Chapter 1

When Hate Turns to Love

 

 

*Chapter 1: BFF


 

 

 


♥Melody's POV

 

 

 

“MELODY!!” Tiningnan ko kung sino yung nagsabi nun. Ayuuuun. Ayun na pala si Bespren. Kanina ko pa siya hinihintay e. 

“YANNNIIIIEEE!!!” sabi ko naman at tumakbo agad ako papunta sa kanya para yakapin siya.

 

 

“Long time no see ah! Musta na?”  Tanong niya sa'kin.

“Eto, panget parin. Hahaha” Sagot ko naman sa kanya. Totoo naman e. Hindi ko kasi sinasabihan na maganda yung sarili ko. Hahaha.

 

 

“Mas pumangit naman ako,” Sabi niya tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Di ka pa rin nagbabago. Mukha ka paring TOMBOY! HAHAHA.”Ay, in-emphasize pa talaga niya yung tomboy. -____- 

 

 

 

Sorreh. Pag-pasensyahan niyo na po kaming mag-bestfriend. Ngayon lang naman kami nagkita ulit ehh. Tagal kaya din naming hindi nagkita. Siguro ganito din kayo ng bespren mo kapag matagal kayong hindi nagkita. Hehe. *O*

 

 

 

“Weh? Mas cumute ka pa nga ehh! Salamat sa pag-lait ah! Na-appreciate ko yun.” Sabi ko tapos ngumiti ako sa kanya. Yung sarcastic na ngiti.

“Che! Ang cute raw malapit pa rin sa pangit! Sorry hahaha. Pero thank you naman sa pag-puri!. Wahaha ^O^” Sabi niya. Cute malapit sa pangit? Ngayon ko lang narinig yun ah.

 

 

 

Pero kahit kelan makulit talaga itong bestfriend ko. Anyway, ako nga pala si Melody Jade Miranda. 18 years old ako ngayon pero malapit na akong mag-19. No Boyfriend Since Birth. Pero may nagkaka-kras din naman ako.

 

 

 

At nandito ako ngayon sa airport. Susunduin ko kasi yung bestfriend ko. Siya naman si Yanna Stephanie Ramirez. Pero tawagin niyo daw siyang Yannie. Magkasing-edad lang kami. Kagagaling lang niya sa Canada, kaya nga sinundo ko dito sa airport eh.

 

 

 

“Musta na yung lovelife mo? Balita ko may boyfriend ka na. Totoo ba yun?" Sabi ko. Narinig ko kasi yun sa mga kaibigan namin eh. Sabi nila may boyfriend na daw si Yannie.

“Ummm… oo eh" Sagot naman ni Yannie. So totoo nga. May boyfriend na nga siya. :O

 

 

“weh? Sino? Nasaan siya? Gwapo? Type mo? Ilan taon na siya? Kasing-edad mo b—” -Teka lang, Atat naman ata ako ng masyado. Baka masyadong makulitan sa'kin si Yannie. Hahaha.

“Oy teka! Isa-isa lang! >___<" Sabi ni Yannie. Sabi ko sa inyo eh, makukulitan nga siya sa'kin. Well, makulit lang talaga kasi ako pagdating sa mga ganitong bagay. *O*

 

 

“Di ko pa siya pwede ipakita sainyo. Sa sunod na taon nalang daw niyo siya makikita. Mahiyain yun e.  O ikaw naman, kamusta naman ang lovelovelovelife mo?" Sabi niya. Kamusta nga ba ang love life ko? Nah.

“Ah… siya pa rin naman. :3” Sabi ko. Curious kayo kung sino noh? Hahaha.

 

 

“Yiiieee, hanggang ngayon talaga eh noh? Oy, nabalitaan mo na ba na may kanta na pala sila? Dami ko naman tawa dun e. Hahaha. Tsaka may concert daw sila bukas, yun yung isa sa mga dahilan kung bakit bumalik ako dito sa Pinas e.”  Sabi ni Yannie. Ganun? Pumunta siya dito para lang mapanood yung concert nila?

“Oo alam ko na lahat yun. Bumili na nga ako ng tickets e. Isa sayo, isa saakin. Tsaka last month pa ako bumili, ako nga ata yung pinakaunang bumili ng tickets ee. Pang-VIP pala yung binili ko. Pinag-ipunan ko yan a!" Sabi ko.

 

 

“Salamat! Magkano pala yung bili mo dito sa ticket ko?” Tanong ni Yannie sa'kin.

“10,000+" Sabi ko naman.

At nanlaki yung mga mata niya, “10,000+? Di nga?!” Hala. Ayaw niyang maniwala?

“Kaya nga VIP ee.” sabi ko.

“S-Salamat! Malaking bagay yun saakin! ^____^” Sabi ni Yannie.

 

 

 

Yung tinutukoy banda pala na tinutukoy namin na may concert bukas ay yung Pretty Boys Company. Wag kayong tumawa, totoo naman kasi na pretty boys sila kaya ayun yung naging name nila. Hindi naman talaga sila sikat na sikat. Sikat lang sila ng konti. Parang mini band ganun ganun. Tatlo lang naman ang members nun. Adik na adik ako doon lalo na kay Ian Alvarez! ♥_____♥

 

 

 

Tapos yung dalawa pang members ay sila Nathan Linarez at Vincent Hernandez. Tss, ayoko kay Vincent. Ang haba kasi ng buhok niya. Nakakaturn-off. -___- Nagagwapuhan naman din ako kay Nathan pero mas pogi parin talaga si Ian.  Nakita ko na rin pala silang tatlo sa personal. Kababata ko silang tatlo ee. Pero hindi kami childhood friends ni Vincent, childhood enemies kami! Magkaaway kaming dalawa. -___-

 

 

 

At tsaka… nung huli kaming nagkita-kita nila Ian 8 years ago na ata hahaha. Mga hindi pa sila sikat nun. Tsaka nung 8 years ago na yun may crush na ako kay Ian nun. Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya alam. Hindi ko sinasabi sa kanya e. :P

 

 

 

“So, Saan tayo ngayon?” Tanong ko kay Yannie.

“Baliw ka ba? Alagan naman mag-mall tayo eh ang dami kong dalang maleta! Syempre sa bahay!” Sagot naman ni Yannie. Oo nga naman. Melody kasi e. Excited maglakwatsa. =o=

“Sorry naman. Akin na nga yan. Kawawa ka naman e." Sabi ko habang kinukuha ko yung iba niyang maleta.

“Salamat! Yan ang bestfriend ko! Kaya mahal na mahal kita eh.” Sabi niya. Psh. Ang korni talaga ni Yannie. =)))

 

 

 

Habang naghihintay kami ng taxi.. 

 

 

 

“Waaahh, namiss ko rin tong Pinas! Melody, Pwedeng mag-mall tayo mamaya?” Sabi niya.

“Sure.” Sagot ko naman.

 

 

 

Kasama ako ni Yannie lagi kasi kapitbahay ko lang sila. Kaya tuwing may lakad ako sa mall o saanman na pwedeng kasama si Yannie, lagi ko siyang kasama. Okay nga yun eh para hindi ako nagiisa. Ang hirap kaya gumala mag-isa. Ayoko maging gaya nung last year na wala si Yannie. T___T Pero paminsan sinasamahan din naman ako ng mga iba kong kaibigan.

 

 

 

Yung parents ko? Ayun nasa U.S. iniwan ako dito T^T. Pero ako talaga yung nagpaiwan. Nagpaiwan ako kasi baka ma-miss ko yung Pinas. Kasama ng parents ko yung bata kong kapatid na si Melissa. Actually, hindi naman siya yung bata na parang bata talaga. Mas bata lang siya sa'kin ng 3 years. :D

 

 

 

“TAXI!” Sigaw ni Yannie. Nagulat naman ako doon. Pagkatapos nun, nilagay na namin yung mga bagahe ni Yannie sa likod ng taxi tapos sumakay na kami sa loob ng taxi.

 

 

“Yannie, Meron ka bang nilagay na ginto sa mga maleta mo at ang bigat ng mga dala-dala mo?” Reklamo ko. Ang bigat bigat kasi eh.

"Wala naman, Pero mga pasalubong kasi ang mga laman ng mga maleta ko.” Sabi naman ni Yannie. Wow! Pasalubong! I ♥ Pasalubongs! Lalo na kapag imported. For sure may pasalubong na naman ako niyan. ^O^

 

                                                 

“Ibig sabihin marami akong pasalubong galing sayo? Waaahh, Thank you! Thank you! ♥” Sabi ko sa kanya with matching smiley face na abot tenga. Ang saya ko lang kasi. Haha.

“Heh! Ano ka ba! Hindi ikaw ang bibigyan ko ng pasalubong. Para kay Ate itong lahat e.” Sabi ni Yannie. Ay ganun?

 

 

“Ah ganun ba?” Sabi ko with matching pout naman.

“JOKE LANG! Syempre meron ka rin namang pasalubong! Bakit naman kita hindi bibigyan ng pasalubong? Maramot ba ako sa bestfriend ko? Hindi naman diba?” Sabi niya. Oo nga, hindi naman siya maramot pagdating saakin e. Kaya nga mahal na mahal ko ang bespren ko e. :D

 

 

“Hindi ka nga maramot. Weee thank you! Payakap nga. Namiss kita ee. ^O^” Sabi ko. Tapos niyakap ko siya kaagad.

“Sus! Same to you! Mas namiss kita!” Sabi niya at niyakap niya rin ako.

 

 

 

Ganyan talaga kaming dalawa. Mawala ba naman kasi yung bestfriend ko ng isang taon. Isang taon na wala akong kasama pag may lakad. Isang taon na wala akong kakulitan. Tinuturing ko na kasi siyang kapatid.

 

 

 

Pagdating namin sa bahay nila Yannie...

 

 

 

Bumaba na kami sa taxi. At saktong may sumalubong saamin. “YANNAAAAA! Welcome back!”  Sabi ni Ate Alyanna, ang ate ni Yannie. 

“Ateeee!” Sabi naman ni Yannie tapos niyakap niya yung Ate niya.

Oh, Melody nandito ka rin pala! Tuloy ka.” Sabi ulit ni Ate Alyanna. Tapos pumasok kami sa loob.

 

 

 

Umupo kami ni Yannie sa sofa tapos lumapit saamin ni Ate Alyanna na may dala-dalang pagkain. “Psst, Kain muna kayo, Pinagluto ko kayo ng Blueberry Cheesecake.” sabi ni Ate Alyanna.

“Right timing naman. Gutom na ako e." sabi ni Yannie. “Wow, Blueberry Cheesecake!” sabi ulit ni Yannie sabay kuha nung plato.

“Kainin niyo yan ah. Ako nagluto niyan.” sabi ni Ate Alyanna.

“OPO!” Sabi naming dalawa.

 

 

 

Pagkatapos namin kumain ay binuksan na namin yung mga dala-dala ni Yannie. Tiningnan ko kung anong mga laman ng maleta niya. Edi ako na yung naghahalungkat ng hindi ko maleta. Haha.

 

 

Woahh! Chocolates!” Sabi ko. May nakita kasi akong chocolates doon sa may sulok nung maleta ni Yannie.

Oh ayan para sayo yan. Pasalamat ka mabait yung bespren mo. ^___^” Sabi ni Yannie habang binibigyan ako ng isang box ng chocolate.

“Salamaaaaat ng marami!” Sabi ko habang niyayakap ko siya.

 

 

 

 

 

♥Yannie's POV

 

 

 

Nandito ako ngayon sa kwarto ko kasama si Melody. Dito daw kasi siya matutulog. Hindi na kami natuloy sa mall. Medyo pagod pa kasi ako. Kaya magsi-sleepover nalang siya sa bahay ko. Waahh, namiss ko rin yung bestfriend ko.  Tagal ko rin hindi nakikita si Melody e. Tagal din kaming hindi nagkita. ^___^

 

 

Kahit katabi ko ngayon si Melody, wala akong parin akong magawa. Kaya naisipan kong buksan muna yung Facebook ko. At pag-bukas na pag-bukas ko pa lang, nagappear na kaagad yung:

 

 

 

  f   Daniel messaged you!

 

 

 

Nagulat naman ako dun sa sounds. Hahaha. Naka-full volume kasi yung speakers nung laptop e. Tss, Chat ng chat tong lalaking ito. Pero yiiieee, kinikilig naman ako. Halatang namiss niya ako. :”””>

 

 

 

“Bess! Sino yan? Siya ba yung boyfriend mo?” Ay nagulat naman ako kay Melody.

“ah Oo.” Sagot ko.

“Yiiieee! Ikaw ha! Lumalablayp ka na naunahan mo na ako! >___<" Sabi niya yun. Wala kasi siyang boyfriend hanggang ngayon. NBSB yan e. Well, problema na niya yun. Ahaha. :P

 

 

 

  

Pano ba naman, Kakaonline ko palang sa fb chat eh nagmessage na kaagad siya saakin. Waaahh. *O*

 


 

  Daniel Briones                             x  

  Hi Heart! Kumusta ka na?

 

 

 

  Hi Sweet! Ok lang naman ako. Eto

  kasama ko yung bestfriend ko na

  si Melody. Ikaw ok ka lang ba? =)

 

 

 

“Eh? Heart? Sweet? Ano yun?” Tanong ni Melody.

“Pinagbaliktad namin yung sweetheart tapos pinaghiwalay namin. So si Daniel tawag sakin Heart. Ako naman tawag ko sa kanya Sweet.” Sabi ko. Hahaha. Ang korni naming dalawa ni Daniel 'no? :))

“Tss, Ang corny niyong dalawa! >__<” Sabi ni Melody.

 

 


 

  Daniel Briones                             x  

  Ah. Oo ok lang ako. Ok na ok. Maka-

  chat lang kita, buo na yung araw ko.

 

 

 

 

 

Yiiieee, Ansabe naman niya?! Edi ako na yung kinikilig. >//< Napatalon ako ng konti. Tapos naweirduhan sa'kin si Melody. Hahaha, e kinikilig ako eh. Siya kasi wala pa siyang boypren kaya ganyan siya. :P

 

 

 

“Huy Yannie! Ok ka lang?!” Sabi ni Melody.

 

 


 

  Daniel Briones                             x  

  OK. Ako na yung kinikilig! >__<


 

 

  Hahaha. Mas papakiligin pa kita lalo

  kapag nandyan na ako. ♥

 

 

 

  

Punta ka na dito ngayon! Hahaha. Pero syempre joke lang. Pero sa totoo lang, gusto ko nandito siya ngayon. Hindi kasi siya makapunta dito sa Pinas ngayon dahil may trabaho pa siya. (Siya meron nang trabaho ako wala pa. TT^TT) So next year pa daw siya papayagan makapunta dito.

 

 

 

Nauna na ako umuwi dito dahil miss na miss ko na ang mga kaibigan ko lalo na si Melody. Pero namimiss ko naman si Daniel. T__T

 

 

 

  Daniel Briones                             x  

  Wag mo ngang sabihin yan! Baka

  pauwiin kita dito ng di oras! =)))


 

 

 

 

So ayun, Nagchat kami ng nagchat hanggang sa nag ‘Goodbye’ na si Daniel. Tiningan ko ang orasan, madaling araw na pala. Matagal din pala kaming nag-chat ni Daniel. Hahaha. Ganun talaga.

 

 

 

“Melody, Gising ka pa?” Tanong ko kay Melody.

“Hindi hindi. Tulog na ako. Nakapikit na nga ako oh.” Ay. Pilosopong Melody. -__-

“Eh basta matutulog na ako. Goodnight Bess.” Sabi ko.

“Ako rin naman eh. Sige na, Goodnight!” Sabi niya.

 

 

 

 

__________________________________________________________________________________________________________

Author's Note:

Hi again! Thank you nga pala sa pag-basa nitong story ko.

Kung gusto niyo mag-comment narin kayo. I will appreciate it po. :D

Kung masakit po sa mata yung mga font colors. Sorry po. ^__^v

Ganun lang po talaga kapag bata yung Otor. Ahaha.

Yun lang po ang masasabi ko. Haha. Byeeee!

Chapter 2 to be followed! :)

  ♥  ♥   ♥  |my-chihoonie's note|  ♥  ♥   ♥ 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet