How I wish you have time to read these.

Description

 

 Hello! :) That’s the world where our friendship starts.

Have you ever felt being alone even though you have your friends? Do you feel sometimes that you are not part of their life anymore? The feeling that your trying your best to be like them so that you will be noticed? the feeling that your friends are smart and famous while you, your just an ordinary girl who has dreams stock on your mind? if you have a friend like this. Please have time to read these because it is based on the author story. This story is her problem or nararamdaman na conflict about her friends. 

 

To my Best Friends: 

Hello. uumpisahan ko ulit ang lahat ng sa simpleng hello. naisipan ko na gawing tagalog ang storya kong to kasi hindi ko kaya na katulad nyo english ang pagsusulat at minsan ang pagsasalita. kahit ilang beses kong gawin ay hindi ko talaga makaya na kasing lalim ng inyo.  Alam ko na mahilig kayong magsulat dito sa Asian Fanfics kaya naisipan ko na dito ko na din isulat ang story nating mga magkakaibigan kung paano nagsimula ang lahat at kung paano nagkaroon ng conflict sa pagkakaibigan natin. hindi ko kayo kayang kausapin e ng ayos kasi i feel na wala na kayong time for this kind of talk kaya sana BEST FRIENDS maunawaan nyo itong story ko. para sa inyo to sana this time magkaroon kayo ng time na basahin to. i love you all forever :** how i wish na forever tayo pero di ko alam kung maaga bang matatapos ang lahat. =(

 

Ryeowook - Me

 

 

 

 

 

Foreword

Hello ako nga pala si Ryeowook. simple lang nangangailangan ng kaibigan. Hindi matalino medyo may pagka weird at halos lahat minsan walang tumanggap sa akin as their friends.

nagkaroon ako ng first troupe nung grade 2 at grade 3 yon  kaso ang nangyari naman sa una kong friends masyado nila akong inapi. yong feeling na lagi ka nilang inuutusan tapos ikaw lagi yong utusan kasi kapag hindi mo sila sinunod hindi ka na daw nila friend. kaya ako naman tong si uto uto nagpa uto. kaya naisipan kong maghanap na lang ng bago. pero hindi muna ako agad umalis sila sumama lang muna ako sa iba iba kung saan tatangapin ako kung ano ko at may karapatan din ako. 

At awa naman ng Panginoon nakahanap ako ng 2 kaibigan na masasamahan ako sa mga ups and downs ko. yon ay si Kyuhyun at Key. 

Silang dalawa ang napili ko nung Grade 3 na makasama. ang bait nila talaga pinasama nila ako sa kanila at may karapatan talaga akong magsalita. Matalino silang dalwa ako lang ang hindi pero tinuturuan nila akong umangat na katulad nila kaya naman feel na feel ko na best friends talaga kami. Honor nga pala siang dalawa ako hindi kasi kahit masakit aminin, bobols ako. haha. Masya kami lagi. tuwing linggo sabay sabay kaming magsimba, tamang hintayan lang sa bahay namin at ako laging huli. Pero okay lang sa kanila kasi masaya naman kami kung magkakasama. kami na nga ata ang best na best friend sa buong world. kung saan magpunta ang isa dun kaming lahat. pero may dumating na hindi namin akalain na mangyayari. 

Pagdating namin ng Grade 4, napaiba ako ng section, naging section 2 ako pero sila section 1. halos lahat kami ay nalungkot kasi wala na, di na kami magkakasma pero kahit ganun pa man kami ay hindi pa rin nawala ang friendship namin. kahit malayo ako sa room nila, pinupuntahan ko sila every break at welcome naman ako. katulad pa rin kami ng dati magkakasama at hindi nagkakahiwalay kung saan man. kasi nga po Forever kami. yan ang pinanghahawakan naming magkakaibigan. hanga nga sila sa friendship namin e. kami lang nakakagawa nun noh? kaya ako naman tong si bobols ginawa ang lahat para maging kaklase nila. kahit anong pang aalipusta o asar sa akin ng bago kong kaklase hndi ko sila pinapansin basta ako alam kong tama ang ginagawa ko at para yon sa mga kaibigan ko. 

Pagdating namin ng Grade 5, aba'y masaya na kami kasi awa ng panginoon nasection 1 ako. syempre talon talon kami kasi magkakasama nanaman kami everyday and every moment. yong time ginamit namin yon ng magkakasama walang nasayang. kaso pagdating namin ng Grade 5 dyan na dumating ang mga conflict sa buhay namin. madalas ng mag away si Kyuhyun at Key at hndi ko alam kung saan ako papanig ng mga oras na yon. parehas ko silang best friend pero sino sa kanila ang kakampihan ko? kaya naman ang ginawa ko hinati ko ang oras ko isang oras para kay Kyuhyun at isang oras para kay Key. masyado mahirap yon kaya naman minabuti ko na lang na magkapatawaran na sila. at yon nagkabati din naman sa kanila mga 1 araw lang bati agad. yan kasi ang magandang trait namin 1 araw lang solve na ang problema namin. hindi kasi namin matiis na magkahiwalay e. 

Pagdating naman namin ng Grade 6, ano't magkaklase pa rin kami. kaya yon katulad pa rin ng dati kami walang nagbabago. kapag may mga sasalihan ang isa sa amin dapat lahat kasama para nga kaming triplets e. haha. dahil dito sa pagiging grade 6 namin suportado namin ang isa't isa at dito rin namin naranasan ang magsama sama para sa field trip sa manila. ang saya saya talaga nung mga panahon na yon, hinding hindi ko makakalimutan yon kasi sobrang saya namin nun at for the first time magkakasama kaming lumuwas papuntang manila. haha. dumating rin dito ang retreat times kung saan nag iyakan kaming 3. haha. Corny siya pero escence of friendship namin yon. pumasok din dito yong may gustong sumama sa aming tropa, gusto namin siyang sumama pero niloko pa nga namin siya na kailangan ng nso bago siya makasali ng husto. aba'y tinotoo nga niya binigyan niya kami ng copy ng NSO niya. medyo natawa kami dun kaso ang masaklap nito ay hindi siya nagtagal sa amin. wala oang isang linggo e umalis na siya sa tropa namin. well ganyan talaga ang buhay namin. When graduation comes, medyo nalungkot kaming tatlo kasi baka magkahiwalay hiwalay na kami ng section pagdating ng first year pero kapit bisig pa rin kami walang bibitiw. Forever nga kami e diba? 

----------------------- High School Life! ---------------------------------

yan first year na kami at totoo nga magkakahiwalay kami. si kyuhyun section 2 si Key section 1 at ako section 5. hayy buhay! :( pero kahit ganon pa man ay okay lang kasi hndi naman namin napapabayaan ang bawat isa. nagkaroon kami ng mga kaibigan sa bawat section at ako proud na proud sabihin na best friend ko sila, mga 5 years na kaming magbebestfriend e. sila naman hanggang hanga, abay dapat lang imposible na ngayon ang ganon. meroon na rin silang ibang circle of friends during school hours pero pag tapos na kami, sama sama na uli kami. haha. tumagal pa kami kaso nag iba ng konti si Key, may iba na syang frinds hindi na niya kami minsan nasasamahan ni Kyuhyun pero okay lang at least alam namin masaya siya. 

2nd year strikes. boom! magkakasma na uli kami sa wakas at parang grade school days na uli kami. masaya. tapos may naiba nga lamang nagkaroon na kami ng surprises sa bawat isa at lumaki na ang aming tropa. pumasok na dito si Siwon, Donghae, LR, Min Heouke. Masaya kami at kami ay madami. kaso kaming 3 ang d' originals.haha. 

Unang surprise: Kay kyuhyun, nagpaprint kami ng tarpauline para sa kanya kasama ang pictures namin tapos may mga captures pa tapos kasama na dun yung kinalolokohan niya na Koreano. haha.

Pangalwang Surpresa: Kay Key naman, pasensya ha? di ko na masyadong matandaan kung ano ang surprise namin sa kanya e basta ang natatandaan ko ay picture frame. hehe. pasensya, 

Pangatlong Surpresa: Kahit hndi ko na bday at Valentines na e nagawa pa nilang ihabol ang surprise ko. una inaupo nila ako tapos hinarana ako ni Donghae and Min Heouke ng kinompose nilang song while the rest binigyan ako ng isang box of letter. nakakaiyak siya. promise. 

Yan ang UBE namin as 2nd year. 

3rd year na kami. BOOM! as usual nahiwalay nanaman ako sa kanila section 3 ako at sila section 1 si Min Heouke naman na section 4. una okay lang sa amin kasi natural nman yon e. lagi pa rin naman kami magkakasama e kaso nagiba na ang lahat ......

Naging busy na yong mga section 1 sa different activities nila at laging kami na lang ni Min Heouke ang magkasama. minsan hinihintay namin sila kaso hapon na hapon nanaman. Sobra na nilang busy at feel ko wala na silang space for me. kapag gusto kong magshare sa kanila wala silang laging time. nawala na ata yong escence namin sa isa't isa. sino nga naman ba ako?? simple lang ako at hindi nababagay sa katulad nila na mayaman, matalino, at maganda. feel ko napipilitan na lang ako isama. dumating din yong time na may nirereto sila sa akin, kahit ayaw ko pinilit ko ang sarili ko kasi gusto nila. 

Tapos yong time na wla na talaga, wala na akong mashareran ng magaganda kong kwento sa nangyayari sa akin kasi wala na silang time. kahit masakit minabuti ko na lamang na maghanap ng iba na katulad nila na magbibigay pansin sa akin. Napakahirap humanap ng katulad nila wala talaga akong mahanap. hinding hindi ko makakalimutan yong mga gabi na tahimik akong umiiyak sa kwarto kasi wala ng sense yong friendship namin. naaawa ako para sa sarili ko e. mga org na sinaliha nila sana sinalihan ko rin para magkakasama kami orever pero useless lang naman din siguro yon kasi madami silang ginagawa sa section nla.

Pinalitan na nila ata ako pero heto pa rin ako sinisiksik ang sarili sa kanila. kung alam lang nila ang nadarama ko. sinikap ko ngang mging matalin para sa kanila halos lahat ginawa ko matawag lang ang atensyon nila pero wala. walang wla :( 

Dumating din yong time sa buhay ko na dumating yong dream kong guy sa buhay ko ngunit napansin nila ako dahil don, malaki ang concern nila sa akin tinawagan nila ako at sinabing layuan ko yun kasi hndi siya ang dapat. sa saglit na yon napangiti niya ako kasi best friend nga nila ako hanggang ngayon at iyon sinunod ko naman sila kahit masakit ginawa ko. pinagpalit ko ang kasayahan ko para sa kanila para naman mapasaya ko sila kahit sa ganong bagay lang. 

umisip ako ng paraan kung paano ako makakabalik at mag uunite sa amin. umisip kami ni Min Heouke ng surprise kay Key at nagwork naman ata sya. sinurprise namin sya sa room nina Min Heouke at natuwa naman siya. noong mga panahon na yon na ramdaman ko na mag bebest friend ulit kami kasi masayang masaya kami nong araw na yon. para kaming bata na nakawala sa aming mga koral. 

pagkatapos naman nung nangyari yon, unti unti nanaman nawala ang escence ng Friendship at hindi ko muna sila ginambala noon. may isang bagay sa buhay ko na hndi ko malilimutan, yong matagal naming pinlano para sa birthday ko na mag momovie marathon kami lahat sila aprubado kaso pagdating ng xmas party hindi na daw tuloy ang movie marathon. bilang ako nalungkot ko kasi matagal na plano hindi matutuloy pero okay lang sa akin. ininvite ko na lamang yong iba ko pang kaibigan pero sakto naman na may outing pala ang section namin pero okay lang. 

Sa birthday ko dumating si Min Heouke sa bahay, binati ako at binigyan ng favorte kong chocolate ang saya saya ko nun kasi kahit siya man lang naalala ako. pinaligo niya ako ng araw na yon ngunit di ko alam kong bakit pro ginawa ko. pagkatapos ko naman ay umalis na rin siya. kakalungkot parang pinaasa lang ako. tapos maya maya bumisita si Dez yong nirereto sa akin sa labas ng bahay at bigla naman akong bumaba at pinuntahan ko tapos nakita ko sa may kanto ang mga kaibigan ko. natuwa naman ako kasi hindi nila binreak yong promise nila. pinapasok ko sila sa bahay lahat kaso bigla kong naramdaman na ang PAGKAILANG. hindi ko alam kong bakit. siguro dahil matagal na kaming hindi nagkakasama hindi ko alam kung paano kumilos ng mga oras na yon parang gusto ko na mas makasama yong tropa ko sa section namin kasi parang mas masaya. e etong mga kasma ko puro matatalino at oo best friends ko sila dapat masaya ako pero parang hindi :( 

Natapos ang araw na yon pero parang sa araw na yon sumaya naman ako kahit papano. 

Yong kaisa isahan kong loyal best friend sa section namin na si Koizora pumunta pala sa bahay namin at may dalang pizza. natutuwa ako kasi hindi nya ako nalilimutan. sana sinama ko sya don sa movie marathon namin para kumpletong kumpleto ako . 

Nagpapasalamat naman ako at nakilala ko ang mga BESTFRIEND ko pero. nafefeel ko na at natatanong na ang sarili ko, RYEOWOOK KAYA MO PA BA? sa pagtitiis kaya ko kaso wala ng time e. napapabayaan na namin lahat e, gusto kong ibalik yong dati nung gradeschool pa kami. yong dating saya, dating tawanan, dating mga tamouhan at dating laro na sobang masayang masaya. kahit siguro anong gawin ko hndi na maibabalik ang dati.

Hindi na kami nakakapagkwentuhan kasi busy sila kaya di ko sila nauupdate. sa mga desisyon kong ginagawa sa buhay, ako na lamng mag isa ang nalutas at nagdedesisyon na dati rati kami ay sama sama. kaya kung may naging dsisyon ako na hindi ko nasabi sa kanila sana mapatawad nila ako. mahirap magtago ng sikreto at hindi yon madali. ngayon hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa friendship namin. 

Kailangan ko na bang tapusin to?? Hindi ko na magawa na sabihin sa kanila ang lahat lahat kasi nahihiya na ako sa kanila baka masaktan pa ako kapag sinabi ko sa kanila kaya naman sa iba ko na lang sinasabi. hayyy!! ano na nga ba ang mangyayari? sana mabasa nila to. para madesisyonan nila. mahaba na ang mga pinagdaanan nila pero na out of space na ako sa kanila, wala na akong sense sa kanila kasi. Na kay lord na ang desisyon kong ano ang gusto niyang mangyari. 

Lahat na ay sinabi ko dito mula sa umpisa, sana naman mapansin nila to. galing sa kaibigan nila. (kaibigan pa nga ba nila ako?) 

Masakit pero di ko alam kung dito nagtatapos ang lahat :((

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet