Chapter 1

Breaking The Barrier
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER 1 -

"200 boss, diesel" narinig kong sabi ni kuyang driver.

Grabe. 'Di ko maiwasang mapabuntong hininga. Napatingin ako sa relo ko, 7:15 AM na. Kung kailan late ka na, tsaka sila nagpapagas no? First day na first day pa naman. 

Napatingin nalang ako sa labas, dito naman ako nakaupo sa pinaka bungad ng jeep. Favorite spot ko talaga 'to kasi nakakababa ako agad. Madalas kasi ako mauntog sa jeep, pero okay lang matigas naman ulo 'ko eh. Jk!

Habang naghihintay, inayos ko saglit yung uniform ko, sayang plantsa ko dito kung malulukot lang din no. Ang ganda ganda pa naman. Long sleeves siya and skirt. Taray, uniform ng pang mayaman eh.

Kinalaunan ay umandar na yung jeep na sinasakyan ko. Habang nasa byahe ay naisipan ko namang makinig ng music, sinuot ko ang earphones ko saka ako naghanap ng kanta. 

Ramdam na ramdam ko ang hampas ng hangin, ang lamig talaga ng ganitong umaga. Isabay mo pa yung kabang nararamdaman ko sa first day, wala pa naman akong kakilala 'don sa mga kablock ko. Medyo mahiyain pa naman ako sa ganun. 

Ewan ko ba! 'Di ko naman akalain kasi na matatanggap talaga ako sa Wright University. 

Habang nag-ooverthink ako ay naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. Binuksan ko yung GC namin ng friends ko.

SHUTHengene

Sheena Ganda <3: Teh, ano kumusta first day? Marami bang pogi jan sa CEA Department? 

Green Thea: Gaga ka ba, nasa jeep palang ako.

Hayley Malunggay: Si bakla naman tatanga tanga malamang papasok palang yan, nasisira mo umaga ko Sheena! 

Sheena Ganda <3: Hanggang dito naamoy ko hininga mo Hayley tantanan mo 'ko.

Green Thea: At nag away pa ang dalawang baliw.

Uniss: Omg, don't you guys have classes? Stop blabbering and focus on your studies!

Green Thea: Kinakabahan ako mga beh, what if ibully nila ako kasi hampas lupa lang ako?

Sheena Ganda <3: Wag kang OA ate ko, keri mo yan! Pag may nang away sayo sumbong mo sa'min. 

Hayley Malunggay: 'Di yan, kung ano ano nanaman ang naiisip mo, chill. You got us. You'll be fine. :)

Uniss: Finally, you two said something good. Anyway Theacakes, tell me your schedule later, sabay tayo lunch. I have to go since my class is starting na. Xoxo.

Pinatay ko na ang phone ko at ibinalik sa bag ang earphones ko. 'Di ko naman maiwasang matawa dahil sa kanila. Ganyan talaga sila, mga kababata ko sila na parang kapatid na rin ang turing ko. 

Dito rin nga pala sila nag-aaral, si Uniss ay fully paid ang tuition, mayaman kasi talaga yon. Business tycoon ba naman ang parents n'ya. Ewan ko nga ba't pumayag yun maging kaibigan namin. 

Kami nila Sheena at Hayley ayun mabait. 

Charot, nakapasa kaming tatlo through scholarship program. Kahit ganiyan sila lahat naman kami ay focus talaga sa academics.

Huminto na yung jeep sa crossing, bumaba na ako at naglakad papuntang school. Lalakarin mo pa kasi ng konti eh, buti nalang nakapunta na ako dito nung nagtake ako ng exams kasi kung hindi maliligaw nanaman ako nito. 

Nakakapanibago pa rin nga dito sa Manila, napaka unlad. Very populated din, pero dito sa crossing na 'to, wala masyadong tao. Sakto lang, marami rami rin akong nakikitang students na naglalakad. 

Ang ganda lang sa lugar na 'to kasi makikita mong planado yung landscape.

Habang naglalakad ako sa sidewalk at inaadmire ang paligid, may kumalabit sa akin sa likod, pag tingin ko ay batang babae. 

Manghihingi ba 'to ng piso? Hala wala pa naman akong barya dito. 

"Are you a model ate?" tanong ng bata.

Ay hindi pala siya nanghihingi ng piso, ako pala dapat ang manghingi. Ngayon ko lang napansin na malinis at maganda yung pananamit niya. 

Nginitian ko yung bata at saka umiling. 

Di naman 'to yung unang beses na may nagtanong sa akin ng ganiyan. I know na maganda ako, pero mahiyain kasi talaga ako sa mga ganoong bagay, at 'di ko rin talaga gusto.

"Then you should be one! You're so pretty." sabi niya habang nasa likod n'ya yung dalawa n'yang kamay at nakangiti. Parang nahihiya pa s'ya sabihin 'yon. Cutie!

Yumuko naman ako ng bahagya para kurutin s'ya sa pisngi. 

"Ikaw cute cute mo, bakit wala kang kasama? Nasan si mama mo?" tanong ko sa kanya.

Tinuro niya yung likod ko. Paglingon ko wala naman akong nakitang tao. Napakunot ako ng noo.

"Ha? Saan?" Tanong ko ulit.

"She's there, behind you." 

Lumingon ako ulit pero wala naman, loko 'tong batang to ay pinagagago ako. Malalate na ako eh!

Nagulat ako nung may nakita ko ang isang babae na papalapit sa direksyon namin. 

Hala ang ganda niya, para siyang artista, o kaya model. Amoy mayaman pa. 

She looks so sophisticated. She's wearing a tailored black blazer paired with high-waisted cigarette pants in a bold pinstripe pattern. 

Underneath, a crisp white button-down shirt tucked neatly into the pants exudes professionalism. Pointed-toe black pumps elongate the legs, while a structured leather tote and sleek watch add polish to the ensemble. 

'Di ko napansin na nakalapit na pala siya.

"Andy! I told you not to run away from tita." saad n'ya habang pinupunasan ng pawis yung bata gamit yung panyo niyang mukhang mamahalin 'din. Grabe nahiya yung good morning towel ko huhu.

"Look Tita, I was talking to the pretty lady here!" turo sa akin nung bata.

Napatingin silang dalawa sa akin habang ako ay bigla namang kinabahan. Hala baka akalain niya kikidnapin ko yung bata.

"Ahm h-hindi po ako masamang tao." nautal pa ko ng sabihin ko yon.

Narinig ko namang natawa yung magandang babae. "Don't worry sweetheart, I've never mistaken you for one." Ngiti niya sa akin. 

"Andy here is very adventurous, very makulit! I'm very sorry if she bothered you." sabay kurot sa pisngi nung bata. 

"Ay hindi naman po, ang bait nga po niya. Hehe." sabi ko.

Nakarinig naman ako agad ng busina ng kotse. Pagtingin ko ay isang Mercedes-Benz. Mamahalin. 

"Oh we have to go now Andy, say bye to Ate here!" sabi ni ateng maganda.

Kumaway naman sa akin si Andy habang pumapasok sa kotse. "Bye bye ate!" Napaka cute, gumagalaw pa bangs niyang 16 pcs. 

"Bye Andy!" sabi ko at kumaway din pabalik.

"I apologize again Miss?" tanong sa akin ni ateng maganda.

"Ah Thea po."

"Miss Thea, I hope I can make it up to you. Here's my calling card, tell me if I can do anything for you." ngiti niya at tuluyan nang sumakay sa kotse nila.

Napatitig naman ako sa calling card na binigay niya. 

Ms. Catalina Isabella Rodriguez 

Rodriguez Banking Co. 

Ano ba 'tong RBC? Sikat ba 'to? Nakita ko sa calling card ang number and e-mail nya, tinitigan ko lang kasi globe user pala siya. Ako kasi Sun eh, sun na ba ako papunta? 

Hala, papasok nga pala ako. Tumingin ako sa orasan at nakitang 10 minutes nalang ay late na ako. 

Nagmadali na ako maglakad at nakapasok na ako sa university grounds. 

Laki talaga ng campus. Ganda pa ng architecture style, mala harry potter ba ang style. Siempre hindi naman lahat ganon ang style, may iba contemporary style na ang buildings. 

 Since kilala ang Wright University bilang one of the oldest universities to exist in the world, talagang inaalagaan ng maayos yung mga old buildings like the library building. 

Nagmadali kong hinanap ang building. Nang makarating ako ay 'di ko mapigilan titigan yung building namin. 

The building eschews traditional geometric shapes in favor of organic, curvilinear forms that create a sense of movement and dynamism. 

The center's exterior is defined by its smooth, undulating surfaces, which flow seamlessly into one another to create a continuous, uninterrupted facade. 

I've always liked this kind of designs.

Tumingin ako sa orasan ko, 3 minutes nalang! at kung minamalas ka nga naman talaga. Sa 4th floor pa room ko! 

Lumingon ako sa elevator, at buti naman wala masyadong tao ngayon. Siguro karamihan sa amin ay 7 am din ang klase, o iba naman ay 'di pa siguro pumapasok.

Saktong paglapit ko ay bumukas ang elevator, dali dali akong pumasok at pinindot ang 4th floor. Tatlo lang naman kami dito sa loob. 

Napatingin naman ako sa reflection ko sa elevator. Fresh pa naman kahit papano. Sinuklay ko lang ng kamay ko saglit yung buhok ko. Kinakabahan nanaman ako.

Bumukas na yung elevator kaya nagmadali na akong hanapin yung room ko, HA-411.

Hay salamat nakarating din, buti wala pa yung prof. 

Medyo maingay na yung room, nay ilan ilan nakikipag usap na sa isa't isa, may iba naman nagbabasa ng libro, may iba naman naglalaro ng kung ano sa phone. 

Inilibot ko yung mga mata ko para maghanap ng vacant seat. Nakakita ko ng iilang bakante, pero mas pinili ko nalang doon sa ginta, pero nasa may side ako ng bintana kaya kita yung labas. 

Lumapit ako sa upuan at tinanong ko yung babaeng nakaupo sa tabi ng upuan. Wala naman siyang ginagawa, naka dukmo lang.

"Hi excuse me, is this seat taken?" tanong ko, ng hindi pinahahalata ang kaba ko. 

Bumangon siya sa pagkakadukmo niya at humarap sa akin. Tinitigan lang ako, siempre di naman ako nagpatalo sa ganiyan at lalo na kung magmamaldita s'ya, kahit kinakabahan ako kailangan ko lumaban para sa sarili ko. 

Grabe 'to makatitig, 'kala mo plano akong lusawin eh, porke't maganda ka lang!

Dumukmo lang ulit siya at 'di ako pinansin. Amp, baliw. 

Maganda sana siya eh, para siyang manika. Kung lalaki lang siguro ako nagkacrush na ako doon, kaso baliw naman. 

'Di ko siya pinansin at umupo nalang ako sa tabi n'ya. Nagsidatingan na rin kasi yung iba kong mga kaklase nawalan na rin ng ibang upuan.

Tumingin ako sa relo ko, 8:00 AM na, pero wala pa rin yung prof. Nilabas ko muna yung phone ko para ichat sila Sheena. 

SHUTHengene

Green Thea: Dito na 'ko sa room, buti nakaabot ako. Anong oras lunch n'yo?

Sheena Ganda <3:  11 AM kami ni Uniss teh. 

Sheena Ganda <3:  Shet, Ang daming gwapo dito sa Nursing!

Hayley Malunggay: Ayan malandi, susumbong kita sa mama mo.

Hayley Malunggay: Anyway Bebe Thea, 11 AM din ako. Sabay sabay na tayo mag lunch.

Hindi na ako nakapag reply ng maramdaman kong tumahimik bigla ang paligid. Agad kong tinago ang phone kong naka-silent sa bag ko. 

"Good morning class." Ayun nagpakilala na si ma'am. Ay dito ata kailangan miss ang itatawag mo sa mga profs. Nakasanayan ko pa naman yung ma'am. 

Nasa 50s na siguro prof namin ngayon. Minor subject lang naman tinuturo n'ya, not really related to architecture. Introduction lang naman sa course and 'di na raw kailangan magpakilala pa sa isa't isa. 

Nonetheless, nakinig pa rin ako and took some notes. 

The discussion ended and we're currently waiting for the next professor to come. Tinignan ko ang schedule ko, design subject na pala ang sunod. 

Habang wala pa yung prof, nilibot ko ang tingin ko sa room, very spacious. 

The walls of the classroom are adorned with floor-to-ceiling windows, allowing ample natural light to flood the space and create a bright, airy atmosphere. 

Crisp white walls serve as a canvas for the vibrant pops of color scattered throughout the room, adding energy and dynamism to the contemporary interior. 

The drafting tables and chairs has clean lines and minimalist design echoing the modern aesthetic of the space. Each desk is equipped with built-in power outlets and USB ports, providing students with convenient access to technology for note-taking and collaboration.

I guess this is one of the privileges to study in one of the most prestigious universities in the world. 

"Quit staring." rinig kong sabi nung katabi kong masungit.

"Um, I'm not staring?" 

"You are." sabi nito habang nakatitig pa rin sa harap.

"Excuse me? I was looking around the room." 

Bago pa siya makapagsalita ulit ay dumating na yung susunod na prof. Teka, baka akala niya siya yung tinititigan ko? yung wall tinititigan ko, nakaharang kasi siya dun sa part na may design.

"Good Morning, I am your professor for your first design class. Architect Viviana Massima Lombardi Ph.D. You can call me Miss Lombardi." She said as she enters our room.

Shet! Doctorate? Ang bata pa niya tignan for someone who has a doctorate degree. Pero who am I to judge? Adik ata 'to mag-aral eh.

"And don't ever think of adding me on any social media platform because I'm not gonna accept it." pagkasabi niya ay umupo siya sa chair sa harap.

"If you have any concerns, just message the elected class officers and they will be the one to reach out to me." 

The way she talks, her posture, and her aura. The sophisticated professional exudes elegance and confidence with every step she takes. Her outfit is a carefully curated ensemble that balances professionalism with style. 

At the core of her attire is a tailored charcoal gray pantsuit, impeccably fitted to accentuate her silhouette. 

The single-ed blazer features sharp lapels and structured shoulders, conveying authority and sophistication. Paired with matching straight-leg trousers that elongate her frame, the ensemble exudes timeless elegance. 

Ang ganda niya, halatang masungit.

"I only have 3 rules in my class. Number 1, is STRICTLY NO EXTENSIONS for your plates. Next, DO NOT EXPECT good grades when you submitted an unfinished design. Lastly, NEVER MISS the consultations. Understood?" Saad niya habang naka tingin sa aming lahat.

"Yes, miss." we said in unison.

"Good. Let's start with your introductions. Tell us 3 things about yourselves." 

Kinakabahan ako, wag sana ako mautal. Teka paano ko ba papakilala sarili ko?

"Let's start with you." 

Hala, ayoko tumingin. 

Char! Si ate girl na nasa unang row ang tinawag. Sunod sunod na raw yon after niya. Bale sa gitna ako nakaupo so may time ako magprepare.

"Hi everyone, I'm Michelle Castillo. I'm 19, and outside academics, I love playing volleyball. I also have a passion for drawing. I am a dog lover. Thank you." sabi niya at sabay naupo.

Wala namang sinabi si ma'am kaya sumunod na ito sa pangalawang nagpapakilala. 

I am Thea V. Salvador, Thea for short. I am fine thank you. 

"Stop talking to yourself will you?" narinig ko nanamang sabi nung katabi ko.

Napakunot nanaman ako ng noo. "What?"

"You were spouting nonsense." sabay irap nito sa akin.

"Huy excuse me, ikaw yu-" 

"You!" Napatingin ako sa harap ng makita kong sa akin na pala nakatingin si Miss Lombardi. 

Lumingon lingon pa ko sa paligid ko, baka mamaya hindi naman ako eh. 

"Yes you! Stand up." Sabi niya ulit.

Kasalanan talaga 'to nitong babaeng katabi ko eh. Kung minamalas ka nga naman talaga eh. 

"Why don't you introduce yourself? Instead na makipag daldalan ka sa katabi mo." nakatitig pa rin siya sakin, habang ako kinakabahan na ng todo. Wag ka mauutal, wag ka mauutal.

"Good morning everyone, I am Thea V. Salvador, you can call me Thea. I am 19 years old. I love doing things that I can express myself and my ideas, like painting, and playing music. I also like discussions about astronomy and physics. Thank you." nakahinga ako ng malalim. Buti di ako nautal, nakakahiya yon if ever.

"Why did you choose architecture?" tanong sa akin ni Miss Lombardi. Hala, bakit sakin may tanong siya, sa iba wala naman akong naririnig?

"I chose to study architecture because it offers a unique blend of artistic expression and practical problem-solving. As an aspiring architect, I see myself not only as a designer but also as a storyteller, shaping the built environment to reflect the aspirations and values of society. Architecture allows me to channel my creativity into tangible spaces that have the power to inspire, uplift, and transform lives. From innovative skyscrapers to sustainable housing solutions, the possibilities are endless, and I'm excited to be part of a profession that merges artistry with functionality to create meaningful and lasting impact."

Tumingin ako kay Miss Lombardi at wala pa ring emosyon ang mukha niya. I don't know if she;s satisfied with my answer. 

"Next, you." She said while looking at the woman besides me.

Nakahinga na ko ng malalim at naupo nung si masungit na tinawag. Deserve! 'kala mo ako lang ha.

Tinignan ko yung katabi ko at parang wala lang sa kanya tong ganito. Siguro ako lang yung OA talaga. 

"Hello everyone, I am Natalia Tatiana Romanova. 19 years old." Habang nagsasalita siya napatitig tuloy ako sa mukha niya. Tangos ng ilong niya, sobrang puti. Haba pa ng pilik mata, para talaga siyang manika ko nung bata ako. 

Ang tangkad niya pa, ano kaya height nito? Halatang pinaghirapan ni Lord ihulma eh. 

"Done checking me out?" Bumalik lang ako sa realidad nang marinig ko nanamang nagsalita yung katabi ko. 

Nakatingin siya sakin, ayan nanaman yung nangtutunaw niyang tingin. Ganyan ba siya tumingin sa lahat?

"Excuse me? Kanina ka pa ah. Anon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet