Pasukan na naman

Broken Pieces

Papunta na ako ng school ng may makita akong matandang babae at yung mga apo niya yata at gusot na yung mga damit, nanghihingi sila ng pagkain. Binigyan ko siya ng 200 at pinapabilhan ko siya ng pagkain sa driver namin.

Emmanuel: Kuya, sabihin mo sa kanya na maghintay siya dito dahil bibili ka ng pagkain. Sa KFC ka bumili, kuya. Bilhan mo sila ng masasarap na pagkain at mga damit na bago. Eto po yung pera.

Binigay ko kay Kuya Jose yung baon ko for one week, total, may savings pa naman ako.

And so on, hinatid muna ako ni kuya Jose sa school.

Emmanuel: Salamat kuya!

Kuya Jose: At your service lagi toh. Astiiig.

Huminga ako ng malalim at tinuloy na ang lakad ko ng biglang may umakbay sa akin. Si Kenneth pala yun.

Emmanuel: Ampotek tol, wag mo nga akong akbayan! Nagmumukha akong bakla niyan.

Kenneth: Asus. Magbestfriend tayo, alam ng lahat yun. Nga pala, may bagong chix ngayon na nag enroll kaso yung iba mukhang pang shake rattle and roll.

Emmanuel: Alam ko yang kantang yan!

Kenneth: Alam ko. *tawa ng malakas*

Emmanuel: Nakita mo ba si...*taas kilay* 

Kenneth: Oo, sa alam ko, magkaklase kayo. I mean, tayong tatlo.

Emmanuel: Sana makatabi ko siya.

Kenneth: Sana nga...*pats Emmanuel's back* Mauna muna ako tol, I'l get ready muna.  *tawa*

Emmanuel: Ba't ka naman tumatawa diyan?

Kenneth: Haha, wala.

Emmanuel: Alis.

Mag isa nanaman akong naglalakad...tinitingnan ako ng mga estudyante, bakit nga ba?

May dumi ba sa likod ko?

Hinubad ko yung polo ko at tiningnan kung ano yung meron. Nagulat ako at napamura.

"I love Kelly de Valle!"

Kaya pala tumawa si Kenneth. Patay yun sa akin mamaya.

Buti naman wala pa si Kelly, di naman siguro sasabihin yun ng mga estudyante.

Alam ni Kenneth na may gusto ako kay Kelly...siya lang ang nakakaalam noon, ngayon?

Hindi naman siguro maniniwala yung mga estudyante na yun.

Sinuot ko yung polo ko ulit at nagpatuloy sa aking paglalakad.

Hindi pa nag ring yung bell, umupo ako sa canteen. Maaga akong pumasok kasi first day of school nga. Maliit pa lang ang bilang mga estudyante kaya tinitingnan ko na lang sila, yung iba, nagpapapicture sa akin hindi naman ako sikat...simpleng tao lang ako, at minsan tinatanong ito ng iba: "Pwede ba akong umupo?"

Hindi naman ako suplado pero sinasabi kong "Sorry, may hinihintay ako eh at gusto ko muna mapag-isa."

After 7 minutes ng pag stop watch ko, dumating na rin si Kelly.

Inaamin ko, crush ko yung kaibigan ko slash classmate.

Hindi ako assuming pero totoo, magkaibigan kami pero di gaano close.

Snob nga minsan eh, tinitingnan lang ako at nagpapatuloy sa rampa niyang pang reyna.

"Ang ganda ganda niya talaga." Yan lang ang nasasabi ko lagi pag nakikita ko siya.

Pag dating niya, ang lahat ng lalaking estudyante ay napanga-nga na lang.

Mukhang papunta siya rito sa canteen. Naging tambayan ko na rin itong canteen dahil dito siya lagi nakatambay or sa garden.

I acted cool, di ko siya tinitingnan, sinaksak ko yung headphones ko at parang wala lang sa akin ang pagdating niya.

Nagulat ako nung umupo siya tabi sa akin.

Kelly: Manuuueeelllyyyy!!! *hugs Emmanuel tightly*

Emmanuel: A-aray.

Kelly: Sorry! How are you!? I miss you.

Emmanuel: Eto, buhay pa rin. Ikaw?

Kelly: Patay na.

Emmanuel: Huh? Bakit?

Kelly: Patay na patay sayo!

Emmanuel: *tawa*

Kelly: Pero joke lang!

Emmanuel: Pft.

Kelly: Saan si Kenneth?

Emmanuel: Bakit mo hinahanap?

Kelly: Wala lang..*smiles*

Napapansin kong nag ba-blush siya.

Emmanuel: May gusto ka sa kanya?

Kelly: Ssshhh. Oo. Ikaw lang may alam nito. *tawa*

Ba't bestfriend ko pa...?

Emmanuel: Safe yung secret mo. *smiles* Punta muna ako sa comfort room.

Hindi ko na siya tiningnan pa. Nagpatuloy ako sa lakad. First day na first day badtrip ako! Sa kanya ko pa nalaman.

Wala na. Bestfriend ko yung gusto niya. Ipaglalaban ko si Kelly, madami na akong nilayuan na babae dahil kay Kenneth. Ang dami ng nawala.

Hindi naman gusto ni Kenneth si Kelly pero may napapansin ako. Everytime I talk about Kelly, like, "I love her", Umaalis siya or nawawala yung smile niya.

Nawawala na ako sa sarili ko.

Random Student: *bumps* Ouch!

Emmanuel: Sorry.

Random Student: *bumps again* Aray! Tumingin ka nga sa paglalakad mo. Tanga!

Emmanuel: I'm really sorry.

I reached the comfort room within a minute.

I washed my face at tinitingnan ko yung sarili ko.

May mali ba sa akin?

Emmanuel: *sighs*

Someone: Mukang wala ka sa mood ah..

Emmanuel: *tiningnan* Kenneth...may gusto ka ba kay Kelly?

Kenneth: Huh?

Emmanuel: Isang tanong, isang sagot.

Kenneth: Look pare. Ayokong masira yung pagkakaibigan natin.

Emmanuel: Yes or no.

Kenneth: Yes..

Emmanuel: Good. *umalis sa cr*

Kenneth: Pare!

Nonsense. Ba't bestfriend ko pa!!!

Gusto kong suntukin si Kenneth. Hindi ko lalayuan si Kelly, andami ng nawala.

Kahit masaktan man ako, ipaglalaban ko pa rin yung pagmamahal ko sa kanya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet