T.O.E. (Torch of Existence)

Description

Ito ay tungkol kay Kaycee na nagsimula lang na magka-interes sa isang bagay, at sa kanyang pagka-humaling ay ninais na mas lumalim ang kaalaman dito. Pero, sa kanyang pagaaral ay may iba pa siyang nabuksang sikreto, na siyang magiging kabuuan E.g kwento sa T.O.E. Mareresolba ba niya ang misteryo? Makakahanap ba siya ng kakampi? Alamin natin sa T.O.E.

Foreword

 

 Ang torch of existence, ay isang bansa. Kung ipapaliwanag kung ano ang itsura nito, isa siyang malaking bansa na natatangi sa isang mukha ng mundo. para itong "Pangaea", pero hindi, dahil may iba pang bansa bukod dito; iyun nga lang ay napaka layo mula sa bansang ito.

  Para mas maikli, tawagin natin siyang "T.O.E." Hindi ito ang tawag ng ibang bansa sa T.O.E. Nagkataon lang naman na masagana ang buhay dito, mas marami ang nabubuhay kaysa sa namamatay, maganda ang atmospera at kaaya ayang puntahan. Ang problema nga lang, dahil nga sa layo ng lokasyon nito, walang sinuman ang nakakapunta dito na mula sa ibang bansa.

  Ang T.O.E. ay meron lamang pitong lugar. Nandiyan ang Serrah, ikatlo sa pinkamaliit na lugar ng T.O.E., at mga karaniwang tao lamang ang nakatira dito. Ang Aconcagua, ikalawa sa pinaka maliit; pangingisda ang karaniwang pinagkakakitaan, at simple lang ang buhay. Sa Recceli, isa itong gubat. Ang pagkakaalam ng mga hindi nakatira dito ay isa lang itong malawak at masukal na gubat, ngunit, isang paraiso ang nasa likod ng katakot takot na gubat. Ang Ferroviah, so-called "Place of Wit" dahil utak binibigyang halaga dito. Karaniwang matatalinong tao ang nakatira dito, partikular na ang mga siyentipiko at pilosopo. Dahil din doon kaya mataas ang estado ng pamumuhay nila. Ang Kolosel naman ay kilala sa tawag na "Place of Might". Tapang, lakas, at tibay ng loob ang pinahahalagahan dito. Sila ay kinatatakutan ng ibang tao dahil na rin sa hindi sila pala kaibigan, at kung meron man, nabibilang sila. Ang Archland naman ay ang pinaka malawak at pinaka mayaman. Glamoroso ang mga tao dito, at pinaka matataas, kaya nga ito pinangalanang "Arch"land. Lugar ito ng mga politiko at iba pang mayayamang tao, pero masasabi nating mas moderno ang pamumuhay sa Ferroviah kaysa dito.

  At meron pang isa na nahuhuli. Ang "Utopia". Ito ang bilugang bahagi ng T.O.E. Ito ang sinasabi nilang perpektong lugar at naisama lang sa mapa nang ikalawang taon mula nang maitayo ito ni "Light". Si Light -bansag lang- ay  siya paring namumuno sa Utopia. Nasa Utopia na ang lahat. Nagbebenta, at bumibili ng produkto ang Utopia sa Aconcagua at Archland, ngunit kaunti, at piling tao lamang ang inaatasang pumunta sa mga lugar na iyon. Hindi madaling makapasok sa Utopia, sa parehong paraan na hindi rin madaling lumabas. Ang apat na gate nito na patungo sa iba't ibang bahagi ng T.O.E ay binabantayan ng mga sundalo. Pinalilibutan rin ito ng matataas na pader na gawa pa sa bato kaya hindi ito madaling nasisira. Ang karaniwang tawag sa Utopia ay, "the Perfect Land".

 

...ayon lang ang maiksing pagpapakilala sa T.O.E. at sa pitong bahagi nito. Oras naman, para simulan ang tunay na kwento... :)

 (to be continued)

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet