we were here

Please Subscribe to read further chapters

Description

 

 

She finds herself in a sinking ship yet struggle to get off- or in other words, she stayed with hopes of saving it even if it meant losing herself.

 

Or wherein, friends for 7 years and lovers for 6 years' smooth sail eventually crashes onto a halt and sinks into oblivion with one hoping it can be saved while the other has already lost her sparks.

 

p.s: I with descriptions.

Foreword


 

      Unti-unti mo nang napapansin ang mga pagbabago sa inyo noon pa man pero nag bulag-bulagan ka dahil nag tiwala ka sa mga salita niya.

 

      Kasama mo siya ngayon sa sala ng apartment niya na tila ba apartment mo na rin dahil kadalasan ay nandito ka, pati na rin ang ilan sa mga gamit mo na dapat ay nasa apartment mo pero ilang linggo ng nakatambak sa kwarto niya. Minsan nga ay iniisip mong mag move in na lang din dito pero naalala mo, bawal ang mga alagang aso at pusa sa building nila at may pusa kang hindi maiwan sa apartment na tinutuluyan mo kasama ang ilan sa mga kaibigan mo. 

 

    Nasa TV lamang ang tingin mo kung saan kasalukuyang nag s-stream ang isa sa mga paborito niyong pelikula, naka-akbay siya saýo habang ikaw naman ay nakasandal sa kanya habang marahang minamasahe ang kanyang kaliwang hita. Ilang araw na rin kayong hindi nakakapag-usap nang maayos o kaya ay nakakapag-kita kaya naman nang makita mo siya sa gate ng unibersidad mo kaninang uwian mo ay agad agad kang tumakbo sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit- tila ba isang senaryo sa isang pelikula kung saan kayo lang dalawa ang mahalaga at ang iba ay tila ba wala lang. Nandoon din ang mga kaibigan mo na tinawanan ka at siguradong tinutukso ka sa group chat ninyo pero hindi mo na sila inisip pa dahil sa sobrang pangungulila mo sa kaniya sa mga nakaraang linggo.

 

    Nalipat ang tingin mo sa mukha ng nobya mo na mukhang seryoso sa panonood, wala pa rin talaga siyang pinagbago kahit ilang taon na kayo. Sobrang ganda pa rin talaga niya- 'ýon ang una mong naisip, o iyon ang nais mong isipin. Sa tagal mo na siyang kilala ay madali na para saýo na hulihin siya, kung may nagawa ba siyang mali o inililihim sa'yo- at ngayon, tila hindi mo siya kilala.

 

    Nobya mo siya pero...parang hindi.

 

    Parang hindi na siya ýung babaeng minamahal at nakasama mo sa loob ng mga nagdaang taon.

 

    "Na-miss kita." Mahimbing mong sabi at lalo pang yumakap sa kaniya bago mo tuluyang ibinaon ang mukha mo sa leeg niya.

 

    Tangina, napaka bango pa rin talaga!

 

    Gusto mong 'yon na lamang ang isipin mo pero pagkatapos ng ilang segundo na wala kang nakuhang responde mula sa kaniya ay hindi mo naiwasang...kabahan? matakot? Bumigat ang dibdib mo habang inaantay siyang mag salita at humigpit pa lalo ang hawak sa kaniya.

 

     Hindi na ba?

 

     "Sorry." Tila may sumabog sa iyong tenga nang marinig mo ýon mula sa kaniya sabay ang pag bilis ng tibok ng puso mo. "Sobrang busy ko lang talaga recently, lalo na start up pa lang kami nila Giselle." Mahimbing ang boses niya, sobra na pati ikaw ay naramdaman ang pagod niya. Marahan ka niyang pinisil at hinalikan ang iyong noo.

 

      Hindi mo rin maintindihan ang sarili mo, kanina ay para bang may namatay sa'yo pero simpleng halik niya lang sa noo mo ay para bang nabuhay ka na ulit.

 

     O malakas lang talaga ang tama mo sa kaniya, kahit ngiti niya nga lang lusaw na lusaw ang kaangasan mo eh.

 

     "Okay lang ano ka ba." Mahina kang tumawa, oo malungkot ka noong una pero naiintindihan mo rin naman na hindi na lamang ikaw ang sentro ng mundo niya ngayon lalo na at graduate na kayo. Mataas ang mga pangarap niya sa buhay, isa sa mga dahilan kung bakit mo siya nagustuhan. Sabi mo pa nga noon, siya na ang ideal partner na hinahanap mo. "Ang mahalaga, bumalik ka."

 

     Pero minsan ay hindi mo maiwasang isipin kung kasama ka pa ba sa mga pangarap niya gaya ng bukambibig niya noong mga sophomore pa kayo. Ayaw mo mang isipin pero hindi mo maiwasan dahil na rin sa mga kilos niya. Sabi mo ay okay lang, pero nag sinungaling ka. Nangungulila ka na sa kaniya, sobra, bago pa man kayo gumraduate ay pansin mo na ang mga pagbabago sa kaniya pero hindi mo na lang inisip masyado lalo na at ina-assure ka pa niya noon.

 

    Pero ngayon, kahit na anong loko mo sa sarili mo, kahit na anong sabi mo sa sarili mo na mahal ka pa niya, alam mo sa sarili mo na may nililihim siya sa'yo at hindi na kayo katulad ng dati. Ang pagkahawak niya sa'yo ngayon ay hindi na katulad ng dati, ang mga ngiti at tingin niya...ang mga mata niya na literal na kumikislap habang tinititigan ka.

 

      Tinignan mo lang siya at nginititan- gusto mong umiyak ngayon habang nakayakap sa kaniya katulad ng lagi mong ginagawa noong mga estudyante pa kayo pero ngayon...habang tinignan mo siya at ang mga mata niyang halos walang emosyon maliban sa kapaguran- pinigilan mo na lamang ang sarili mo at siniksik na lang ulit ang mukha mo sa kaniyang leeg habang pilit na binabaon ang mga kinakatakutan mong mga posibilidad at senaryo.

 

      Mahal ka pa niya, ilang beses na niyang sinabi 'ýan sa'yo.

 

      Mag titiwala ka na lamang sa mga salita niya sa ngayon.


 

axesorbit
can't say na this will be full angst lol, but I will try my best to meet your expectations.

also, follow my twt account @axesorbit I plan to publish a winrina au there once I'm done with this fic hehe.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet