New Staff

Love Me for who I am
Monday morning pagdating ni Kim sa office medyo nagtaka siya at iba ang atmosphere ng araw na yon. Ang mga kadalagahan ay mga super excited at talagang kumpol kumpol pa at mga nagbubulungan or nag hahagikgikan and ang mga smiles ibang klase.

Kim: psst best what's happening?

Mel: ay naku best ang bumilis kumalat ng balita na merong new staff na napaka gwapo

Kim: yun lang nagkakagulo na sila

Erich: ay naku as usual ang reaction ng isang ito

Kim: ummm ako na naman

Again that morning may nagpadala na namang bouquet of flowers kay Kim and sa dating gawi ang kalahati nasa altar ang kalahati na distribute na sa mga kasama niya sa department. Kung tutuusin ang mga flowers galing sa admirers ni Kim ang nagbibigay kulay at bango sa kanilang small department. At ang food na binibigay din pag naunahan nila Mel at Erich buksan may instant meryenda na ang buong department. Ano pa magagawa ni Kim, paano pa niya maisoli kung nakain na ng kanyang 2 mababait na kaibigan pati na ng mga kasama niya sa department.

Around 10:30 am habang very busy sila sa marketing department biglang dumating si Matt, someone from Personnel department may kasamang isang guy. Matt is Mel's current suitor and kahit hindi sabihin ni Mel may pag asa naman ang isa. Ang mga kasama ni Kim ay nagkaka ingay na sa paligid niya, siya walang pakialam. She just smiled kay Matt then back to her files. Napansin ni Mel and Erich na ang tingin ng new guy na kay Kim. he said hello sa lahat then

New guy: Hello I'm Gerald

Tingin lang si Kim sa kanya then nag half smile, biglang salo naman si Mel

Mel: "hello Gerald" sabay abot ng kamay for a hand shake. I'm Mel, this is Erich and our friend si Kim. Welcome to Marketing department then she introduced ang iba pang kasama nila ron. After all the introduction balik na naman ang tingin ni Gerald kay Kim but no pansin then

Gerald: "ganda ng lugar nyo ah, puro may flowers pa mga girls" then pagtingin niya sa desk ni Kim bare ito "allergic ka sa flowers?" in which iling lang ang tinugon ng dalaga. Again si Erich naman ang sumalo ngayon

Erich: "naku long story, hindi siya allergic sa mga flowers, actually sa kanya nga mga yan e, kahit yung sa altar lahat yun sa kanya." sabay tingin ni Gerald and napuna nga niya na ilang klase ng flowers ang andon sa altar.

Sandaling kwentuhan pa then Matt said "paano guys mauna na kami, i tour ko pa si gerald sa ibang department. Mel see you later ha" then nagkatuksuhan na apart from Kim na hindi kumikibo. Gerald said bye sa lahat then "Nice meeting you Kim" then he smiled which she half smiled back.
He looked back kay Kim before he left the department which hindi nakaligtas sa kanilang kasamahan paano ba naman naka sunod talaga ang mga tingin kay Gerald na super gwapo mabango pa then "naku naku may nabihag na naman ata ang ating dalaga" kantiyaw ng mga pioneer sa department and ang usual reaction from Kim dedma but deep in her heart napuna din niya si gerald.

The rest of the day went well, di pa rin naka ligtas si Kim sa mga tukso na hindi naman niya pinapatulan. Super kilig pa rin mga girls kahit sa ladies room talagang naging topic of the day si Gerald. Kahit feeling dedma si Kim she can't deny na nung binigyan siya ng extra pansin ni Gerald kanina may konting kibot siyang naramdaman sa puso niya.

************************************************************

Happy naman ako sa NNN, si Ge masarap na lechon weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
please update, please.... thank you