Nang Sabihin kong Crush ko Siya

Description

 

Nang Sabihin Kong Crush Ko Siya

 


Summer vacation. Syempre kapag summer, means booorriiing >___<. .. Walang magawa, FB doon, tumblr dito. Basa ng kwento sa WATTPAD. Sulat, mag cocomment. Mag fa'fan. Mag sesearch ng panibagong stories. Mag tetetris sa FB. Mag FFS. Anu baaaa!! Yan ang routine ko ngayong summer. Nagkataon pa kasi na wala naman kami summer class kaya eto, bukod sa nga-nga ka na wala ka pang pera. Ang badtrip lang! T___T

 

Actually, minsan natutuwa ako kapag walang pasok. Sa dami ba naman ng mga assignments, projects, nagkalat na plates eh mas gugustuhin ko talagang sa bahay na lang. Pero may pagka'saewan ang utak ko kaya sa sobrang bugnot ko gusto ko ng pumasookkkk!!! #_____#

 

And speaking of walang magawa. Eto na naman po si ako. Si Belle na addict sa tetris, wattpad at fb. At habang naglalaro ako ng tetris . . . .

 

 

 

 

 

*POP UP*

 

 

May nag chat sakin!!!!!!!

 

 

 

 

Natalo ako kasi nawala ako sa concentration kasi nga biglang may lumitaw na chat box, syempre matatakpan yung paglalaro ko ng tetris. Sa sobrang inis ko, gigil ako sa nag chat.

 

 

 

 

 

Maebel L*****

Bakit? Ano bang kelangan mo?

 

 

From Prince E***


Nakakaistorbo ba?

May itatanong lang po kasi ako eh.

 

 

Maebel L*****


Ano ba yun? Importante ba?

 

 

 From Prince E***

 


Di pa po sa RTU ka nag-aaral?

 Magkano po ba ang. . . . . . 

 

 

Hanggang sa nagpalitan na kami ng messages. Nalaman ko na ka'schoolmate ko pala siya nung highschool kami kaya pamilyar sakin yung mukha niya. Nagtatanong lang naman siya ng kung ano-ano about sa school. Sana pala pinarangka ko na lang ano? Sabihin ko eh "eh bakit di mo kayang subukan pumunta sa school ng malaman mo lahat ng gusto mong malaman. Ako presidente don?" Hahaha. At syempre biro lang yan, may manners naman po ako no :))

 

 

Hanggang sa palagi na kami mag ka'chat tuwing naka online ako or vice versa.

One time, inabot kami ng alas onse sa FB at kakachat lang ha. Adik lang no? Masaya siyang kausap eh. At secret lang natin ha? Crush ko kasi siya dati pa. Pero nawala na yun. Naging crush ko ulit siya ngayon kasi nakilala ko nga ka'schoolmate ko pala siya nun. Akalain mu yun?? *__*V

 

 

"Waaaahhhhhhhhh!! Natalo na naman ako! Arggghhh! Rank 67 na ako eh! Kainis naman" oo, palagi ko tong sinisigaw sa tuwing natatalo ako sa tetris. Adik nga kasi ako sa larong to eh.

 

"Kainis! Kelan na naman ba ako mananalo. Sunod sunod talo ko ah? Bwisheet!"

 

Sa sobrang inis ko. I quit the game.

 

Lipat sa wattpad.

 

Tingin ng notifications.

 

Wala.

 

Balik sa FB.

 

Ayun! Online siya.

 

Pero nahihiya kasi akong i'chat siya eh. T___T

 

*POP UP*

 


Nagulat ako nung marinig ko yung chat sound.

 

Holo!!! Nag'chat siya!!! OWEMGEE! :DD

 

 

 

From Prince E***


Hello. 

 

 

 

Maebel L*****

 

Hi! Gawa mo? 

 

Syet! Kinikilig akooooo ^___^V

 

 

 

From Prince E***


FB lang. Ikaw?

 

 

 

Maebel L*****

 

Ah. Ganun ba??? Hehehehehe. So ahm, blah-blah-blah

 

 

Ang dami na naman naming napag-usapan kahit yung iba wala ng katuturan eh. Nagulat ako ng ibigay niya sakin yung number niya!!!! 

 

Ohmaygas! Sobrang kinilig ako. Kasi di ko naman hinihingi yung number niya eh. It means gusto din nyang makatext ako at di lang sa chat. Ay winner! :DD

 

Nireplayan k omuna siya bago ko kinuha yung cellphone ko. Balik ulit sa kwarto. Nag chat na ulit kami. Hanggang sa sinabi na niyang mag offline na daw siya. Awww! Sad tuloy ako pero umoo na ako and sabi ko next time ulit.

 

 

Friday morning. May nagtext sakin. Si E****??? Waahhhhhhhhhhhhh!! Ang malas naman oh. Bakit ngayon pa? Ngayong pang. . . .

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Wala akong load. >))_______((> T_____T

 

 

 

 

 

 

No choice ako at di ko siya nireplyan. Hanggang sa dalawang araw ata siyang nagtext nun na di ko ma'replyan. Oo na! Ako na poor sa load. Eh bat ba ha? Hmpf! Hinihintay ko naman siyang mag online para sabihin ko na wala akong load eh. Di ko naman maabutan. Kaasar!!!!

 

 

Monday evening. Nagtext ulit siya, again wala akong load. Kaypayn! Sa walang pang load eh? Wala nga pera deba? deba? TT^TT

 

Nag online na lang ako sa FB. Laro ulit tetris. Punta sa wattpad. Online ko yung twitter account ko.

Pagbalik ko sa home ko, ayun online siya. WAAAHHH! Laking kilig ko ng siya yung unang nag'chat.

 

 

 

From Prince E***


Hello. Nagtext ako sayo di ka naman nag rereply e

 

Nagtatampo ba siya????

 

 

 

Maebel L*****

 

Pasensya na, wala kasi akong load eh. Sorry talaga. Baka bukas mag load na ako.

 

 

Chat to the max ulit kami. Walang kasawaan debba? Hahaha. Syempre masaya naman eh. Simula nga nun, magkatext na nga kami nagkakachat pa kami. Di naman araw araw eh.  Pa'miss ba. Joke! Di naman kami eh. Siguro, masasabi kong I am enjoying his company and the same goes with him enjoying my company either.

 

 

"Uy, baka naman magtampo yung girlfriend mo kung may katext ka iba at ang tagal mo mag reply sa kanya. Sige ka. Magagalit yun" text ko sa kanya one time. Hahaha! Ganyan tactics ko kung gusto kong malaman if may girlfriend na yung nagugustuhan ko eh. Gawin niyo yan minsan. Epektib ^___^v

 

"Ha? Wala akong girlfriend ah." aba't ang laking tuwa ko? Hahahaha. Pero napalitan ng lungkot ng sabihin niya saking expire na nga daw pala unli niya maya maya lang. Hayss. Di ko tuloy natanong kung may nililigawan ba siya. Imposible kasi walang girlfriend yun eh ang pogi niya. Mukha pa nga atang playboy eh.

 

 

Gusto niyong makita mukha niya?? Ayiie. Wag na lang. Agawin niyo pa sakin eh. Hehehe. Peace tayo. ^___^v

 

 

Mga ilang araw din ata di kami nag katext at nag kachat sa FB eh. Hayss. Di naman sa obssessed ako sa kanya ah? Natuwa pa nga ako nun na sabihin niya saking gusto niya daw ako makita kapag nakapasok siya sa school na pinapasukan ko. Para maging close daw kami. 

 

 

Sinong di kikiligin? Kayo? Siya? Sila? Ay basta ako, kinilig ako nung sinabi niya yun. Sabi niya sana makapasa siya sa entrance exam sa school namin at hahanapin daw niya ako. Wow!! Ain't that sweet?? Nag jejelly na ang tuhod ko that time. Hahahaha :DD

 

 

After 2 days nung tinext niya sakin yun. Umurong siya sa school namin mag-aral. Nagtaka ako kaya tinext ko siya. Ang sabi niya, baka daw bumagsak siya. Ay timang! Hindi pa nga siya nakakapag pa'schedule ng examination niya eh babagsak na siya? Baliw lang siya??

 

 

Wala akong nagawa. Kahit may pa'damoves ako na sabi ko itry pa din niya kasi ayoko naman sabihin sa kanya na "paano yan, edi di muna ako makikita?" wow. Kami ba? Di ba hindi naman eh? May kanta para dito eh. Yung pangarap Lang Kita ni Parokya Ni Edgar. Pero palitan niyo yung mahal kita dun ah. Crush ko lang siya no. Pero kahit na siguro mauwi sa love, di ko alam ang gagawin ko. T__T

 

 

 

Sa malapit sa Sucat na lang siya mag-aaral kasi masyadong malayo din daw kung dun sa school namin siya magaaral. Waaaaaahhhhhh!! Gusto gusto ko ng sabihin yung sinabi niya na gusto niya akong makita. Eh actually, nagkita na nga kami di ba? Pero kasi, iba na ngayon, Im just wondering kung ano na bang itsura niya??? Waaahhh! Kaloka talaga. Ayokong mag innitiate ng moves no. Hehehe :))

 

 

Wednesday. May meeting kami for Grand Alumni Homecoming. Pero officers lang by batch. Secretary ako. Wooowww! Ganda ng sulat ko eh. Joke. Hahaha. Ehem. Ehem. Civil Engineering po kasi ang kinukuha ko kaya kailangan maganda ang handwritten mo. Hihi. Ü

 

 

Sa Sta. Mesa ang meeting place sa bahay ng classmate ko nung High School. Nakakagulat nga din kasi itong alumni namin eh, biglaan ba naman? Nung April lang nag announce? My gas! Edi rush talaga kami. Ang dami pang kailangan kontakin. It's a good thing na may FB, pero syempre yung iba naman di palaging nag o-online kaya no choice kami kung di pagplanuhan kung paano sila ma'cocontact.

 

 

Supposedly, lima dapat kami eh. Pero di naman dumating yung dalawa kaya tatlo na lang kami nag meeting. So far, okay naman yung napag-usapan namin. Marami kaming na'discussed, yun nga lang di maiiwasang magtalo-talo. Hahaha. Busog na busog ako. Ang dami kong kinain. Nagutom ako sa pakikipagsagutan sa kanila eh. Dalawa silang lalaki, isang babae lang ako. T__T Ipaglaban ang mga kababaihan! Chos! Anong connect? ^__^V

 

 

Matapos namin pag-usapan yun, saglit pahinga. Umuwi na din kami. Habang pauwi. Nagtext sakin si E****. Waaaahhhhhhh! Sobrang natuwa naman ako. Kaya agad ang reply ko sa kanya. May pinuntahan daw siyang school eh, kaya kinumusta ko ang lakad niya. Okay naman daw. Tapos, wala ng pag-uusap. Di na siya nag-reply. T__T

 

Nabagot ako kaya, habang nasa bus ako nag soundtrip at umiglip muna ako.

Pagkauwi ko ng bahay, ginagamit ng kapatid ko yung lappy kaya nagluto muna ako ng pagkain namin for dinner.

 

Grabe naman yung ginawa ko sa isda, nagutay gutay. T__T. Ang hirap talagang mag prito! Lalo na pag tumatalsik yung mantika. Kailangan ng shield. Hehehehe :))

 

Pagkatapos kong kumain, ayun nakasingit na din kay lappy hehehe.

 

Online sa FB.

 

Tab.

 

 

Online sa Youtube.

 

 

 

Tab.

 

 

Online sa Wattpad.

 

 

 

Tab.

 

 

Online sa Twitter.

 

 

Tab.

 

 

Online sa Tumblr

 

 

Ako na maraming accounts. Harhar XD 

 

 

Nung medyo nag hung ang lappy ko, inexit ko yung twitter and tumblr ko.

 

Pagbalik ko sa FB, nag chat siya!

 

 

 

Prince E****


Online :)

 

 

 

 

Maebel L*****

 

Ahehehe. Wala na nga pala akong load ha.

 

 

 

Prince E****

^__^

 

 

Wow. Ang haba ng sinabi niya ah? Na'touched ako grabeeee! Hay nakowwwsssss..

 

 

 

Maebel L*****

 

Hehehe. Kumain ka na ba?

 

 

 

 

Prince E****

 Yep. Katapos ko lang.

 

 

 

 

Maebel L*****

Ahehehe. Ako di pa nga eh :(

 

 

 

Prince E****

Ay. Sige. Uy, out muna ako ha.

 

 

Tapos biglang nag-out. Di pa naman ako nakakapag chat back sa kanya eh. T__T Di ko tuloy alam kung mag oonline pa kaya siya??

 

After 30 minutes

 

 

 

Prince E****

 

Im back! :)

 

 

 

 

Maebel L*****

 

Uy! Ginawa mo??

 

 

 

 

Prince E****

 

Wala naman.

 

 

 

 

Maebel L*****

 

Oo nga eh kaya ka nga nag offline eh

 

 

 

 

Prince E****


May binili lang ako.

 

 

 

 

Maebel L*****


Ah. May sasabihin ako sayo

 

 

 

 

 Prince E****

 

Anu yun?

 

 

 

 

 Maebel L*****

Eh nahihiya ako eh. Wag na lang. Hahahahaha

 

 

 

 

 

 Prince E****

Wew. Nasabi mu na eh. Sabihin muna kasi

 

 

 

 Maebel L*****

AHHHH! Nahihiya talaga ako eh.

 

 

 

Prince E****

Sige Ikaw bahala. Sabihin mu nalang kung kelan mo kayang sabihin :)

 

 

 

Nag-isip muna ako kung sasabihin kong crush ko siya. Pero gusto ko kasi malaman reaksiyon niya eh. Kahit negative okay lang. Waaaahhhhhhhh! Kaya tinype ko yung kanina ko pa sinasabi sa harap ng laptop ko.

 

 

 

Maebel L*****

Ahmmmmm. May crush ako sayo.

 

 

 

 

 

 

 

 

At nainis as in sobrang inis ako sa reply niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ay adik ka. Yun lang pala eh. Wag ka ng mahiya. Sanay naman na ako sa mga ganyan eh. You know maraming nagkakagusto sakin"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Oh di ba? Ang yabang??? Grrrr... Nahiya na ako sa sarili ko kaya di ko na lang siya nireplyan. Kakainis. Bilib din ako eh no? Lakas ng loob kong sabihin yun? Waahhhhhhhh! Nagsisi tuloy ako. Haysss..

 

The End.

Foreword

Kindly Read Please. No Plagiarism.

Comments

You must be logged in to comment
kawaii_neth #1
Free to criticize. But don't be rude in posting your comments. Thanks.. :))