with no safety net

tripping, falling
Please log in to read the full chapter

Disclaimer po: fake route po yung byahe nila. not proofread din. ginawa habang nasa work. :P

 

 

Nabubwisit si Joy.


 

Kakagaling nya lang sa night shift nya sa trabaho pero heto sya ngayon at bumabyahe ng napaka-aga para puntahan ang favorite pasaway nyang kapatid na si Ningning. Nag-good time kasi ito kagabi at naparami ang inom–kahit pa alam naman nito sa sarili nya isa syang mahinang nilalang na nagkakasakit pag napasobra ang inom.


 

Naka-stay si Ningning sa isang dorm sa Maynila para mas malapit sa University nito kaya naman walang sasama rito para mag-alaga. Pabebe pa naman ang isang yon pag may sakit. Ayaw naman ni Joy na ipaalam pa sa nanay nila dahil siguradong sabon at banlaw ang aabutin ng magaling nyang kapatid sa kanilang armalite encarnate na mudra, masama pa baka mapauwi pa sa bahay imbes na masaya at malaya ang buhay nya sa college life nya. Much worse, baka sa kanya pa pag-stay-in ang mahadera nyang kapatid!


 

Kaya with the options, best solution talaga ang short time na abala at hassle ng pagpunta sa dorm ng kapatid nya kahit kakagaling nya lang sa duty. Pagka-out nya kanina ng ala-sais sa office nya sa Alabang ay sumakay na sya ng bus para bumyahe papunta sa dorm ni Ningning sa Maynila.


 

You’d think na dapat nag-alala si Joy bilang ate pero medyo panatag naman sya dahil kasama ng bunso nila ang bff nitong si Winter. Alam nyang hindi iiwan non ang kapatid nya kahit pa nakaka-irita yung si Ningning pag may sakit. Magrereklamo lang yon pero mag-sstay pa din.


 

Anyway, buti na lang talaga ay off nya kinabukasan, hindi na sya kailangan bumyahe pabalik ng South. Buti na lang din talaga at maaga pa at hindi ganun kabigat ang traffic at hindi masyadong mainit kundi baka mas bad mood pa sya ngayon. Yun na lang ay nagpapa-tame ng bad trip nya kay Ningning.


 

Yun nga lang naooverconscious sya sa katabi nyang may kausap sa video chat.


 

“Malapit na ako!” sigaw-bulong nito. “Ang epal mo masyado!” hindi marining ni Joy yung kausap nito dahil naka-airpods ito. “Malamang! Public transit to di ba?!” salita pa nito na halatang naiinis na, “Babae nga,” naiinis na bulong nito pero narinig nya pa din. “Gago ka ba. Ayoko nga nakakahiya!” at malamang ay binababaan na nito ang kausap.


 

Napatingin sa kanya ang singkit na babae at nginitian lang sya ng alanganin at tumungo ng kaunti, nakaramdam siguro na nangaabala sya. Ang cute nito. At dahil medyo bad trip sya, hindi na sya masayadong nag-dwell sa ka-cute-an nito. Pero hinayaan na ni Joy at di nagpadala sa badtrip nya.


 

Inilayo na lang ni Joy ang atensyon nya sa katabi at binaling ang tingin sa may aisle. Hindi ganun kasikip ang bus pero may mangilan-ngilan na nakatayo at nadapo ang tingin nya sa babaeng nakatayo sa may tapat ng upuan niya. Hindi nya ma-pin point ano exactly pero parang ang lakas ng dating. Napaisip pa sya kung may thing ba sya sa mga nasa medical field. Ang lakas kasi ng dating sa kanya ng scrub suit nito. Pero kasi yung short hair at yung bangs na medyo nagtakip sa mata. Para syang cool anime character, baka dahil dun.


 

Dagdag pa na unlike her–na nausukan na ng mga nagyosi nung breaktime–fresh ang anime girl nya..mukhang papasok pa lang sa trabaho. Medyo basa at bagsak pa ang buhok nito at bagaya nyang na-amoy din ang pabango nito. Amoy baby.


 

Natawa sya sa bilis ng change ng mood nya. Ang bakla naman na okay na yung mood nya nung makakita sya ng crush-able na babae.


 

Maya-maya naman ay naramdaman nya na tumayo ang katabi nya.


 

Ayun! isip-isip ni Joy, natuwa sa chance na makatulog dahil sa opportunity na maka-sandal sa (unsanitary) window. Umusog sya para makalabas ang katabi bago umusog para pumasok paloob sa may window seat. 


 

Bago pa may hotdog na tumabi sa kanya, agad ini-spotan ni Joy ang cool anime girl na nakatayo at sinensyasan na tumabi sa kanya. Pero hindi dahil gusto nya ng sariling city bus story ah! Ginugusto nya kasing matulog talaga at she feels safe kung babae ang katabi nya kung magawa man nya yun. Bonus na lang na sobrang lakas ng dating sa kanya ng babaeng ito.


 

“Uy, thanks ah.” nakangiting sabi nito pagka-upo. Hay mygad bakit ang ganda ng ngiti nito?


 

Ngumiti lang si Joy bilang tugon, one part dahil pa-cool kid sya, one part ay dahil gaepanik. Imbes na magpaka-bading sa isang PUV love affair, napagdesisyonan na lang nyang ituloy ang tulog nya kaya pinikit na nya ang mata para iwasang matitigan ang magandang katabi.


 

Hindi din naman helpful kasi lalo namang naging conscious si Joy sa amoy ng katabi nitong amoy baby. Mayghad.


 

Napadilat si Joy para kunin ayusin ang pwesto nya sa hindi masyadong langhap sarap naaamoy yung katabi nya. Pero napaigtad sya nang saktong nag-aayos ng buhok ang anime girl nya using her hand tapos parang slow-mo yung kinang nung mga hikaw nito sa kanya. Pucha ang daming pircings, parang nag-times 4 yung lakas ng dating nito sa kanya.


 

“Whoaa..masakit?”


 

Narinig nyang sinabi ng boses nya na ikinagulat nya. Did she say that out loud? Tangina naman nakakahiya.


 

“Ou-hmm?” medyo halong confusion at amusement at itsura ng katabi nya. Jusko ang ganda ng speaking voice nito. Nakita ni Joy na yung mata nitong katabi nya dumapo sa kamay nyang hindi nya napansin ay nakahawak na pala sa sariling tenga nya, “Yung piercings ba?” medyo natatawang tanong nito pabalik. Cute.


 

“Ay!” natatauhang salita ni Joy, “Joke lang, sorry sorry,” putangina nakakahiya.


 

Nginitian sya nung babae tapos sinagot sya, “Saks lang,” absentmindedly hinawakan ang isa sa mga hikaw nya. Mylord bakit ang ganda nya.


 

Hindi nyo kasi naitatanong si Joy ay isang duwag na fan ng piercings she absolutely thinks they’re so cool. Siguro hindi nawala ang fascination nya dahil she never came to have one for herself kasi you know..needles. Sobrang cool lang ng dating, lalo yung madaming shinig shimmering sa tenga.


 

Napatitig si Joy at absently took note na bukod sa meron itong tig-dalawa sa rook at conch, meron din itong tatlo sa lobe kasama ang standard na lobe piercing.


 

“Sabi hindi daw masakit sa rook pero hindi ba talaga? Feeling ko kase may buto,”


 

Napaisip yung babaeng kausap nya bago sumagot, “Uh, as far as I remember, hindi naman sya ganun kasakit..pero I’ve been told din kasi na mataas ang pain tolerance ko.”


 

“Ahh, ang cool,” namamanghang salita pa din ni Joy, yung mata nasa shiny stud errings nung katabi nya.


 

“Why? Are you thinking of getting one ba?”


 

Agad na nagsalubong ang kilay ni Joy maisip pa lang ang sakit, “Oo pero duwag ako eh,”


 

Bumalik sa mukha ng babae ang atensyon ni Joy when the girl chuckled. At ohmyghad Joy is holding every breath, this girl is so attractive.


 

“Ang cute mo,”


 

Nagkatinginan sila sa mata, parehong nagulat. Pero bago pa may makapag-react sa kanulang dalawa, sabay silang napalingon sa kunduktor.


 

“Buendia! Buendia na oh! Yung Buendia dyan! Baba na, pakibilis lang!”


 

“A–” si Joy

“S-sorry!” namumulang salita ng katabi nya bago tumayo, “Saglit kuya! Bababa po!”


 

Walang nagawang sinundan ng tingin ni Joy ang babae. Pochipa.


 

At mukhang hindi lang sya ang nabitin sa Surprise Speed Bus Dating dahil nga sinusundan nya ng tingin ang babae, kita nya ding hindi ito dumirecho ng baba at mukhang inabangan pa nga ang window seat nya.


 

Hindi naman ito nabigo dahil talagang nakaabang din si Joy magtama ang mata nila.


 

Feeling ni Joy may namiss out sya..and sa tingin sa kanya ng bus stranger nya somehow me feeling din sya na the other girl could’ve felt the same.


 


 

Mag-aalas otso na ng umaga nang marating ni Joy ang dorm ng kapatid nya. Mabilis syang nakapasok dahil may susi din sya dito.


 

Hindi alam ni Joy anong inaaasahan nyang madatnan sa pagpasok ng dorm ng koleheyala nyang kapatid pero surely hindi ang kapatid nya at bff nitong mahimbing na natutulog sa gitna ng gulo at kalat sa kwarto. Natawa na lang sya sa contrast ng mapayapang itsura ng kapatid nya habang natutulog sa dibdib ng kaibaigan nitong si Winter at parang ni-raid na kwarto.


 

Iiling-iling na nagsimulang maglinis ng kaunti s

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 1: HALA this need to be continued Author-nim!!
It's so nakakakilig at sobrang cute OMG!! KYAAA
_flcty #2
Chapter 1: NAKAKAKILIG NAMAN PO 🥰
Manseng97 #3
Chapter 1: shemzz more po
redsummer0801
#4
Chapter 1: Mamiii huhuhu kilig na kilig po akoooo 😭
tealundertones
#5
Chapter 1: THANK YOU 2024!!!!

Nakikipagkwentuhan kayo sa katabi nyo sa bus??? lalo na sa magandang mabangong merlie? i could nevahhh

Relate dun sa pauwi ka nang amoy yosi tapos yung katabi mo amoy baby 😭 Kaya naman nirerekomenda ko ang penshoppe na kulay pink tsaka kahit anong alcohol. mabisa yon pramis!