Taste of Love

Taste of Love

 

8 years and still counting, ganyan na katagal ang feelings ko para sa nag-iisa kong bestfriend since elementary na si Mhigz. Though we’re friends I don’t dare na magconfess sa kanya, natatakot kasi ako na mawala ang kung anu mang meron kami ngayon at iyon ay “pure friendship”. Still may ginagawa din naman ako para maexpress ang feelings ko sa kanya…

 

“Uy Erin! May iniwan na naman si Ms. Cherry oh and this time cream puff naman.” pag-iinform ni Mhigz kay Erin.

 

Yes! Ako nga si Ms. Cherry naisipan kong yun ang gamitin kasi yun ang fruit na nakalagay sa favorite kong cake na black forest. Everyday I leave different sweets sa locker niya naisipan ko lang gawin to para kahit papanu alam ko sa sarili ko may ginawa ako, patago nga lang haha.

 

“Hmp, If I know kaw lang gumagawa niyan.” sagot ko naman.

 

“Of course not! Sa gwapo kong to, do I look that desperate para gawin to, masabi lang na may secret admirer???”

 

“Fine! Mr. Felix the cat!” sa lahat ata ng pusa sya ang mahilig sa matatamis sa pagkakaalam ko kasi walang panlasa ang mga pusa pagdating sa matatamis.

 

I rolled my eyes, I really like it pag naaasar sya.

 

“Shut up! Mukha ba akong pusa?”

 

“Don’t shut up me or else gagawin kitang siopao.”

 

“As if kaya mo eh hindi ka nga marunong magluto. hahahaha”

 

-_-“ okay saken napunta ang pang- aasar, kung alam mo lang hindi totoo yan.

 

“Ok ka din eh noh? Matapos mong lantakan yang cream puff ko tyaka mo sasabihing hindi ako marunong magluto” bulong ko.

 

“May sinasabi ka ba?”

 

“Wala! katakawan kasi kaya nabibingi na. Akin na nga lang tong isa.” pagkakuha ko sabay takbo bago pa siya magreact may kadamutan kasi tong si peachy pie ko ^^, haha ASA!

 

 

 

Mhigz’ POV

 

What a wonderful day ^_^ at iyon ay dahil kay Ms. Cherry at sa cream puff na bigay nya grabe ang sarap talaga, naku nag lalaway na naman ako maisip ko lang *Q*. I always look forward for the next day para makakain uli ng binake nya. I wonder sino kaya siya? Why she waste her time para lang bigyan ako ng mga binebake nya? I have someone in mind na magtyatyagang gumawa nun pero nagdadoubt ako kasi hindi sya marunong magluto ni maglaga nga ng itlog nasusunog eh magbake pa kaya? haha. Kidding aside sana nga siya yun, I won’t mind eating burnt food everyday basta sya ang may luto.

 

“ Anu naman kaya ngayon ang ibebake ko? Tart? Cookies? Masyado ng common ang mga yon.”

 

“Hey sweetie, why you’re still awake? Maaga pa ang pasok mo bukas ah.” that’s my mom.

 

“ Magbebake pa po kasi ako.”

 

“Again? Don’t tell me para kay Mhigz na naman yan.”

 

“ >///<  mooom!”

 

“ So sa kanya nga?”

 

*nods*

 

“ How about you make muffins for him?”
 

 

*lightbulb*

 

“Mom you’re such a genius, Thanks  for the suggestion.” and then I kissed her.

 

“No problem, anything for you anak. Basta pagkatapos mo jan matulog agad ha.”

 

“ Opo! goodnight mom.”

 

“Goodnight.”

 

Erin got the idea that instead of just plain muffins how about she put some chocolate frosting and blueberry cream as stuffing. It will be perfect kasi It’s one of his favorite, blueberry match with chocolate.

 

In just an hour natapos din sya sa ginagawa, pagkatapos palamigin ay inilagay niya na ito sa box, sealed it and put her famous trademark… black forest logo (favorite niya kasi ang cake na iyon.)

 

 

 

 

 

“Ready ka na mr. muffin para bukas.” I said while smilling widely.

 

The next day…

 

Hindi sabay na pumasok sina Erin at Mhigz dahil tinanghali ng gising si Erin pero nakaset na ang lahat sa locker ni Mhigz. (Paano? eto…)

 

 

 

Flashback

 

KRING!!!

 

Tunog yan ng alarm clock ko, 5:00 na pala. Sinuot ko na ang sweater ko at nagbike na papuntang school naging regular routine ko na to simula ng magstart ang school year para madala ko sa locker ni Mhigz ang binake ko. Malapit lang ang school namin kaya less that 10 mins lang nakarating na ako.

 

“Good morning kuya guard! bati ko sa naka duting guard, kilalang kilala niya na ako sa halos araw- araw ba namang pagpunta ko dito sa umaga.

 

“Magandang umaga din pate.”

 

 “Sige po pasok na ako.”

 

Tinanguan nalang siya ng guard. After niyang mailagay ang muffins sa locker ni Mhigz ay umalis na din siya pero bago yun tulad ng dati nagbigay din sya ng itinabi nya talagang muffin para kay kuya guard.

 

“Grabe nakakaantok, 6 palang naman siguro pwede pa ako matulog tutal 8 pa naman ang pasok ko.”

 

 

 

End of Flashback

 

 

 

Time check 7:50 na, buti nakaabot ako bago magtime pero tingnan niyo naman sa pagmamadali ko hindi na ako nakapagsuklay. Di bale habang naglalakad nalang ako magsusuklay. Palapit na ako sa mga lockers ng mamataan ko si choco banana (flavor ng crepe sa school namin). Wait bat ang sama ata ng mukha nito? hindi niya kaya nagustuhan yung gawa ko?

 

Oh-my-gummy-bears! Yung muffins!

 

“Uy Mhigz anu nangyari?”

 

“Some irresponsible student bumped on me kaya eto nabitawan ko yung box nadurog tuloy yung laman.”

 

“Hayaan mo na, tara pasok na tayo.” muffins ko huhu pinaghirapan ko yun pero hindi nya naman pala matitikman.

 

I thought iiwan nya na pero laking gulat ko when he knelt down and picked the scattered pieces of muffin.

 

“Sayang!”

 

At lalo akong nagulat na halos ikaluwa ng mga mata ko ng isubo pa niya yung hawak niya.

 

“What the? O.O madumi na yan baka sumakit pa ang tyan mo.”

 

“YUM!YUM!”

 

From his dark aura bigla nalang naging sunny ang mood niya. -____-“ what to expect? basta talaga pagkain sasaya na sya.

 

“Ang sarap talaga, I can’t help myself. Isa pa I know nag- exert siya ng effort sa paggawa nito. Coincidence at favorite ko pa to.”

 

After seeing him satisfied and appreciate what she have done a tear escape from her eyes pero tinuyo niya din agad at pagkatapos ay ngumite na abot hanggang tenga at tinulungan na ang kanyang mango cheesecake na pulutin ang mga natitira pang piraso.

 

 

 

Lunch time

 

 

 

Mag-isa akong maglalunch ngayon, may pupuntahan pa daw kasi si Mhigz. Kakagat na sana ako sa tuna sandwich ko ng bigla namang sumulpot ang apple of my pie.

 

“Anung ginagawa mo dito? Kala ko ba may pupuntahan ka pa?”

 

“Gusto kasi kitang makasabay kumain ^^”

 

Kilig to the max pero syempre keme lang bawal mahalata.

 

“Nek! Nek mo! Kung di ko pa alam gusto mo lang makishare sa baon ko eh.”

 

“Haha, galing mo talaga. So anu ba baon mo ngayon?”

 

Takaw talaga nito hindi man lang ideneny na pagkain lang ang habol niya at dahil jan hindi ko sya bibigyan, maglaway sya! :P

 

“Tuna sandwich, pero hindi kita bibigyan maglaway ka. Ang kuripot kasi manu bumili ng sa kanya.”

 

“Erin naman eh! Sige na bigyan mo na ako, gusto ko talaga matikman yan dahil gawa yan ni tita Min sigurado ako masarap yan.”

 

Di ko sya pinansin sa halip ay sumipsip ako sa baon ko ding fun chum *parang elementary lang*

 

“Ang damot mo naman, matitiis mo bang magutom ako? sabi ni Mhigz sabay dukdok sa table.

 

“Ayaw kitang bigyan baka kasi mahawa ka sa sipon ko, see concern lang ako.” pang-aasar ko pa pero totoo naman eh my sipon talaga ako.

 

“Kahit na! Ok lang mahawa ako, sige na bigyan mo na ako.”

 

“Bahala ka na nga, eto oh ang drama mo. Mabulunan ka sana.”

 

“Yehey, sabi na nga ba’t hindi mo ako matitiis eh.” sabay kagat sa kawawang tuna sandwich at hindi pa nakuntento ha kinuha pa niya ang fun chum ko at walang awa ring hinigop.

 

Natigilan ako >///////<  INDIRECT KISS yun for crying out loud.

 

“Oh problema mo? bat namumula ka? May sakit ka ba?” sabay hawak sa noo ko.

 

*pak*

 

“Wala! jan ka na nga naalala ko my activity pa nga pala kami sa cooking club.” tumayo na ako at tuluyang umalis.

 

 

 

 

 

Mhigz’ POV

 

OUCH! yun ba ang kapalit ng tuna sandwich at fun chum? Anyway worth it naman haha takaw ko talaga. Pero tama ba yung narinig ko? may activity daw sila sa cooking club, kelan pa siya kasali dun? eh hindi nga sya marunong magluto di ba?

 

Inilabas ni Mhigz ang box ng muffin na natanggap niya kanina at napansin niya na may logo na naman ito ng black forest tulad ng sa mga nauna.

 

Isa lang ang kilala kong mahilig ditto, na ipagpapalit ang breakfast, lunch at dinner makakain lang nito. Mukhang kailangan ko ng maghanap pa ng ibang ebidensya na magtuturo sa kanya. Malapit na kitang makilala Ms. Cherry. ^^

 

 

 

Sa room ng cooking club

 

 

 

“Erin this Friday na ang cultural festival and we’v edecided na ikaw ang mag-isip ng mga ilalagay sa menu. Don’t worry tulung tulong sa pag gawa at sa araw ng festival you can hide yourself na.” sabi ng club president nila.

 

(A/N: secret ang pagsali ni Erin sa cooking club at kaya naman sya ang in-charge sa menu dahil ang theme ng cooking club for this year’s fest is “treats for my sweets” at dahil si Erin ang pinaka magaling when it comes to baking kaya siya ang napili nila.)

 

“Sige gagawa na ako ng list. We still have 2days pa naman para magprepare bibigay ko na lang kay Coleen yung list, mauna na ako ha.”

 

“Ok, ingat sa pag-uwi.”

 

 Erin’s POV

 

Since ang theme naming ay “treats for my sweets” ang ilalagay ko na lang sa menu ay yung mga nabigay ko na kay coco crunch. yieeee!

 

1.      Crepe

 

2.      Strawberry short cake

 

3.      Assorted Macaron

 

4.      Cream puff

 

5.      Blueberry Muffin

 

6.      Mango pudding

 

7.      Banoffee cupcake

 

8.      Ice cream cake

 

9.      Spanish Roll (isama ko din yung favorite naming tinapay)

 

10.  and last but not the least syempre hindi pwedeng mawala ang favorite ko, mini black forest

 

 Ok na to itetext ko na kay Coleen para makapag simula na kami.

 

Mhigz’ POV

 

Malapit na pala ang cultural festival pero since hindi naman ako kasali sa kahit anung club eto tambay lang ako. Hindi kasi ako magaling sa extra-curricular activities, sa academics nyo ako maaasahan. At may isa pa akong talent, I’m a good food critic haha.

 

 

 

*toot toot* phone ko yan may nagtext ata.

 

Fr: Erin

 

Uy Felixiano pakikuha naman yung note book kong blue sa locker, naiwan ko kasi pakidala nalang dito sa house ha nakauwi na nga pala ako sorry di na kita nahintay di bale papamiryendahin na lang kita.

 

 

 

Ayos talaga si Erin sya na nga humihingi ng favor eto at nang- aasar pa, (Mhigz Felix Fonteza kasi ang buong pangalan ko and I prefer they call me Mhigz. Sa Felix naman nakuha ni Erin ang pangharot niyang pusa saken, remember “Felix the Cat”.) Anyway may miryenda naman daw.

 

 

 

Kinuha ko na yung NB nya na blue daw at papunta na ako sa house nila ng maisipan kong buklatin. Sticker NB pala to at grabe ha puro pagkain! Sa dami ng nakita kong picture ng pagkain particularly pastries eh isa sa mga yun ang nakakuha ng atensyon ko, hindi ako pwedeng magkamali…

 

 

 

 

 

Erin’s house  

 

“Felixiano oh Spanish roll.”

 

“Tnx, alam na alam mo talaga ang favorite ko.”

 

“Asa! nagkataon lang na bumili ako nyan bago umuwi.”

 

“Binili? pero mukhang hindi to binili unless kaw mismo ang nagbake nito. Tyaka yung lasa pamilyar.”

 

“HA-HA-HA. patawa ka, hindi nga ako marunong magluto di ba? Asan na nga pala yung NB ko?”

 

“Hindi ka naman atat noh. Eto na nga, sige alis na din ako total mukhang pinapaalis mo na ako.”

 

“DRAMA MO TALAGA, dapat sumali ka sa theater club eh for sure kaw ang gagawin nilang lead role at makakapartner mo pa si Keith na crush mo diba bongga!”

 

“Okay lang sayo?”

 

Habang sinasabi nya yan ay tumayo siya at lumipat sa kinauupuan ko. Ngayon naman mukha niya ang inilalapit niya. Pigilan niyo ako at baka masunggaban ko siya.

 

“He-he-he. Anu naman saken.” tatayo na sana ako at baka kung anu pa magawa ko pero hinatak niya ang kamay ko at napaupo uli ako. Napapikit na lang ako dahil sobrang lapit niya na saken.

 

“Alam mo amoy vanilla ka. At bat may stain yung damit mo, I think it’s cherry syrup.”

 

*boogsh* nasuntok ko sya. Patay…

 

“Grabe ang brutal mo talaga.”

 

“Haha hindi ka na nasanay saken.” hinila ko na siya at itinutulak palabas ng bahay.

 

“Ang sama matapos mo akong utusan ngayon papalayasin mo na ako.”

 

“ Marami pa kasi akong gagawin sige ha sayounara. At tnx sa pagdala ng NB ko.” isinara ko na yung pinto para hindi na humaba pa ang usapan.

 

Pagkasara ko ng pinto napahawak nalang ako sa pisngi ko. Grabe inamoy niya ako, nanginginig na ang tuhod ko.

 

Sa totoo kasi eh kanina pa siya nagbebake ng mga pastry na ibebenta ng club nila bukas. TAMA bukas na nga ang cultural festival at dahil gahol na sila sa oras kaya iniuwi niya na yung iba. Isinabay niya na din ang pag gawa ng huling pastry na ibibigay niya kay Mhigz ang Black Forest cake at kaya niya pinakiusapang dalin ni Mhigz ang NB niya ay dahil andun nakadikit yung logo ng Black Forest na siya niyang ilalagay uli.

 

 

 

NOBODY’S POV

 

1.      Logo

 

2.      Taste

 

3.      Witness

 

Lahat ng yan ay check na, ang kailangan nalang ay mahuli ko sya sa akto.

 

Cultural Festival

 

Coleen’s POV

 

Ang saya talaga ng cultural festival magtatanghali na at eto papaubos na din ang tinda namin. WOW lang at mukhang nasarapan talaga ang mga customers namin, sayang lang at wala si Erin nakita niya sana yung smile ng mga bumili. Sa pagkakaalam ko mamayang hapon nalang daw siya pupunta para sa closing ceremony, ewan ko ba sa babaeng yon at parang may pinagtataguan ayaw niya kasi may makaalam na member siya ng club. Weird right? pero kahit ganun yun wala weird talaga siya hahaha.

 

 

 

“Hey! Coleen right?”

 

“Yes, ako nga. What can I do for you?”

 

“I would like to buy the entire remaining mini Black Forest.”

 

O.O hala eh panu yan sabi ni Erin ipagtabi ko daw siya ng kahit isa, bruha kasi hindi pa siya kumuha kanina ng ideliver niya yung mga to. Di bale na nga maiintindihan niya naman siguro.

 

“Sige po sir.” inayos ko na yung mga MBF at maingat na inilagay sa box. “Heto na po.”

 

“Tnx. Tyka nga pala pwede magtanung?”

 

Erin’s POV

 

Cultural Festival! masaya sana kaso last day na din namin to for this school year, papapirma nalang kami ng permit and then graduation na. Ito na din ang huling beses na bibigyan ko sya ng binake ko, hindi niya man lang nalaman na I’m the girl behind those pastries. Oh eh bat ang lungkot ko? Diba yun naman talaga ang dahilan kaya ko patago binibigay sa kanya para hindi niya malamang ako yun. *sigh*

 

Sa sobrang pag-iisip ko napatid ako, kalulaan pero hindi ba mas lula yung taong nakaupo sa tabi ng mga locker kay dilim dilim dito sa hallway pa naisipang tumambay. Pero wala na napatid na ako at siguradong maglalanding and pes (face) ko sa gawa kong cake. poor me >.<

 

O.O pagmulat ko ng mata voila! buhay pa ako at yung cake, hindi naman pala lula si kuya eto at nasapo ako.

 

“What do you bring for me this time huh Ms. Cherry?”

 

Familiar yung boses patay. takbo!

 

“Ah-ah-ah. San ka pupunta? hindi mo pa binibigay yang hawak mo, para saken yan di ba?”

 

Hindi ako makapagsalita parang umurong ang dila ko, mabuti pa ibigay ko nalang hindi niya naman siguro ako makikilala dahil patay ang mga ilaw tapos as usual the famous escape tatakbo ako.

 

*ting* bumukas ang mga ilaw.

 

*O.O à >////<* wala na tatakasan na talaga ako ng baet. huhu

 

“Uy!” he poke me sa tagliran.

 

“Ay pusa!”

 

“Wag ka na mahiya alam ko ng ikaw si Ms. Cherry.”

 

I compose myself bago sumagot. Idedeny ko nalang. nyahaha

 

“OK ka lang? panung magiging ako si Ms. Cherry---“ pinutol niya ang pagsasalita ko.

 

“Then explain this logo, bat meron ka nito. Sa NB mo ko ito nakuha.”

 

“BAT MO KINUHA!!!”

 

“For evidence.”

 

“Weh? basta hindi ako---“ pinutol niya na naman

 

“Di ba kasali ka sa cooking club? wag mo na ideny dahil I went there earlier sa booth nyo at ng itanung ko kung sino ang nagbake hindi sila nangiming sabihin na ikaw. At tandang tanda ko ng sabihin mong my activity pa kayo sa cooking club, siguro wala ka sa sarili mo kaya nasabi mo nalang yon.”

 

“Eh anu naman kung aminin ko ngang member ako ng cooking club, It doesn’t change the fact na hindi ako si Ms. Cher---“ this time pinutol niya uli ang sasabihin ko.

 

He kissed me… sa lips! >_< dream come true!!!

 

“Bakit mo pa ba idenedeny? huli na kita eh.”

 

“Bakit pag inamin ko bang oo, ako nga si Ms. Cherry may magbabago ba?”

 

silence…

 

I’m about to leave when he speak.

 

“Walang magbabago, It won’t change my feelings for you… that I love you more than just a friend. Ng una kong matanggap ang bigay ni Ms. Cherry I really hope na sana ikaw nalang siya. At ng malaman ko nga ngayon ngayon lang na iisa kayo, happiness is not enough to describe what I’m feeling right now.”

 

“You like me?”

 

“I don’t like you, I LOVE YOU! tandaan mo magkaiba yun.”

 

Wala na… I just hug him, tulad niya I can’t contain my feelings right now. Sana pala hindi ako natakot at itinago ang sarili ko sa mga pastry ko.

 

“Oh uhog mo tumutulo na.” biro nya.

 

“Heh, sinisira mo naman ang pag eemot ko.”

 

“Umupo kaya tayo?”

 

At yun nga umupo kami sa tabi ng mga locker.

 

“Without those proofs malalaman mo kaya?”

 

“Oo naman.”

 

“How?”

 

“Your smell.”

 

“My smell?”

 

“Oo, you smell like vanilla extract and cherry syrup ng pumunta ako sa inyo para ibigay yung NB mo. Tyka do you believe na pag ang tao nagluto kahit iba’t ibang dish pa yan, mahirap iexplain pero may similarities kang mapapansin hindi man sa lasa pero kahit hindi mo nakita na siya ang nagluto nun malalaman at malalaman mo pa rin na sya ang gumawa. TRADE MARK kung baga”

 

“Wow pwede ka na talagang food critic.”

 

Kiniss niya ako sa cheeks na nga lang. Sana sa lips. haha

 

“Bakit mo ako hinalikan?”

 

“Natuwa lang ako kasi ngayon mo lang ako pinuri. ^_^”

 

“Ahh, so anu nga pala masasabi mo sa mga gawa ko?”

 

“MASARAP!” sabay akbay niya saken.

 

O.O mukha niya yan. Ako naman kasi ang kumiss sa kanya

 

“Bat mo ako kiniss ?”

 

“Natuwa lang  din po ako kasi ngayon mo lang ako pinuri. ^_^”

 

“Kung ganun pala lagi na kitang pupurihin para lagi akong may kiss.”

 

“I LOVE YOU.” sabay pa nilang nasabi sa isa’t isa.

 

-THE END-

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet