Surprise, Bibi! (Part 1)

The Jangmi Adventures [HIATUS]

"Onnie! Oppa! Annyeong! Yah! Omma! Appa!"...Yan ang mga naririnig namin pagpasok ng Incheon National Airport.

"Asteeg. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila." sabi ko kina YeShane, Henlie, Abie at Geyo.

"Nahihilo pa ako.", sabi naman ni YeShane.

"San ang CR dito? Nasusuka na ako.", reklamo ni Henlie.

"Upo muna tayo, nanginginig ang mga tuhod ko.", Geyo complained.

"Asan si Abie?", tanong ko.

Hinanap namin siya then biglang tumawa si Henlie sabay turo. "Ate! Andun siya oh!".

Napatingin kaming lahat sa tinuro ni Henlie. Andun si Abie. Sa may bench. Tulog. Wahaha. EPIC!

Nilabas ni Geyo ang camera niya at pinicturan niya si Abie habang tulog. Kami naman ay pigil ang tawa nang bigla siyang gumising.

"Huh? Asan ako? San tayo?", tarantang tanong ni Abie.

Sinagot siya ni YeShane. "Adik, andito tayo sa Incheon Airport. Naiwan pa ata sa eroplano ang kaluluwa mo. Haha."

"Takbuhin mo na, pabalik na sa Pinas yun! Nyahaha!", loko ko naman.

"Ang sama niyo. Haha.", pabirong tampo si Abie. "Teka, pano pala tayo makakapunta sa hotel natin?".

"Ah ate, maglalakad ka at kami naman ay sasakay sa service car." pilosopong sagot ni Geyo.

Tumawa kaming lahat nang malakas na lahat ng dumadaan ay napapatingin samin.

"Ate, nakatingin na sila sa atin. Hanapin na natin yung sasakyan baka ilagay pa tayo sa mental hospital." Henlie suggested.

"Oo nga no. Uy, hanapin na natin yung service.", sagot ko sabay kalabit si YeShane.

At yun nga. Hila-hila ang sariling trolley pumunta kami sa area kung saan madaming taong naghihintay.

"Alam kaya ng driver kung sino tayo?", biglang tanong ni YeShane.

"Grabe nalang kung hindi.", sagot ko. "Ayun!". Tinuro ko ang isang lalaki na naka pormal na damit. May hawak-hawak siyang malaking placard. It reads: "Grand Ambassador Hotel: Yappi, YeShane, Abie, Henlie, Geyo". Plus, may kasama siyang babaeng naka pormal din.

"Huh. Weird. Andun pa lahat ng names natin. Haha.", sabi ko sa kanila.

Lumapit naman daw kami.

"Uhm, excuse me.", paumanhin ni YeShane sa babae.

"Yes?", buglang lingon niya. "Oh! Are you the guests of Mr. Lim from the Philippines?", medyo gulat na tanong niya pero meh poise pa din.

Tumango kaming lahat.

"My name is Jenny and I will be your guide for the next 6 days. I hope you will enjoy your stay here in Korea.", sabi habang nakangiti. "Please, follow us outside."

Sinundan namin sila sa labas at tumambad sa amin lahat ang isang itim at kumikintab na Mercedes Benz. Cool. Seriously? Sosyal!

Sumakay kami sa likod at si Jenny naman ay sa may tabi ng driver's seat.

While inside the car, the five of us were so quiet and just stared at each other. One thing's for sure. This moment feels so unreal. It's like a dream!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet