Give Up

Love Me for who I am
So far so good ilang buwan nang nasusunod ng dalawa ang kun disyones na hiniling ni Kim pero nakikitaan naman silang dalawa ng pagbabago. Si Gerald naging bugnutin, ang daling kumunot ang noo pero hindi pa naman siya nagalit kasi tahimik pa rin ito pero konti na lang sasabog na siya. Si Kim naman naging mainipin at laging naka abang sa oras lalo na kay Gerald. Kahit mga kaibigan nila nahahalata na silang dalawa.

Mel: ano ba best kanina ka pa tingin ng tingin sa relo ha, may lakad ka ba?

Kim: wala best si gerald kasi e hindi pa tumatawag mula kaninang tanghali, e alas 2 na ha

Mel: excuse me neng 2 hours pa lang ang nakalipas ah, ano gusto mo every hour mag report aba aba aba neng

Kim: hindi mo kasi ako naiintindihan e

Mel: hindi ko talaga maintindihan ang ka ekekan mong kundisyon, ngayon eto ka kulang na lang itabi mo rito ang boyfriend mo. Sige ka pag nagsawa yan ikaw rin

Kim: wag ka namang ganyan best, sino ba ang bestfriend mo?

Nang biglang mag ring ang phone hindi magkanda ugaga sa pagsagot, all smile pa and ang lambing ng boses ng biglang matawa si Mel and erich kasi biglang bigla nagbago ang itsura ni Kim nawala ang smile at ang boses parang galit " Sinabi ng wrong number e" sabay baba ng telepono "naku Gerardo asan ka na ba!" nagka tinginan na lang sina Mel and Erich.

On Gerald's part:

Matt: pare ano ba kanina pa ako salita ng salita rito di ka naman nakikinig. May problema ka ba?

Gerald: si Kim kasi

Matt: hay naku sinasabi ko na nga ba kaya nagiging bugnutin ka nitong nakakaraang araw e

Gerald: nahihirapan na ako pare, kaya ko pang mag behave rito sa opisina e pero naman pag kami na lang naku pare nagtitimpi na talaga ako

Matt: kung ako sa yo pare give her a taste of her own medicine tingnan natin kung hindi sumuko yan

Gerald: may utak ka rin talaga pare ano, kaya ba kaibigan kita e

Matt: siguraduhin mo lang pare na hindi ikaw ang unang susuko ha kungdi balewala lang yun, kailangan ng ibayong pagtitimpi

Gerald: "pare naman nakapagtimpi na nga ng ilang buwan e mano bang ilang buwan pa pero talagang gigil na gigil na ako pare" sabay tawa na lang si Matt "basta ako pare sobrang happy" sabay halakhak pa

Kaagad isinakatuparan ni Gerald ang plano, talagang may oras na tinitikis niya si Kim na wag tawagan ng madalas. Minsan 1 call a day lang and isang beses din lang dadaan sa opisina nito. In the end si kim na ang palaging naghahanap sa kanya, parating tanong kay Matt kung asan na ito o kung anong ginagawa at bakit di pa tumatawag. Pag dumalaw din ito sa bahay may oras na sa single sofa ito uupo

Kim: bakit diyan ka naka upo? ayaw mong tumabi sa akin

Gerald: ok na ako rito honey, mas safe

Then ang kakalabasan si Kim na ang mag susumiksik tumabi sa kanya sa sofa na ikinatutuwa naman niya at talagang umeepekto ang idea ni matt. Kahit hirap na siya at konti na lang bibigay na rin siya inisip na lang niya na pangatawanan na ito May oras na talagang nananadya pa si Kim, magsusuot ng maikling short at hapit na shirt

Gerald: honey please for my sanity magpalit ka ng damit and talagang hindi lilingon kung asan ang nobya pero sa loob loob niya "Diyos ko tulungan nyo ako"

Kim: pabulong "lintik na pagtitimpi yan o" sabay palit ng pinaka lumang pajama

Talagang natutuwa naman si gerald at mukhang epektibo talaga ang ginagawa niya, mapapa inom niya si matt ng wala sa oras nito e.

Si Kim naman ang naging bugnutin, ang bilis malukot ng mukha kahit konting biro lang. Ang mata mas lalong sumisingkit pag nagagalit, lalo na kakatawag lang ni gerald na sa friday e lalabas sila ni Matt mag hang out

Kim: Mel bakit mo pinayagan lumabas si matt sa friday?

Mel: nagulat at tinawag siya sa pangalan niya " e pano naman best ang boyfriend mo ang nag aya, paano ako hihindi" pero sa loob loob malapit ka na bumigay friend.

Kim: alam naman niya na friday yun e, amin yun e

Mel: sabihin mo yan sa boyfriend mo best. Yan kasi ikaw e may pa kondisyon kondisyon ka pa. Hala ka baka

Kim: "Wag ka naman ganyan best, hindi pwede yan no" sabay dial ng phone "hello Dianne ang sir mo andiyan?"

Dianne: naku Ms. Kim sorry lumabas si sir kasama si Matt

Kim: lumabas na naman alas onse pa lang ah. Alam mo kung saan nagpunta?

Dianne: sorry Ms. Kim hindi nabanggit ni sir

Pagkababa ng phone nanggigigil na si Kim "naku Gerardo ka mahuli lang kitang nagloloko" then the whole day naka sambakol na ang face ni Kim. Takot ngang lapitan ng mga kasama sa opisina kaya pagtawag ni Gerald ni hindi nito kinausap at busy daw. Nagkataon namang hindi siya maihahatid pauwi at may meeting si Gerald kaya mas lalong nag aapoy na sa galit si Kim.

Come friday hindi rin sila nag pang abot sa umaga at may commitment si Gerald then lunch time naman kumaway lang sa kanya sabay alis. Pasado alas kwatro ng hapon hindi pa rin tumatawag at nung tawagan ang mobile out of reach. She's on boiling point na and halata na nila Mel and Erich, ngayon lang ito nagka ganito ng biglang

Kim: That's it! I've had enough! I'm going.

Nagkatinginan na lang ang mga kasama niya. Ang tahimik at masayahing Kim na kilala nila eto mukhang lalaban sa giyera. Hindi maipinta ang mukha, naka kunot ang noo at hindi kumikibo.

Ding Dong! Ding Dong!

Gerald: "sino kaya ito?" pagbukas ng pinto "honey!"

Kim: biglang pasok sa loob "I give up! Panalo ka na!"

*******************************************************************************************************

Hay antok na ako....... Bff ang updatesssss ha

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
please update, please.... thank you