One.

Hiling

Soyu's POV

Immediate Superior: You did a very good job, Soyu! With your research, I'm sure we can produce a new product for our company. 

Puri sa akin ng immediate superior ko. Kahit Hapones siya ay magaling siya magsalita ng Ingles.

Ngumiti ako at yumuko. 

Soyu: Arigato gozaimasu.

Pasasalamat ko sa kanya. Lumabas na ako ng opisina niya. 

Researcher ako para sa isang malaking food corporation sa Japan. Noon ay sa opisina dun sa Seoul ako nagtatrabaho. Pero isa ako sa limang maswerteng empleyado na binigyan ng pagkakataon magtrabaho sa main office niyon sa Japan.

Sa ibang pagkakataon ay hindi ko iyon tatanggapin dahil hindi ko kayang mawalay sa mga magulang ko. Pero nang ialok iyon sa akin ay nakahanap agad ako ng magandang dahilan para lumayo ng hindi ako babatuhin ng kung anu-anong tanong ng mga magulang ko at nang matalik kong kaibigan. Ngayon, masasabi kong masaya ako na tinanggap ko ang offer. Natuto ako kung paano maging independent. Masasabi ko ring naging matagumpay ako sa career na pinili ko.

Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay lumabas ako ng gusali para umuwi. Nagsisimula nang malagas ang mga dahon sa mga puno. Halos lahat na rin ng mga tao--kabilang na ako--ay nakasuot ng makakapal na damit. Nobyembre na kasi. Kapag ganoong buwan ay malamig na sa Japan dahil malapit nang umulan ng niyebe. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.

Walking distance lang ang apartment ko sa malaking gusali na pinapasukan ko. Salamat naman at makakapagpahinga na ako. Isa sa magagandang benepisyo sa kompanya namin ay binibigyan kami ng ilang araw na break pagkatapos ng isang research project na na-assign sa amin. Kadalasan kasi ay umaabot ng kalahati hanggang isang buwang puyatan at stress bago natatapos ang isang proyekto namin.

Dalawang taon na ko sa Japan. Apat na taon ang kontratang pinirmahan ko. Malungkot manirahan sa bansang ito. Bukod kasi sa mga katrabaho ko ay wala na kong ibang nakakausap. Noon pa man ay hindi na ko palakaibigan. It was not that I decided to be one. Madali lang talaga ako mailang sa ibang tao. Kaya tuloy tinatawag akong "introvert" ng kaibigan kong si Bora.

Bora was my childhood friend. Magkapitbahay ang mga pamilya namin sa Korea. Aside from being my best friend, I think of Bora as my sister. I wonder what she's doing right at this moment. I bet she's enjoying herself to the fullest, as she always did. Unlike me, Bora had always been adventurous and liberated. Marami pa kaming pagkakaiba pero hindi iyon naging dahilan para magkalamat ang pagkakaibigan namin. It was, in fact, our similarity that set us apart. O marahil ako lamang ang nag-iisip ng ganoon. Sa aming dalawa, ako ang taksil at hindi siya.

Napailing-iling ako. It's better this way. 

Nang matanaw ko na ang aking apartment ay binilisan ko na ang paglalakad. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ay tumutunog na cellphone ang bumati sa akin. Naiwan ko pala iyon. Okay lang dahil wala namang tumatawag sa akin maliban na lang kung...

Dali-daling kinuha ko ang cellphone. Tama ako, si mama nga ang tumatawag. Mula nang umalis ako ng Korea ay iniiwasan kong makipag-usap sa kanya ng matagal. Kung anu-ano kasi ang ikinukwento nya. Kahit iyong mga bagay na ayaw kong marinig ay sinasabi niya. 

Sanay na kong tumatawag siya nang alanganing oras. Pero bakit parang iba ang kabang naramdaman ko pagkakita ko sa pangalan nya sa screen? Bumuntong-hininga muna ako bago sinagot ang tawag nya.

Soyu: What is it, Ma?

Chanyeol: Soyu...

Natigilan ako nang hindi boses ng mama ko ang narinig ko. May bumundol na kaba sa aking dibdib. I know that voice very well. Kahit dalawang taon na akong nasa ibang bansa ay hinding-hindi ko makakalimutan ang boses ni Chanyeol. Matagal ko nang natanggap na hindi ko siya makakalimutan kahit anong gawin ko. My heart suddenly twinged. I miss him. I miss him so much it hurts.

Soyu: S-Sino to?

Nagkunwari akong hindi siya nakikilala.

Chanyeol: It's me...Chanyeol.

Sagot nya.

Pinilit kong kalmahin ang nanginginig na mga kamay ko. 

Soyu: Ch-Chanyeol...napatawag ka? Bakit number ni Mama ang gamit mo? Magkasama ba kayo?

Tumikhim siya. 

Chanyeol: Well, it's because we needed to say something to you. She said she can't say it herself kaya ako na lang ang pinatawag nya. Soyu, masyado ka bang busy dyan? Can you...at least come home for a while?

Diretsang tanong nya.

Natigilan ako.

Soyu: Why?

Matagal bago sya sumagot.

Chanyeol: Bora is in the hospital right now. She is sick. Gusto ka nyang makita.

Pagkarinig ko sa pangalan ng matalik kong kaibigan ay may kung anong sakit akong naramdaman sa dibdib. Alam kong hindi lamang iyon dahil may sakit sya. So, they are still together.

Soyu: Susubukan ko.

Sabi ko na lang.

Bumuntong-hininga si Chanyeol bago muling nagsalita. Marahan lamang ang pagsasalita nya na para bang kahit siya ay nahihirapang sabihin ang kailangan kong malaman.

Natutop ko ang bibig ako sa huling sinabi nya. Bago pa ko makapagsalita ay bumuntong-hininga uli siya at nagpaalam na. Napatitig ako sa labas ng bintana ng apartment. Bakit ba naging kumplikado para sa amin ni Bora ang lahat? O baka ako lang ang nag-iisip na naging kumplikado ang sitwasyon?

Wala na kong magagawa. Dahil kahit siguro maibalik ko ang panahon, ganun pa rin ang kahahantungan ng pagkakaibigan namin. I felt a stab of pain and guilt in my heart. Lalo na ngayong nalaman ko ang kondisyon nya. 

Lumapit ako sa CD rack. Hinanap ko mula roon ang album na pinakaiingat-ingatan ko. Nang mahanap ko na iyon ay umupo ako sa sahig at tinitigan ang album bago isinalang sa player ang CD niyon. Saglit pa ay pumailanlang na ang malamig na boses ng bokalista ng nag-iisang bandang nagustuhan ko--ang EXO.

I'm never into rock music. Si Bora ang mas mahilig sa ganoong genre. Yet, when I first heard and saw the band live, I know I would continue to listen to them. Especially because their vocalist was none other than Park Chanyeol, the only man that caught my attention. Subalit walang nakakaalam nun at wala rin akong balak na ipaalam sa kahit na sino--lalo na kay Bora--ang nararamdaman ko para sa kanya. 

Dail narinig ko uli ang boses ni Chanyeol at nakausap siya, hindi ko naiwasan ang pagdaloy ng mga alaalang matagal ko nang pilit ibinabaon sa limot. My bittersweet memories.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bianstar1 #1
Chapter 1: Update!!!plsss
HappyVirusKpopper
#2
ituloy mo.. please?!