terms of endearment

O sige, sa’yo na (lang ako)

 

Kung merong isang bagay na mas malala kaysa sa 7 AM class, iyon na siguro ang 7 PM class. At dahil may balat sa pwet si Winter: best of both worlds ang atake ng TTH sched niya. 7:30 AM to 8 PM. May kasama pang 5-hour break sa gitna. Kung meron pang mas lalala pa doon, ayaw na niyang madiskubre.

 

Pasado alas-dyis na siya nakauwi dahil nagyaya pang kumain ang kaibigan niyang si Sakura. Muntik pang mapahaba ang kuwentuhan nila sa dami ng updates nito tungkol sa bago niyang kalandian. Ito yata 'yung tinatawag nilang when it rains, it pours. Ginabi na si Winter, nangulila pa.

 

Pagpasok ng bahay, naabutan niya ang mga ka-boardmate na nag-iinuman sa may sala.

 

“Aga natin ah,” bati sa kaniya ni Ningning. Puno pa ang bibig nito sa pagkain ng pulutan nilang chichirya. Nakaupo siya sa lapag sa tabi ni Chaeryeong.

 

Bingo night daw nina Manang Letty kaya nakapag-karaoke pa sila kanina. Maluwag naman ang landlady nila pero madalas itong matulog nang maaga kaya iniiwasan din talaga nilang mag-ingay sa gabi. Pito lang sila, in total, na nangungupahan. Lima lang ngayon dahil sembreak nung dalawa at umuwi sa kani-kanilang bahay.

 

Lumingon-lingon si Winter dahil walang senyales ni Karina sa 1st floor kahit apat na baso naman ng softdrinks ang nasa coffee table. Pati rin pala si Yuna, wala.

 

“Nasa taas sila,” sabi ni Chaeryeong bago pa siya makapagtanong. “Nagti-tiktok...” At dahil mas nalito siya, sinagot uli nito ang tanong na nasa isip pa lang niya. “Dare ni Yuna kay Ate Rina.”

 

Nagii-spin the bottle raw sila kanina at pinili ni Karina ang dare.

 

“Arte no'n ni Rina, umakyat pa. Makikita rin naman namin mamaya,” natatawang sabi ni Ning. 

 

Nakikain na lang din muna si Winter. Busog pa siya pero natakam siya sa Piattos sa lamesa. Nakiinom na rin siya sa Sprite ni Ning. 

 

Hindi nagtagal at bumaba na rin ang dalawa pa nilang kasama.

 

“We’re done,” malakas na anunsyo ni Yuna mula sa hagdan. Dumiretso ito sa sofa sa tabi ni Winter.

 

Nakasunod naman si Karina na umupo sa tabi ni Yuna. Tinaasan niya ng kilay si Winter bilang bati. "May carbo," she mouthed, gesturing towards the kitchen. Dinalhan siguro ulit sila ni Manang Letty ng specialty carbo niya. 

 

Tinuro ni Winter ang busog pa niyang tiyan at umiling. "Kumain na ko," aniya.

 

Natigil na ang pagli-lipread nila dahil sa pagtayo ni Ning sa gitna nila.

 

“Patingin nga,” sabi nito. Sumingit pa talaga siya sa gitna ni Yuna at Winter. Itinaboy naman siya ng dormmate nila. Bukas na raw pagka-post niya para surprise.

 

Hindi naman nagpumilit pa si Ning at tumabi na ulit kay Chaeryeong. “O sige, game na ulit. Ikaw naman Winter mag-spin.”

 

“Bakit ako? Di naman ako kasali diyan.”

 

“Uminom ka ng Sprite ko so kasali ka na.” 

 

Gumatong pa ang iba nilang kasama kaya wala nang nagawa si Winter kundi tumayo at paikutin ang bote na nasa gitna ng lamesa.

 

Tumama ang nguso ng bote kay Ning. Dare raw kaya dinare siya ni Winter ng five seconds. 

 

Game na game naman ang loka-loka. “Ang dali naman, Win. Hirapan mo naman.” 

 

Ginawa pa ngang eight seconds para daw lucky 8. Good luck na lang sa 8 AM class niya kinabukasan.

 

Sumunod si Chaeryeong na nag-dare kay Yuna na mag-I love you sa random na FB friend. Easy rin daw. Kahit sampung katao pa daw ang sendan niya, g. 

 

Hindi yata masyado uso ang truth sa kanila. Si Karina ang unang nag-truth mula nang pagsali ni Winter.

 

“Anong truth ka diyan?” reklamo ni Ning na nagpaikot ng bote. “Take two, Rina. Dare or dare?”

 

“Fine, dare,” pagsuko ng roommate ni Winter.

 

Ngising-ngisi naman si Ning. Mukhang may matinding kalokohang naisip.

 

“Okay, I dare you"—saglit pa siyang sumilip kay Winter na kinutuban na agad—"na tawagin si Winter na baby for the next 48 hours.”

 

Sabi na nga ba, isip niya.

 

“Hoy! Ba’t naman ako nadamay e dare ‘yun ni Rina?”

 

“O ba’t ako,” mabilis na singit ni Yuna. “Di rin naman kasali ‘yung mga pinag-I-love-you-han ko ah.”

 

Si Karina naman, tipsy na yata. Ginagawa ba namang kasing softdrinks 'yung shot, parang ewan. Nagkibit-balikat lang siya. “‘Yun lang? Kahit one week pa eh.”

 

“What if two weeks, Ate Rina?” tanong ni Chaeryeong.

 

Si Ning naman na-excite at dumagdag pa. “Gawin na kaya nating one month?”

 

“Why not?” walang-bahalang patol ni Karina. Kahit kailan talaga, trip na trip na pahirapan siya.

 

“Hoy!” singhal niya. “Sa’kin, di okay ‘no!”

 

Tinawanan lang siya ng mga kasama. Kahit ‘yung dalawang mas bata sa kaniya. Bigla tuloy siyang nagsisi at hindi pa siya agad umakyat para matulog. 

 

“Ikaw na bahala, Rina. Kung ga’no katagal mo gusto,” sabi ni Ning, smirking at Winter. “O, game, next.”

 

Napa-buntong-hininga na lang siya at nagpaalam muna para umakyat at magbihis. Naiinitan na rin kasi siya sa suot. Pero, sa totoo lang, wala na rin siyang balak bumaba ulit. Mahirap na at baka kung ano pa ang maisip nilang ipagawa sa kaniya.

 

Pagkapalit ng damit, umupo muna siya sa may study table para mag-ayos ng mga gamit sa bag.

 

Hindi nagtagal at may kumatok sa pinto nila. 

 

“Bukas ‘yan,” sigaw niya.

 

Nagulat naman siya nang makita na si Karina pala ang kumatok. Akala niya naman kung sino. Binuksan nito ang pinto pero hindi pumasok. Sumandal lang siya sa gilid ng hamba.

 

“Di ka na babalik sa baba”—marahang lumawak ang ngiti ni Karina—”...baby?”

 

Umikot ang mga mata ni Winter. “Pwede ba Rina—”

 

“Joke lang, ikaw naman... pero di ka na talaga bababa?”

 

“Antok na ko eh. Di pa rin ba kayo tapos?”

 

“Nagke-kuwentuhan pa sila. Balak pa yata nilang hintayin si Manang,” Sinara na ni Karina ang pinto at dumiretso sa may paanan ng kama niya. Sa tabi ng hagdan ng double deck at sa tapat ng kinauupuan ni Winter. “Galit ka ba?”

 

Binaba na muna ni Winter ang bag niya sa lapag at nangangalay na siya. Sumandal siya sa upuan at naghalukipkip. “Pag sinabi ko bang oo, maka-cancel ‘yung dare?”

 

Tumawa si Karina. Itinaas niya ang dalawang binti sa kama at niyapos. Marahan ang bawat kilos niya. Kasama ang pagtawa at pagbitaw ng bawat salita. “May magagalit ba?”

 

“Ako.”

 

Nakakatawa rin ‘yun sa kaniya. Isinandal niya ang baba sa mga brasong nakapatong na sa may tuhod. Tinignan niya nang maigi si Winter, tila inaaral na naman ang mukha niya.

 

“Does it remind you of your ex?”

 

“Ha?” hagikgik ni Winter. Nagugulat na lang talaga siya madalas sa line of thought ng roommate niya. “Ba’t naman pumasok sa isip mo ‘yun?”

 

“Wala lang... baka kasi ‘yun pala 'yung tawagan niyo dati ni Aeri. I thought, baka nagalit ka dahil it brings up unwanted memories, ganun?”

 

Si Aeri ang first and only ex niya. Naging magkaibigan sila nung first year, first sem. Tapos nag-date sila for around four months nung second sem. Si Aeri ang nakipaghiwalay. Sa tingin niya raw kasi, they work better as friends. Kung anuman ang ibig sabihin nun — hindi na rin kasi sila nag-uusap ngayon so baka they don't work lang, period.

 

“Hindi ‘no... two years ago na kaya ‘yun. At tsaka hindi naman ‘yun ang tawagan namin ni Aeri.”

 

Karina leaned forward slightly, eyes narrowing at Winter. “Ano pala?”

 

Kumiling din si Winter. Gusto niya sanang pitikin ang noo ni Karina pero napatigil siya nang medyo mapalapit ang mukha niya sa mukha nito. Kasi — well, wala lang. Wala namang dahilan. Kahit sino naman siguro mapapahinto pag napalapit kay Karina. Lalo na kung ganitong maamo ang mukha niya imbes na naka-RBF gaya ng usual.. 

 

“Mhmm?” Nagawi ang tingin ni Winter sa labi nito. Nanatili doon saglit — mga tatlong segundo lang. Ganun naman di ba kapag nagsasalita ang tao? Instinct na mapadpad ang tingin sa pinanggagalingan ng tunog.

 

Tama, ‘yun nga ‘yun, tango niya sa sarili. Parang nanuyo ang lalamunan niya kaya’t kinuha niya muna ang tubigan sa sulok ng bag para uminom. Pinagmamasdan pa rin siya nito kaya hindi rin siya makainom in peace.

 

“Hindi baby?” patuloy nito. Buti na lang at wala ng tubig sa bibig ni Winter kundi baka nabuga niya pa. “So ano... love, ganun?”

 

“Secret,” sambit ni Winter sabay mahinang pitik sa noo ni Karina. “Wag mo nang alamin.”

 

Wala naman silang naging tawagan ng ex niya. Mas gusto kasi ni Winter ‘yung first-name or nickname basis. Para sa kaniya, mas masarap pakinggan kapag ganun. Kapag boses ng taong gusto mo ang bumubuo sa ngalan mo.

 

“Ano nga, Win? Pet name lang naman eh...”

 

“Antok lang ‘yan, Rina. Tulog mo na ‘yan.” 

 

Pati siya, antok na antok na rin. Umakyat na siya sa kama niya at hindi na pinansin ang mga pahabol na tanong ng roommate niya.

 

“Pero, seryoso,” Tatlong beses na kinatok ni Karina ang frame ng kama niya. “Are you upset? Kung uncomfy ka, di ko na gagawin ‘yung dare...”

 

Binalot ni Winter ang sarili sa kumot bago sumagot.

 

“Hindi naman ako galit...” Sa totoo lang, hindi naman big deal. Feeling niya rin ay madali namang makakalimutan nina Ning lalo na’t nakadami sila ng inom. Nainis lang siya nang very very light kanina. "Ano lang kasi, uh, hi-hindi kami nag-gaganun ni Aeri dati, or kahit sino, so... ayun. Weird lang, I guess, ewan..."

 

First time niya kasing matawag ng baby tapos biro pa at dahil sa dare. Pakiramdam niya kasi kanina, comparable 'yung ganun sa pagnakaw ng first kiss ng isang tao. Ayaw niya nga lang sabihin nang diretso kay Karina at baka tawanan na naman siya.

 

Pero, di gaya ng inaasahan, seryoso naman ang sagot ni Rina. “Okay,” sabi niya. Simple lang. Wala ng dagdag na katanungan kahit malabo ang huling sinabi ni Winter. “I won’t do it...”

 

Ganun lang. Sinundan ng malakas na hikab na nagpaluwag sa ngiti ni Winter. Hindi niya sigurado kung madali-daling kausap ngayon si Karina dahil may tama ito o sadyang hilig lang nito ang salungatin ang mga pakiusap niya. Kapag sinabi niyang wag, gagawin. Kapag sinabi niyang okay na, aayaw na. 

 

“Hindi na talaga?" paninigurado niya. "Hindi ba may penalty pag di ginawa?” 

 

Bilang self-proclaimed de facto head ng boarding house, nag-implement si Ning ng rule na magmumulta ang sinumang KJ sa mga games tulad ng truth or dare. Pinapirmahan pa nga sa kanila habang may tama silang lahat last year. Walang umangal dahil 'yun nga may tama sila, pero naging useful din naman ang fund kaya pinagpatuloy na lang nila. Nagagamit nila minsan tuwing bumibili sila ng pagkain na for sharing. Pati na rin pag nagkakataon na sabay-sabay silang walang-wala.

 

“...’kay lang... next time na lang...” 

 

Mukhang wala na sa wisyo si Karina. Baka nananaginip na at may next time pang binabanggit. Hindi na tinanong ni Winter kung ano ang ibig niyang sabihin. Inabot na lang niya ang switch ng ilaw na nasa may gilid ng pinto. 

 

“Good night, Rina.”

 

“G’night, Win. Sweet dreams.”

 

Kalaunan, nang magsimula nang humilik si Karina, nang humupa na ang ingay mula sa sala, nang nawala na ang kabog ng dibdib niya buhat ng sobrang caffeine, tsaka niya lang naibalik ang sentimyento ni Rina.

 

Humilig siya papalapit sa gilid ng kama, bumulong ng mahina, "Sweet dreams, Rina."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jellyaceee
medj truce muna dahil natututo rin dapat tayo sa nakaraan eme haha pi edsa day

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
157 streak #1
Chapter 4: Ayan na nagkaka sundo na. Yung endearment to follow na lang hehe 😂
stillintoyu
201 streak #2
Chapter 4: aq na lang tawagin mong baby, rina. walang angal
Eybrelros #3
themicah #4
It's building up 🥰🥰
yujiwinteo
67 streak #5
Chapter 3: In game si bading sa pagiging indenial 🤨 lagot pati siya aangkinin na niyan (na feeling ko gusto na gawin ni katarina dati pa)
asdfghjklmaeee
157 streak #6
Chapter 3: go lang guys 'maglambingan' lang kayo 🤭
jushshhh #7
Chapter 3: karina, pass sa halata
stillintoyu
201 streak #8
Chapter 3: angkinin mo na kase rina pati na rin ako emz
TakuyaKen
#9
Chapter 3: sayo nadin si Win hahaha
listless_radish
#10
Chapter 2: Winter kasi pinapangunahan palagi ng galit niya tapos si Karina yung napagbubunutan ng galit kasi siya palagi ang nasa scene of the crime. Hay.