Frei

Black Jeep
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Wends, ano na? Napakatagal mo naman diyan! Hindi naman ikaw ang pagpopropose-an! Accling mauuna pa yung pagpopropose-an kesa s’atin.” Sigaw ni Joy sa sala ng shared-unit nila. Mahigit isang oras na din kasi siyang nakagayak at naghihintay kay Wendy. Pwede naman niya iwan nalang ang kaibigan kasi hindi naman sila magsasabay sa iisang sasakyan dahil bibitbitin ni Joy ang sarili niyang sasakyan habang si Wendy ay susundin ng ka-situationship niya, este kaibigan nilang si Joohyun. 



 

“Joy, sabi ko naman sa’yo kanina pa na mauna ka na umalis! At bakit ba kasi kailangan ang attendance ko don? Hindi ko nga alam sino ang pagppropose-an don?!”  Sigaw pa balik ni Wendy na parang trumpo sa kwarto niya para mas mabilis na matapos. Pero si Wendy ito, si Wendy na mas bumabagal pag nappressure. Para namang batang nautal ng bahagya si Joy bago siya nakasagot, “Ah eh, si Joohyun!” sabay ng pagsagot niya ay pag karipas palabas ng sala ni Wendy. “ANONG SI JOOHYUN?!” Kung kanina ay malakas na ang boses niya hindi niya alam na may mas ilalakas pa pala ang boses niya.



 

“Eto naman si OA! Sabi ko si Joohyun at si Yeri ay nasa baba na. Hindi ko na sila pinaakyat dito kaya bilisan mo na diyan!” Umirap naman si Wendy na kinuha ang kanyan bag at cellphone bago tuluyang lumabas sa unit kasunod ni Joy. Medyo nawala sa mood si Wendy, sa isip niya ay parang nahigop ang energy niya sa sigawan nila ni Joy. “Oh bakit nakasambukol ang mukha mo diyan? Affected ka na akala mo si Joohyun?” hirit ni Joy pagpasok nila ng elevator. “O friday relapse mo yan? Anteh, masyado pang maaga mamayang 12mn ang sched mo.”  Umamba naman si Wendy kay Joy na hindi natinag. “Alam mo ikaw, friday na friday sinisira mo ang mood ko. Ano naman ikakasira ng mood ko sa sinabi mo? Joohyun is free to date anyone, we’re good friends. All of us are. Tsaka pwede ba, bawas bawasan mo yang pagbanggit ng anything about that ex of mine, pwedeng magmove on tayo lahat?” Bahagyang natawa si Joy kasi hanggang ngayon ay hindi talaga binabanggit ng kaibigan nila ang pangalan ng ex niya. “Sige sabi mo eh. Hindi ako uuwi mamayang gabi. Ihahatid ka din naman ni Joohyun. Bisita muna ako sa apartment ni Seulgi.” Huminga lang ng malalim ang tanging naging sagot ni Wendy. 



 

Pag baba nila sa basement ay bumungad ang black Jeep ni Joohyun na naka-hazard lights. Agad namang lumabas si Yeri at Joohyun para salubingin sila. “Tara na malalate tayo niyan e! Mapapagalitan pa tayo ni Kuya Suho.” Maktol ni Yeri na dali daling lumapit kay Joy, “Kay Joy ako sasabay ayoko sa inyong magfriendship dahil masstress lang ako sainyo maglandian.” Natawa nalang si Joohyun na nakalagay pa ang mga kamay sa bulsa ng jeans niya. “Hi, Gorgeous. Bakit mukha ka naman diyang may toyo. Kakakain lang natin ng adobo kahapon, nasobrahan ba lagay ko ng toyo?” Asar ni Joohyun habang ngumingisi ngisi at bahagyang kinabig si Wendy sa likod bandang bewang para magpunta sa kotse niya. “Alam mo ikaw, mag-grab nalang kaya ako? Iniinis mo nanaman ako eh.” Sabay pag-irap kay Joohyun na hinahawakan ang pinto ng kotse para makapasok ng maayos si Wendy. “Eto naman si passenger princess ang high blood mo nanaman.”



 

Habang papunta sa venue ay tahimik lang sa loob ng sasakyan, sanay naman sila dahil usual naman na tahimik sila habang tumutugtog ang playlist ni Wendy sa speaker ng kotse ni Joohyun. Kumunot naman ang noo niya ng biglang nagring ang phone niya, at si Yeri ang tumatawag kaya sinagot nalang niya. “Ate Wends! Hindi talaga ikaw kailangan ko pero ikaw tinawagan ko kasi nagddrive si Ate Joohyun. Pakausap naman.” Agad naman sumagot si Joohyun dahil dinig na dinig naman sa sasakyan ang boses ni Yeri. “Dinig kita ‘soy. Anong meron?” Nasabi na ba ni Wendy na ibang klase talaga pag seryoso si Joohyun magsalita at malalim ang boses? Share niya lang naman kasi gusto gusto niya talaga itong naririnig. “Sabi ni Kuya Suho, urgent na daw ang sagot mo mamaya. All out na daw ‘to.” Para naman naestatwa si Joohyun, kitang kita ni Wendy na nagbago ang tindig ni Joohyun. “Oo na ‘soy. Mamaya nalang nagddrive ako.” Binaba naman ni Joohyun ang tawag mula sa controls ng steering wheel.



 

Sanay naman nga sila sa katahimikan pero hindi yata sa ganitong paraan.Hindi na din kasi tinanong ni Wendy kung ano man yung sinabi ni Yeri kanina sa tawag dahil mukha namang hindi kumportable si Joohyun na pagusapan ito sa ngayon. Nakarating sila ng venue at pababa na sana ng biglang nagalarm ang phone ni Wendy na nasa cellphone holder, agad naman niyang kinuha ito at pinatay ang reminder. Nakita niyang mas huminga ng  malalim si Joohyun bago lumabas ng kotse at pumunta sa side ni Wendy para pagbuksan siya ng pinto at agad na ngumiti pagbaba niya ng kotse. “Let’s go?” Palagi naman itong tanong sakanya ni Irene tuwing pagkababa nila ng sasakyan pero parang iba yung comfort na dating nito ngayon. Npangiti nalang si Wendy habang inabot ang naghihintay na kamay ni Joohyun. 




 

Kabado si Joohyun, sino ba kasing hindi? Parang buong buhay niya na ang nakasalalay ngayong gabi.Nakaupo na sila ngayon sa upuan sa may venue. Pauso lang talaga naman ito ni Suho, kababata nila ni Wendy. Magpopropose kasi ito sa kanyang fiance, oo fiance niya na. Maarte lang talag si Suho dahil hindi pa naman alam ng lahat na may fiance na siya at kakauwi lang kasi niya galing ibang bansa, kaya gusto niya magpropose uli sa harap ng mga kaibigan at pamilya nila. Ang totoo, alam ni Joohyun na akala ng lahat ay siya talaga ang pagpopropose-an dahil nga matalik na magkaibigan ang mag magulang nila ni Suho. Medyo hindi naman sila mali, yun nga lang ibang proposal naman ang bigay sakanya ni Suho. Sinilayan ni Joohyun si Wendy na kanina pa dutdot ng dutdot sa phone niya. Di mapagilan ni Joohyun na ngumiti ng tipid. Kanina pa kasi ito hindi kumportable tignan simula ng dumating ang mga kabigan ni Suho at walang nag-expect na dadating ang isa sa matalik na kaibigan ni Suho na si Taeyeon.



 

“Oks ka lang?’ Tanong ni Joohyun kay Wendy. Para na kasi itong bulate na inasinan kakagalaw sa upuan niya. Tapos na ang proposal ni Suho at nagsimula na ang engagement party. Ngumiti ng pilit si Wendy at binaba ang phone na sakto naman umilaw dahil may message at sobrang malas na siguro ni Joohyun kasi nakita niya uli ang notification sa phone ni Wendy. Agad naman uli pinatay ni Wendy ang ilaw ng phone niya. Alam naman din kasi niyang hindi matutuwa ang lahat ng kaibigan niya kapag nalaman nila kung sino iyon, eto nga’t simula ng tumungtong ang ex niya sa venue ay kanina pa siya nakaw na pinagmamasdan ni Joy. “I’m okay…” Sagot ni Wendy habang nagbigay ng apologetic na ngiti. Tumaas naman ang isang kilay ni Joohyun ng bahagya hinihintay niya ang susunod na sasabihin ni Wendy. “Although, I think I need to leave early. Medyo masama ata talaga timpla ko tonight.” Napaayos naman ng upo si Joohyun, mukha naman nga kasing hindi okay si Wendy simula ng nagkita sila nito kanina. “Okay, let’s go. I’ll drop you off at home.” Nagsimula na din si Joohyun na ayusin ang ilang gamit niya para umalis na pero pinigilan siya ni Wendy, “No, stay here Hyun. I’ll just take a cab home. Medyo malapit lang naman.” Bago pa maka-apela si Joohyun ay tinawag na siya ng parents ni Suho at fiance nito. Kaya naman wala na siyang nagawa dahil nginitian na siya ni Wendy at niyakap bilang pagpapaalam at tinulak siya patungo sakanila. 




 

Habang kausap ni Joohyun si Suho at ang fiance niya ay tanaw niya ang labas ng venue, pag minamalas ka nga naman, lahat nalang ng hindi mo na s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet