Karera

Sa Dula't sa Musika
Please Subscribe to read the full chapter

“Pero feeling ko talaga nagstart nung nag-emcee sila sa Buwan ng Wika last year. Kakaiba yung chemistry eh.”

 

“Girl, sa’n banda? Si Miss Bae lang naman nagbuhat buong event,” singit ni Jennie bago hinigop ang natitirang arnibal ng kaniyang taho. “And, hello? ‘Di lang si Sir Sehun ang S dito noh!”

 

“Sadyang siya lang ang S na makapal ang pes,” dagdag ni Yerim bago tanggapin ang high-five ni Jennie. 

 

“Na-rhyme pa ni gaga.”

 

Nakatambay sina Yerim, Minjeong, Jennie, at Sooyoung sa lobby ng SHS building. Halos wala nang natirang estudyante bukod sa iilang mga clubs dahil alas-sais na at kaninang alas-kwatro pa ang huling dismissal. Pag ganitong oras, hindi na rin sila pinapayagan ni Kuya Changmin, ang kanilang security guard, na magpaiwan sa mga classrooms.

 

“Bitter pa rin siya kasi ayaw tanggapin ni Sir yung culminating task niya last quarter,” pang-aasar ni Minjeong.

 

“Tangina talaga!” Dumaing si Yerim sa alaala ng paghihirap niya sa bawat problem set para lang matanggihan ito sa huli. “Parang dalawang araw lang late eh. ‘Di nalang minus-an.”

 

“Hay, buti nalang talaga kinausap ni Miss Bae. Naisalba pa grades mo.” Natandaan ni Minjeong ang walang humpay na paglalabas ng sama ng loob ni Yerim sa kaniya noon, hanggang sa narindi na siya at itinulak ang kawawang HUMSS student papasok sa opisina ng adviser.

 

“Oh, diba. Tiklop kasi sa kaniya si Sir.” Binangga ni Sooyoung ang balikat niya kay Yerim. “SeHyun, layag!”

 

May sumulpot na panibagong boses sa tabi ni Yerim kaya hindi na niya natuloy ang binabalak na pag-irap kay Sooyoung.

 

“Nandito pa kayo?”

 

Buti nalang hindi nabali ang kanilang mga leeg, sa bilis ba naman ng pagtingin sa likod para makita ang natatanging Seungwan Son na hindi bigo sa pagbibigay ng nakakatunaw na ngiti.

 

Nakita ni Yerim ang kinang sa mga mata ni @TA2niMsSon. “‘Di po ako nagseservice,” panimula nito, kagyat na lumalawak ang ngiti nang lumipat sa kaniya ang tingin ng coach. “Pero kaya po kitang pagsilbihan.”

 

Humagikgik ang grupo. Si walang hiya.

 

Sinampal ni Jennie si Sooyoung sa balikat. “Baliw po yan siya. ‘Wag niyo nalang po pansinin.”

 

Umiling lang ang guro, umaaligid pa rin ang ngiti. “Sanay na ‘ko diyan sa batang ‘yan.”

 

“Legal na po ako. Last week pa!”

 

“Oh, edi belated happy birthday. Bata ka pa ‘rin,” pag-aasar ni Coach bago humarap kay Yerim. “A-audition ka next week, Yerms?”

 

“Pinag-iisipan palang po, Coach.”

 

Tumango siya. “Patulong ka dito kay Sooyoung if ever. Ganyan ‘yan pero VP siya ng Theatrical Society for a reason.” 

 

Isang umalingawngaw na “Coach Seungwan!” mula sa dulo ng lobby ang nagpabaklas sa guro mula sa apat niyang estudyante at nagpaalam na siya bago tumungo kay Miss Kang na nagsimulang maglakad papunta sa kaniya.

 

“‘Ganyan ‘yan,’” pag-uulit ni Jennie habang tumatawa. “Teh, tinawag ka niyang siraulo pero in a nice way.”

 

Tinulak siya ni Sooyoung. “Pwe! Narinig niyo ba? VP daw ako for a reason, hihi kilig.”

 

“The reason being binlackmail mo mga ka-club mong bumoto para sa’yo?”

 

‘Di pinansin ni Yerim ang bangayan ng mga kaibigan niya dahil napunta na ang atensyon niya sa dalawang gurong nakatayo ‘di gaano kalayo mula sa kanila.

 

“Uwi ka na?” tanong ni Miss Kang.

 

“Yup,” tugon naman ni Coach Wan. “Ipagluluto ko pa ang misis.”

 

Tumaas ang dalawang kilay ni Yerim. Misis. 

 

“Ay, sige. Damihan mo ha. Pang-hapunan ko rin ‘yan bukas.”

 

“Mahiya ka naman.” Tumawa si Coach. “Pangatlong pambuburaot mo na samin ‘to this week. Sana naki-date ka na rin.”

 

“Yown! Pwede naman pala eh.” Nakarinig si Yerim ng mahinang hampas na sinundan naman ng tahimik na pagtawa ni Miss Kang. “Joke lang! Tsk, wala na ngang jowa yung tao, pinagdadamot mo pa ng pagkain.” Nagsimulang maglakad ang art teacher. “Marami ah! Wala akong pake kung anong ulam yan, basta isang buong tupperware ang sa’kin! Ba-bye!”

 

Hindi siya chismosa, okay! Data collection ito, oo! Testing the hypothesis, gano’n. Practice lang para sa research, pagdadahilan ni Yerim. 

 

Unti-unting nadadagdagan ang mga pruweba niya, at mas lalo siyang bumibilib sa kutob niyang noong una ay walang masandalang ebidensya. Pero ngayon…

 

Misis pala ha, muni-muni niya. Mabuhay ang sangkabaklaan!

 

“Huy!”

 

Pitik sa mukha ang inabot ng dalaga. “Aray naman!” Inirapan niya si Sooyoung habang pinapahid ang pisngi. “Kailangan manakit?”

 

“Slight. Tingin mo ba may something si Coach Wan at Miss Kang?”

 

“‘Di ko sure,” pagsisinungaling ni Yerim kahit malinaw na wala. Pero siyempre, hindi nila alam iyon.

 

“Baka nga BFFs lang,” sabi ni Jennie.

 

Napailing si Minjeong. “‘Di valid opinyon mo, ate ko. Bulok gaydar mo.”

 

Lumipad ang kamay ni Jennie sa dibdib niya at suminghap. Si OA. “Excuse me?”

 

“Tama siya,” tawa ni Sooyoung. “Naalala mo nung nagpapahalata si Jis tapos pinaglalaban mo pa rin na best friend lang turing niya sa’yo?

 

“Naalala ko ‘yun!” Sumali si Yerim sa paglalabas ng sariwang alaala. “Gawaing best friend daw ang pa-forehead kiss ni Ate Jisoo. Jusko.”

 

“Anyway,” diin ni Jennie nang tawanan siya ng tatlo. “Bestie vibes talaga nakukuha ko.”

 

“Actually, tama si Ate Sooyoung,” sabat ni Minjeong. “Bagay nga. Baka slowburn.”

 

“, ang genius ko talaga.”

 

“Sabi ng bumagsak sa quiz ng PPG kasi ginawang true or false ang multiple choice,” rebat ni Jennie.

 

“Hoy, sadya ‘yun,” depensa ng dalaga. “Baka pagsuspetsahan akong nandaya sa sobrang galing ko.”

 

Tinitigan lang siya ni Yerim. “Ate, promise walang nag-iisip nun.”

 

“Dedma sa bashers.” Gumulong ang mga mata ni Sooyoung. “Pero kung wala ngang sila, edi more chances of winning para sa’kin. Kung may S si Miss Bae, pwes ako na ang S ng buhay ni Coach!”

 

“Uso pala sa S ang pagiging papansin, noh? Kayo nalang ni Sir Sehun.”

 

“What if si Coach pala at si Miss Bae?” biglaang sabi ni Yerim. Testing lang.

 

“Ay,” tugon ni Sooyoung. “May pa-AU si bakla. Sa’n mo naman nakuha ‘yan?”

 

“Plot twist yarn.” Tumawa si Minjeong.

 

Makikita niyo. Hintayin niyo lang. Ako ang tatawa sa huli!

 

Kimi. Napapasobra na yata ang pagbabasa ni Yerim ng mga dula.

 

Nagkibit-balikat siya na parang wala lang. “Malay niyo. Posible naman ah.”

 

“Pwede,” sabi ni Jennie. “”Di ba pareho silang taga-UP? Baka magkakilala sila dati pa.”

 

“Ang alam ko Diliman si Coach. Pero ‘di ko sure kay Miss Bae.” Nagtatakang napakunot ng noo si Sooyoung.

 

“Ayan oh, tanungin na natin.” Tumango si Minjeong sa kaliwa at nakita nila ang mismong topic na naglalakad pababa ng hagdanan.

 

“Holy ,” bulong ni Jennie. “Angas.”

 

Tahimik na sumang-ayon ang magkakaibigan na tinititigan lang ang pag-aayos ng guro sa kaniyang itim na gloves habang suot na ang leather jacket at boots na nagpapatunog ng malutong na yapak sa sahig. Kinuha niya sa locker ang kaniyang helmet at kinipkip ito sa ilalim ng braso, naglalakad na sa direksyon kung saan nakatambay ang apat.

 

“Miss Bae!” tawag sa kaniya ni Yerim.

 

Napatingin sa kanila ang guro at lumapit. “Oh, ‘di pa kayo uuwi? Mag-aalas siyete na ah.”

 

“May itatanong lang po sana kami.”

 

“Sure.” Mabait ang ngiti niya, as always. Parang si Coach Wan. “Ano ‘yun?”

 

“Saang UP campus ka po nag-college?”

 

“Diliman. Why?”

 

Mukhang naka-recover ang kaniyang mga kaibigan sa kanilang pagtunganga at sabay-sabay na nagsalita.

 

“Ahh.” 

 

“OMG, galing.”

 

“Ako rin sana.”

 

“Malapit na UPCAT niyo, noh?” Tumango sina Yerim at Minjeong. “Sus, kayang kaya niyo ‘yan. I have no doubt about that.”

 

Kaya maraming kinikilig sa adviser nila eh, lalo na ‘yang mga bading na uhaw sa words of affirmation. 

 

Exhibit A: Yerim Kim.

 

“Nakakasalamuha niyo po si Coach Wan noon?” tanong ni Jennie.

 

Tumango si Miss Bae. “Yup. We met kasi pareho kami ng org. Anyway, pa’no kayo uuwi?”

 

“Sundo po,” sabi ni Jennie. 

 

“Sabay po ako sa kaniya,” dagdag ni Sooyoung.

 

“Hinihintay ko po si Jimin. May meeting pa raw eh, pero sabay po kami ng uwi.” Nahihiyang batid ni Minjeong.

 

“Uuwi na po ako kapag umuwi na ‘tong mga ‘to,” sabi ni Yerim.

 

Tinignan siya ng kaniyang adviser. “Wala kang sundo?”

 

Umiling si Yerim. “‘Di po ako sumabay sa service kanina. So magco-commute lang me.”

 

“Sabay ka na sa’kin.”

 

Ramdam ni Yerim ang naka-abang na tingin ng kaniyang mga kaibigan. “Malayo po bahay ko, Miss.”

 

“Doesn’t matter. Hatid na kita. Gabi na.”

 

Naunang magsalita si Jennie. “Go na, Yerms. Delikado pag wala kang kasabay.”

 

“Oo nga. Tatanggi ka pa ba sa libreng sakay?”

 

“Go na, beh. Takits bukas.”

 

Hinawakan siya ni Miss Bae sa balikat at tumango na para bang nagsasabi ng, ‘Tara na.’

 

Gets ko talaga si Coach, sabi ni Yerim sa sarili. Gets na gets.

 

“Kung okay lang po talaga sa’yo,” ang kaniyang huling sinabi bago siya dinala ng guro sa parking lot matapos niyang magpaalam sa naiwang tatlo na panigurado ay nags-spam na sa GC ngayon.

 

First time ni Yerim makita ang motor ni Miss Joohyun Bae. Isa itong black na Kawasaki na hindi niya alam ang ekstaktong model. Basta maangas.

 

Pinalapit siya ng guro para i-suot sa kaniya ang dala niyang extra helmet, puti at may naka-ukit na maliit na titik sa gilid ng visor.

 

S.

 

Ayan nanaman siya.

 

Napansin niya ang tingin ni Yerim dito at kusa nang sumagot habang sinusuot ang sariling helmet na black at may matching na titik J. “Sa special passenger ko ‘yan, pero pwede mo naman hiramin. Don’t worry about it.”

 

Mas naging sigurado lang si Yerim na hindi kay Sir Sehun Oh itong helmet na suot-suot niya. Dahil una: mabango ito, hindi amoy hair gel at toxic masculinity. At pangalawa, sa totoo lang, kailangan pa ba ni Sir ng helmet sa tigas ng buhok at mukha nun? 


 

. . .

 

jen belog

> girlllllll @yerimhie tangina mo magreply kA PAG NAKAUWI KA NA HA 😡 😡

 

minjeong hilario

> wag niyo ko sumbong kay jimin PERO NAINGGIT AKO DUN SLIGHT >__<

> GUSTO KO REN UMANGKAS AT HAWAKAN SI MISS BAE SA BEWANG AT SUMANDAL SA LIKOD NIYA HUHUBELLS T—T

 

soosoo

> ANG SWERTE NI SIR SEHUN KAY MADAM JUSKO ❗

 

jen belog

> MAMA MARY NA NAKA LEATHER JACKET AT BOOTS SA MAANGAS NA MOTOR PRAY FOR US 🙏 🙏

 

minjeong hilario

> THAT IN ALL THINGS 👆

 

soosoo

> GOD MAY BE GLORIFIED PURRRR 💅

> hays kung di lang ako loyal kay coach linuhuran ko na si ms bae

> sa hara

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ggprints
#1
Chapter 2: shocks bat ngayon ko lang nabasa tooo ang gandaaaa ng plot huhu
juhyuneeeee
101 streak #2
community promoted! congrats authornim 🫶🏻
WenRene_77 #3
Chapter 2: May nassmell Akong jelly lmao😂 good luck Sayo wan😂💙💗
hyehye29
#4
Chapter 2: OMG I LOVE THIS STORY HUHU kinikilig ako!!! aliw basahin sa pov ni yeri hahahaha pero shems yung last part may wentae #seated 😆 yeri sali ako maging data collector!!
jukkukee
#5
Chapter 2: HALA NAGULAT AKO SA CLIFFHANGER!!!
pero cute cute kasama si good boy zero 😭😭😭

paparating na ba tayo sa exciting part?
wishwishwish #6
Chapter 2: grabe kilig HDJSJS and oops taeyeon??
wenrenes
#7
Chapter 2: i love the story so far. thank you author! also hula ko lang sayo author, bedan ka po ba? i was surprised when i read the 'that in all things god may be glorified' line hahahaha na iimagine ko na tuloy yung school setting nila is the beda shs msrt building 😅 anyway, looking forward for the next chapters!
baejoonism #8
Chapter 2: Ahhh sobrang exciting!! 😍
mklarisse_ #9
Chapter 2: sobrang funny nito 😭 all d side comments skskdk also wahtttt si zero talaga ang cute tamang appear
Wanni_2921
#10
Chapter 2: Si zero talaga mvp hahaha