga eh. as usual, sa skype ang date namin." 
 
 
 
"Ay alam ko na, bes. Tayo mag celebrate." yaya niya sakin .___. pwede rin :""""">
 
 
 
"Sige. San tayo?" pumayag naman ako. Boring naman sa bahay eh.
 
 
 
"Dyan na lang sa starbucks. My treat!" wow, ang galante niya ngayon, ha? may himala. Shift :""">
 
 
 
Yun lang at sumunod na 'ko sa kanya. kasama na niya yung boyfriend niya eh. Aba, minsan lang 'to magyaya. tatanggihan ko pa ba?
 
 
 
nang makarating kami dun, si Andrei na nag order para samin.
 
 
 
Strawberries & Crème Frappuccino lang sakin. Mocha Frappuccino naman kay bes. nagorder na rin ako ng STRAWBERRY GRANOLA YOGURT CHEESCAKE. 'di naman ako mahilig sa strawberries, no? :)
 
 
 
habang kumakain kami, napansin kong ang daming nagtitinginan sa labas. ako naman deadma lang. gutom ako, bakit ba?
 
 
 
hanggang sa nakuha na ng kung anomang eksena yung atensyon ng lahat ng tao sa coffee shop. ano ba kasing meron? =_=
 
 
 
medyo nakatalikod ako sa pinto kaya di ko nakikita. tinignan ko si bes at drei. nakatingin sakin si bes. ngumunguso. ano ba 'to? nagpapahalik ba 'to? bakit sakin? dapat kay Drei diba? =_= Like Duuuuh. Di ako nakikipag kiss sa babae. 
 
 
 
after ilang minuto ng pagngunguso niya, I finally got her point. pinalilingon niya ko sa labas. Bakit ba kasi? =___=
 
 
 
pagkalingon ko, sakto. may dumadaan na banner. malaki. nakalagay "HAPPY ANNIVERSARY, BABY"
 
 
 
nagtaka ako, anong kinalaman ko dito? Oo, anniversary namin ni Kurt. pero wala siya dito, diba? =_= Hay, bakit ganito ka, Life. nang iinis ka ba? sabihin mo lang. Panalo ka na kasi eh. -_______-
 
 
 
pinagpatuloy ko lang ang pagkain, di ko na sila pinansin. hanggang sa mula sa likuran eh may biglang tumakip sa mata ko.
 
 
 
 
 
"sino ka?" nataranta naman ako. hinawakan ko yung kamay. 'di pamilyar.
 
 
 
"guess who?" nagsalita siya. pamilyar yung boses. >_<"
 
 
 
"Arrggh, wag ka nang magpahula pa. hindi ako si madam auring. saka iniistorbo mo yung pagkain ko" inis kong sabi.
 
 
 
"BABY, ang sungit mo pala sa personal" Shift! Ano daw? BABY? O_____O
 
 
 
tinanggal ko yung kamay niya sa mata ko saka ako tumalikod. 
 
 
 
ohmygod. hindi ako namamalik-mata. si KURT 'to. si kurt. yung lalaking mahal ko. nasa harapan ko na. T____T napako ako sa kinauupuan ko. nanlaki yung mga mata ko. totoo ba 'to? seryoso? hindi ako nananaginip? O____o pakisampal naman ako oh.
 
 
 
binatukan ako ni Ayesha. 
 
 
 
"Aray naman. napalakas ah" lingon ko sa kanya.
 
 
 
"Eh bes, natulala ka eh. Sorry" ^___^v
 
 
 
pero teka teka, tumingin uli ako kay Kurt. Baka sakaling namalik-mata lang ako kanina. pero hindi eh O_O andun pa rin siya. MayGahd.
 
 
 
hinawakan niya yung kamay ko saka ako itinayo. Gaaaaaahhhhhhd. mas gwapo siya sa personal *Q*
 
 
 
niyakap niya 'ko. ako naman, napaiyak lang. tears of joy.
 
 
 
"Anobaaaa, bakit ka nandito?" mangiyak ngiyak ko pang sabi habang nakayakap sa kanya. hinampas ko pa siya sa braso ng mahina.
 
 
 
"bakit? ayaw mo ba? uuwi na ba uli ako?" ang cute ng lalaking 'to. Haha!
 
 
 
"Hindi. alam mo bang ang tagal kong hinintay 'tong moment na 'to? teka, pano yung exams mo? sabi mo di na makakauwi? bakit ka nagsinungaling sakin? kaya pala di ka tumawag nung isang araw. tska kahapon." sabi ko sabay kalas sa yakap niya. tinitigan ko siya.
 
 
 
"teka, chill. isa isa lang. upo muna tayo" umupo na kami saka siya nagpaliwanag.
 
 
 
"yung exams ko? alibi lang yun. gusto lang kitang surpresahin. kasabwat ko yan, oh. si Insan." sabay turo kay Ayesha. teka. INSAN? O______O
 
 
 
"PINSAN mo si AYESHA?" O____O
 
 
 
"Oo. Bakit? Siya rin dahilan kung bakit kita nakilala. Plano niya lahat 'to. matagal na kitang ini-stalk eh. matagal na rin kitang gusto" pag-amin niya.
 
 
 
 
napatingin ako kay ayesha. nag PEACE sign lang siya.  Ngumiti ako.
 
 
 
"SALAMAT BES. DA'BES ka talaga" saka ko siya niyakap. nagpapasalamat ako dahil sa kanya, naging masaya uli ako :')
 
saka ako uli humarap kay Kurt. i was about to say something ng bigla niya akong hinalikan. It was a long deep kiss. 
 
nang pagkabitaw niya, nagsalita siya. "I'm staying for good. I'm staying with you" saka ngumiti.
 
 
 
ENNNNNNDDDDD. WALA NANG KASUNOD. TAMA NA. ENOUGH. FIN. TAPOS NA. AJEJEJE. SANA NAGUSTUHAN NIYO Y____Y SALAMAT SA MAGBABASA. :') ♥
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
FafaKai
#1
Kilig mats naman ako sa story ... <3