OA at Nonchalant kuno

Labis-Labis
Please log in to read the full chapter

MJ’s POV


(“Labis-labis akong akong nasasabik
Makapiling ka na"

Ayiee kenekeleg ako sa kantang 'to. Naaalala ko si crushie.)
 


Nagpost ako sa social media, sa private account ko. Walang sinong pwedeng makaalam kung ano bang natakbo sa utak ko kaya private account is highly recommended talaga.

It's been 4 years, since naging magkaklase kami nung SHS. Oo, siya. Si Karina Batumbakal. Eme. Si Karina, yung bestfriend ko and crush ko.
 


(Apat na taon na pala. Edi 4 years and 3 months ko na siyang crush? Omygod.)
 


Come to think of it, wala pa siyang nagiging jowa pero ang dami niyang crush. Sa dinami dami ng nasa listahan niya, eh hindi man lang nakasama pangalan ko. Galing.

Hindi kami talo.

Pero it's fine, pwede namang kiligin kahit ganito lang kami.

"Minjeong!~~" sigaw ni Karina sabay back hug sa akin.

SHET. Nanghihina tuhod ko.
Hindi, joke lang. Strong ako.

"Bakit?"

"Ang cold mo naman? Come on, parang ayaw mo akong kasama? Wala na, iiyak na ako huhuhu" tapos nag fake cry siya.

"Ang OA ampota?"
"Hey, your mouth ah. Very bad."

Tinignan ko siya ng masama sabay alis. Ayan, tama. Hard to get tayo.

"How's your day?" tanong niya.

"Okay lang. Gano'n pa rin. Patapos na ang araw pero wala pa rin akong na-aaccomplish."
"Don't say that. Hindi ba nanalo kayo sa table tennis kanina?"

Luh, paano niya nalaman eh duluhan yung building namin. Bakit kasi hindi kami parehas ng course? Edi ang dami niya tuloy boylet girlet badinglet. Lahat na.

"How'd you know?"
"I asked your cute friend, Ryujin."

Ah, cute pala. Edi kayo nalang?

"Ah, okay."
"Ayieee, selos yarn?"
"Why the hell will you categorize that as jealousy?"

"Oh no, nagagalit si Min-min. Cry cry nalang ako sa gilid" tapos nag pout siya. Luh?
 


(Pinapaiyak ako ni Minjeong. Hindi ko na siya bati. 🥺🥺🥺

@Minjeong, ang pangit mo :P)
 


"Check your phone. You didn't even greet me, kaya deserve mong mapost sa twitter ko."

Dali-dali ko namang kinuwa yung phone ko, tapos nakita ko na naman meme posting niya sa twitter tapos nakatag pa ako. Sana all nappost sa twitter. Next time sa insta naman. Hard launch, gano'n.

"Ang pangit ko?" reaction ko pagkabasa ko sa post niya.

"Oo," sabi niya tapos biglang nambelat. Parang bata amp... pero cute.

"Mana sa'yo?"

"What?! Wow ha, nagtatampo na nga ako tapos aasarin mo pa ako. I guess coffee won't fix this."

"Tinotoyo ka na naman, kala mo nga naman eh" sabi ko at tapos ay kumaliwa na ako. Papunta na ako sa labas ng univ.

It's easy to fix this, nabanggit niya yung coffee edi magkakape kami. Sunod nalang siya.

"Hey, where are you going? Wait lang."
"Local coffee shop, sa 35th street."

Bigla siyang napatigil. Nung tinignan ko siya, bigla siyang napa-pout.

Ano problema nito?

"Ang straight face mo naman lagi, Min."
"Sad ka na niyan?"

"Oo," sabi niya tapos bigla siyang napatawa. Narealize niya siguro na ang OA niya lagi.

"O, akala ko sad ka. Bakit ka napatawa?"
"Ang cute mo kasi, parang gusto ko kagatin 'yang cheeks mo."

GIRL?!

"Hehe, tara na. Paano mo nalaman na gusto ko magkape? Pero until 4pm lang ah," sabi niya.

"Secret. Pero bakit?"
"I have to teach the routine sa lower batch."

Oh, right. She's one of the elder officers sa org nila.

"I see. Ingat ka mamaya."

Tinignan niya lang ako, tapos biglang napailing at nagsabi ng thank you na masayahin. Pero parang hindi.

May problema ba siya? Ayaw niya ba sa org niya? What if ako pala gusto niyang kasama? Eme.

Anyway, with her position sa current org eh hindi naman malabong kilala siya ng karamihan. Isa pa, kasali siya sa dati hip-hop dance team namin. Umalis lang siya nitong taon kasi gusto niya raw na maluwag schedule niya. Also, nag a-aim siya ng good grades and hirap na raw kasi if uuwi siya ng pagod lagi.

Ang dami kong kalaban, tapos wala pa akong laban.


***

"Minjeong, I guess... I guess this is it. Ito na 'yon, yung panahong iiwanan kita at magkakalayo tayo ng landas."
"Beh, uuwi lang ako at ikaw ay pupunta sa org room niyo. Anong pinagsasasabi mo?"
"Mag-ingat ka. Umuwi ka ng ligtas, hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Ikaw ang pinakamamahal kong kaibigan. Umuwi ka ng buo ang katawan mo, huhu."

Kaibigan. Oo, tama ako ng narinig.

"May driver talaga ako. Kasalanan niya na kapag nasaktan ako."
"Oo, bubugbugin ko si kuya kapag pinabayaan ka niya. Dapat complete pa mga daliri mo sa kamay at sa paa. Kumpleto pa pati ngipin mo. Dapat, kung gaano karami yung ear wax mo ngayon bago ka umalis, dapat gano'n din karami pagkauwi mo. Yung hairstrands mo, bilang ko 'yan. Dapat nasa 122,462 yan pag uwi. Bilangin mo ah."

WTF? Lord, tell me again. Paano ko naging crush 'tong gaga na 'to?

Hindi na ako nakapagsalita at umalis nalang ako. Tawang tawa siya sa akin. Saya ka, girl? Oh well, kung diyan siya masaya.

"Minjeong," sigaw ni Karina. Ang lakas ng boses. Pero nakakailang lakad palang naman ako.

"Ano?" sigaw ko naman pabalik.


"Text mo ako kapag nasa bahay ka na ah."

Gawd, she's confusing as hell. Parusa ba 'to?
 

 

K's POV


(She's gone. Kanina pa.

She hates physical contact but okay lang kapag back hug. I've been doing it for months pero wala man lang siyang comment? Hindi ko alam kung wala ba siyang pake sa akin or what? 🥺🤧)
 


"Karina, tama na kaka cellphone. Ulit tayo sa umpisa."

"Yes po, ate. Wait lang, may hinihintay lang po" sabi ko kay ate SinB. Siya yung president namin dito. Inatasan niya ako magturo ng routine sa mga bagong recruit.

Bagong recruit?!

Wow, kala mo ilegal na gawain. Pero, anyway... lapit lang ng bahay nila Minjeong pero hindi pa siya nag c-chat. Second try na namin 'to sa routine. Nakalimutan niya na ba ako?!

 

Minmin Panget

+0901xxx0101

 

Min, buhay ka pa? 😒
Sabihin mo kung buhay ka pa.
'Wag mo akong iwan. 🤧
Hello?
Ipapalit ko kapatid kong masungit
para sa'yo. 😃
Lord, trade tayo.


Gaga, sumbong kita kay ate Irene.
 


Buhay ka pa?! OMG. Congrats,
na chat mo na ako 🙄



Pinagsasasabi mo. Traffic talaga. Tsaka
sabi mo i-chat kita kapag nasa bahay na.
Eh wala pa oh.
 


This girl is driving me crazy. Sabunutan ko kaya 'to? Ay joke. Ako pala yung crazy. Hehe. Crazy sa kanya.
 

 

Minmin Panget

+0901xxx0101


Still, dapat sinabi mong traffic.


Luh. Jowa kita?

Hmpf, hindi kita bati.
 


:P
 



Wow ha!? Watch me.


I think it's been 6 months since naramdaman ko 'tong naffeel ko. Hanuh rhaw?!

She's been a good friend, a great friend for how many years? I don't know.

Actually, ako yung unang lumapit. Kilala ko siya from pilot section, kasi consistent top 1 siya noon. She looks so serious lagi, parang ang sungit, ang suplada, minsan mukha siyang may rabies na tuta kasi nakakatakot lapitan.

 

Then, I got the chance to transfer to pilot section nung last year ng SHS kasi tumaas grades ko.

Naging friends kami. Naging magkagroup kami. Naging slight crush ko si accla. Pero, I chose to be her friend kasi she's different. Siguro ayaw ko lang siya mawala?

Nung una nilalandi landi ko pa siya, pero straight ata siya kaya walang epekto. Mukha siyang walang pake lagi. Kaso hindi eh, nalaman ko na she’s already out.

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hiverscrie
Hello!! HAHAHA, thank you sa nag promote! Kung sino ka man 😭😂

Anyway, I'm very grateful din sa mga nagbasa. I appreciate y'all!~

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ #1
Chapter 1: hahahahahaha sampung utos ni karina😭
segye411 #2
congrats po sa promotion!
ryujinie__
699 streak #3
Promoteddd. Congrats!!! 🥳
kasrina #4
♥️♥️
TYTFshipper
268 streak #5
Chapter 1: Patuloy naman po yung sampung utos ni karina oa 🥹 char hahahaha sana may kasunod 😊 thank you sa cutie story 🥰
kialoona #6
Chapter 1: Rereading kasi namiss ko agad 😭 kailan mo gagawin yung socmed au otor 😭😭 what if now na!!!! jk
ohyo_ohyo319
#7
Chapter 1: Final na ba oneshot lang toh😭😭 baka naman may oa ligawan pa pls muhehehe ty sa oneshot!! Cute cute nila sapukin nyu aq
wnddmks_ 667 streak #8
Chapter 1: Na aliw ako don HAHAHAHA cuties
gomtokkim
2157 streak #9
Chapter 1: cute nilaaa
Lia_aff #10
Chapter 1: sampung utos ni karina hahahahahahah