Like I Do

Please Subscribe to read further chapters

Description

Tanghaling tapat at naglalakad ako ngayon sa Plaza, kagagaling ko lang sa isang ice cream store dahil tirik ang araw kaya naisipan kong bumili ng ice cream para kahit papaano naman ay maibsan man lang ang init na nararamdaman ko habang dinadagsa ang daan papunta sa school. Init na init na kasi ako sa panahon, kahit pa nga naka-sumbrero na ako ay tila wala pa rin naman itong silbi dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang galit na araw na dumadapo sa balat ko.

“Kung wala lang talagang practice hindi talaga ako lalabas ng bahay eh.” saad ko sa isip.

Winter Averie Kim, isang grade 12 – STEM student sa SMU. Badminton player ako ng nasabing eskwelahan, hindi ko alam kung paano at bakit nga ako nagka-interes sa badminton dahil ayaw na ayaw ko naman ang napapagod at tumatakbo pero wala na akong magagawa kasi isang araw nagising na lang ako at nasa line up na pala ako ng mga bagong player na napili para sa badminton. Magaling at kilala ang eskwelahan namin sa sports at academics, nasasali rin kami sa iba’t-ibang tournaments kaya kapag gan’tong usapan talaga dapat seryoso ka kasi nasa palad mo ang kapalaran, chz langgg.

“Gan’tong oras nanonood na lang ako ng Cars movies sa bahay eh, kajiritz naman” inis na sambit ko sa sarili habang kinakain ang ice cream.

Paubos na ang binili kong ice cream pero ‘yung init na nararamdaman ko ay hindi pa, parang mas lalo pa ngang uminit dahil pati ulo ko ay nagu-usok na rin sa inis. Kung hindi lang ako isa sa mga nilalaban ay hindi ako makiki-praktis ngunit ang sabi ng coach namin ay nakitaan daw niya ako ng potential. Sus, potential bangko siguro, joke lang.

Hindi pa nakatulong sa akin ang nakikita ko rito, puro magjo-jowa lang naman na magka-akbay at nagyayakapan ang view ko, kung hindi lang madadaanan ‘tong Plaza na papunta sa school hindi ko na babalakin pang bumalik sa lugar na ‘to pero kung iisipin, wala pa sa isip ko ang magka-jowa pero hindi naman ibig sabihin nun walang nagkakagusto sa akin. Sus, haggard lang ako ngayon pero maganda kaya ‘to! Marami na rin ang nagbalak manligaw pero parang ine-enjoy ko pa yata maging single or hinihintay ko lang talaga ‘yung taong para sa akin talaga at pagaalayan ko ng kanta ni Kim Chiu ng Mr. Right, chz. Pero habang pinagmamasdan ang ilan sa kanila dito, ano kayang pakiramdam na may magsasabi sa’yo ng miss ka na niya, may magi-I love you sa’yo or kahit ano pang kaartehan ng mga ginagawa ng magjo-jowa, no lovelife since birth kasi ako kaya 0 experience pa ang ate niyo–

Ringggg~ 

Napakapa ako sa short ko nang tumunog ang phone ko, agad akong napasimangot ng makita ang caller id. Si Ryujin lang pala, isa sa mga kasama ko sa badminton, naging malapit kami sa isa’t-isa dahil minsan na nilang tinesting kung maganda ba ang magiging pair up namin sa doubles at approved naman sa kanila kaya heto, dikit na dikit na yata kami sa isa’t-isa.

“Wintot!” bungad nito nang sagutin ko ang tawag. 

“Oo na, on the way na ako oh!”

“Ayun nga ang sasabihin ko sana, hindi raw tuloy ang practice”

Ha? 

Ano raw? Teka, nabingi yata ako.

​​​​​​Napahinto pa ako sa paglalakad at triny i-process ang sinabi ni Ryujin, wala raw practice? Hindi na raw tuloy?

“ANO KAMO?! KUNG KAILAN MALAPIT NA AKO?!”

“May biglaan meeting daw si coach kaya pina-cancel niya hehe uwi ka na lang ulit, partner”

Mas lalo pa yatang nadagdagan ang init ng ulo ko sa nalaman ko ngayong araw, pagkatapos kasing sabihin ni Ryujin na umuwi na lang ako ay agad din niyang ibinaba ang tawag, alam niya sigurong sa kaniya ko ibu-buntong ang inis ko kaya inunahan na niya ako. Gusto kong kumalma pero dahil sa nasayang kong oras ay para na akong sasabog na bulkan dito, hindi ko pa inaasahan ay may makakabangga sa akin sa likod. Lahat na lang talaga, Lord! 

“Sorry, miss.” paumanhin nito at akmang aalis na dapat nung higitin ko ang kamay niya, nagtatakang nakatingin ito sa akin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko siya hinigit sa kamay, ang alam ko lang ay naghalo-halo na ang nararamdaman ko ngayon para bang may ibang isip ang bibig ko at kusa itong naglabas ng mga salita. 

“Gusto mo bang maging girlfriend ko?”

Huli na nung ma-realize ko ang nabitawan kong salita dahil sumagot na ang taong nasa harapan ko ngayon.

“Okay, miss.”​​​

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
532 streak #1
ANG BILIS KAUSAP HAHAHA