Catch Me If You Can

Catch Me If You Can

 

“Catch Me if You Can”

 

 

Rhian’s POV

Hooray! College student na ako, I’m so proud dahil nairaos ko ang four years sa high school pero at the same time nalulungkot ako dahil my HS life is now over and I can’t go back to the times where we are having fun. But I know those memories will stay in my heart forever. It’s about time to move on and face new life at iyon ay ang college life, and speaking of since first day namin, we freshmen are oblige to attend various orientations regarding the school’s features. I know it sounds boring but I can’t do anything about it coz attendance is a MUST I guess matutulog na lang ako during the orientation ^0^ pagbigyan na ang batugang tulad ko. HAHAHA.

As I was looking for a vacant seat, I noticed someone’s back, oo likod talaga. Kasi naman nakaharang siya sa dadaanan ko. Aba’t anu ba talaga ang problema nito? Naroon at uurong tapos susulong. HALER!!! KOYA nakakaabala ka kaya. Pero syempre hindi ko binoice out, mahiyain ata ako ^__^

“Rhian!”

Aba may tumawag sa maganda kong pangalan nahiya naman ako kasi pati itong si KOYA napatingin saken. Hindi ko na lang pinansin at hinanap kung sino ang tumawag saken at ayun namataan ko si Kylie bago kong friend actually kaklase ko siya were taking up BS Accountancy. Anyway kaya niya pala ako tinatawag ay para ayaing umupo sa tabi niya na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan ko, 3 rows away lang sa bandang likod. Much better, I thought to myself kasi mas madaling matulog kaya pinuntahan ko na siya.

“Salamat sa pagreserve ng upuan ha?”

“No prob basta ikaw, nga pala see that guy?”

“Saan?” sabay tayo ko naman sa kinauupuan ko para makita yung tinuturo niya.

“Upo!”

“Upo!”

-____-‘ sigaw yan ng mga nasa likuran namin.

“Peace V” sabi ko na lang.

“Asan ba kasi?”

“Yung lalaking nasa harapan mo kanina.”

“AHHHH--- si KOYANG hahara hara sa daan?”

“Siya nga.”

“What’s about him?”

*pak* Ouch, pinagtripan na naman ni Kylie ang NOO ko T.T

“Ang pogi! tapos hindi mo man lang naappreciate.”

“Kailangan talaga may sapak?”

“Naexcite lang ako, ang pogi kasi tapos well defined pa ang katawan ^^,”

“Parang hindi naman.” hinihimas ko pa din yung injured kong noo mahirap kasi maka recover sa hagupit ni tong si Kylie.

“Pero---“ I stopped her

“Save your excitement, don’t worry mamaya itutulak kita papunta sa kanya para naman makachansing ka kahit konti , sa ngayon matutulog muna ako.”

ZZZzzzzZZzzZzZzZz

Kylie’s POV

Kagaling talaga ng babaeng to, mapikit lang tulog agad. Hindi naman para saken yung guy kaya ko nga itinuro sa kanya baka sakaling lumablyf na siya, kaso wa epek talaga sa lola niyo. Ganyan ka old fashion yan, kung idedescribe ko siya, she’s the complete replica of Maria Clara in modern age. She always wears pants and simple shirts and her hair? Always in ponytail at doon na  nagkayare. Worried lang naman ako kasi baka tumandang dalaga siya. huhu kahit naman kakakilala palang namin eh napalapit na talaga ako sa bruhang to.

Meanwhile…

“Rhian will you be my girl?”

O.o for real? Did Dong Ho really ask me to be his girl? HEAVEN >///< !

“I would love---“

*pak* great! now I’m awake, back again to reality where I know me and Dong Ho being together is very impossible.

“ARAY T-T” As usual sino pa nga ba gagawa saken nun?

“Well, forgive me your highness but I presume we must leave KASI AS YOU CAN SEE, TAPOS NA ANG ORIENTATION AT TAYO NA LANG ANG TAO DITO SA AUDI!!!” pasigaw niyang sabi saken.

Di naman siya galet noh? Balak niya lang ako kainin ng buhay.

“Sana pinabayaan mo na muna ako, malapit na eh magiging girlfriend na ako ni Dong Ho!” ganting sigaw ko din.

*sigh* “Hindi ko na talaga alam ang gagwin sayo, tara na at ihing-ihi na ako. Pag ako nagkasakit sa bato kaw ang sisisihin ko.”

“Sorry naman daw. Nga pala wala na tayong klase di ba? Miryenda muna tayo bago umuwi.”

“Katakawan mo talaga, sige na nga tutal gutom na din ako. Pero CR muna ako .”

“Okie ^^ yes makakakain na uli ako ng empa-waffle-lacto-kutchi.”

Nakapasok na si Kylie sa isa sa mga cubicle ng makaramdam din ako ng call of nature kaya pumasok na din ako sa isang bakanteng cubicle.

“Kylie, Tapos ka na ba?” tanong ko habang nagseseremonyas.

“Oo, bakit? Teka kala ko ba hindi ka nCCR eh bat anjan ka na ?”

“Biglang kumulo eh, kala ko gutom lang yun pala something na.”

“Sige sige hintayin na lang kita sa labas, mahirap na baka masuffocate ako pag nagtagal pa ako dito.”  

“HMP, ang sama mo!”

Hindi na siya sumagot pa, siguro nakalabas na siya. Makapag hugas na nga at baka magalit na naman yun pag nagtagal ako.

Matapos kong binyagan ang CR sa Audi nagmadali na ako umalis mahirap na kasi baka may dumating at malamang nagpasabog ako. hihi wise ata to, malinis trumabaho.

 “Success!” nakangisi ko pang sabi. Nasa tapat na ako ng CR naman ng boys ng may mapansin ako. Kanino kayang bag to? Mabuti pa madala sa guard para maisoli sa may ari.

“M.R.” yun ang nakasulat sa bag, siguro initials ng may ari.

“Akin yan---“ tatayo na ako para harapin yung nagsalita pero sakto naman tumama ang noo ko sa noo niya.

*bogsh* kapag nga naman sinusuwerte ako, naka strike 3 ako in just one day. I can see stars @_@

“Miss ok ka lang? Sorry ha.”

Hindi ko makuhang sumagot ang sakit pa rin kasi T^T Kylie, help!

“Gusto mo dalin kita sa Infirmary?” ng marinig ko yun napadilat ako bigla, takot kasi ako sa infirmary. Pagmulat ko *dub dubdub dub* isang Jae Joong look alike lang naman ang tumambad sa harap ko, he looks worried >///<

“Miss.” winave niya pa ang kamay niya at nun lang ako nabalik sa earth.

“O-o, O-k lang ako, pasensya na din.” *bow*hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim, tama nga si Kylie gwapo siya! Ang nakauntugan ko lang naman ay si KOYANG hahara hara kanina, teka parang bumalik ata ang pagsakit ng tyan ko. Tumayo na ako at baka dito pa ako magkalat.

“Sorry uli, sayo pala itong bag. Akala ko kasi may nakaiwan dadalin ko sana sa guard sige yun lang. Bye~~~ “*smile* pagkasabi ko nun kumaripas na ako ng takbo

“Wait lang!”

Hindi ko na siya pinansin uli sa halip ay binilisan ko pa para makalabas na ako.

“Kylie tara na!” hinigit ko na siya paalis sa lugar na iyon, ng sa tingin ko eh nakalayo na kami ng husto huminto na ako sa pagtakbo.

“Oy baklita anu na naman naisipan mo at tumakbo ka at hindi lang iyon dinamay mo pa ako, anu to marathon?”

“Sorry, tara uwi na lang tayo.”

“Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko.”

“Wala yun, trip ko lang tumakbo. Panu tara na?”

“Weird mo talaga, teka kala ko ba magmimiryenda pa tayo.”

“Wag na pala nagbago na isip ko, nabusog na kasi yung ma--- este busog pala ako.”

Nagkibit balikat nalang si Kylie *phew* buti na lang hindi na siya nag usisa pa. Nakarating na kami sa boarding house pero eto ako parang naiwan ang diwa ko kay Mr. MR, is this LOVE??? Well I don’t mind falling in love with him, NAH! Joke yun? Bukas wala na din ito.

Michael’s POV

Natapos din ang orientation, I can finally go to the court and practice for 15mins para sa try out.

“Jasper una na  kayo may gagawin pa kasi ako.” sabi ko sa pinsan ko, magka-age lang kami kaya close na close kami niyan.

“Tennis na naman yan noh? Bro, head over heels in love ka talaga sa sport na yan. Goodluck, I’ll go ahead.”

 The try out went well ang daming magagaling, thankful ako at isa ako sa napiling magrepresent sa college namin (CAS) this coming university intrams. Next stop, university try out.

“Sir thank you po.”

“Sige, basta tomorrow 5am sharp.”

“Opo.” Isinukbit ko na ang bag ko and ready to leave when I remember something, THAT GIRL! I smiled with the thought; she smiles so sweetly and innocently yung tipong hindi gagawa ng hindi maganda. Too bad I don’t get the chance to know her name takbuhan ba naman ako -_-“ Di bale for sure magkikita uli kami *dub dubdub dub* O.O Sa try out kanina hindi ako kinabahan pero nung maisip kong magkikita uli kami--- ako ba talaga to? SO GAY!!!

The Next Day…

“Rise and shine princess!”

“KYLIE!!! Sabado ngayon.” sabay takip ko ng unan sa mukha ko, akala ko aalisin niya yun pala dadaganan niya pa.

“@#%&*@48”

“May sinasabi ka ba?”

“Eh-toh-nah-bah-bah-ngon-nah!” buti nagawa ko pang sabihin yun. Hihinga hinga ako ng umalis sya sa pagkakadagan sa mukha ko.

“Ok ka lang? balak mo ba akong patayin \(>_<)/ ang aga aga pa pero nambubulabog ka na.”

“Precisely, umaga na and it’s good na mag execise kaya ayusin mo na ang sarili mo at magjajogging tayo.”

Anu pa nga ba magagawa ko? Bumababa na ako ng higaan at nagdiretso sa banyo. Nagsipilyo lang ako wala kasi ako sa mood magsuklay kaya yung pigtail ko kagabi ganun pa din ang ayos ng buhok ko ngayon. Ikakabit ko na lang yung contacts ko ng…

“Rhian!” nagiging habit niya ng sigawan ako ha.

“Ay kalabaw!!!” O__O nabitawan ko yung isang contact lens ko sa sink. Pambihira naman, no choice isusuot ko na lang yung salamin ko. PROBLEM SOLVE ^_^

“Oh bat mukha kang si Yankumi ( si Yankumi ang gumanap na teacher ng mga pasaway na HS student sa Japanese series na “Gokusen”) bungad agad saken ni Kylie.

“Eh kasi po nagulat ako sa pag sigaw kaya ayun nabitawan ko sa lababo yung contacts ko, hindi ko na narecover.”

“@#%&*@48” tinakpan ko yung bibig niya sigurado ako na maglilitanya na naman siya.

“Tara na nga, jogging na jogging na ako.” sabi ko at ng matapos na at makabalik na ako sa pagtulog hihi.

Madilim pa ang paligid ng lumabas kami pero marami ng tao karamihan eh nagjajogging din. As usual madaldal pa din si Kylie hanggang sa nakarating kami sa oval hindi pa din nauubusan ng kwento. Kunwari na lang nakikinig ako, inaantok pa kasi talaga ako.

*dub dubdub dub*

Napahinto ako sa pagjajogging. Pagod na ata ako, pero wala pa naman sanang isang kilometro ang natatakbo namin tapos grabe na makapagpump ng dugo itong puso ko. O kaya naman baka may sakit na ako sa puso T_T, NOOOOOOOO bata pa po ako para dun.

*dub dubdub dub*

Mas lumakas ang tibok ng puso ko ng madaanan ako ng isang lalaki, he looks familiar.

“Rhian!” tawag saken ni Kylie siguro napansin niyang hindi na ako nakasunod sa kanya.

Sa pagtawag niya saken automatic namang napatingin saken si--- si Mr. MR? O///O nilalagnat na ata ako. Imbes na sumunod ako kay Kylie tumakbo na ako pabalik sa boarding house.

Michael’s POV

What a beautiful morning! Akala nyo yun nagdilang anghel ako, oo nagkita uli kami kala niya siguro hindi ko siya makikilala sa ayos niya. Pupuntahan ko na sana siya para makausap pero tulad ng kahapon tinakbuhan niya na naman ako. Anu ba problema? Naligo naman sana ako tyka kung hindi niyo naitatanung gwapo naman ako kaya wag niya sasabihing mukha akong masamang loob. *sigh* I guess there’s still a next time, Rhian ^__^

Sa Boarding House…                          

“Hindi pa din bumabalik sa normal yung heart beat ko.”

“Napano ka ba?” si Kylie, dumating na pala siya. “Para kang nakakkita ng multo kanina.”

“He-he-he.” bigla akong napangiti ng maalala ko si Mr. MR, akala ko makakalimutan ko na siya pag natulog ako. Hindi pala , eto nga at nakita ko na naman siya. Another thing is he’s a tennis player my golly, RYOMA ECHIZEN in real life.

“Mas masahol pa sa multo ang nakita ko.” *>/////<*

“Nakakita ka ng multo pero ganyan ang pagmumukha mo, namumula.”

“Kylie kasi ganito yan, may crush ako.”

“Oh anu naman? May bago ba dun? Haler, ang dami mo kayang crush at lahat iyon imposible.” sabay simangot niya at tinalikuran ako.

“Hinde yun. Ang ibig kong sabihin eh may bago akong crush at iyon ay si Mr. MR, yung lalaki kanina.”

Biglang humarap saken si Kylie, kitang kita ko ang pagliliwanag ng mukha niya. At hindi lang yun hinawakan pa niya ang noo ko, akala siguro nilalagnat ako dahil sa mga pinagsasasabi ko. Ako din naman naninibago sa sarili ko, usually kasi mga kpop artists at anime characters ang nagiging crush ko. Never pa ako nagkacrush sa real life God’s creation.

“Ading suportado kita jan, Sinu ba dun? marami kayang lalaki kanina sa oval.”

“Remenber yung lalaki sa audi na itinuro mo saken? Siya yun at kanina lang nasa harapan ko siya.” ikinwento ko na din kay Kylie yung nangyari kahapon na nagging dahilan ng pagtakbo namin.

“EEEEeeeEEE, I see so anu plano? Iaadmire ba natin siya?”

?_? “Anung iaadmire? Baka naman iistalk.”

“Correction, admire dapat for admirer, kasi pag stalker, hala pang mga chaka lang yun.”

“Ahh, okie okie ^^ ang dami mo talagang nalalamang ganyan, from now on idol na kita.”

Hindi pala ganun kadali mag-admire lalo na’t hindi mo siya ganun kakilala pero ganun pa man unti-unti ay nagkaroon din kami ng impormasyon sa kanya tulad na lang ng  personal info, course at frequent hang out niya which is sa tennis court. Kaya kada uwian dumadaan muna kami ni Kylie sa tennis court, napapalayo man kami ng daan pauwing B.house worth it pa rin kasi nakita ko kung ganu siya kaporsigido sa pagpapractise minsan nga gabi na ako nakauwi dahil nag pass pa ako ng draft ng pananaliksik namin, since nakaugalian ko na dumaan pa din ako sa court kahit alam kong wala na siya dun dahil gabi na, pero swerte at andun pa din siya. Napakagaling niya talaga, kung ako tatanungin he’ll be one of the best tennis players of all time syempre ako ang no. 1 fan niya. He’s no longer Mr. MR dahil Michael Reyes pala ang buo niyang panagalan. It suits him, lalaking lalaki haha maliban doon napag alaman ko ding maglalaro siya sa intrams at hinding hindi ko yun palalampasin…

Intams…

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Kylie sa kalye Paliko papunta sa oval para manuod ng volleyball kung saan kami naka assign.

*toot*

Fr: Seph

Kylie nagsisimula na ang singles 2, Kevin ng B.A laban kay Michael ng CAS. Dalian niyo at baka hindi niyo na maabutan, mabilis kasi ang pacing ng laban.

“Rhian, may laban na daw si Michael!”

“HALA baka hindi natin abutan, tara takbuhin na natin.”

At iyon nga tinakbo namin ang halos dalawang kilometro papuntang old gym kung saan nagaganap ang match. Hingal na hingal ako at hirap huminga pero mas nahirapan akong huminga ng makita ko ang score.

B.A |5|    40

CAS|0|    15

Isang game na lang. Si Michael? nakayuko siya mukhang pagud na pagod na. Nakadagdag pa ang sobrang pressure dahil siya ang 1st game. May mga CAS student kaso wala namang ginagawa kundi umarte ng umarte, eh kung magcheer kaya sila?

“Go Kevin!”

“Tapusin mo na yan!!!”

Sigaw yan ng mga supporters ni Kevin na kapwa B.A student namin pero dahil pasaway ako, kahit nahihiya…

 “GO CAS!!!”

“KAYA MO YAN! IT’S NOT OVER UNTIL IT’S OVER!” sigaw ko inilagay ko pa talaga ang kamay ko sa pagitan ng bibig ko para mas malakas at hindi naman ako nabigo, sa lakas ng sigaw ko natabunan ang sigawan ng ibang B.A. Pasensya na kung sa CAS ako nagchicheer, buti nalang pala at hindi ko suot ang B.A shirt ko ngayon kundi tiyak hindi na ako makakalabas ng buhay dito.

“WAG KANG SUSUKO.”

“IPAKITA MO KUNG GANU KALAKAS ANG SMASH MO!”

“GO MICHAEL!!! FIGHTING!!!” >.<)/

“Uy, Rhian tama na narinig ka naman siguro niya.” awat saken ni Kylie, siguro napansin niyang masama na ang tingin samen ng ibang nanunuod mostly B.A students.

Michael’s POV

“I’m dead, hindi ko na ata kayang bumawi.”

Nasabi ko nalng sa sarili ko, I’m losing hope right now and then maririnig ko pa yung cheerer ng kalaban ko. Buti pa siya may motivation, eh ako? sariling kayod. Iseserve ko na lang ito at ng matapos na---

 “WAG KANG SUSUKO!”

“IPAKITA MO KUNG GANU KALAKAS ANG SMASH MO!”

“GO MICHAEL!!! FIGHTING!!!” >.<)/

I heard a voice from the crowd. The only voice who is cheering for me. Tumingala ako and whispered something…

*smile* “Thank You po, for sending an angel to cheer me up.”

“Nagsisimula pa lang ang laban…”

“Still have lots more to work on.” at tuluyan ko ng isinerve ang finishing shot ko, twist serve. Pagkatapos ay tumingin ako sa likod and saw a familiar face. Ang initial reaction ko? ngumite syempre not because of victory but because of the girl who’s standing in front of me, hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung wala siya, hope this thing will be enough to repay her.

“Thank you, Rhian.” I hand her a tennis ball, na ginamit ko sa huling shot kanina.

.

.

.

.

.

-______________-“  pagkakuha niya tinakbuhan niya na naman ako.

Rhian’s POV

“Baka naman malusaw na yang bola sa kakatitig mo.”

Imbes na patulan ko ang pang-aasar niya, I give her my sweetest smile with teary eyes.

“Kylie, kilala niya ako.”

“Sana sinabi mo yan kanina hindi yung tumakbo ka.”

“What do you expect? Na-shinning, shimmering, splendid ako. Hindi ko alam kung anu gagawin ko.”

“Next time bumawi ka, bukas na bukas hahanapin natin siya, kaya matulog na ha.”

“OKIE!”

Author’s POV

The next day, as planned Rhian and Kylie do their operation: Hunting  papa Michael. During their last period which is marketing 100, hindi na mapakali si Rhian sa kinauupuan almost 5 na kasi eh may ipapass pa silang research paper, baka nakauwi na si Michael. Fortunately…

“Wala daw si Ma’am Escalona!”

“Yey! uwian na.”

Sigaw ng mga kaklase ni Rhian, kung sila masaya aba eh lalo na si Yankumi kaso may obligasyon pa siya bilang leader ng group nila sa Filipino.

“Rhian tara na.”       

“Wait lang dumaan muna tayo sa Fil Dept. para ipass itong final draft kay sir Jomer.”

“Sige.”

“Sa annex na tayo dumaan para mas malapit.” sabi ni Rhian.

CAS Annex (extension ng main building)

“Naku ang dami namang estudyante dito nagyon.” reklamo ni Kylie, panu panigurado mahihirapan silang dumaan.

“Hayaan mo na mas malapit kasi pag dito tayo dumaa---“

*dub dubdub dub*

“EN 1 wala daw si Ma’am Daqui, pwede na umuwi.”

Nagkatinginan ang dalawa sa narinig nila. Alam kasi nila na iyon ang section ni papa M. Hinanap agad ni Rhian si Michael at hindi naman siya nabigo dahil nakita niya itong nakaupo sa hallway parang may sariling mundo yun pala tulog. Ginising lang ng kaklase niya kaya ayun nabuhay na uli, hahaha. Hinila na ni Rhian si Kylie nagtataka namang tiningnan nalang siya ni Kylie.

“Andun pa siya, bat umalis na tayo?”

“Studies first, admire later.”

Saktong pagdating nila sarado na ang Fil Dept. Tumingin si Rhian sa pinanggalingan nila at nakita niyang palapit na si Michael sa kinatatayuan nila. Kaya naman hinila niya uli si Kylie para makapagtago sila sa likod ng bulletin board.

“HeY! kanina ka pa hila ng hila.”

“Sssh!” itinuro niya si papa M. “Tara sundan natin.”

Habang sinusundan nila si Michael, hindi naman mapigilan ni Rhian ang kiligin na naging dahilan para hilahin at yugyugin niya si Kylie. Buti na lang at enough ang distance nila para hindi sila marinig. Biglang lumiko si papa M at sumingit sa lipon ng mga estudyante.

“Not again.” reklamo na naman ni Kylie, eto namang si Rhian prenteng nasa likuran lang ni Kylie. “Ang daya mo!”

“Kaya mo yan Kylie, balayahin mo yung babangga saten, hehe.”

Sa halip na sumagot pa si Kylie iniharanag niya nalang yung briefcase niya para magsilbing pang harang.

“Saan na nagsuot si papa M?”

“Ayun, pumasok siya sa Admin. Tara!”

“Oy Rhian wag mo sabihing hanggang sa loob susundan natin siya.” nasa harapan na sila ng kwartong pinasukan ni Michael.

“Sisilip lang tayo.” dahan dahang ibinukas ni Rhian ang pinto at ayun nakita niyang may kausap si Michael. Natuwa siya pero napalitan din ng lungkot dahil sa narinig niya…

“Congratulations  Mr. Reyes, tumawag ang UE para ipaalam na ikaw ang napili nilang bigayan ng full scholarship syempre kapalit ng paglalaro mo sa team nila. They were very impressed sa naging performance mo yesterday. Everything’s set, umoo ka lang at bukas na bukas din ipadadala ka na sa school nila.”

(A/n: UE is a prestigious school known for a strong tennis club. Only the chosen  ones were allowed to join the team. According to statistics, nangunguna ang UE sa pinaka magagaling na school na nagcocompete sa nationals.)

“Talaga po? Sir matagal ko na pong pangarap ang makapasok sa UE hindi ko na po pag iisipan pa, oo na po ang sagot ko.” Walang pagsidlan ang tuwa ni Michael, hindi lang kasi siya ang may pangarap nun kundi pati na rin ng papa niya kaya naman hindi niya sasayangin ang opportunity na binibigay sa kanya ngayon.

*blag*

Sa sobrang pagkabigla ni Rhian sa narinig hindi niya napansin napalakas pala ang pagkakasara niya ng pinto. Tumakbo siya tulad ng dati niyang ginagawa para takasan ang mga bagay na ayaw niya, sinundan nalang siya ni Kylie.

“Nagugutom ako Kylie, kumain muna tayo bago umuwi.” they end up in a food stall, “Chibugan”

Kylie’s POV

Alam ko malungkot si Rhian, kung kelan kasi nakatagpo na siya ng lalaking pagtutuunan niya ng pansin tyka naman aalis to. Hindi ko na lang muna siya kinausap kasi pag ganyang tahimik yan nagdadamdam talaga siya kaya nagulat ako ng mag- aya siyang kumain. Umoo na lang ako. Mahaba pa ang pila ng mga umoorder kaya nilibot ko muna ang mata ko sa paligid O.O…

Si papa M at mukhang dito siya papunta, palapit na siya ng palapit kaya naman napagdesisyunan kong umalis na at hindi na magpaalam kay Rhian.

“Kylie anu ba gusto mo?” turn na namin umorder pero pagtingin ko sa likod wala na siya at iba ang nakita ko.

“Pwede ba tayo mag-usap?” tumingin ako sa likod baka kasi hindi naman pala ako ang kinakausap niya, pero naconfirm kong ako ng tuluyan na siyang makalapit saken.

Nag iwas ako ng tingin at kinausap si ate… “ Ate hindi na po pala.” Umalis na ako, kabastusan mang matatawag pero hindi ko talaga kayang kausapin siya. Una dahil hindi naman kami personal na magkakilala at pangalawa anu pag-uusapan namin eh tulad nga ng sabi ko hindi kami magkakilala baka nga nakalimutan niya ng ako yung binigyan niya ng tennis ball. Kaya for the 5th time tumakbo uli ako.

Michael’s POV

*blag* sa pagsara ng pinto nagpaalam na din ako sa coach ko, pag labas ko nakita ko ang isang tumatakbong babae. Hindi ako pwedeng magkamali… siya yun, siguro narinig niya yung napag usapan namin. Kanina ko pa alam na sinusundan niya ako pati nung kasama niya pero hindi ko akalain na hanggang dun susunod siya. I appreciate all her efforts, oo alam ko ang ginagawa niyang pag-aadmire saken, “ADMIRE” talaga kasi sabi nga ni Jasper “STALK” is for chaka only, na sinang ayunan ko naman dahil hindi naman talaga siya chaka. Ang cute niya kaya.

Hindi ako nagalit sa totoo lang natuwa pa ako knowing that she likes me and I won’t deny that I like her too the very first time that I laid my eyes on her, iyon ay nung nasa likod ko siya during the orientation, minsan akong napalingon sa kanya at nakita ko kung ganu siya mainis siguro dahil hindi siya makadaan na kagagawan ko. Sinadya ko talaga na wag umalis agad kasi he looks cuter when she’s pissed, pero umalis din siya kasi tinawag na siya ng kaibigan niya. RHIAN what a pretty name, just like her.

At ngayon hindi ko hahayaan na takbuhan niya na lang uli ako. Ayokong umalis na hindi ko nalilinaw sa kanya ang lahat.

This time I’ll definitely catch her.

 

 

 

 

 

Rhian’s POV

Omo, hinahabol niya ako, bilis kailangan makalayo ako >.<

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Wait! bakit ko siya lalayuan if all this time all I want is to catch him? Aalis na nga siya tapos ako eto hahayaan nalang ng ganun.

Huminto ako sa pagtakbo sakto naman nahawakan niya ako sa kamay.

*dub dubdub dub*

Eto na naman ang puso ko daig pa nakikipaghabulan sa bilis. Hindi na lang to ordinaryong crush, infatuation or what so ever. I’ve fallen…

Michael’s POV

*dub dubdub dub*

The same feeling, alam na alam talaga ng puso ko pag si Rhian na. I guess I’m wrong when I say I like her mas tamang sabihin na I LOVE HER.

“Hi! I’m Michael Reyes, pwede ba tayo maging magkaibigan? I know it’s too late for formalities kasi alam ko namang kilala mo na ako.”


*Smile* humarap na ako sa kanya. “ Eh di matagal mo na palang alam na inaadmire kita?”

“Um-oo, and I’m glad.”

O///O

“Bat namumula ka?”

Imbes na sagutin ang tanung niya… “ I’m Rhian Domingo and willing to be friends with you.”

 “Can I hug you? pabaon mo saken my new friend and soon-to-be-my-girlfriend” tanung niya

“Huh?” hindi ko kasi narinig yung huli niyang sinabi. Ganun pa man ok lang na hindi niya sinagot, a hug is enough to answer my question.

“This isn’t a goodbye, I’ll be back for you so wait for me.”

“I will.”                                                                                       

The End

Sometimes hindi natin alam na may feelings na pala tayo sa isang tao, magugulat na lang tayo kusa ng nagrerespond ang katawan natin. Iba kasi ang iniisip natin sa nararamdaman natin. Words and actions are of the essence, but in this story hindi na nila kailangan magsalita their action speak for their feelings.

 

                                                               

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
69waterfalls #1
Chapter 1: Ang cute at nakakatawa rin!!>_< LIKE ko po sya.....^_^
TaroSuzuki #2
sa lahat po ng babasa nito dito sa aff at sakaling mabasa niyo sa wattpad under username Iincho, ako din po yun.
kumocho
#3
BRUUUUUUUUUU! The best talaga 'to! Basta nasa FB naman comment ko eh. /spazzzz
gawa ka pa haaaaaa!
asinmen #4
Chapter 1: tagalog! i never imagine there exist here. your story is nice. please write more