Spin The Bottle [One-Shot Story]

Description

 

It all started when you were invited to play the game SPIN THE BOTTLE .. This is a FILIPINO STORY ^^

Foreword

 

 

SPIN THE BOTTLE

 

 

Dahil sa larong iyan ay naging asawa ko ang Ultimate Heartthrob ng school namin na si Kenneth Herico

 

Hehe ‘chos lang

Naging girlpren niya lang naman ako! :p

 

Ito yung buong kwento

 

--

 

 

 

“Kira halika na!!” hila-hila ako ng isa kong kaklase

“Ehh ayoko nga!! >__<” pigil ko naman

“Tingnan mo sila oh, halos lahat sila naglalaro” turo niya sa mga kaklase kong nakaupo sa sahig at naglalaro ng ‘Spin the Bottle’

“Halika na!!” >__< hila-hila niya parin ako

 

 

*sigh*

“Okay okay” wala kong nagawa kaya sumali nalang din ako

 

Hi readers and I’m Kira Pagon 17 years old, high school graduating.

 

Kapag pinamalas nga naman ay sakin nakaturo ang bunganga ni Bote

 

 

Truth or Dare?” tanong nila sakin

 

Diba kapag TRUTH ang laging tanong ay ‘kung sino ang crush mo sa campus o sa school?’ At kapag DARE naman ay ipapagawa ka ng mga nakakahiyang bagay, diba, diba?

 

 

“5 4 3 2—“

“DARE!! >__<” bigla ko namang tinakpan ang bibig ko >__< PATAY!!

Nagpaplano na sila kung anong ipapagawa sakin. Kapag hindi daw magawa ang napili mo ay magsasayaw at kakanta ka T__T. Ayokong gawin ‘yon kasi parehong kaliwa ang paa ko at baka hindi kami makakauwi kapag kakanta ako. Babagyo kasi >__<

 

Eh bakit ba ako pumayag na sumali dito?

 

>___<

 

 

“Okay so Dare and you’re going to do is too ‘kiss Kenneth in the cheek”

 

Wag po yung mahira—

 

“WHAT!? O__O” teka tama ba ang narinig ko!! AYOKO!!

Kiss Kenneth on his cheek o gusto mo—“

“TEKA!! Naindintihan ko naman pero bakit ganun T^T?”

“Yun ang gusto namin o kung gusto mong sumayaw at kumanta”

Ngumit lang silang lahat kaya wala akong magawa kaya tumango nalang ako T___T. this would be my worst day EVER!

“Kenneth!!” tawag ng isa kong kaklase

“Oh bakit?” tanong niya ng lumapit samin habang nakalagay ang dalawa kamay sa bulsa >__< YABANG TALAGA!!

“May gustong mag-kiss sayo sa cheek mo”

“Sino?”

 

 

“Ako!!” tumayo ako at humarap sa kanya

“Oh ikaw pala Kira ^__^ my mortal enemy”

 

Siya si Kenneth Herico, classmate and my mortal enemy kasi ang YABANG niya. Nakakainis siya porke’t gwapo siya ay maiinlab na ang lahat ng mga babae sa campus namin.

Unang kita mo palang sa kanya ay magugustuhan mo agad siya dahil sabi ‘daw’ nila ay hindi nakakasawa ang kagwapuhan ni Kenneth.

 

Okay fine, aaminin kong naging crush ko siya dati nung first year pa kami pero nawala iyon nung pinahiya niya ako! Yun ang pinaka worst na nangyari sakin

Kasi naman hindi niya ‘daw’ sinasadyang matamaan ako ng bolang hinagis niya at nahimatay ako. Waaaa nakakahiya talag ‘yon! Kaya nga ayokong maalala ‘yon

 

 

“Kiss na!!” sigaw nila

“Oo na!!” dabog ko

Kaya naman lumapit ako kay Kenneth para halikan siya sa pisngi. Ngumiti naman ang loko at nag side view

Ayan na, >__< waa why do I have to do this??

Ng malapit na ang labi ko sa cheeks niya ay

 

 

“Teka la—“

 

 

 

O___________O ako

O___________O siya

 

 

PAKSHET!!!

“WOOOOOHHH!” sigawan ng mga kaklase ko dahil

 

 

 

 

Dahil

 

 

 

 

Nagkahalikan kami ni Kenneth!! Waaah TT__TT my lips, hindi na !! HUHUHU

 

 

“pweh pweh!!” pinunasan ko agad yung labi ko ng panyo pero si Kenneth nakatayo lang na parang walang nakakagulat na nangyari

“I HATE YOU!!!” pinalo ko siya at umalis na ako

 

 

“KIRA!!!” alam kong siya yung tumawag, hindi ko siya nilingon

Alam kong lahat ng kaklase ko ay ako na ang pinag-uusapan at alam ko din kakalat ito sa buong paaralan!

Eh bakit ba kasi humarap pa yung Kenneth nayun!!

ARGH I hate him!! I HATE HIIMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM!!

 

 

GALIT AKO!!

Kay naman pumunta nalang ako sa secret place ko malapit sa school na ito, pwede namang lumabas sa school kaya doon nalang ako nagtago

Ayokong pumasok ngayon kahit may klase pa kami!! Ipapadala ko nalang kay Joy ang bag ko sa bahay kasi magkapitbahay naman kami

NAKAKAINIS TALAGA YUNG YABANG NAYON!!

 

--

Next Day

 

“Kira alam mo bang—“

“Shut up!!”  si Joy ang kausap ko

“Kira naman!!”

“Eh Joy first kiss ko ‘yon tapos napunta kay Yabang!!!”

“Eh hindi naman yun ang sasabihin ko

“Ah ganun ba?” hehe napakamot nalang ako ng batok

“Pero hindi mo pa ba nakakalimutan yung kiss nayun”

“>__< JOY!!!”

“Okay okay fine

 

 

Simula ng accident nayun ay ni isa sa mga kaklase ko ay hindi binanggit ang tungkol sa eerr sa Kiss nayun kasi alam nila kung paano ako magalit. Hindi ko narin kinakausap si Kenneth o hindi ko na din siya niaaway kahit na tinutukso parin niya ako. Tatahimik nalang ako at aalis kapag nanjan siya.

 

Dalawang linggo na ganun ang lagi kong ginagawa at mabuti’t hindi kumalat sa campus ang nangyari. Naging maganda naman din ang takbo ng buhay ko kapag hindi ako kinukulit ni Kenneth

 

 

--

 

 

“Sige Po Maam”

“Sige mauna na ako Kira, i-lock mo nalang pagkatapos mo jan ha”

“Yes Maam” umalis na si Maam at naiwan ako dito sa classroom na naglilinis

 

Malapit na ding gumabi kaya naman binilisan ko na ang paglilinis ng table ni Maam

 

“Hay salamat natapos na din” sabi ko ng natapos ko na ang paglilinis kaso

 

*dug* [thunder sound]

 

Naku baka uulan pa kaya kinuha ko na yung bag ko, nilock ang pinto at umalis na.

Papalabas na ako ng building namin ng umulan ng malakas.

 

 

“NAMAN!!” sigaw ko “Wala pa naman akong payong ngayon!!” nagsasalita nalang ako mag-isa

Tapos may mga libro pa ako kaya hindi ako maaring sumulong sa ulan dahil sa library ang mga libro ito.

Minamalas nga naman!!

 

Nakikita kong papauwi na yung iba na may mga payong, tapos lowbat pa talaga ko! Such a good day nga talaga!! >__<

 

“May payong ako” kilala ko yung boses nayun kaya hindi ko na nilingon

“Edi umuwi ka!!”

“Ikaw hindi ka pa ba uuwi?”

“Uuwi malamang!!”

“Halika na!!”

“Ayoko! May sundo ako” kahit wala basta wag ko lang siyang makasama

Oh sige una na ako ha” tumango nalang ako at umalis na siya, matui naman

 

Nakalipas ang kalahating oras ngunit hindi parin tumitigil ang malakas na ulan

“Naku naman! Kailan ka ba titigil!!” tumingala ako kaso

*dug*

“Aayyy!” napasigaw ako sa lakas ng kulog

Magaalas sais na tapos malakas parin ang ulan >__< ARGH!

O___O ako

^___^ siya

 

 

“Hindi ka ba talaga sasabay sakin?” sabi niya sakin na ngayo’y nasa harapan ko

“Hindi!!” diin kong sagot

“May sundo ka ba talaga kasi kalahating oras ka na jan!!” kanina padin siya nandito?

“Pake mo ba!! Umalis ka na nga kaya ko’to!!”

“Halika na nga!!!” hinila niya ako papunta sa kanya

Teka!! Bitiwan mo ako!!” kaso hila-hila niya ako hanggang sa naglalakd na kami

 

 

Naglalakad na kami papuntang palabas

 

“Yung kamay ko!!” hawak-hawak niya pa kasi ang kamay ko kahit naglalakad na kami

 “Sorry” binitawan niya naman agad ang kamay ko

Namumula yata ako pero HINDI!! Hinawakan ko yung dibdib ko at ang bilis ng tibok ng puso ko >__<

“Tingnan mo kung hindi ka pa sumabay sakin ay maabutan ka ng ilang oras doon”

“Ewan ko sayo!!” kanina pa kami lakad ng lakad na parang ang layo ng gate

“Napakatigas mo talaga!! Hindi mo parin ba nalalak—“

“TAHIMIK!! Ayokong marinig mula sayo yan!!” tinakpan ko yung dalawa kong tenga

“Nu ka ba!! Mababasa ka oh!!” hinila niya ako malapit sa kanya

 Naamoy ko yung bango niya

“Uyy dahan-dahan lang at baka maubos ang amoy ko”

“Napaka yabang mo talaga!!!” pinalo ko siya sa may braso

“I guess you didn’t forgot that ^__^”

“Heh!!!”

 

 

Ng nakarating na kami sa gate pero parang ayoko pang huminto kami dito. Pinahintay niya ako sa amy waiting shed kasi papara daw siya ng tricy

“Sakay na Kira ^__^”

Namula yata ako >////<, nakakainis ang lalaking ito!!

“Sa—salamat sa tulong mo Kenneth!!” sabi ko habang pasakay ako ng tricy

“Welcome! Basta ikaw!”

 

Tama ba ang narinig ko?? ‘Basta ikaw’?

Umandar na ang tricy at naiwan si Kenneth sa may waiting shed. Tiningnan ko naman siya habang pasakay na din ng jeep.

Naging kakaiba ang araw ko ngayon ng dahil kay Kenneth?? >__< wag naman sana! Kaaway ko parin siya kahit na tinulungan niya ako

 

 

 

--

 

 

Uyy Kira tama ba yung nakita ni Leslie nung isang araw?”

“Na ano??”

 

“NA MAGKASAMA DAW KAYO NI KENNETH UNDER THE RAIN!!” shet!! Sabay pang sagot ng mga kaklase ko

“HEH!!!” sigaw ko din sa kanila

“Uyy si Kira namumula!!” isa kong kaklase

“Tumahimik nga kayo!!”

“Pero sagutin mo muna na totoo yun!!”

“Wala na kayong pake!!”

 

 

Umalis ako ng classroom at

“Wow Walkout Queen ang peg ‘teh!!”

“Basta ganyan TOTOO yun!” sigaw ng mga kaklase ko

>___< tama nga ako na dapat hindi ako sumama kay Kenneth nung gabing iyon!! Kaya tinutukso na naman ako ng mga kaklase ko

 

 

--

 

 

“Kira duwag!! Ayaw mo lang ikaw na naman ang taya!!” sigaw ng kaklase kong lalaki

“Eh sa ayaw kong sumali sa laro niyo!!”

“Kapag hindi ka sasali ikakalat namin ang picture niyo ni Kenneth na nagk—“

“OKAY!!!” sigaw ko at natuwa naman silang lahat

 

Naglaro na naman kami ng ‘Spin The Bottle’ at swerte ako ngayon kasi ialng ikot na hindi sakin tumama. And speaking of Kenneth ay ilang araw na siyang absent dahil nagkasakit daw ang yabang.

Himala’t nagkakasalit din pala ang mga ‘Heartthrob’ daw.

 

O___O ARGH!!

Oh ikaw naman Kira!!!”

“eeh??”

“Truth or Dare?”

“Naman oh!! Dare!!”

“Wow gusto niya talagang utusan namin siya”

“Bilisan niyo na!!”

 

“Ang gagawin mo ay bibisitahin mo si Kenneth mamaya”

“No!!”

“Sige okay lang naman kapag sasayaw at kakanta ka hehe”

“ERRR! Ayoko na!! lagi niyo akong inuutusan kay Kenneth!!” tumayo ako para umalis sana pero

“Sige guys ikakalat nalang natin yung ‘Kissing Scene’ nila Kenneth!!”



“OKAY FINE!!!” sumigaw ako!! At pumalakpak naman silang lahat

 

Uwian na

Kaya naman para daw makasigurong pupunta ako kina Kenneth ay sinamahan ako ng iba kong kaklase sa bahay nila. Sa isang subdivision ang bahay nila Kenneth.

*ding dong*

Ako yung nagdoorbell at maya-maya ay bumukas yung gate kaso

Sige una na kami Kira!!” sabi nila

“What!!” mahina kong sabi

“Kaya mo nayan” dalidali silang tumakbo

 

Isang magandang babae ang lumabas

“What is that?”

“Uhm good afternoon Mam, I’m Kira Pagon and Kenneth’s classmate”

“Oh so you’re Kira ha, come in dear”

Lumingon muna ako sa mga kaklase kong malayo na at ng thumbs-up na sila. LAGOT TALAGA SILA BUKAS!!

Kaya naman pumasok na ako sa bahay nila Kenneth ay hindi pala bahay kundi mansion, and it’s a white mansion

 

“Naku iha, hindi kayang bumaba ni Kenneth”

“Ah ganun po ba, Mam pinadala po ito sakin ng teacher namin para ibigay ko kay Kenneth. Ito po yung magiging project namin” pinakita ko yung dala kong notebook

“Mas mabuti pang ikaw nalang ang magbigay kay Kenneth niyang iha”

“Pero po—“

Wala akong nagawa dahil isinama na ako ng Mommy siguro ni Kenneth sa taas at sa kwarto pa ni Kenneth

 

>___<

 

*tok tok*

“Come in Mom” binuksan naman ng kanyang Mommy nga ang pinto

“Son you have a special visitor” pinapasok ako ng Mommy ni Kenneth

 

“Kira?” mukhang nagulat siya ng makita ako at mukha may sakit nga ang mokong na ito

“Sige anak, gagawan ko muna kayo ng meryenda ha” sabi ng Mommy ni Kenneth sa may pinto

“Naku wag na po”

“Wag tatanggi sa grasya iha” sabi ng Mommy ni Kenneth

Bago siya umalis ay kumindat sabay thumbs-up pa siya kay Kenneth

Pasensya ka na sa Mom ko Kira”

“Naku hehe okay lang iyon, cute nga ng Mommy mo Kenneth” pinaupo niya ako sa may gilid ng kama niya at nakaharap sa kanya

“Hehe salamat, ganun lang talaga yun pero she’s the best Mom” pinilit niyang maupo ng posisyon

“Naku Kenneth baka mapano ka” pigil ko sa kanya

“Hehe kaya ko” kaso hindi ko siya napigilan

“Akala ko ba hindi mo kayang gumalaw?”

“Hehe nakakahiya namang nakahiga ako sa harapan po noh!!”

 

Kahit na may sakit ang mokong ay hindi parin nawawala yung kagwapuhan niya >__<. Hindi pala pangit siya ngayon!

“Ang tigas ng ulo mo!”

“Parehas lang tayo ^__^” yun na naman, naramdaman kong namula ako dahil sa ngiti niya

“Anyway ito oh! Yan yung mga instructions ng bagong project natin sa Arts!”

“Salamat dahil kahit papano ay nakadalaw ka hehe” kinuha niya yung notebook

“Bakit yung mga kaibigan mo hindi ba dumalaw sayo?”

“Dumalaw naman pero iba ang dumalawa ngayon!” hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya

Ganito pala magkasakit ang mga gwapo na parang nag-iiba ang ugali

“Himala nga ay nagkasakit ang isang ‘Campus Heartthrob’ daw na katulad mo!!”

Hindi siya nagsalita kundi tumawa lang. nakakainis talaga ang lalaki ito! lagi nalang akong pinagtatawanan!

 

--

 

Next week

 

“Guys nandito na si Kenneth!!” sigaw ng babaeng kaklase namin at nagtilian naman yung mga babae

>___< ang sakit sa tenga yung mga tili nila

Hindi ko naman pinansin kung mga nagkukumpulang mga babae sa harap ng classroom namin at inatupag ko nalang yung House Model na gawa sa mga sticks. Ito yung project namin.

 

 

 

Art Class na

Halos lahat ay kakaiba ang mga gawang bahay, yung iba ay malaki ang iba naman ay maliit at yung sakin ay katamtaman lamang

Iprepresent namin individual ang mga gawa namin

 

 

“Mr. Kenneth Herico” tawag ng teacher namin

Tumayo si Kenneth at pumunta sa harap

“Good morning everyone and thanks that I’m very well now thanks to that girl” simula niya na nakatingin sakin

“AYEEIIII” kilig naman yung iba

 

That girl? At bakit sakin siya nakatingin? Imposibleng ako yun kasi hindi lang naman ako ang dumalaw sa kanya. Kaya hindi ako yun!

Nangangarap naman ako at kay Kenneth pa!! >__< err

 

“So anyway, I want you to meet little Kenra, this is my House Model and someday I’ll build this house with my own money. I will live here together with Mrs. Herico, this is just a simple home with my two kids and my loving wife ^__^” hindi ko alam o talaga bang sakin siya nakatingin

“This house has two rooms, one is for me and my wife, the other one is for my kids. This model is really my dream house; where I’ll live and die. This will be a simple and loving home together with Ms. Kira Pagon

 

 

O_____O

Ano daw!!? Teka pangalan ko ba yung binanggit niya.

“Ms. Kira Pagon would you like to live in my house someday?” tanong niyang nakangiti sakin

“HA---ha??” nauutal ako at tiningnan ko yung buong klase na nakatingin din sakin

“What is your answer Ms. Pagon?” napatingin ako kay Sir

“Si—sir?” hindi masink in sakin yung tanong nila

 

“You’re the one I wanna live with Kira and I wanna know if what is your answer?”

Gulat parin ako !! >__< Naman!!

“Ah eeh kasi” nakakahiya!!

“OO NA YAN!! OO NA YAN!!”  sigaw ng buong klase sabay palakpak

 

 

“OO!!!”

Yaiks!! Napaamin ako

Really?”

“OO NGA!!”

“Is that true Kira?” ngumiti ng malapad si Kenneth

“OO NGA EH!!”

 

 

“UYYYYY” buong klase

YES!!!” si Kenneth sumigaw at nagtatalon

Yan ang kwento namin ni Kenneth at ngayon ay nasa college na kami pero KAMI PARIN!! Hehe

Comments

You must be logged in to comment
mziziel #1
ayyyy!!!!!!!!!!kinilig ako dun hehehe if this is true the guy was so sweet hehehe swerte mo teh ^_^ i hope makabasa pa me ng mga gawa mo, your good making a tagalog romance novel..keep it up the good work ^_^
infinitely-yours
#2
Ang cute~ >///< Bonggang kilig! Unnie, dapat magsulat ka pa ng filipino stories (romance~) :">