Happy New Year

Highlighter
Please Subscribe to read the full chapter

 

New year, new me.

 

Yan ang mga salitang ipinangako ko sa sarili ko.

 

Sobrang dami lang kasing nangyari in the past year sa sarili ko na nakapagpa-drain ng bongga sa akin. 

 

At dahil nga malapit na naman magbagong taon, I promised myself na bawal na akong magpaka-stress sa life. Kung magiging stressed man ako, edi okay. Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam eh hehehe. Basta bahala na yung future self ko dyan.

 

Syempre kung new year, kailangan ko talaga tanggalin yung mga bagay na pinakainisip ko talaga last year at alalahanin ang mga kailangang kong gawin sa bagong taon.

 

Sa sobrang dami non, parang nakalimutan ko na yata.

 

Tumayo na ako para kumuha ng maliit na notepad tapos yung mga highlighters ko.

 

Kailangan ko silang ilista.

 

“Ma!”

 

Nakataas ang kilay na lumapit sa akin ang nanay ko. Nakikinita ko na ang mangyayari in 3…2…

 

“Oh ano? Maghahanap ka na naman sa akin ng gamit? Minjeong ilang taon ka na nga ulit? Baka nakakalimutan mong malapit ka nang mag-bente tapos ako pa rin yung gagawin mong hanapan ng gamit? Tumatanda ka na Minjeong. Matuto ka namang—”

 

“OMG Mama! Mother stop bratata to 2366!”

 

Agad na akong umalis bago pa ako makatikim ng hagupit ng aking nanay. Hindi naman ako naghahanap ng gamit eh.

 

Alam ko naman kung saan ko nilagay yung highlighters ko eh.

 

Wait, saan ko nga ba ‘yon iniwan? 

 

“Ma—” Agad kong tinigil kung ano man yung binabalak ko nang nakita kong masama pa ring nakatingin sa akin si mama. “Hehe, prank lang ‘yun, ma. You got pranked!” tumawa pa ako pero seryoso lang ang ina ko.

 

“‘To naman si mama ang hirap pasayahin.”

 

“Mahirap nang sumaya sa panahon na ‘to Minjeong kung puro kunsomisyon sa inyo ang natatangap ko.”

 

“Ma, gusto mo bang makatanggap ng regalo sa’kin this year?”

 

“Anong regalo na naman ‘yan? Sinasabi ko talaga sa’yo Minjeong kung—”

 

“Ma, hephep! Ito na nga kasi may regalo nga kasi ako..” Kinapa-kapa ko pa yung bulsa ko para damahin kung nandon nga yung regalo. “Ito nga kasi ‘yon, ma.”

 

Dahan-dahan kong nilabas yung kamay ko at saka naglabas ako ng…

 

Finger heart.

 

“Ma, sensya na ito lang nakayanan ko. Wala kasi akong naipon this year,” nagpaawa effect pa ako paro madama ni mama pero bigla na lang siyang nawala.

 

“Ma?” 

 

“Ma, where na you, dito na me!”

 

“Grabe ma, naiyak ka ba sa regalo ko?”

 

“Mommy kho!”

 

“Oo Minjeong nandito pa ako.”

 

Oo nga, biglang bumalik si mama. Pero may hawak na siyang walis tambo.

 

I think it’s my time to say bye na muna sa house.

 

“Oo nga mommy feel na feel ko na super thankful ka talaga sa gift ko para sa’yo. Dahil doon, aalis na muna ako ma ha. Pakiingatan yung walis tambo na hawak mo. Galing pa man din ‘yang Baguio. Sayang naman kung sisirain mo ‘di ba, hehe.” And after that ay nag-walkout na ako.

 

“Minjeong bumalik ka rito!”

 

“Promise ma, babawi ako sayo!”

 

Umalis na ako ng bahay bago pa ako mahabol ni mama. Grabe ako na nga yung bunso niyang anak pero parang lagi siyang galit sa akin? Echos. Ako rin pala may kasalanan. 

 

Promise talaga mama babawi talaga ako sa’yo.

 

“Psst! Hoy!”

 

I look to my left.

 

I look to my right.

 

I look up.

 

Then I look down.

 

“Hoy Minjeong!”

 

“Oy Aeri nandito ka pala!”

 

“Ano na naman ginawa mo kay tita?”

 

“Hoy wala ‘no. Binigyan ko lang siya ng pagmamahal ko.”

 

Natawa pa si Aeri. Mukhang hindi naniniwala ‘tong isang ‘to.

 

“Mukhang pinataas mo na naman BP ni tita. Parang naririnig kong sumisigaw siya kanina eh. Rinig ko pa pangalan mo.”

 

“Ganon talaga Aeri kapag mahal na mahal niya ako.”

 

“Sige paniwalain mo sarili mo.”

 

“San ba punta mo? Ba’t bihis na bihis ka?” tanong ko. Minsan ko lang makitang lumabas ng bahay ‘tong si Aeri kaya nakakapagtaka talaga kapag nakikita ko siyang nakaayos. Amoy na amoy ko pa mula dito yung pabango niya.

 

“Oy ano gamit mong pabango?”

 

“Mabango ba?”

 

“Oo, gusto ko yung amoy. Hindi siya masyadong matapang for me. Sakto lang siya lalo na kung gusto mo magpa-impress.”

 

“Talaga?” Okay, ba’t parang interesado ‘tong isang ‘to sa pagdedescribe ko ng amoy niya.

 

“Send mo link niyan sa’kin, gusto ko rin niyan.”

 

“‘Wag na, bigyan na lang kita for free. Pinadala lang ‘to sa ‘kin ng tita ko sa ibang bansa eh. Sakto dalawa yung pinadala niya. Bigay ko na lang sa’yo.”

 

“Ay, wag na. Babayaran ko ‘yan Aeri. Saglit lang.”  Kinapa ko ulit yung bulsa ko. “Ito, bayad ko.” Naglabas ulit ako ng finger heart.

 

Aeri sighed. “‘Yan siguro dahilan kung bakit laging naiinis sa’yo mama mo.”

 

“Hoy foul ka!”

 

Nagsimula nang maglakad si Aeri kaya sinabayan ko na siya.

 

“San ba kasi punta mo?”

 

Aeri just shrugged. “Secret.”

 

“Secret-secret ka pang nalalaman eh malalaman ko rin naman ‘yan.” 

 

Tutal parang hindi pa naman ako welcome sa house hanggang ngayon, sasama na lang muna ako kay Aeri. Wala rin naman kasi akong ibang matatambayan if ever. Sa bahay dapat nila Aeri ang go to place ko ‘pag ganito pero parang may ibang pupuntahan ‘tong kaibigan ko. 

 

Syempre, kung nasaan si Aeri, nandoon ako.

 

“Sure ka gusto mo talaga sumama sa akin?” paninigurado niya.

 

“I have never been more sure of anything in my life, Aeri.”

 

Tiningnan lang ako ni Aeri. “Tangina mo.”

 

“Aray ko ha!”

 

“Kadiri ka talaga, Minjeong. Hindi kita gusto hoy.”

 

“Kung maka-kadiri ka naman parang hindi tayo sabay na iniluwal ng mga magulang natin.”

 

“Hindi naman talaga kasi magkaibang taon tayo pinanganak.”

 

“Oo na!”

 

Nauuna kasi maglakad sa akin si Aeri kaya nung huminto siya ay muntik na akong mapasubsob.

 

“Ang sakit-sakit mo na Aeri grabe ka na talaga sa BFF mo. Isusumbong kita sa mama ko—!”

 

“Hi, Yizhuo.”

 

“Oh? Hi! You’re Aeri, right?”

 

“Yes, I’m A-Aeri.”

 

Ah okay gets ko na.

 

Kaya naman pala bihis na bihis si accla.

 

“Meron naman palang kinikita,” mahina kong sabi habang nakangiti ng may malisya.

 

“Hi! You must be Aeri’s friend.”

 

Napaturo pa ako sa sarili ko tapos um-oo naman siya.

 

“Hi, yes, the one and only. Matanong ko lang, nililigawan ka ba ng kaibigan ko?” Triny ko magjoke kaso ang sama na ng tingin sa akin ni Aeri.

 

“I’m sorry, can you say it in English?”

 

Huh? Hindi ba ‘to nagsasalita ng tagalog?

 

“I’m Min—”

 

“She’s my friend, Minjeong. Don’t mind her she just tagged along with me because her mother kicked her out of their house.”

 

“Hoy anong kicked out?” Lumapit ako kay Aeri para mapagsabihan siya pero agad niya akong hinarang at sumenyas na tumahimik.

 

Nagkatinginan kami ni ate girl na englishera tapos yung tingin niya sa ‘kin mga besh parang yung tingin sa mga taong walang-wala.

 

“Oh my god I’m so sorry if your mother kicked you out, Minjeong. You can stay here at our house if you want.”

 

“Sure, if you want. I’ll stay at your house,” tiningnan ko pa si Aeri nang may ngiting nang-aasar. Oh ano ka ngayon, magstay daw ako sa house niya, hehe.

 

“Yizhuo, who are you talking to?”

 

Mabilis akong napatingin kay Aeri. 

 

I think the tables have turned. 

 

Si Aeri na ngayon yung may ngiting nang-aasar habang ako naman yung may hindi na maipintang itsura.

 

Shuta.

 

Ba’t ‘di ko ‘yon napansin agad?

 

Nandito nga pala kami sa harap ng bahay nila Jimin.

 

“Aeri?”

 

“Hehe, hello Jimin. Kasama ko nga pala si Minjeong.”

 

“Ah, hi, Minjeong.”

 

Mas mabilis pa ako sa pusa namin na umiwas nang tingin nang biglang tumingin sa akin si Jimin.

 

Tangina talaga ni Aeri. Dapat talaga hindi ako sumasama sa kanya.

 

Kukuha lang naman ako ng highlighters at notepad pero bakit ba kung saan-saan ako napapadpad?

 

Napadpad pa tuloy ako sa harap ng bahay nila Jimin.

 

“Ngayon lang ulit kita nakitang lumabas. I’m glad I ran into you here.” Jimin smiled. The smile that can make me go onto my knees. Luluhuran po kita miss ma’am.

 

“Oo nga eh, haha. Feeling ko nga bumabalik na naman yung feelings ko sa’yo.” Mahina kong binulong yung last part. 

 

“May sinabi ka ba?”

 

“Huy wala ‘no! Sabi ko masaya rin akong makita kita. By the way, may highlighter ka ba?”

 

Ay, putangina.

 

MInjeong!! Ano na namang katangahan ito?

 

Napapansin ko pa si Aeri na tumatawa sa gilid. Ang sarap niyang sapakin.

 

“Highlighter? Sige try ko if meron.”

 

“J-jimin!”

 

Nagtaas pa siya ng kilay sa biglang tono ng boses ko. Sana hindi niya masamain. 

 

Eh bakit ba kasi bigla-bigla na lang siyang magpapakita sa harap ko nang walang pasabi?!

 

“Wag mo pansinin yung highlighters.”

 

“Sure ka? Parang need mo ata eh.”

 

“Hindi ‘no!”

 

Tuluyan nang naibuga ni Aeri yung pinipigilan niyang tawa.

 

“Jimin, did you know that Minjeong just got kicked out of their house? I’m thinking maybe she could just stay with us.” Awang-awa pa rin talaga si Yizhuo sa akin hanggang ngayon.

 

Napatingin naman sa akin si Jimin with that oh so beautiful smile of hers. Mas lalo tuloy akong nahiya. 

 

Hindi naman ako pinalayas ni mama eh! ‘Tong si Aeri talaga, lagi pa akong pinapahamak.

 

“Oy uhm Jimin, hindi ako pinalayas ni mama. May topak lang talaga ‘tong si Aeri kaya kung ano-anong nasabi kay Yizhuo pagpasensyahan mo na.”

 

Mahina naman siyang natawa sa narinig niya. Minsan talaga hindi ko mawari kung tumatawa ba siya dahil nakakatawa sinabi ko o tumatawa siya dahil crush niya rin ako.

 

“Jimin aminin mo, crush mo ba ako?” hindi ko napigilang itanong. Huli na nang marealize ko yung sinabi ko. 

 

Ang tanga-tanga ko talaga!!






 

***






 

“Kailangan ko na talaga mag-move on kay Jimin. Putangina mo talaga Aeri. Imbes na tulungan mo ‘ko tinawanan mo pa ako.”

 

“Hoy sino ba nagsabing magpatawa ka kanina? Natural tatawa talaga ako. May pasabi-sabi ka pang magmo-move on ka na tapos ikaw ‘tong tiklop pa rin pag nakikita mo na siya.”

 

“Ay aba sumasagot ka na. Hindi kita pinalaking ganyan, Aeri!”

 

At ito na nga. Tumatawa na naman ulit siya.

 

“Pero kasi Aeri…” huminga ako nang malalim at lumapit sa kanya. “Bakit kasi ang hirap magmove on?”

 

“Alam mo Minjeong…” Inakbayan niya pa ako. “Kaya ka hindi nakaka-move on kasi hindi mo naman sinusubukan eh. Kahit naman ilang beses ko sabihin sa’yo na hindi ka niya gusto. Wala, hindi ka makikinig.”

 

“Sensya na. Tao lang ako, okay?”

 

“Ayan kaya tingnan mo kung anong nangyari sa’yo ngayon.”

 

“Ano naman?”

 

Nginuso ni Aeri yung hawak kong highlighter kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pinahiram pa rin kasi ako kanina ni Jimin ng highlighter kahit ilang beses na akong tumanggi.

 

“Hoy Minjeong ni-reject ka na niya diba?”

 

“Ang sakit-sakit mo na talaga.”

 

“Oh eh anong nangyari at nag-iinarte ka ngayon?”

 

“Beh alam mo ba kung bakit ako sinisigawan ni mama kanina?”

 

“Sabi ko na eh pinagalitan ka na naman.”

 

“Saglit lang kasi patapusin mo muna ako…!”

 

“Oo na ito na, ang dami pang sinasabi eh.”

 

“Aeri pinalabas ako kasi naghahanap ako kanina ng highlighter.”

 

Tatawa na naman sana si Aeri pero tinakpan ko agad yung bunganga niya. “Mmmph!”
 

“Mamaya ka tumawa please.”

 

Tinanggal ko rin naman agad para makahinga na siya.

 

“Para saan ba kasi ‘yang highlighter na ‘yan?”

 

“Para sa new year’s resolution ko.”

 

“New year’s resolution mo magkaroon ng highlighter?” Hindi ko talaga alam minsan kung may sa isa’t kalahating tanga itong si Aeri.

 

“Aeri ginawa ko naman ang lahat pero bakit ganon? Siya pa rin talaga,” drama ko with matching punas pa ng non-existent luha.

 

“OA mo Minjeong.”

 

“Nakakahiya pa rin talaga kanina,” nanlulumo kong sabi. I still cannot believe tinanong ko siya ng ganon kanina. Seriously Minjeong? Sa tingin mo ba gusto ka ni Jimin?

 

Tama naman kasi talaga si Aeri. Ni-reject talaga ako ni Jimin dati. 

 

Well, hindi naman directly pero nage-gets ko na ‘yun. Hindi naman niya kailangan sabihin directly sa akin pero ramdam ko naman na hindi niya ako gusto.

 

Ang dami nga kasing nangyari this year at kasali na doon yung umamin ako kay Jimin na gusto ko siya.

 

Nung christmas ‘yon eh.

 

Sabi kasi nila, matutupad daw yung wish mo kung makukumpleto mo yung nine days na simbang gabi.

 

Syempre dahil marami naman akong time at wala namang masama kung susubukan ko edi araw-araw akong nagsisimba.

 

And coincidence rin na nandoon rin si Jimin. 

 

Hindi ko naman dapat sya papansinin nung nakita ko siya sa simbahan pero nakita niya ako and she approached me with her oh so sweet smile. 



 

Flashback:

 

Siguro pangatlong araw ko nang pagsisimba ‘to at masyadong maaga ata yung dating ko kasi ang onti pa lang ng tao.

 

Medyo maaga pa naman bago magsimula ang misa kaya marami pang mga upuan na bakante. Naghanap kaagad ako ng magandang pwesto. Hindi naman kasi ako totally nauupo sa may harap kaya doon ako naupo malapit sa likod. Sapat na rin yung pwesto na ‘to para marinig ko yung homily ni Father. 

 

Nakalimutan ko kasing dalhin yung phone ko kaya wala akong distraction. My only distraction was to look around the interior of the church. 

 

Grabe parang dati dinadaan-daanan ko lang ‘tong simbahan na ‘to dati pero ngayong napag-aralan na namin yung architecture ng mga churches, nag-iiba na sila ngayon sa paningin ko.

 

Look at those stained glasses pati na rin yung design ng ceiling niya. May mga iba’t ibang sculptures. Yung orders din pati yung rose window kanina nung pumasok ako. And don’t forget the tracery. May pagka-neo gothic pala ‘tong simbahan namin.

 

“Hi.”

 

Look at those beautiful eyes.

 

Those plump lips and that mole beneath her chin.

 

Bakit parang biglang nagpakita si mama mary?

 

“Hindi ko alam na dito ka rin pala nagsisimba, Minjeong.”

 

Ang ganda ng ngiti niya.

 

Nagsasalita ba si mama mary?

 

Bakit ang ganda ng boses niya?

 

“May dumi ba sa mukha ko?”

 

“H-huh?”

 

Kailan pa tumabi si Jimin sa akin?

 

“HUH?!”

 

“Oh, nagulat ba kita? Sorry.”

 

“J-Jimin!”

 

“Yes, ako nga, Minjeong.”

 

Hindi ako makapagsalita. Gusto kong magsalita pero bakit parang may pumipigil sa akin. Nakakahiya kay Jimin omg kayo!

 

“Napansin ko kasi na parang wala kang kasama and would you mind kung tatabi ako sa’yo?”

 

“W-wala ka bang kasama?”

 

Parang bigla naman siyang nalungkot. “Ayaw mo ba?”

 

“Hindi!” Mas lalo siyang nadisappoint sa narinig. Ang tanga talaga Minjeong. “I mean, okay lang naman kung tatabi ka sa akin. Tinatanong ko lang kung wala ka ring kasama katulad ko.”

 

I mentally patted myself nang nasabi ko ‘yon nang hindi nauutal.

 

“Actually, ako lang talaga mag-isa. Tulog pa kasi yung parents ko kaya hindi nila ako masamahan.”

 

“Okay.”

 

“Tapos nung pumasok ako, nakita kita. So I’m asking if you’re okay with me sitting beside you.”

 

Alam mo Jimin, hindi naman kita dapat papansinin. Dapat admiring you from afar lang ang peg ko pero bakit parang mas nilalapit ka na ni Lord sa akin? 

 

Hindi pa nga tapos yung simbang gabi pero bakit parang natupad na agad yung wish ko?

 

“Syempre naman, okay lang.”

 

“Talaga?”

 

“Oo, hindi naman ako yung may-ari ng upuan eh,” biro ko pa. Buti naman at natawa siya sa attempted joke ko. “Pero seriously, okay lang talaga sa ‘kin na tumabi ka sa’kin Jimin.”

 

Kahit nga ‘wag ka nang umalis. Dito ka na lang sa tabi ko forever, hihihi. Eme! Ang landi?

 

Kaya ayun, after ng simba, niyaya niya pa ako na bumili daw kami ng mga kakanin. Gusto daw kasi niya ng bibingka so syempre sino ba naman ako para tanggihan siya? Palibhasa kasi alam niya kung pano ako kunin. Isang aya niya lang, go agad ako. Hay, Jimin. Hindi ako pinalaking ganito ni mama.

 

“Minjeong tikman mo ‘to!” Her voice was excited as she handed me a piece of bibingka. Ay wait. Hindi niya pala inabot sa akin. Sinusubo niya ‘to sa akin.

 

“Huh?”

 

Ginalaw ulit ni Jimin yung kamay niya, as if attempting to tell me na kainin ko ‘yung hawak niya. Sino ba naman ako para hindi kainin ‘yon. 

 

Mas lalo ata akong nahulog sa kanya nung nakita ko kung paano siya ngumiti nang kinain ko yung binigay niya.

 

“What do you think? Ang sarap niya ‘di ba?”

 

Tumango ako. “Oo.”

 

“Gutom ka pa ba? Gusto mo bili rin tayo ng balut?”

 

And we spent the dawn just like that.

 

Akala ko nung una, hindi na ‘yon mauulit.

 

But Jimin proved me wrong.

 

“Minjeong?”

 

“Oh, hi Jimin,” Nakangiti kong bati. Feeling ko nga nasanay na ako sa presence niya kaya hindi na ako nauutal ngayon. Pero shuta nandito ulit si Jimin. Lord, is this really the sign?

 

Crush niya ata ako. Bakit nahanap niya agad ako?

 

“Nandito ka ulit sa same spot kahapon.”

 

Ay. Yan kasi napapala kapag assuming ka, Minjeong.

 

“Okay lang bang tumabi ulit sa’yo?”

 

Jimin, tinatanong pa ba ‘yan? You’re welcome to enter in my life. Bukas na bukas na yung pintuan oh.

 

“Syempre naman, Jimin.”

 

Ito na naman yung ngiting ‘yan eh! Sabi ko kasi ia-uncrush na kita eh!

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
katarinapsyche
#1
Chapter 1: 🥺
TYTFshipper
265 streak #2
Chapter 1: Happy na birthday pa 🥳🎉
maxiclaine #3
Chapter 1: Ay zanaol🤧 me, when?!!!!😭
chevry #4
Chapter 1: haha sana all na-crush back ng aries XD
taytaysbetty
#5
Chapter 1: Lah! Sana all! 😭🎉🎊
M_1412 #6
Chapter 1: AAAAAH ANG KILIG Q WALANG MAPAGLAGYAN

#NoToJeepneyPhaseout
yujiwinteo
57 streak #7
Chapter 1: Happy new year unang una pa lang inggit nanaman naramdaman ko
gomtokkim
2154 streak #8
Chapter 1: Thank you authornimm happy new yearrr
TakuyaKen
#9
Chapter 1: dpt pnptpos kasi minjeong haha
EzraSeige
#10
Chapter 1: 😍😍😍