When Cupid Hits the Player

Description

Ryuji Nanjiru- a certified player. Malay mo ba naman gumising kang naka boxers lang sa isang kwarto kasama ang isang di mo kilalang babae sa kama....Ryuji's description? "Player ako, pero pa ako"....LOL right? Pero paano kung akala mo pwede ka ng bumalik sa dati, pero may isang Hairra Valera pa palang bumubulabog sa isip mo? Paano kung she's even harder to get dahil sa mga sinabi mo sa kanya? ALAM NIYO, ANG GULO! SUPER! sabi na Ryuji, "Walang hiyang babaeng yon, kinalbaryo yung buhay ko".....Sabi naman ni Hairra, "Walang hiyang Ryuji yon, ilang beses niya na akong sinaktan"....PERO, naging sila pa rin eh..."AIRHEAD COUPLE" nga kasi.... XD

Foreword

 

Pag dilat ko, parang ang weird talaga ng feeling. Ang sakit ng katawan ko at wala akong matandaan sa mga nangyari. Parang hindi ako makagalaw. Teka, bakit parang di ko kwarto to.Fully awake na ako ngayon. Di rin naman to kwarto ni Seven o ni Ike o ni Kevin.
 
Potek, parang kinakabahan na ako ah. Mabigat yung braso ko. Shet,wag nyong sasabihing.
 
Dahan-dahan kong inilingon yung ulo ko. Nagkaheart attack na ako nung makita ko ang isang babae na nakahiga sa braso ko. Naka sleeveless lang siya at nasa dibdib ko yung kamay niya. Nasa iisa kaming kumot. Dun ko din narealize na wala akong suot na shirt.
 
Iba na to. Iba na talaga to. Please sana panaginip lang. Pinikit ko yung mata ko ulit. Alam ko panaginip lang talaga to.  Pagdilat ko- HINDE!!!!!!!! Totoo  nga siya!!!
 
Dahan-dahan akong tumayo. Naka boxers lang ako. Ano bang nangyari. Wala akong matandaan, saka sino ba tong babaeng to. Bahala na, aalis na ako rito. Hinanap ko yung damit ko pero wala. Naghanap ako sa mga cabinet kung may mga shirts.   Buti meron kaso wala ngang pants. Hinanap ko rin yung phone ko, wala rin. Ano ba to.
 
Naglibot ako sa lugar kung may phone bah. Wala. Anong klaseng bahay ba to. Teka, ayoko rin naman sigurong malaman ng mga kaibigan ko yung ganito. Hindi ko nga alam kung ano yung nangyari eh. Wala akong tamang rason.
 
Buti nakakita ako ng isang jogging pants sa may kusina. Ano’ng ginagawa ng pants sa kusina, kumakain? Ang weird ah. Hindi na ako nag aksaya ng oras na alamin kung ano yung nangyari. Tumakbo na ako palabas.
 
Nagtaxi na ako. San kaya yung damit ko. Ano kayang sasabihin nila Seven nung nawala ako kagabi. Sino kaya yung babae. May nangyari kaya? Naku, pa ako. Well, dati yun.. AAHHHHH!!! Hindi, walang nangyari.
 
“Sir, nandito na po tayo”. Nagbayad na ako sa taxi driver at nagmadaling pumasok sa gate. Sasabihin ko nalang sa katulong na dun ako natulog kina Seven. Teka, wala rin naman siyang pakialam kung saan ako magpunta, diba.
 
Pagpasok ko sa bahay, may lalake sa sala. Pula yung buhok niya, pero pamilyar sa’ken yung tindig niya. 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet