if i were a boy

If I were a boy
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Hi Karina!” bati ni Winter sa babaeng nakaupo sa tabi ng fountain. Mabilis na napakunot noo si Winter noong makita ang walang buhay na mga mata ng babae, dahilan para mapagdesisyunan niyang lapitan at tabihan ito.

 

“Bakit ganyan mga mata mo?” tanong ni Winter atsaka nilapag sa kanyang tabi ang isang wine. “Naalala ko tuloy noong una tayong magkita noong elementary, ganyan na ganyan yung mata mo. Ang kaibahan lang, nakasuot tayo ng puting mga dress ngayon.”

 

Walang binitawang ni isang salita si Karina. Pinagmasdan lamang niya ang grupo ng mga taong nagsasayawan at nagtatawanan. Hindi napigilan ni Winter ang magalala dahil sa hitsura ng kaibigan, dahilan para hawakan niya ang balikat nito.

“Karina, tungkol sa inyo ni Hans ang party, pero bakit napakalungkot mo?” tanong ni Winter. Noong magtagpo ang kanilang mga mata, ay nakita ni Winter kung paano kumislap ang mga mata ng kaibigan, hindi dahil sa saya, kung hindi dahil sa lungkot na kanyang nadarama.

 

“So, what should we do after this?” pag-iiba ng usapan ni Winter habang nakatingin sa isang bote ng wine. Binuksan niya ito atsaka naglagay sa dalawang baso.

 

“I don’t know…” bulong ni Karina atsaka tinanggal ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. “Pwede ka pa rin bang bumisita sa bahay?”

 

“Of course, I am your friend.” matipid na sagot ni Winter atsaka napatingin sa groom ng kaibigan na kasalukuyang sumasayaw.

“We both know we are more than that.” bulong ni Karina atsaka tinitigan ang katabi. “Right?”

Mabilis na ininom ni Winter ang wine sa kanyang baso atsaka tumingin sa katabi.

“Anong gusto mong mangyari, Karina?” tanong ni Winter. “Tumakas tayo?”

“Kahit kailan talaga, napakaduwag mo..” bulong ni Karina. “Kailan mo ba ako pinaglaban?”

“Straight ako, Karina.” pagdidiin ni Winter atsaka muling uminom ng wine. “Mahirap ba intindihin iyon?”

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 1: Shuta hindi naman masakit☺☺☺ (Winter left the earth) 😢😭😭😭
howdoyouknowmee
540 streak #2
Chapter 1: Aguyy
howdoyouknowmee
540 streak #3
HUHUHU