Final.

Of Whiteboards, Quizzes, Volleyballs and Professor Yu Sungit.
Please Subscribe to read the full chapter

"Congratulations on winning the semi-finals match, Win! Road to championship na ito!"

 

 

Isang impit na ngiti lamang ang ibinigay ni Winter mula sa mga kapwang mag-aaral. Bigla-bigla nalang kasi siyang dinumug ng mga ito habang papasok sa loob ng campus upang i-congratulate. 

 

 

Hindi naman niya inaasahan na mangyayari ito dahil unang-una, sinikap niya talaga ang pagpunta ng maaga sa school upang maiwasan ang ganitong pangyayari— pero nangyari pa rin talaga. Turns out, mas maaga pa pala sakanya ang mga estudyante. Talagang inaabangan siya.

 

 

Dapat nga ay masanay na siya kasi it always happens everytime she wins a match. And it's not like she's not happy that this keeps on happening— in fact, nakakataba pa nga sa puso na maraming sumusuporta sakanya. 

 

 

Pero kasi malelate na siya sa klase ng dahil sa mga ito. Terror pa naman ang Professor niya. Ayaw na ayaw sa late non. Sinasarado din ang pinto kaya natatakot siya na baka hindi siya makapasok sa loob ng classroom. 

 

 

Dinagdagan pa ng ibang estudyante na hindi pa talaga makonte-kontento sa pasimpleng pagsabi ng congratulations lang. Kailangan talaga may kasama na kung ano-anong bagay pa silang nilalahad kay Winter.

 

 

Dahil sa taglay na kabaitan, hindi naman makatanggi ang inaalalayan kaya imbes na maliit na bag at notebook lamang ang dala nito, nagmistulang mini-mart na siya sa dami ng bitbit. 

 

 

Pagkadako sa locker niya, bumungad naman ang samu't saring love letters pagkabukas na pagkabukas pa lamang nito. Punong-puno at wala na talagang space sa loob. Natatapon pa nga ang iba sa ilalim. 

 

 

Napabuga na lamang siya ng hangin bago kumuha ng isang sako mula sa bag— bagay na dinadala niya na palagi for this kind of situations— upang doon ilagay ang lahat ng love letters pati na rin ang mga teddy bears, flowers at kung ano-ano pa na ibinigay sakanya kanina. 

 

 

Napakamot na lang siya sa batok ng makitang  napuno ng lahat ang isang sako. Grabe lang. 

 

 

"Damn. All that love letters and yet you're still single, Win?"

 

 

Napalingon naman siya sa gilid nang magsalita ang pinakamamahal niyang best friend na si Giselle. Inikutan niya ito ng mata. 

 

 

Kanina pa kasi ito sa tabi niya ngunit hindi man lang siya tinulungan sa pagbitbit. Kahit 'yung mga flowers man lang. Talagang pinanood lang siya nitong mag-struggle habang maarteng nakatingin sa kuko nito.

 

 

"Dami mong satsat. Kung tinulungan mo na lang kaya ako dito? Tangina ang bigat." 

 

 

Nagkibit-balikat naman ang isa at humalukipkip. "That sounds like a you problem, Win. Besides, masisira ang nails ko if I helped you. I just got it done pa naman yesterday lang." 

 

 

Umismid naman si Winter dahil don. Napakaarte talaga ng kaibigan niya. Ba't niya ba kinaibigan 'to?

 

 

Akmang aalis na sana sila ng bigla namang may sumulpot na babae sa harapan at hinarangan sila. Napakunot ang noo ni Winter. Familiar ang babae dahil sikat din ito sa campus ng school nila pero taga ibang department lang ata. 

 

 

Maganda kasi at siya din yata 'yung nanalo ng Miss Campus Queen last year. Tsaka paminsan-minsan ay nagiging muse din ito sa mga laro nila.

 

 

Awtomatiko namang nagbulungan ang ibang estudyante. Ang laki-laki din kasi ng ngiti ni Ate Girl habang may bitbit-bitbit na bouquet of rose flowers at box of chocolates sa magkabilaang kamay nito. 

 

 

"Hi, Win! Congratulations on winning the game! Para sayo nga pala." 

 

 

Napaawang naman ang bibig ni Winter habang tinitignan ang nilalahad ng babae. Hindi niya alam kung kukunin niya ba ito o hindi.

 

 

Either way, maiissue kasi siya. Kung hindi, she might seemed rude. Kung oo, baka kung ano rin ang isipin ng ibang estudyante— at ni ate girl na din. 

 

 

Minsan na din kasi inannouced ng babae sa buong campus — and probably throughout the entire people na nanonood ng game— noong ininterview siya ng isang student sports journalist, na gustong-gusto niya talaga si Winter.

 

 

At kung papayagan ng Volleyball Captain, siya na mismo ang manliligaw dito. 

 

 

Pero ipinagsawalang bahala lang 'yun ni Winter dahil hindi naman bago sakanya ang mga ganong eksena. Nakakaflutter, oo. Pero kadalasan talaga nakakahiya. Lalong-lalo pa na siya ang recieving end ng sitwasyon. 

 

 

Akmang sasagot na sana siya nang bigla naman nilang marinig ang sunod-sunod na tunog ng takong ng isang mamahaling heels na papalapit sa pwesto nila. 

 

 

Napalingon silang lahat dito and all their breaths hitched when it revealed the youngest professor of their school— Professor Karina Yu. 

 

 

Sa edad na bente kwatro ay nakapagtapos na ito ng masterals at doctorate. Kung paano niya nagawa? 'Yun ay isang misteryo. Usap-usapan din na siya ang naging Top 1 sa buong batch nila na kumuha ng LET with an unbelievable rating of 98.9 percent.

 

 

She was too intelligent dahil accelerated din ito ng ilang taon, skipping her first and second year. She was also the first undergraduate who achieved the perfect average score of 1.0 in Mako University. 

 

 

Gayon nalang ang paghanga ng mga kapwa guro't estudyante sakanya. Tsaka bukod sa angking talino, nagtataglay din ito ng angking ganda. 

 

 

Her beauty alone is absolute. 

 

 

Mula sa natural na pagkakulot ng buhok nito na umabot hanggang lampas balikat niya. Mala porselanang balat na hindi mo ata makikitaan na may bahid ng kahit na ano mang dumi, lalong-lalo na ang makinis na mukha nito na para bang hinulma sa salitang 'perpekto'.

 

 

Parang araw-araw nagfa-facial treatment eh. Dahil wala talagang pores. 

 

 

Balingkinitan din ang katawan at kung tutuusin, bagay na bagay sakanya ang maging modelo, at sa palagay ay magiging sikat din ito sa larangan kung hindi lang nito napili ang maging guro. 

 

 

Right now, she's sporting a matching brown blazer with what seems to be a white flowy sleeveless top underneath, slacks and then black heels, along with her Prada bag. 

 

 

May dala-dala din itong iilang dokumento sa kabilang kamay. 

 

 

"What's with the commotion all about?" Umalingawngaw ang mababang boses nito sa buong paligid. Mahina lang ang pagkakasabi nito pero halatang may impact talaga. 

 

 

'Yung iba, kinakabahan dahil si Professor Karina Yu 'yan eh— ang kilalang terror professor ng Mako University. Ang guro na walang awang nagbibigay ng singko. Ang guro na may kakayahan din magpatalsik ng kapwa niya guro at estudyante. 

 

 

Samantalang 'yung iba naman ay namamangha dahil sa kagandahang taglay ng propesor, balewala ang masamang ugali nito. 

 

 

Nang walang may marinig na sagot, dumako ang tingin nito kay Winter na sa hindi malaman na kadahilanan ay napayuko na lamang sa kanyang pwesto at napalunok. 

 

 

"Aren't you all aware that first subject is about to start? And yet here you all are, doing this— whatever this is."

 

 

"Attend your classes. Now." Utos nito bago bumulong na narinig naman ng malakas na pandinig ni Winter. "Mga stupid." 

 

 

Grabe talaga. Maka stupid kala mo naman. Ang sama talaga ng ugali. Sa isip-isip ng Volleyball captain. 

 

 

"With all due respect, Ma'am. We're all college students. We don't need to be told to attend classes anymore. It's within our choice now." Sumabat naman ang babaeng kanina pa naglalahad kay Winter ng rose bouquet at box of chocolates. 

 

 

Napaarko naman ang magandang kilay nito dahil sa sinagot ng babae. 

 

 

"Clearly you do." Malamig na turan nito that matches her piercing dark eyes. 

 

 

"But would that also equates to putting up a scene where the other party involved is surely going to be left in a jeopardy?"

 

 

Tumalikod na ito. "So stupid talaga. Tsk." 

 

 

"Those who are in my class, if I don't see you inside the classroom within five minutes, consider yourself absent and zero for today's class and quiz." 

 

 

Napamura naman si Winter sa isipan habang mabilis na nagsitakbuhan ang iba niyang kaklase. Nasa sixth floor pa kasi ang classroom nila. Bahala na ang chismis. Mas importante ang klase ni Miss Yu. 

 

 

Buti nga at may exclusive elevator for teachers pero para sa mga estudyante, wala. Nganga. Kaya gayun nalang ang confidence ng pagbabanta nito. 

 

 

"Sorry about that, Win." Napalingon si Winter sa babae at ningitian ito ng maliit. Kung ba't kasi umabot pa sa ganito. Hayst. 

 

 

"Okay lang."

 

 

"Ang sama talaga ng ugali ni Professor Yu. Matalino lang naman 'yun pero halos lahat naman ng guro sa school na'tin matatalino. Porket malakas ang kapit niya sa may-ari—" 

 

 

"Mauuna na ako, Somi. Tototohanin kasi talaga ni Miss Yu ang sinabi niya."

 

 

"O-Oh. You're in her class?" 

 

 

"Oo eh. Una na'ko ha." 

 

 

"Oh, okay— wait! The flowers and choco—" Hindi na nag-abala pa si Winter na patapusin ang sasabihin nito at kumaripas na nang takbo. 

 

 

Blessing in disguise na din siguro ang pagpapakita ni Miss Yu dahil natanggihan niya din ang inaalok ng babae. Pero wala pa din 'yun kung pagsasarhan siya ng pintuan ng guro, ia-absent sa klase, at ize-zero sa quiz. 

 

 

Saktong pagtuntong ni Winter sa loob ng classroom ay siya rin ang pagsigabong ng isang matinis na tunog— timer. 

 

 

Putcha, tinotoo talaga niya ang banta. Sa isip-isip ng volleyball player. 

 

 

Habang hingal na hingal ang estudyante ay siya naman ang ikinaprente nang upo ng guro. Nakadekwatro pa ito at nagbabasa ng libro. 

 

 

Maya't-maya pa ay tumayo na ito at pinatay ang timer. 

 

 

"Right on time, Miss Kim. Take your seat." 

 

 

Ngumiti nalang ng pilit si Winter at umupo sa kanyang alloted chair. May seat plan kasi sila courtesy of Professor Karina Yu. 

 

 

Nasa harapan siya, right exactly in front of Professor Karina Yu's table. Pero hindi naman siya nauuna sa listahan dahil hindi rin naman naka-alphabetical. Sadyang trip lang talaga ng guro nila na ilagay siya sa harapan. Magkalayo pa sila ni Giselle. 

 

 

"Get one-half lenghtwise sheet of yellow pad." 

 

 

Kaagaran naman silang sumunod. Winter took the said paper habang 'yung iba naman ay humahalungkat pa o di kaya nakikiusap sa katabi para manghingi. In chaos na naman tuloy sa loob ng classroom. 

 

 

May manghihingi pa sana kay Winter pero naalala niya ang sinabi ng guro noon. Contemplated na napakagat-labi tuloy siya. Nakita naman ito ng guro.

 

 

"Quite." 

 

 

Nagsitigil ang lahat. Hindi siya sumigaw ha. Pero nagawa niya pa rin patigilin ang mga estudyante niya. Ibang klase talaga. 

 

 

"Didn't I told you that giving or asking for papers is strictly prohibited. I always remind you to bring your own paper." 

 

 

Eto na nga ba ang kinatatakutan ni Winter.

 

 

"Those who don't have papers, and those who gave one to their classmates—  automatic, your out of my class. You may leave." 

 

 

Mukhang nafrozen pa ata ang ibang estudyante kaya hindi agad nakuha ang pinapahiwatig nito. 

 

 

"One." Maawtoridad niyang bilang kaya parang nabuhusan naman agad sila at nagsiunahan palabas. 

 

 

"And detention for all of you." Pahabol niya pa.

 

 

Mabuti nalang talaga at hindi natuloy ang pagbibigay ni Winter. Mapapalabas pa sana siya at masisira ang magandang disciplinary record niya. Halos kalahati din kasi ng kaklase niya ang napalabas. 

 

 

"For those remaining, number your papers from one to fifty."  

 

 

"Number one..."

 

 

Napabuntong hininga na lamang si Winter. Eto na naman ang guro nila sa paquiz nito na pang-out of this world ang atake sa mga klase ng tanungan. 

 

 

Mabuti nalang talaga at naiintindihan niya kahit papaano dahil nagrereview at nagaadvance study naman siya gabi-gabi. Pero masakit pa rin talaga sa ulo. 

 

 

-----

 

 

"Okay, class dismissed." 

 

 

Sawakas ay natapos na din ang madugong labanan sa loob ng classroom nila Winter. Matapos magpaquiz ng guro nila ay agad din kasi itong naglecture. 

 

 

Medyo heavy topic pa ang lesson kaya ubos na ubos talaga ang braincells ng Volleyball Captain niyo. Plus, gutom na gutom na din siya. Lunch break na kasi. 

 

 

Last person to go out si Winter at akmang tatayo na sana siya ng bigla siyang tawagin ng Propesor. 

 

 

"Winter Kim. Stay." 

 

 

Tatlong salita lang pero napapasunod na agad nito ang dalaga. Parang aso lang eh.

 

 

"P-Po?" 

 

 

"Come with me to my office. You'll help with the checking of papers."  

 

 

Walang ano-ano'y pabalang na ibinigay nito ang lahat ng papel kay Winter. Pati na din ang dala-dala nitong mga dokumento kanina sabay labas ng classroom. 

 

 

Napapahimutok nalang ang dalaga sa inasta ng guro. Napakasama talaga ng ugali. 

 

 

They got inside Professor Karina Yu's private office. Sadyang pinagawan talaga siya ng may-ari ng paaralan. Talk about privilege. Paboritong empleyado ba naman kasi kaya ganyan. 

 

 

Umupo si Winter sa may leisure couch na tinuro ng kanyang guro. 

 

 

"Give me your paper. I'll check it first." 

 

 

Hinanap naman ni Winter ang kanyang papel bago nilahad sa nag-aabang na guro. Then, umupo ito sa tabi niya kaya malaya niyang naamoy ang expensive na pabango nito. 

 

 

Parang amoy ng pinaghalong Chanel no.5 at Scandal by Jean Paul Gaultier. In short, amoy baby powder pero seductive version. 

 

 

Habang nagmamarka ng papel, wala sa sariling nailakbay naman ni Winter ang kanyang mga mata sa Propesor. 

 

 

Talagang napakaganda kasi ng side view nito. Kitang-kita ang katangusan ng ilong. Pati na din ang mahahabang pilik mata nito. 

 

 

Not to mention, those pouty luscious plump lips na naglalaban sa kulay pink at red. And that damn tiny mole just beside her lips. 

 

 

Napalunok siya. Pero bigla ding nanlaki ang mga mata nang marinig ang isang karumal-dumal na tunog na nagmumula galing sa tiyan niya. Gutom na gutom na nga pala siya. 

 

 

Nahiya naman siya ng bigla siyang lingunin ng mas matanda kaya natataranta naman nitong iniwas agad ang tingin. Nahuli pa nga'ng nakatingin.

 

 

"Are you hungry?"

 

 

Obvious ba, Ma'am? Sa isip-isipan niya. Baka bigla nalang siyang sipain nito kapag sinabi niya ito out loud. 

 

 

"O-Okay lang po ako, Ma'am." Pag-aasure niya sa guro pero hindi siya pinakinggan nito sapagkat ay nagsimula nang maghalungkat sa phone para magpadeliver ng pagkain. 

 

 

"What do you want to eat, Kim?"

 

 

"Ikaw." Lutang na sagot nito. Basta kapag nagugutom kasi ito, wala na. Nalulutang na. 

 

 

"What?!"

 

 

Winter flinched at napasighap sa biglaang pagtayo't sigaw nito. Tinignan niya ang guro at nasaksihan ang namumulang mga pisnge't tenga nito. 

 

 

Napakunot naman ang noo niya. May nasabi ba siyang hindi tama? Ba't biglang nagalit ang guro niya sakanya. 

 

 

"W-What do you mean, me? Kim?!"

 

 

"Po? I-I mean i-ikaw na po ang bahala."

 

 

"O-Oh. I thought— nevermind! Anyway, here's your paper. Start checking your classmate's papers." Umalis na ito sa tabi niya pagkatapos ay pahampas na inilagay sa table ang markadong papel niya. 

 

 

Grabe talaga ang mood swings 'non. Parang araw-araw may regla. 

 

 

Nasa kalagitnaan ng pagchecheck si Winter nang biglang dumating ang inorder na pagkain ng kanyang guro. 

 

 

Tumunog naman ulit ang tiyan niya ng maamoy ang mga pagkain at mapagtanto kung ano ito. 

 

 

Jollibee, her ultimate favorite. 

 

 

Nalula pa siya dahil ang dami naman atang inorder ng isa. May two piece chicken joy, spaghetti, burger steak, fries, yum burger, sundae, peach mango pie tsaka coke float. Mga paborito niya lahat. 

 

 

Malakas naman siyang kumain at mabilis ang metabolism niya. Not to mention, athlete siya. Kaya mabilis lang maburn ang calories sakanya. Pero dalawa nga pala sila ang kakain. 

 

 

Dahil dito, nilihis niya ang tingin sa guro na nakatingin na din pala sakanya. 

 

 

She blushed. Ang lalim ba naman kasi kung tumingin. 

 

 

Nakaupo na kasi ito sa sariling table at nakapatong ang baba sa isang kamay habang masinsinan siyang tinititigan. Nacoconsious tuloy siya ng dahil dito. 

 

 

"M-Ma'am?" Tawag niya dito. 

 

 

"Hmm?" Her professor answered lazily, still giving her that deep stare. 

 

 

"A-alin po dito 'yung kukunin ko?" 

 

 

"You can eat anything you want. It's all yours."

 

 

"H-Ho? Hindi ka kakain?" 

 

 

"No, I have a dinner gathering later. I don't want to feel full."

 

 

"A-Ah sige. Thank you, Ma'am."

 

 

"You're welcome. Eat well and enjoy."

 

 

Napangiti naman siya. Mabait din naman pala paminsan-minsan ang propesor niya.

 

 

Matapos magawa ang ipinapagawa sakanya ng guro, hinayaan na siya nito na umalis. May tatlong subject pa kasi siyang natitira. 

 

 

Busog na busog din siya kaya good mood ang lola niyo habang papasok sa first subject niya in the afternoon. 

 

 

Nilapitan naman agad niya ang kaibigan. Na nakabusangot ang mukha dahil sa katabi nito. Napatawa tuloy siya. 

 

 

"Where have you been again, Win? Gosh, I have to eat with her again." Reklamo naman nito. 

 

 

"Makapagsalita ka ha. Ano? Diring-diri? Parang hindi nagconfess nung lasing ah." 

 

 

"Oh my gosh, Yizhuo! Stop reminding me of that heinous memory!" 

 

 

"Heinous memory ka diyan! Kala mo naman. Ikaw nga 'tong nagbeg na ligawan ko eh."

 

 

"Oh my gosh! Stop it!" Tinakpan nito ang tenga. 

 

 

Ewan niya ba sa dalawang 'to. Parang aso't pusa. Eh halata namang gustong-gusto ang isa't-isa. Pero sadyang ma pride lang talaga 'yung isa at hindi ito matanggap samantalang 'yung isa naman ay nagmamatigas din at ayaw gumawa ng move. 

 

 

Hala bahala sila.

 

 

"Anyway, Win. Saan ka naman ba pumunta ha?" Tanong sakanya ni Yizhuo. Kaklase nila ito during afternoon classes. Naging matalik na kaibigan na din. 

 

 

"Si Prof. Yu kasi, pinagcheck na naman ako ng mga papers namin." Kibit balikat na sagot ni Winter at umupo na. 

 

 

"Nako. Mukhang napapadalas na ata 'yan ah? Di kaya type ka ni Professor Ganda kaya ka niya parating pinapacheck ng papers niyo?"

 

 

"Sira!" Binatukan naman niya ito. 

 

 

Pinapacheck lang ng papers, type na agad. Siraulo talaga 'tong si Yizhuo. Kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bunganga. 

 

 

"Hindi! Isipin mo kasi, Win. Ikaw palagi ang inuutusan niya. Tapos sa loob ng office ka pa niya pinapacheck, diba?" 

 

 

Umiling-iling naman ang Volleyball Player. "Oh ano naman ngayon? May malisya agad? Ganon?"

 

 

"Hindi naman." 

 

 

"Yan naman pala eh. Issue ka." Inikutan niya ito ng mata. 

 

 

"Oh di kaya... baka may secret relationship talaga kayo, no? Nagkadevelopan ng dahil sa pacheck check na 'yan." 

 

 

"Kunyari, checking of papers, 'yun pala check - in ang nagagana— Joke lang! Eto naman! Hindi mabiro!" 

 

 

Tuluyan na nga'ng hinampas ni Winter ang kaklase. Ang bibig kasi! Maissue!

 

 

-------

 

 

"Saan ka after nito, Win? Wala kayong practice diba? Tara, Gala!"

 

 

Halos mapasigaw sa tuwa si Winter ng matapos din sawakas ang last subject nila. She started gathering her things. Masaya din siya dahil as mentioned by Yizhuo, wala nga silang pratice ngayon at rest day nila. 

 

 

She shook her head. "May pupuntahan kami ng parents ko ngayong gabi eh. Kaya pass muna." 

 

 

Yizhuo clicked her tongue. "Ba 'yan! Lagi nalang, Win. Magtatampo na talaga ako."

 

 

"Sorry na, Yizhuo. Si Giselle nalang yayain mo." 

 

 

She scrunched her face. "Huwag na! Napakaarte niyan! Baka mabanas lang ako." 

 

 

"And you're talking like as if I wouldn't hear what you just said about me!"

 

 

"Sorry! Sadya!" 

 

 

"Why you!" 

 

 

Tuluyan nang kumaripas palabas si Winter at iniwan ang dalawa. Magbabangayan lang din kasi ang mga 'yun kaya mas mainam na umalis at lumarga na lang siya. Maririndi lang siya sa walang katapusang sigawan nila.

 

 

Besides, susunduin din siya ng parents niya at kakatext lang ng mga ito na nasa labas na sila ng paaralan, malapit sa waiting shed at naghihintay. 

 

 

Susunduin pa nga siya dapat sa loob ng paaralan pero nagreply agad siya na siya nalang ang pupunta sakanila.

 

 

While walking, nadatnan niya ang Propessor na lumalakad pero papuntang parking lot. Kagaya ng kanina, may mga bitbit din itong gamit at hirap na hirap. Mas domoble pa ata kumpara kanina.

 

 

Dahil dakilang mabait na bata siya, nilapitan niya ito upang matulungan. 

 

 

"Ako na po, Ma'am," bati niya sa propesor bago agawin ang mga gamit nito. Nagulat naman sa kanya ang mas matanda.

 

 

"Kim!"

 

 

Ningitian niya lang ito. "Mabigat, Ma'am. Kaya please lead the way na po."

 

 

Tinignan muna siya ng masama ng guro pero nagsimula din maglakad. "I can handle it." 

 

 

"Oo nga eh. Kitang-kita ko nga na nahihirapan ka sa pagbitbit kanina." 

 

 

"Tsk." 

 

 

They stoped right in front of a Matte Navy Blue Lamborghini kaya lihim na napasipol si Winter. Ang y kasi ng ride ng guro niya. Kasing y ng may-ari. Charot! 

 

 

Binuksan nito ang back seat upang ilagay ang mga gamit. Pagkatapos ay dumako sa Driver's seat upang ito naman ang pagbuksan. 

 

 

Hinihintay ni Winter na pumasok ang guro nang lumingon ito sakanya. 

 

 

"Do you have a ride?" 

 

 

"Ho?"

 

 

Inikutan siya ng mata ng guro. "Stupid. I said, do you a have a sundo ba?" 

 

 

Napatawa ang dalaga sa sinabi nito. Napakaconyo kasi. Sabagay, laking London ba naman. Kaya hindi sanay magsalita ng tagalog. May accent din nga ito kaya minsan-madalas, nahihirapan ang mga estudyante na intindihin ang mga sinasabi niya.

 

 

"Ah. Meron po, Ma'am. Mga magulang ko." 

 

 

Tumango naman ito bago pumasok sa loob ng sasakyan. But she didn't missed the way her teacher's jaw clenches.

 

 

"Okay. Bye, then."

 

 

Mabilis nitong pinaandar ang makina at pinaharurot palabas. 

 

 

Napakamot nalang sa batok si Winter. Aside sa accent, mas mahirap pa rin talaga intindihin ang ugali nitong sala sa lamig, sala sa init. 

 

 

Matapos ang agenda sa parking lot. Tumungo na ito sa labas ng eskwelahan, malapit sa sinasabing waiting shed, kung saan nag-aabang ang mga magulang niya. 

 

 

She knocked on the front seat's window to let them know that she has arrived. Narinig naman niyang naunlock ang backseat kaya binuksan niya ito at tuluyang pumasok.

 

 

"Hi, Moms! Good afternoon po." She greeted her parents, kissing their cheeks. And yes, dalawa ang nanay niya. Kaya naman may lahing bading siya. It's in the genes. 

 

 

"Hi, love. Why don't you want us to go inside your school, huh? Are you hiding something?" Tinaasan siya ng kilay ng Mommy niyang nakasakay sa passenger seat. 

 

 

"Eh, Mommy naman. Baka pagkaguluhan lang kayo don." 

 

 

Hindi kasi sa nagmamayabang pero isang sikat na aktres ang Mom

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Makolit
Experiment ends here! This took longer than I've expected😭. I really enjoyed writing this tho👀.

Comments

You must be logged in to comment
TYTFshipper
271 streak #1
Chapter 1: Chapter 1: rawr cutie yung kilig ko po jusko 🥰🤭 thank you dito otor!!
myouiminguinari
#2
Chapter 1: 😳
winrinasaurus
#3
Chapter 1: woah terror professor karina was soooo hot 🥵
JiminjeongWK
#4
Chapter 1: Cuteee 🫶🏻
Minguriiii
#5
Chapter 1: I didn't expect na low-key sila, medyo suspicious nga yung kabaitan ni Miss Yu sa panglilibre ng food kasi mukhang napakasungit niya pero yung ending🥰

Thanks sa one shot author, I always like how you portrayed Karina and it was new to me na mayaman ngayon si Winter🤭
Genniee #6
Chapter 1: love these kind of tropes talaga and how jm exudes dom energy while mj a submissive baby girl HAHAHAHA
kwinminjeong
#7
Chapter 1: Chapter 1: IIIIHHHHHH GULAT AKO EH !!! Kilig na kilig ako hihi. Ganun pala galawan ng isang Karina Jasmine Yu pakshet 🫦 gulantang eh tagal na pa na wow mali mga admirers ni wintot BAHSKSJSKSHHSU GANDA
howdoyouknowmee
552 streak #8
BABALIKAN KO TO WAIT LANG HA
nkenravi
#9
Chapter 1: KINIKILIG AKO HABRNSTJJSJREJ SANA MASARAP PALAGI ULAM MO TOR
ryujinie__
707 streak #10
♡♡♡