Hate Somebody Like You (Ryeji AU)

Please Subscribe to read further chapters

Description

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.

 

 

Foreword

ONE THING about Ryujin is that she's an outgoing person. Kahit saan mo dalhin, madali sa kanya ang makisalamuha sa tao. It's a perk of being a politician's daughter. Bata pa lamang siya ay nahasa na ang social skills niya. Kapag nasa angkan ka ng mga politiko, you have to protect your image and make a good impression to people. Iyan ang nakasanayan ni Ryujin. Kaya hindi na nakakapagtaka na marami siyang kaibigan at nakakakilala sa kanya. Nabanggit ko na rin bang marami ang nagkakagusto sa kanya? Well, given naman na 'yon lalo na't hindi lang siya anak ng mayor kundi isa rin siya sa varsity team ng football girls.

 

Pero kahit naman na ganoon, hindi pa rin maiiwasan na may mga taong ayaw pa rin sa kanya: mga lalakeng pinagpalit ng girlfriend nila para sa kanya; mga ni-reject niya; mga taong may inggit sa kanya; and lastly si Yeji - the girl who caught Ryujin's heart.

 

Hindi alam ni Ryujin kung bakit kinamumuhian siya ng babaeng gusto niya. Eh kung iisipin, wala naman siyang ginawang masama sa babaeng ito. Or did she? No one knows. Gusto man niyang tanungin ito pero hindi niya alam kung paano. Kung iwasan kasi siya ni Yeji ay parang may nakakahawa siyang sakit.

 

What did I do to be hated by the girl that I like the most?
 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet