'Di Lang Ikaw

Please Subscribe to read further chapters

Description

inspo ito sa kantang 'Di Lang Ikaw by Juris. 

 

Kwento ito ng mag kasintahan na sila Karina at Winter ang relasyon na akala ng mag kasintahan ay mag - tatagal ay hindi inaasahan na masisira ng isang iglap. 

Foreword

Nasa labas ng bahay ngayon si Winter at nag – iisip kung anong mangyayari kung papayag siya sa desiyon ng kaniyang nobya na si Karina. Naguguluhan ito dahil kahit siya alam niya na mahal niya parin si Karina pero hindi niya alam kung papakawalan niya na ito o mag – sisimula sa umpisa.

 

Habang nag – iisip si Winter nakita naman siya ni Karina. Huminga ito ng malalim at nilapitan ang kasintahan. Alam ni Karina na nahihirapan na ang kaniyang nobya pero hindi nito kayang tulungan ito dahil siya na mismo ang nakaramdam ng fell out love.

 

“Love. Okay ka lang?” Kabang tanong ni Karina. Tumingin naman si Winter kay Karina. Nag tama ang kanilang paningin. Hindi maipaliwanag ni Winter bakit ‘yung mga kislap sa mga mata ni Karina noon pag – nakikita siya ay kumikislap ngayon napalitan na ito ng awa.

 

Winter hates that idea. The idea na kinakaawaan siya ng mga taong mahal niya, lalo na ni Karina.

 

“I’m fine. Ikaw ba?” Tanong ni Winter.

 

Hindi naman na ka pag – salita si Karina. Alam nito na hindi okay si Winter. Kilala niya si Winter.

 

“Win. I’m really sorry.” Ito lang ang salitang lumabas sa bibig ni Karina.

 

Pigil na pigil si Winter na tumulo ang mga luha niya. Hindi niya gustong makita siya ni Karina na mahina sa ganitong pang – yayari.

 

“Ayan na ba talaga ang gusto mo? Karina ang tagal kong nag tiis sa mga pag – babago mo. Ang daming nag – bago pero hindi kita iniwan kasi mahal kita.” Mahinahong  saad ni Winter.

 

“Hiindi na kita mahal ayun ‘yung dahil ng lahat Winter! Ano bang hindi mo maintindihan d’on?!” Sigaw na saad ni Karina. Napapikit naman si Winter at kinalma ang kaniyang sarili bago mag – salitang muli.

 

“Don’t shout at me Rina. We can talk about this matter ng hindi nag – sisigawan.” Mahinahong saad ni Winter.

 

“Winter pagod na ako sa relasyon natin. Ano bang hindi mo maintindihan sa mga pag – babago ko? Try to read the room!” Inis na saad ni Karina.

 

Tinaasan naman ng kilay ni Winter ang kaniyang kasintahan. Hindi na nagugustuhan ni Winter ang inaasal ni Karina. Malayo ito sa Karina na nakilala niya.

 

“Pwede bang mag – usap tayo ng hindi sumisigaw? Nakakahiya sa mga kapitbahay Rina.” Saad ni Winter.

 

“Edi tapusin na natin ‘to. Pakawalan mo na ako Winter na papagod na ako. pagod na ako sa’yo.” Saad ni Karina.

 

“Pero hindi ka napapagod ka pag kausap mo si Giselle? Tapatin mo nga ako mag – kaibigan pa ba kayo sa lagay niyo kanina? She’s too touchy, sweet na ultimo mga kaibigan natin naguguluhan at nahihiya sa mga actions niyo at higit sa lahat she kissed you in front of me Karina.”

 

“Winter…”

 

“Ano? Totoo lahat ng mga gut ko? I observe those ing actions simula nag – kita ulit kayo. Do I really deserve this kind of relationship? Tell me Karina.” Tanong ni Winter kay Karina.

 

Napalunok naman si Karina. Alam niya galit na si Winter sa kaniya. Tulad nga ng inaasahan niya magagalit ito sa kaniya.

 

“Winter…” Tawag ulit ni Karina kay Winter.

 

Ano? Karina napagod rin naman ako sa’tin may narinig ka bang kahit isang salita mula sa akin? Napagod rin naman ako sa’yo may narinig ka ba? Wala. Kasi kinimkim ko lahat ng sama ng loob ko sa’yo simula ng pumasok ulit sa buhay natin ‘yang lintek na babae na ‘yan. Karina ang tanga kong tao na pumatol sa tulad mo, pero minahal kita ng sobra ito at makukuha ko? pucha edi sana na nahim-“ Hindi natapos ang sasabihin ni Winter ng masampal siya ni Karina.

At dito na hindi na pigilan ni Winter na umiyak. Tumigin ito kay Karian habang hawak – hawak ang kaniyang pisngi. Gulat naman na tumingin si Karina kay Winter.

 

“I’m so sorry Winter…” Kabang saad ni Karina.

 

“Tatanungin ulit kita Karina. Ayaw mo na ba talaga? hindi ako naniniwala sa pakawalan mo na kasi hindi na worth it. pwede ba natin ilaban pa kahit isang try lang pag tapos lalayo na ako." Pag – mamakaawa ni Winter kay karina  

 

"Hindi naman ganun kadali 'yun. pakawalan na lang natin ang isa't isa. parang awa mo na hindi na kita mahal Winter. Lahat ng guts mo totoo ‘yun. Ayaw na ktia saktan pa ng pulit – ulit. Mas masasaktan lang kita kung ipipilit pa natin na ayusin ang lahat.” Saad ni Karina.

 

 

Iyak na lamang ang naging sagot ni Winter sa kaniyang kasintahan na sa harapan niya ngayon. Hindi ito maka pag – salita. Nilalapitan naman ito ni Karina pero lumalayo si Winter.

 

"P-please h’wag mo akong hawakan… U-uwi na ako." Hindi na pigilang humagugol at napaupo na lamang ito dahil nanghihina ang tuhod nito.

 

 

Sa kabilang dako hindi naman alam ni Karina ang gagawin niya ngayon. Nasasaktan siya sa natutunghayan niya ngayon.

 

“Winter. Papunt na si-“ Hindi nito natapos ang kanyang sasabihin ng bigla  mag salita muli si Winter.

 

“I hate Karina but I love you… Gusto kong magalit sa’yo but hindi ko kaya. I hope na maging masaya kayo and please love her. Love her more than you love me.” Saad ni Winter habang pigil na humikbi.

 

 

Tumayo naman si Winter sa kaniyang pwesto at nilisan ang lugar. Lahat ng kaganapan ng mag kasintahan ay natunghayan ni Giselle. She felt nothing but happiness because she can finally love her lover na walang kaagaw.

 

“Get up there baby. Wala ka dapat ika – guilty tama lang ang ginawa mo.” Saad ni Giselle at inalalayan si Karina na maka tayo.

 

“Thank you, I love you Win.” Bulong na saad ni Karina.

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
🙂🙃☹️😥😢😭😭😭😭😭
wins01 #2
ouch talaga pag may third party 😥