Her 7th Secret

The Story of Us (My 7th Secret)

"Dismissed" Pagkasabi non ni Ma'am Chie ay natapos na rin akong magsulat sa diary ko.

"Oi, si Sir Guwapo na ang susunod!!"

"Dapat pagdating niya rito ay tahimik tayong lahat."

"Baka kasi magalit at mawalan ng gana na pumasok sa atin. Masungitin pa naman yon."

 

 

Narito ako, sa isang sulok. Nagbabasa man ako ng libro, nakikinig parin ako sa kanila nang sekreto. Oo nga pala, si Sir Archie na ang susunod. Ang pinakaguwapong lalake na nakilala kong teacher.

 

Actually, hindi siya teacher -a substitute teacher. May sakit si Ma'am Rian, siya muna ang magsa-substitute. He is one of the students of Ma'am Rian from 4-A class. Ang tinuringang genius boy dahil sa sobrang katalinuhan niya. Kaya nga mismo ang principal namin ang pumili sakaniya.Excuse siya sa kaniyang class, ang suwerte niya 'no?

 

 

" Excited na akong magbreak!"

"Oi sis! Bakit naman?!"

"Mag-uusap kami ng boyfriend ko!"

 

 

Ang gaganda talaga ng mga classmates ko, may mga boyfriends na. Siguro lima lang sa mga babae ang walang boyfriend including me, man-hater kasi ako sa akala nila, dahil I'm just pretending. Takot kasi ako sa mga boys.. Napaka-friendly naman kasi nila, kahit ako kinakausap kahit di nila ako ka-close. Ako kaya? Kailan ako magkakaroon?

 

 

"Pst." Lumingon ako sa likod ko.

"B-bakit?"

"Pahiram naman ng Geometry book oh. Naiwan ko kasi yong akin."

"Ahh, teyka lang."

 

 

Binuksan ko na yong bag ko at hinanap ang aking libro. Sa sobrang pagmamadali ko dahil naiisip ko na baka mainip siya sa paghihintay, nahulog ang mga gamit ko. Halos lahat nahulog, umupo ako kaagad para pulutin ang mga gamit ko.

 

 

"Tulungan na kita" Narinig kong sabi ng isang tao na umupo rin sa tabi ko.

 

 

Hindi ko na tiningnan kung sino ang taong yon. Busy kasi ako, una kong kinuha yong Geometry. Tumayo ako, humarap sa likod at ibinigay ko na iyon sa classmate kong nanghihiram.

 

 

"Salamat!"

"Walang-anuman" Humarap ako ulit at uupo na sana nang makilala ko kung sino ang lalaking tumutulong sa akin na pulutin ung mga gamit ko. O_O

"Naku sir!"reak ko.

 

 

Diretso akong umupo at aagawin ang mga gamit ko kay..,Sir Archie. Nakakahiya sa tao. Pero huli na ako. Tumayo na siya at napatayo rin ako. At inilahad niya sa akin ang mga gamit ko with a serious face. Habang ako ay hindi makatingin sa kaniya habang kinukuha ko ang mga gamit ko.

 

 

"Huwag kasing nagmamadali." Yon lang at tinungo na niya ang table sa front.

 

 

Pag-upo ko ay bulungan agad ang mga classmates ko. Ayoko, ayoko ng mga ganito. Kaya siguro ayokong malaman ng lahat ang mga sekreto ko dahil alam kong ganito ang mangyayari. There will be gossips about me.

 

 

"Blush ka 'no." Bulong sa akin ng isa sa mga nakaupo sa row namin na ikinagulat ko.

 

 

Nagsimula ng maglecture si Sir Archie. Ang daming nalilito sa mga ipinapaliwanag niya. Geometry kasi eh, pero di sila inaantok dahil sa kaniya. Kahit mahirap, iintindihin nila.

 

Di ako makafocus ng masyado, eh kasi feeling ko bawat salita at tingin niya ay sa akin. O talagang feeling ko lang? Pero bakit ngayon sa akin na naman siya nakatingin? Bakit parang may iba sa tingin niya? Bago pa ako matunaw ay nag-iwas na ako nang tingin.

 

Pagkatapos magdiscuss ay inutusan niya kaming magstudy dahil magkakaroon kami ng quiz next meeting. T_T yong libro ko nasa classmate ko nga pala. Nahihiya akong kunin. Kaya ito ako, tahimik lang na nakatulala. Hanggang sa bigla akong tinawag ni Sir.

 

 

"P-po?" napatayo ako.

"Don't you have book? Bakit di ka nagbabasa?"

"K-kasi po..." Ano bang dapat kong sabihin?

"Come here." O_O

"H-ha?"

"I said come here."

 

 

Napilitan akong pumunta kahit ayoko. Nangangalog mga tuhod ko dahil sa sobrang kaba at may halong takot na aking nararamdaman.Pagdating ko sa harap niya ay kinuha niya ang Geometry book niya at ibinigay sa akin.

 

 

"Ito muna ang gamitin mo."

"Ok lang po ba?"

"Oo naman." and then he gave me a sweet smile. "I'm reading an interesting book, so okay lang na hiramin mo."

 

 

Bumalik na ako sa kinauupuan ko at nagsimulang mag-aral. Hay, nakakalito talaga ang Math. Ang talino talaga niya, akalain mo yon? Isang estudyante ang pinili ng principal para magsubstitute sa isang teacher? See the difference?

 

He is perfect. Campus prince, matangkad at matalino pa. Sino ba naman ang hindi mai-in love sa isang tulad niya? Ang suwerte siguro ng babaeng magugustuhan niya. Lihim akong nakatitig sa kaniya, bakit ba siya nakangiti na parang kinikilig sa binabasa niya? Ano kaya ang kaniyang binabasa at halos di mawala ang kaniyang ngiti?

 

Lihim parin akong nakatitig sa kaniya habang binabasa niya yong interesting book? That was he told me.  Siguro'y may mga nakakatawa doon sa binabasa niya, pero habang tumatagal ay nako-curious na ako. The smile on his face wider na halos tawa na lang ang kulang. Hmm, something's wrong with this guy. Bigla siyang tumingin sa akin sabay kindat! O_O. Nag-iwas ako ng tingin. May problema ba si Sir? I thought.

 

 

"Okay, dismissed" Pagkasabi non ay nagpaalam na kami sa kaniya.

 

 

May mga classmates akong hindi na nagbreak dahil makikipag-usap sila kay Sir Archie. Ang mga hinahangaan nga naman, kawawa siya. Sometimes the fans forget about the word privacy. Pati mga personal na mga bagay sa buhay niya itinatanong. Ang bait niya, bakit? Dahil sinasagot niya ng katotohanan lahat ng mga tanong sa kaniya.

 

But I do know a one question na hindi niya sinagot kahit ilang times na itong itinanong sa kaniya.

 

 

"A-archie, do you have a girlfriend?" Halos natahimik ang mga babae na kumakausap sa kaniya nang marinig nila ang tanong na iyon. Naghihintay sila lahat ng sagot. Na pati ako'y napatigil rin?

 

 

Ewan ko, kusang tumigil ang aking mga paa sa may pintuan. Parang gusto kong malaman ang isasagot niya kahit alam ko naman na yon ang isang bagay na hindi niya masagut-sagot.

 

 

"Magbreak na kayo, baka malate pa kayo sa next subject ninyo. I'm tired, tapos may pasok pa ako mamaya. I'm sorry."

 

 

Halos hindi na maipinta ang mga mukha no'ng mga kaklasse ko. Nang makita kong tumayo siya at papalapit kung saan ako nakatayo ay agad akong nagpatuloy ng lakad. Baka isipin pa niyang isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Nakakahiya kaya, ang isang tulad kong panget ay hindi na kailangan pang mapansin.

 

Pero sa gulat ko'y nalagpasan pa niya ako. Ang bilis naman niyang maglakad. Pero ang akala kong lalayo na ang pagitan namin ay hindi. Bigla siyang tumigil sa harapan ko, nagulat pa ako. Ngumiti siya sa akin sabay lapit niya na sa tingin ko'y biglang tumigil mundo ko habang lumalapit siya sa akin.

 

 

"Hi." Late reaction. Nakatulala lang kasi ako kanina. "O, bakit nakatulala ka na?" Archie asked.

"Ah, h-hindi naman." Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Sabay na tayo?"

"Ha?!"

"Puwede bang sumabay sa'yong magbreak?"

"Ha? B-bakit naman?"

"Bakit masama ba?"

"H-hindi naman, kayalang eh..."

 

 

Hindi na ako nakatapos pang magsalita nang bigla niya akong inakbayan at nagsimula nang maglakad. Center of attraction kami, lahat ng madaanan namin sa hallway at sa hall ay nakatitig sa amin at pinag-uusapan. At ang pinakaikinabigla ko ay nang hindi namin pagpunta ng Canteen at umupo na lang sa may bench.

 

 

"A-akala ko ba magb-break tayo?" Though sobra na ang kaba ko, I manage to ask him.

"Maraming tao eh." Grabe pinagpapawisan na ako, naka-akbay parin kasi siya sa akin >_<. "Kapag maraming tao, mas maraming intriga."

 

 

Tango lang ang isinagot ko. Bakit ba naka-akbay parin siya sa akin? Diba puwedeng alisin muna? Pero di ko naman kayang sabihin 'yon eh kasi nahihiya na ako. Mabuti na lang at kaunti na yong tao rito. Malayo rin ang inuupuan namin sa mga bench na may mga tao. Lihim akong tumingin sa kaniya, ang guwapo talaga. Kaya siguro nagagalit ngayon ang iba sa akin dahil sa guwapong nilalang na ito. Sa di ko inaasahan, lumingon siya sa akin kaya nagkatitigan kami. Gulat kami pareho, ngumiti siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin pero alam kong nakatitig parin siya sa akin.

 

 

"S-sorry" ang nasabi ko.

"Sorry? Bat ka nagsosorry?" Hindi ako sumagot, I heard him sighed. " I have a question."

"A-ano 'yon?" Ilang minuto kaming natahimik, ilang ulit siyang bumuntong-hininga. Akala ko ba may itatanong siya?

"Kapag may manligaw ba sayo, sasagutin mo?"

"H-ha?..a-ano...e-wan, b-baka. K-kasi diba nga man-hater ako?" Kahit nahihiya na ako. May man-hater pa bang hinahayaang may mang-akbay sa kaniya? Bakit ko nga ba hinayaan na mangyari ang ganito?

"Oh, wait. That reminds me of something." May kinuha siya bigla sa bag tapos inilabas iyon.      "O ito, nahulog mo kasi kanina." O_O YONG DIARY ko. napatayo ako bigla.

"Paano napunta sayo ito?"

"Kasi ano, sorry ha? Di ko kasi napigilang tingnan. No'ng tinulungan kitang pulutin mga gamit mo, nakita ko ito. Pero gusto kong basahin kaya.., umm sorry"

"A-ahh.."

 

 

Phew! waah! Anong gagawin ko? Baka nabasa niya nilalaman nito?! O_O My secrets...My 7th secret!. Bigla siyang tumayo at hinalikan ako sa pisngi.O.O

 

 

"Thanks for the diary Ms. May-ann Hernandez. I enjoyed reading it, it's really an interesting book,pretty." Then, nagwink siya sa akin sabay..lakad niya at umalis.

 

 

Napa-upo ako sa bench, Lord! Please take me now. Alam ko.., alam kong alam na niya. Kaya siguro naitanong niya ang bagay na iyon. Pero wala na akong magagawa, nabasa na niya. I opened my diary.

 

 

Secrets...

 

1) The me in the school and outside is far different in the house.

2) I am a product of broken family.

3) I do love my classmates, they are like my family.

4) I always do a fake smile.

5) Pretending as a man-hater

6) I've done a big mistake; because my 7th secret is...

7) I love HIM. Archie Dela Rosa.

 

 

Napapangiti ako, nakakahiya. Binuklat ko ang next page na susulatan ko sana para sa nangyari ngayon but to my surprise, may nakasulat.

 

 

 

Hi, sorry kung binasa ko ito ng walang pahintulot sa iyo. Diary pa naman ito, but  I can't control myself to know more about the girl that I loved since Freshmen. I'm really sorry, but thanks to this diary. I was able to know your true feelings and that made me strong and brave enough to ask  you this one thing. Puwede ka bang ligawan?

 

Your 7th secret,

Archie Dela Rosa :)

 

 

 

The first person found out my secrets was my 7th secret, Archie Dela Rosa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet