One

The Story Of Us
Please Subscribe to read the full chapter

“Musta naman kayo ni Taecyeon?” tanong ni Sunny kay Jessica habang iniinom ang kape niya. 

 

“Fine, I guess?” sabi ni Jessica. “One week na siyang nasa business trip ngayon kaya hindi ko siya nakakasama.”

 

“Edi buryong ka ngayon niyan? Walang landi-landi?” tanong naman ni Sooyoung habang kumakain na ikinatuwa ng lahat. “Buti na lang wala 'kong jowa teh, feel ko magmumukmok ako 'pag hindi ko siya kasama.” 

 

“Teh, 'wag kang mag-alala, walang magtatangkang jumowa sa'yo.” sabat ni Hyoyeon.

 

“Kausap ka ba, beh? Kausap ka?” rebut ni Sooyoung kaya't nagsitawanan ulit sila. 

 

Napapalapit na kasi ang birthday ng isa pa nilang kaibigan na si Yoona kaya naman nagsama-sama sila ngayon para planuhin ang lahat dahil tradisyon na nila ang i-celebrate ang birthdays ng isa't isa. Pwede nilang ma-miss ang ibang okasyon pero hindi ang birthdays. 

 

Pwera sa isa sa kanila. 

 

Halos tatlong taon na nilang hindi nakakasama ang isa nang dahil sa isang pangyayari na halos ikinasira ng grupo nila. Gano'n pa man, balewala naman para kay Jessica kung hindi na nila makasama ito kahit kailan. Tingin niya ay mas mabuti kung hindi na siya makipagkitang muli sa kanila. 

 

“Oh, planuhin na natin 'to nang makagala na tayo, dali.” sambit ni Hyoyeon na hapit na hapit nang maglibot sa mall. Balak din kasi nilang bumili na ng mga ireregalo kay Yoona. 

 

“Kaya nga, nag-aaksaya lang tayo ng oras kakadaldal eh.” 

 

Sasang-ayon na sana si Jessica nang bigla silang pigilan ni Sooyoung. “Maya-maya. May hinihintay pa tayo.” 

 

“Anong pinagsasasabi mo diyan? Kumpleto na tayo, gaga.” sabat ni Sunny.

 

“Unless...tinawagan mo si Yoong?” 

 

“Bobo, hindi. Edi nasira plano natin.” sagot naman ni Sooyoung na ipinagtaka nila dahil totoo namang kumpleto na sila.

 

“Eh sino pang hinihintay?” nagtinginan silang lahat kay Sooyoung habang naghihintay ng sagot.  

 

Tiningnan muna ni Sooyoung si Jessica bago siya magkamot ng ulo at nang balak na nitong sabihin kung sino pa ang hinihintay nila, biglang nagbago ang mood nang marinig nila ang boses ng isang taong hindi nila inaasahang dumating. 

 

“Hey, girls! Missed me?”

 

Sa sandaling iyon, ni-hindi makagalaw si Jessica. Kahit ba hindi niya pa nakikita ang hitsura nito, alam na alam niya kung kanino galing ang boses na ito. 

 

Natigilan ang lahat. Si Sunny natulala habang hawak-hawak ang kaniyang kape, si Hyoyeon naman ay halos mabilaukan sa kinakain niyang tinapay samantalang si Sooyoung ay nananahimik lang sa gilid habang tinitingnan si Jessica. 

 

“Tiffany!” si Sunny ang naunang bumati dahil napansin niyang lahat sila ay nabigla sa pagdating nito. Siya'y tumayo at sinalubong ito ng yakap habang sina Hyoyeon at Jessica ay nagtititigan. 

 

“Oh my god, I missed you!” ibinalik naman ni Tiffany ang mahigpit na yakap ni Sunny. “Ang haba na ng hair mo. And you're a brunette now.” nang huli niya kasing makita si Sunny ay short-haired at blonde pa ang buhok nito.  

 

“Ganda ko 'no?” biro ni Sunny at nakipagtawanan kay Tiffany para mabawasan ang pagiging awkward. 

 

“Hey, Hyoyeon!” si Tiffany na mismo ang nagpunta sa pwesto ni Hyoyeon para bigyan din ito ng yakap dahil napansin niyang hindi ito gumagalaw sa pwesto niya. 

 

“Nagulat ako sa'yo, teh. Bigla-bigla kang sumusulpot.” sambit niya na walang halong kasinungalingan. Lahat naman talaga sila ay nagulat bukod kay Sooyoung na talagang inaasahan siyang makita. 

 

“Hindi mo pala sinabi sa kanila?” tumingin si Tiffany kay Sooyoung, tila ba nagtataka kung bakit hindi niya sinabihan ang mga kaibigan nila tungkol sa pagdating niya. 

 

“Eh...mas maganda kasi kung biglaan, 'di ba? Surprise gano'n.” umasta siya na para bang walang problema pero nang makita niya ang blangkong mga tingin sa kaniya ni Jessica, ang natatanging gusto niya lang ay maghukay ng sarili niyang libingan. 

 

Nang matapos batiin ni Tiffany si Hyoyeon, agad naman niyang tiningnan si Jessica na nasa harapan niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lemonsjuice4
Leave comments po please😅

Comments

You must be logged in to comment
IcePrinceTabbie
#1
Chapter 3: Pvtangina kinikilig ako sa titigan nilang dalawa pero pvtangina bih!! Ang bilis din nawala dahil kay Tiffany!! Gusto kong sumabog, gusto ko magsabi ng mga masasamang words 🤬🥲😂 hahahaha kuhang kuha ni ate mo yung inis ko! Ka stress!! Isa pa to si Taeyeon! Sarap konyatan! Nasa kama na bumaba pa sa sahig🤦🏻 ewan ko na sayo.
Kung ako kay Jessica isstory time ko to sa tiktok eh ng pag pyestahan sila ng mga bashers 😂 shuta talaga.
fluffy77 #2
Chapter 3: Can't wait for the next chapter. I wanna know what happened between the three
Tiktokrome #3
Im so hooked patient waiting kapatd sa next chapss
IcePrinceTabbie
#4
Chapter 2: Taeyeon ayusin mo to!!!!!
IcePrinceTabbie
#5
Chapter 2: Grabe grabe! Kala mo talaga sya may ari ng condo... Gigil din ako bih! Dracarys! Luuh!hahahaha sarap pabugahan ng apoy sa mga dragon
IcePrinceTabbie
#6
Chapter 1: At ang bichesa ng entrance ni ate mo Tipani! Nangangamoy red flag agad hahahaha
IcePrinceTabbie
#7
Chapter 1: Bakeet muna mga beh??
Taeyeon umayos ka! Pag eto cheating.. nako talaga! Di ko alam kung pano kita ipagttanggol
Tiktokrome #8
Chapter 2: pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee another chapter nkakabitin!!!!
IceIceBabyTooCold #9
Excited for the next chapter🤯 ang sakit agad ng salubong ng taengsic