Her Smile is My Life ( O N E S H O T )

Description

 

Her Smile is My Life

(O N E S H O T)

 

Written by:

Mr.Shishimato

 

 

 

Disclaimer:

 

This story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is coincidental.

 

 

Copyright©2012

Her Smile is My Life by Mr. Shishimato

 

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system, without the prior written permission of the author.

 

Foreword

 

 HER SMILE IS MY LIFE (ONESHOT)

 

 

“Kung saan siya MASAYA, doon rin ako MASAYA.”

 

 

 

 

Late nanaman ako ! Baka magalit na si Madam First Period always may Period...

 

Ayun pagdating ko nakaupo na ko sa aking upuan bago makapasok si Madam Physics..

 

Nalate daw siya kesyo ganito ganyan.. Ayaw niya kasing malate. Kaya explain explain pa siya. Defensive masyado.. Pero okay lang naman sa amin. Mas maganda hindi na siya aatend! Haha joke lang ! Pero ang ayaw lang namin eh kung malate ka halos buong period ng klase niya FULL OF SERMON! Dinaig pa ang simbahan magsermon. Kalunes lunes eh. =_____=

 

Ah ! Bago ko malimutan .. Ako pala si Cyrus Lorenzo Esteban.  3rd Year High School po. 15 years old na ko.

 

Ayun nagdiscuss si Madam at nagpasulat ng lecture. Ayun dismissal na . Nakakapanibago. First time magpadissmis nang maaga si Madam!  At himala sa himala .. Wala ng susunod na subject namin na Filipino.. Sumama daw sa competition. 3 days daw siyang wala.. Good news ..  Ayun. Naglaro laro lang ng doodle jump. Pataasan kami ni Minchi . As usual.. Siya ang high score ..

 

Then recess time na..

 

 

Pumunta na ako ng canteen at bumili ng pagkain at pumunta sa favorite tambayan..

 

 

Umupo ako sa mga  benches. Tapos may nakita akong babae na umiiyak dun sa may damuhan.. Mag-isa niya lang. Nilapitan ko siya.

 

“Miss, mukhang kailangan mo to.” Sabay abot ng panyo ko.

Tapos kinuha niya yung panyo at ipinunas niya dun sa luha niya.

“Nakakahiya naman at may nakakita pa sakin dito. Pasensya na ha? Bukas ko nalang ibalik para malabhan. Salamat pala.” Sabi niya habang tutulo ulit ang luha niya.

Nagtanong na ako kasi bihira iiyak ang magaganda...

“Miss, bakit ka nga pala umiiyak?”

Break na kami ng boyfriend ko.. I mean EX-BF ko. Habang kami pa may karelasyon pala siyang iba. Ano yun laruan lang ako? Tapos sasabihin niya, Mas mahal niya daw yung malanding yun. Hayop siya! Magsama silang dalawa! Manloloko at malandi ! *sabay tulo ng luha* Ang sakit talaga.. Napakasakit.”

“Miss, tama na.. Ganyan talaga ... Ang ibig sabihin nun kaya kayo nagbreak eh mayroong nakatakda sayo na karapat-dapat at mamahalin ka higit sa binigay nung lokong yun.”

“Salamat pala. Punta na ko sa room Sige mauna na ako.”

“Sige.”

Ayun bumalik na ko sa room.. P.E. namin..

 Pumunta ng gym at mag PFT (Physical Fitness Test) daw..

 

 

Ayun natapos na at bumalik ulit sa classroom.

Hindi ko pala natanong yung pangalan niya..

 

Tapos wala yung ibang teachers kasi coach sila ng iba’t-ibang sports kaya pinauwi na kami.

 

Ayun umuwi na kong bahay at diretso sa kwarto ..

 

 

Hindi ko parin matanggal tanggal sa isip ko yung babae kanina na umiiyak tapos ngumiti..

 

Ang ganda ng ngiti niya.. Mukha siyang anghel.. Ayun nalaman kong Section A siya. Section B kasi ako.

 

“Gusto ko yung mga ngiti niya.” Pabulong kong sabi.

Ayaw ko nang makita siyang umiiyak. Kasi hindi ako sanay na may umiiyak na babae.

 

Next day

 

Wala daw physics kasi may meeting daw ang science faculty.. Filipino wala rin.

 

 

Pumunta akong canteen para bumili ng makain..

 

 

Tapos dumiretso sa tambayan.

 

 

 

Nakita ko nanaman siya doon.

 

 

Nakaupo lang siya sa silong ng puno..

 

Nagrereview ata siya..

 

 

Ayun tanawin ko nalang siya.

 

Ngumingiti siya. Ewan ko kung bakit.. Pero ang ganda pag nakangiti siya.. Para siyang artista..

 

Ang hirap niyang abutin. Para siyang Sun tapos ako Pluto.. Ang layo ng distansya..

 

Pagbigyan niyo na ako. Kahit sa pagtanaw lang maabot ko siya. Kahit sa simpleng ngiti lang niya masaya na ko.

 

Ayun!

 

Naisipan ko nang bumalik sa classroom at may exam pala kami sa English..

 

Ayun nakireview ako sa kaklase kong sunog kilay ang pagrereview..

 

Dumating na ang accented teacher, Si Madam Englisherang Eksaherada or Mrs. Exaggerated English Teacher.

 

“Good mornin’ class! Today, I will give ya test. Yeah! You heard it right. I will give the test papers and you will answer on the ½ sheet lengthwise. After distributing the papers you can start answering.”

 

Shoot! Short-term memory lang ang gamit ko... Pano yan. Identification pa naman.. Tsk tsk..

 


Tapos biglang nagsalita si Madam..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“I forget to write the choices. So, here, I will write the choices for test I, II and III”

 

Salamat! Mayroon rin akong masasagot.

 

Then pinasa ko na yung papel ko.

 

 

 ako ata una natapos magsagot..

 

 

Sumunod na yung iba kong kaklase..

 

 

Ayun, pinacheck na ni Madam yung papers..

 

 

 

 

 

Nakakuha ako ng perfect 50!

 

“If your grade is 50 in this test, you are now exempted in the periodical test.”

“Students who got the perfect score:”
“Esteban..  Steniel..  Rasteñias.. Madrigal..  Garcia, Lizbeth.. Mendoza.. Smith..  Chua.. Delos Crisantos..”

“You can now have your early lunch break. Class Dismiss.”

 

Nagmadali akong bumili ng pagkain sa Canteen, baka maubusan ako. Kaya tumakbo na ako.

 

 

 

Takbo pa.  Takbo takbo..  Malapit na yung canteen. Dalian mo..

 

 

 

Ayun na! Tapos...

 

 

 

 

 

 

 

Nakabangga ako..

 

 

 

 

 

 

Si Crush ko pa.

 

 

Tinulungan ko siyang kunin yung mga nalaglag na mga Test Papers.

 

“Sorry Miss.” Sabi ko sakanya.

“Ok lang.” tugon niyang sabi.

“Tulungan na kitang idala ito.”

“Wag na. Nakakahiya.”
“Sige na Miss. Ako na ngang nakabangga eh. Tapos hindi pa kita tutulungan.”

“Sige na nga.”

“Saan pa room nyo?”

“Dun sa SF Building. Second Floor.”

“Ah, tara na.”

 

Then yun sabay na kaming naglakad..

 

Nakakabingi kasi walang nagsasalita sa amin.

 

Pero kahit walang nagsasalita.. Nakangiti siya. Nakangiti rin ako.

 

 

Nakarating rin..

 

“Ayun salamat sa pag hatid ah.”
“Walang anuman Miss. Teka nga. Ano ulit pangalan mo?”
“Elizabeth Cecilia Patrimonio”

“Ah. Nice to meet you *Sabay abot ng kamay para shake hands* Ako pala si Cyrus Lorenzo Esteban. Oh, pano mauna na ko sa room namin.”

“Sige. Salamat pala ng marami.”

“Walang anuman.”

 

 

 

 

Laking tuwa ko dahil nakasabay ko siyang maglakad. Hinatid ko pa siya sa classroom niya.

 

 

Awtie ... haha !

 

 

[(V.I.P. Note) Author’s Note: Maglalagay ako ng POV.. Kung ako ang naunang author na maglalagay ng POV sa Oneshot na story.. It’s my pleasure. AKO ANG NAGPAUSO! Haha xD. Sa mga readers salamat sa support ! Pagpupursigihan kong makagawa ng maraming kwento para sa inyo. Silent readers, loud readers, not-so-loud-nor-silent readers, mobile readers, java readers, pdf readers, in short WATTPAD READERS. Salamat sa inyo ! Sana wag kayong magsawang magbasa ng mga storyang isusulat, nakasulat, nakataga, nakavandal, nakatattoo, nakapainting,kung anu pa man yan. SALAMAT! ]

 

Elizabeth’s POV

[Author’s note: Ayan may POV na siya! Kating-kati na ko para lang magkaPOV siya! Kasi akala ko masama maglagay ng POV sa One Shot na story. So ayun, napag isip-isip ko na ako ang magpauso.. xDD]

 

Ayun hinatid ako ni Cyrus dito sa room. Mabait siya at gentleman, kung saka sakaling manligaw yun.

 

 

SAGUTIN KO AGAD?!

 

 

 

PBB TEENS KAYO?? EKSAHERADA! Syempre hindi no. Padadaanin ko muna siya sa butas ng karayom. Ayaw ko nang masaktan ulit.. Katulad nung nangyari sa ex-boyfren kung malandi..

 

Ayun nagklase na kami kay Sir ICT. Photoshop ang subject namin sa kanya.. Diba bongga? Hihi ^____^v

 

Ayun nakamove on na rin ako sa ex ko..

 

 

Syempre ayoko naman na naghahabol pa ko eh hindi na nga ako mahal.. Para lang akong mamamangka sa kalsada, hindi na nga makausad-usad nagmukha pa akong tanga. Diba? Diba? Say OO! (OO nalang kami !!)

 

Ayun. Nag edit ng picture.. Ang title ng project ay Shattering Effect ! Ay nako!

 Nakaka ewan ! Hindi ko alam kung pano! Kahit may instructions na hindi ko rin maalam. Pasensya na po. Sadyang wala akong maalam dyan..

 

Ayun nagpaturo ako dun sa classmate kong magaling magphotoshop! Alam nyo grabe, ang galling nya talaga. Di ko alam kung san siya nagmana! Idol na idol.. Name niya? Ian Lorenz Ramos ang ngalan ng magaling sa photoshop na yan..

 

[V.I.P. note for the V.I.P. Readers : Si Ian Lorenz Ramos po ay ako. Hindi po ako masyado magaling ha? Ahem Ahem. Nagseself study lang po ako sa photoshop... Kasi po talaga may subject po ng photoshop.. Pang 3rd year po yun .. Eh 2nd year palang ako.. Masyado lang kasi akong advance.. (boses ni guardian angel) *ehem ehem masyado mo nang tinataas ang sarili mong bangko ah.. Dahil dyan paparusahan kita! *Ting! Naging photoshop guru ako ! haha.]

 

Ayun tinuruan ako. Ganito ganyan daw. Echos lang ako. Yey ! Meron na ko ! haha. xD

 

Ayun ang binigay na grade ni Mister I.C.T ay 100 dahil perfect na perfect daw ang pagkakagawa ko. Kung alam lang niya! xD ayun. Dismissal na. At wala na daw teacher at may party party daw.Ayun, pumunta ako dun sa place na lagi kong pinupuntahan tuwing gusto ko mapag-isa..

 

Ayun. Umupo ako sa damuhan at sinimulang kuni ang cellphone ko sa bulsa ko.

 

 

 

 Tinitingnan ko yung picture namin ni ex sa cellphone.

Kasi 2 years na kami eh. Tapos malaman laman ko pinagsabay pala kami nung Clarisa na

yun.

 

Mahirap talagang tanggapin na dalawa kayong mahal niya. Mahirap may kahati at ayaw ko namang magpakamartyr na ipagpatuloy pa yung kahibangang yun.

 

Kaya mas mabuting lumayo na sa kanila kahit nakikita mong araw-araw silang masayang magkasama. Oo, aaminin kong naiingit ako. Pero ayos lang. Alam ko na may nakaplanong tao na ibibigay ng Diyos sa akin. Kailangan lang maghintay..

 

The next day.

 


Sa Wednesday na ang Field Trip ! Lunes palang ngayon.

 

Ayun sabi ni Madam Adviser. Halo halo daw ang magkakasama sa bus. Ayun para makagain daw ng friends.

Bus # 105 ako. Ang kasama ko eh si Anna Marie tsaka Si Dale Francis. Yung iba classmates ko sa ibang bus na sila. =____=.

 

Ayun echos echos lang ang lecture ng mga guro! Dapat daw may pasalubong sila.. Kwek kwek nalang kaya?  Dos isa.. Haha! Mabusog pa sila.

 

Fast forward.. Nothing serious to tell noong Monday at Tuesday dahil..

 

 

 

 

 


Hindi na daw tuloy ang FIELD TRIP =_____= parayaw talaga.

 

 

 

 

 

 

Joke!! Haha .. Syempre tuloy na tuloy daw.. Rain or Shine. Maaga magising. Syempre ready na ready ako. Humingi na ko ng pocket money. Secret kung magkano! Ako ata ang nauna sa mga classmates ko. Ayun nakita ko si Cyrus naghihintay, nakahawak sa ulo niya.

 

Syempre, Curiosity kills nga naman diba? Linapitan ko siya at nagatanong.

“Uy Cyrus, uhm Okay ka lang ba?”

“Oo Beth, nothing to worry. Okay na okay lang ako. Masyado lang akong excited kasi Fieldtrip kaya ayun hindi ako natulog.”

“Ah ako nga rin eh, excited. Uhm Sa bus ka nalang matulog. A-ano number ng bus na sasakyan mo?”

“105.”

“105 rin ako. Haha. Swerte at may kakilala ako.”

“Bakit wala kang kasamang classmate mo sa Bus # 105?”

“Meron, pero hindi kami close.”

“Sabagay.”

Nung natapos kaming nag-usap eh dumagsa ang mga tao. From first year to fourth year.

“Sakay ka na Beth!” sabi ni Cyrus

“Oo. Sino katabi mo?”

“Wala”

“Katabi nalang kita ”nginitian ko siya

“Sige! ” ngumiti rin siya

 

Pagkaupo dun kami sa bandang harap umupo. Ayung natulog si Cyrus sa upuan at nakahawak ang kamay sa ulo. Ano kaya ang sakit nitong lalaking to? Nilagay ko yung headset ng IPOD ko at nakinig ng music...

 

After Your Heart by Moira dela Torre

Next

She Will Be Love by Maroon 5

 

 

 

...

 

Nakatulog pala ako.. Ginising ko na rin si Cyrus..

 

Ayun dito kami pumunta sa may Zoo. Basta Zoo siya. Tapos may Nursery rin. Yung panghalaman. Tapos nag-aalaga rin pala sila ng butterflies! *0*

 

Ayun by pair dapat daw. Kung sino yung katabi sa bus siya yung kapair mo. Haha! Etong katabi ko nga eh parang wala sa mood magfieldtrip pero pinipilit. Pero yaan mo na. Uminon naman siya ng gamut eh. Enjoy enjoy lang tayo ^____^.

 

 

Cyrus’ POV

Bago pumunta dun sa school may sinabi si Mama na ikinagulat ko.

“Anak, wag kang mabigla sa sasabihin ko ha? *tumulo yung luha ni Mama* A-anak. May tumor ka sa utak. Kailangan kang operahan. Pero maliit lang ang chance na maging successful ang operasyon dahil unti lang ang nagiging successful ang operasyon ng may brain tumor. Sinabi ko sayo kasi may karapatan kang malaman ang totoo.. Anak..  wag kang mawalan ng pag-asa.. Live life to the fullest.”

 

“Sige na Ma, punta na ko. Maaga pa kami sa FieldTrip. Magpacheck-up nalang ako sa doctor. Paschedule mo na ko.”

 

Then nagsimula na kong sumakay sa kotse. Nagdrive na si Manong.

 

 

 

 

 

 

 

Then nakarating na kami dito sa school. Ayun nakita ko si Elizabeth..

 

Lumapit siya sa akin..

“Uy Cyrus, uhm Okay ka lang ba?”

Kahit ngayon lang ako magsinungaling... White lie naman ang gagawinn ko eh.

“Oo Beth, nothing to worry. Okay na okay lang ako. Masyado lang akong excited kasi Fieldtrip kaya ayun hindi ako natulog.” Pagdating talaga sa ganyan Cyrus no? Napakagaling mo.

“Ah ako nga rin eh, excited. Uhm Sa bus ka nalang matulog. A-ano number ng bus na sasakyan mo?” Nag-aalala siya sa akin. Wag ka masyadong assuming.. Porket nag-aalala lang siya eh mayron na siyang nararamdaman sayo? Nahihibang ka nanaman.Alam mo naman ang status ng Lovelife mo eh. One-sided Love.. :P

Then un.. nag-usap kami..

“Sakay ka na Beth!” niyaya ko na siyang sumakay

“Oo. Sino katabi mo?”

“Wala”

“Katabi nalang kita ”nginitian niya ako

“Sige! ” ngumiti rin ako.

 

Then un. Natulog ako kasi ang sakit sakit ng ulo ko. Sanhi siguro ito ng brain tumor na sinasabi ni Mama. Pero iindahin ko to.. Kasi kasama ko Siya...

 

 

Huminto na kami dito sa unang pupuntahan..

 

Sa isang Zoo.. ayun. Nakakarelax.. Ang tahi-tahimik naman dito.. Parang gusto ko nang mamatay ngayon... Joke.. Syempre Live Life To The Fullest nga daw eh... Kaya ayun naglibot libot kami dito ni Beth. Tss. Napakasaya ko kasi kasama ko siya ngayon. Enjoy enjoy nalang.

 

May tour guide kami. By group group ganun. Kagroup namin yung mga kabus namin.

 

 

 

Tapos bigla akong nahimatay..

 

 

 

 

 

 

ALL THINGS WERE BLACK.

 

 

 

 

Elizabeth’s POV

 

Ayun enjoy na enjoy kami eh.

 

 

 

 

Bigla nalang nahimatay si Cyrus. Ano kaya nangyari sa kanya?

 

Kaya sumigaw na ko.

 

“Tulong!!!   Tulong!!!! Kailangan siyang dalhin agad sa hospital!”

“Ano ba ang nangyari?” nangangambang tanong nung tour guide.

“Nahimatay po siya.” Tugon ko.

“Kasi ang mahal ng mineral water nyo eh!” sambit nung lalaking nakisingit.

“Hoy! Lechugas ka! Ikaw nanaman? Lintek ka pag nahabol kita.”

 

 

Tapos un naghabulan na sila..

 

 


 

Ayun may sumugod na ring ambulansya..


 

Dinala na namin sa hospital.


 


 

Tapos nalaman kong may tumor daw siya sa utak. Matagal na daw itong nasa kanya ngunit parang hindi niya pinagamot o pinaopera man lang. Isang araw nalang daw ang taning ng buhay niya.


 


 


 

Nagising na si Cyrus.


 

"Elizabeth... May gusto akong sabihin sayo.." -Cyrus


"Ano yun. Makikinig ako."


 

"Diba una tayong nagkakilala nung umiiyak ka? Diba"-Cyrus


 

"Oo, yung heartbroken ako."


 

"Binigay ko pa nga yung panyo ko eh. haha."-Cyrus


 

"Hindi ko pa nga nasasauli yun eh."


 

"Wag mo nang isauli, sayo na yun. Elizabeth, may ipagtatapat ako."-Cyrus


 

"Ano yun."


 

"Na MAHAL KITA. Naduduwag lang akong sabihin sayo kasi baka hindi mo naman ako gusto eh. Pero wag kang umiyak ha? Siguro hindi nga ako ang tao na karapat-dapat para sayo."-Cyrus


 

"Edi sana nanligaw ka na noon pa! Cyrus naman eh. Pinapaiyak mo a---"

"Wag kang umiyak. Sige ka.. At tsaka, Beth.. Nagustuhan ko ang mga ngiti mo. Kaya wag kang iiyak ha? Ayaw kitang umiiyak. At ang mga ngiti mo ang buhay ko."-Cyrus


 

Lumipas ang oras... Natulog na si Cyrus. Pero parang hindi na siya humihinga. Hinawakan ko siya tapos ang lamig lamig niya.


 

tumawag na ako ng Doctor..

"Doctor!!" dali-daling pumunta ang doctor at mga nurses.


 


 


 


 

After 25 mins.


 


 

"Miss. Kamag-anak ka ba niya or kakilala?" Tanong ng doctor.


"Opo. Ano po ba nangyari?"

 

"Ikinalulungkot ko pero. Patay na po siya. Yun nga pong sinabi ko. Isang araw nalang ang taning ng buhay niya."

 

Nashock ako .. First time kong makakita at makaranas ng ganito. Bigla bigla nalang tumulo ang luha ko.

 

"Hindi maaari." bulong ko.

 

Biglang nagflashback sa isipan ko yung sinabi ni Cyrus. Tapos unti unting bumalik agad lahat ng moments namin sa maikling panahon.

 

 

 

 

 

 

2 years past. Ayun.. dinalaw ko ang puntod ni Cyrus.

 

 

Antagal ko nang hindi nasabi to kasi huli na.

 

 

"I love you Cyrus kahit huli na :'(" pabulong kong sabi


"I love you rin beth." Parang may bumulong saken.

 

 

IN LOVING MEMORIES

 

Cyrus Lorenzo Esteban

December 15,1995-October 29,2011.

 

 

[Author's Note to his Very Important Readers(V.I.R.): Kung gusto niyo pong gawin ko tong full story as in yung mahaba uhm pm nyo ako sa ym ko. [email protected]. send me a message: comment, or suggestion regarding sa story. Thank you sa pagbabasa!]

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet