mapagpalaya

mapagpalaya
Please Subscribe to read the full chapter

Nagsimula iyon sa aming martsa tungo Mendiola. Nagkamali ako sa pagbigkas ng isang chant, napaaga ang sigaw kong nanggaling sa kabuuan ng aking dibdib at sa pareho kong baga, kaya naman umalingawngaw sa langsangan ang aking kahihiyan.

 

Narinig ko siya sa tabi ko sa anyo ng isang halakhak bago niya naisipang magpigil.

 

Una kong napansin ang pink na bandanang nakabalot sa mahaba niyang buhok. Pangalawa ang kagat niya sa kaniyang labi. Pangatlo ang boses niyang malambing.

 

"Ayos lang 'yan, lek." Pang-apat ang nakakatunaw niyang tawa. "Wala akong narinig."

 

"Pero tawang-tawa?"

 

Ang tao, ang bayan!

 

"Ngayon ay lumalaban!"

 

Nagpakilala siya bilang Hyun bago niya ako biniyayaan ng ngiting sinabayan ng kaniyang mga mata, sinabayan ng pagtambol ng aking puso.

 

"Wan nga pala."

 

"Cute mo naman, Wan."

 

Sa aking pagkataranta, mabilis kong itinaas ang hawak kong plakard at itinago sa likod nito ang namumula kong mukha.

 

Makibaka!

 

"Wag matakot!"

 

Mahilig siya sa pink, napansin ko. Ito ang kulay ng kaniyang palda nung nasilayan ko siya sa dinaanan kong klasrum. Pumapakat siya. Nakatayo sa harapan ng klase, masigasig siyang nagsasalita habang kusang gumagalaw ang mga kamay niyang nakakapit sa mga polyeto. Mula tono hanggang pagbigkas, ang paninindigan niya ay nag-uumapaw.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ggprints
#1
Chapter 1: shocks ang ganda😭😭😭 bihira na lang ako maka kita tagalog wr
hyehye29
#2
Chapter 1: OH GOD I LOVED IT SO MUCH ANG GALING MO MAGSULAT 😭😭👏🏻👏🏻👏🏻