FIN.

Echoes of Yu.
Please log in to read the full chapter

 

As an aspiring singer and song writer, I was once able to make my own song about,

 

"It's not about who you've known the longest, it's about someone who stays."

 

Its title is, U (Ikaw), para sa mga taong nagmamahal, na minsan ay nahihirapan i-express ang nararamdaman. 

 

It started when after I met the love of my life, Katarina Yu. Isa akong lokal na musikera, vocalista ng banda na ang pangalan ay Life24/7, oo ayan talaga ang name. Napagdesisyonan namin 'yan ng mga kaibigan kong sina RJ, Ning, at Yujin dahil ang ibig sabihin nito ay "Ang buhay tuloy lang, umaga man o gabi." At totoo naman, walang hinto o pause sa buhay.

 

This story is way back 8 years ago, when we were 18 years old who really loves the notes, lyrics and beats of each music. 

 

8 years ago.. 

 

Buong buhay ko ay namulat na ako sa mundo ng musika. Ang mama ko ay isa ring vocalist nung panahon niya base sa mga kwento niya samin ng mga kapatid ko. May dalawa akong kapatid, si Ate Taeyeon at ang kambal kong si Chaewon. Hindi namin nakilala ang tatay namin dahil pagka-panganak samin ni mama ay wala na siya. Sumakabilang bahay daw sabi ni Ate Taeyeon. Naintindihan naman namin at hindi na rin kinulit si Mama tungkol dito. 

 

Kababata ko sila RJ, kaya naman hindi na naging mahirap samin ang sumubok sa mga bagay bagay, at doon namin naisipang subukan mag banda dahil lahat naman kami ay marunong kumanta. Si RJ sa drums, si Yujin sa acoustic guitar, si Ning ay isa ring vocalista, habang ako ay kaya ko naman mag electric guitar. 

 

Paminsan-minsan ay nag papalit kami ng mga posisyon sa banda para rin masubukan ang ibang styles dahil iba iba naman ang tono ng boses namin. Kumbaga, all-rounder kaming lahat kaya mas madali at mas masaya ang gan'tong bonding namin. 

 

Sinubukan namin magsulat ng kanta, at kami ni Yujin ang unang sumubok. She played the guitar while I sang the lyrics I made. I named it U (Ikaw) para naman simple lang. The lyrics contained, 

 

 

"I don't want anything else

I just want you

Cause you're the only one

Who makes my dream come true

So stay with me

Until the sun stops shining" 

 

It was the first chorus that I've made, at pumayag naman si Yujin na ito ang itutuloy naming gawin. Natuwa naman ako dahil unang beses pa lang namin itong gagawin.

 

Pinarinig namin kila RJ at Ning 'yung naisulat kong kanta at parang loko-loko naman silang tumingin sa'kin. 

 

"Bakit ganyan lyrics mo?" Tanong ni Ning. May mali ba? Tumingin ako sakanya at magsasalita na sana nang biglang nagsalita si RJ sa tabi ko, "May jowa ka ba, pre?" Agad akong napalingon sakanya. Ewan ko ba?! Kailangan may jowa pag magsusulat ng kanta? 

 

"Baliw. Wala. Bakit?" Tanong ko pa sakanila. Si Yujin nakangiti lang sakin, etong dalawa halatang nang-aasar eh. "Para kasing pang-inlove 'yung lyrics." Natatawang sagot pa nitong si RJ. 

 

Hindi ko pa naexperience ma-inlove, pero 'yung mga gantong lyrics ay madali lang isulat kahit walang experience no. Dahil kung magkaka-girlfriend ako, sa gantong paraan ko sasabihin sakanya ang nararamdaman ko. 

 

After ilang days ay natapos na namin ni Yujin ang kanta, tumulong na din sila Ning sa pag tuloy ng kanta. Thankful naman ako dahil nagagawa namin 'yung mga gusto namin sa paraan na gusto at kaya namin. 

 

Pagkatapos namin magawa ang kanta ay sinubukan namin na mag register sa isang resto bar, at agad naman nilang tinanggihan dahil mga bata pa daw kami. Kakanta lang naman kami, hindi iinom! Kaya nagsubok ulit kami sa isang KTV bar naman, at pumayag ito. Kaya lang medyo malayo ito sa'min pero okay lang. 

 

Ngayong gabi kami susunok mag perform sa bar na ito. Magcocover kami ng ilang mga kanta katulad nalang ng, Halik by Kamikazee, Ligaya at Magasin ng Eraserheads para makuha namin ang atensyon ng mga tao. Madami dami na rin ang tao, mabenta dito sa bar na ito. May 30 minutes lang kami para mag perform at sa huli namin kakantahin ang sinulat naming kanta. 

 

Nagsisidatingan pa ang mga tao at may nakita akong dalawang babaeng mukang mayayaman. Parang hindi sila taga-rito sa puti at mukang mamahalin na mga suot nila. 

 

Habang hindi pa nagsisimula ay nagpunta muna akong CR para ayusin ang damit ko at mag hilamos na rin para hindi ako masyadong mainitan. Nakasuot lang ako ng malaking sweater at black na cargo pants. Ganto lang rin ang suot nila RJ. Para daw muka kaming astigin. Hahaha. Palabas na ako ng CR nang makita ko itong isang magandang babae na nilalapitan ng dalawang lalaki. Tinignan ko lang muna sila, at mukang natatakot na 'tong magandang babae kaya lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa bewang. Tumingin naman siya sakin at tumango lang ako. 

 

"Do we have a problem here, babe?" Salita ko sakanya at mukang nakuha niya naman ang gusto ko iparating sa dalawang manyak na 'to! 

 

"Nothing, babe. Balik na tayo sa table." Sagot niya lang at hinatak na ako. Tinignan ko naman 'yung dalawang lalaki at ngumisi. Hahaha! Mga panget kayo! Manyak amp. 

 

"Thank you for saving me." Sagot ni Ganda. Okay? You're welcome po Miss Pretty! :D Sasagot pa sana ako nang bigla akong hatakin ni Ning papuntang stage. Napatango nalang ako dito sa babaeng kausap ko. 

 

Pumwesto na kami sa stage at nakita ko si Ganda kasama 'yung dalawang babae kanina. Muka silang expensive talaga. Nasa bandang gitna ang pwesto nila kaya naman kapansin-pansin sila. 

 

Nagsimula ng bumati ang mga kasama ko, "Hello, everyone. This is Life24/7 band at unang performance namin 'to kaya sana mag-enjoy kayo." Paunang bati ni Yujin. "Ako nga pala si Yujin, ang isa sa mga gitarista ng banda." Pumalakpak naman ang mga tao. Sumunod na nagsalita si RJ, "I'm RJ po. Drummer ng banda." Simpleng bati niya, kinakabahan siguro 'to. 

 

"Ning nga pala, ang vocalist ng banda at ito naman si Winter na vocalist rin minsan hindi kasi desisyon siya." Pag iintroduce niya pa sakin at nagulat naman kami ng mag tilian at hiyaw ang mga tao. Wow! Bentang benta ang ganda ni Ning dito. Oo nga pala, hindi naman sa pag mamayabang pero may itsura naman kaming apat! 

 

"Hi, everyone. I'm Winter, the electric guitarist of the band." Sabi ko saka sabay na kumaway at ngumiti. Nagtilian naman ang grupo ng mga babaeng nasa gilid. Nakita ko nanaman si Ganda na nakatingin sakin at nakangiti. Pretty smile.. Ang gaganda rin ng kasama niya. 

 

We started our performance with Halik by Kamikazee at mukang nag eenjoy naman ang mga tao dahil sin

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
karinaloves
gusto ko sana ma-try gumawa ng twitter aus, what do you think? :)

Comments

You must be logged in to comment
WenRene_77 16 streak #1
Chapter 1: Ang Ganda Ng story kahit na mejo bitin hehe. Thank you author😊
TYTFshipper
286 streak #2
Chapter 1: 🥹🥰🥹🥰
shajanie
31 streak #3
Chapter 1: Wow ang nice ng flow ng story
Psykotato 31 streak #4
Chapter 1: Huy gagi ang cute🥺
httpdaniyoo #5
Chapter 1: Awe, so cute😭