chapter V

Love and Lies
Please Subscribe to read the full chapter

marahang sinabunutan ni karina ang buhok niya, pumipitik na naman ang sentido niya. nagising kasi siya na sobrang sakit ng ulo parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya.
bumangon siya para magluto ng agahan, marami siyang gagawin ngayong araw, maglalaba at maglilinis ng bahay.

    nang mga nakalipas na araw ay palagi na lang siyang ginigising ni winter para magluto. ayaw na niyang sanayin ang sarili na gigising lang kapag narinig ang sermon nito. kailangan niyang gumising nang may dahilan.


hindi pa nakakabangon sa kama si karina nang bigla na namang sumigid ang sakit ng ulo niya. napabalik siya sa higaan. noong isang araw ay sumama siya kila yuna sa ilog para maglaba. masyado yata siyang napagod. masarap kasing kasama ang grupo nila yuna dahil hindi naman masyadong nalalayo ang mga edad nila.
napalapit na din siya sa mga dalaga. kung titingnan napakalaki na ng ipinagbago niya sa loob lang ng isang buwan at bukal sa loob niya ang pagbabagong iyon.

 

 

------

 

    "Winter, malapit na ang fiesta rito sa San Antonio. siguro naman sasali ka na palo-sebo?" biro ni mang berto.

nasa bukid si winter at tinutulungan ang matanda sa paghahakot ng mga palay. maaga siyang umalis ng bahay dahil kung ano-ano ang naiisip niya habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni karina na natutulog, lalo na ang mga labi nitong minsan na niyang natikman.


    "naku mang berto, alam niyo naman na wala akong hilig sa mga larong ganyan"


    "matanong ko nga pala winter, ikaw ba ay wala man lang bang nararamdaman na kahit ano sa magandang dalaga na kasama mo? tukso ni Mang Delfin na kasama rin nila.


natigilan si winter, "kayo talaga mang delfin, kaibigan lang po ang tingin ko sa kanya" pero bakit parang hindi bukal sa loob niya ang pagbanggit sa mga salitang 'kaibigan lang' napailing na lang siya.

    "naku, ganyan na ganyan din ang sinabi ko noong magkakilala kami ni Sitang ko. nauwi tuloy kami sa mag-kaibigan!" singit naman ni Mang Taeyang.
nagtawanan ang ibang nandoon.
    napatingin si winter sa relo. alas-otso na pala. -nagluto na kaya yun?

    "mang berto, uuwi po muna ako baka mamaya hindi pa nagluluto ang kasama ko" paalam niya.


    "sige lang winter, hindi naman kasi nababagay ang gandang babae mo rito sa bukid eh" biro ni mang berto.
    "kayo po talaga, sige po babalik na lang siguro ako mamaya." dali-dali nang umuwi si winter. nakakita pa ng ligaw na bulaklak habang naglalakad pauwi. pumitas siya ng ilang piraso. -sana magustuhan niya to.

 

 

----

 

 

     "karina!"

gustuhin man ni karina na tumayo sa higaan ng marinig ang pagtawag ni winter pero hindi niya kaya. nanginginig siya sa lamig.

    "karina? anong nangyari sa'yo? bakit namumula ang mukha mo?" magkasunod na tanong ni winter nang makapasok sa kuwarto. lumapit ito sa kanya at sinalat ang kanyang noo.

 

    "karina! sobrang init mo!"
    "s-sorry, hindi pa ako nakakapag-luto. s-sandali lang magluluto ako" nagtangka siyang tumayo pero pinigilan siya ni winter.

    "what the hell are you doing? stay here and rest. ako na ang magluluto at dadalhan kita dito ng pagkain at gamot"
    "i'm fine. kaya ko-" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla siyang yakapin ni winter.

    "i made a promise that i will take care of you. I'm not good at taking care of others but i'll do my best to take care of you" sabi ni winter sa mababang boses.


bumilis ang tibok ng puso ni karina sa hindi maipalawanag na rason. parang may naghahabulang daga sa loob ng dibdib niya. may gusto siyang sabihin kay winter pero hindi niya alam eksakto kung ano iyon at kung paano sasabihin.


sa mga oras na iyon, hinayaan lang niyang yakapin siya ni winter.

    "stay here okay? wag kang gagalaw masyado" bilin pa ni winter nang pakawalan siya.

    "okay"


    lumabas na ito ng kwarto.
nagtalukbong uli siya ng kumot at pumikit. dahil masama ang pakiramdam ay nakatulog siya.

 

 

hindi man alam ni karina kung ilang oras siyang nakatulog. pag gising niya, ang magandang mukha ni winter ang nabungaran niya. nagdedeliryo na yata talaga siya dahil kitang-kita niya ang labis na pag-aalala sa mukha nito.

    "thank God you're awake"
    "anong oras na ba?"


    "one in the afternoon. nagluto ako for you karina, here." inalalayan siyang makaupo ni winter at isinandal sa kama. "here eat this" nilapit nito sa bibig niya ang kutsara na may mainit sa sopas.

    "g-gusto mo ba akong patayin?" biro niya.
kumunot ang noo ni winter. "ha? ofcourse not."


    "sobrang init ng sabaw baka pwedeng hipan mo naman muna for me?" natatawa niyang sabi.
    "ahh sorry sorry" natataranta nitong hinipan ang sabaw.


    natawa si karina sa itsura ni winter, nakatali ang mahabang buhok at namamasa ang noo sa pawis. kinuha niya ang towel sa tabi at pinunasan ang pawis nito.
nagulat naman si winter sa ginawa niya.


    "s-sorry. baka kasi matuluan mo yung sopas ko, lalo akong magkasakit" biro ni karina para pagtakpan ang ginawa.

ngumiti si winter. "sa susunod, wag mo nang pagurin ang sarili mo. tignan mo ang nangyari sayo, nagka-sakit ka tuloy" sermon nito sa kanya.

 

    "opo, masaya lang ako sa ginagawa ko. after all, hindi pala ganun kahirap ang maging mahirap. it's just how you deal with it" her face glowed with contentment which she never felt before.

 

    "masaya ako sa pagbabago mo, pwedeng-pwede na" napakunot-noo si karina hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. pagkaubos ng sopas, pinainom siya ni winter ng gamot.

 

    "there. take a rest" sabi nito pagkatapos siyang alalayang makahiga. "kailangan ko ng bumalik sa bukid, tutulungan ko lang sina mang berto kailangan din ako ni grace dun"
lalo namang sumama ang pakiramdam ni karina sa narinig. sino ba ang grace na yun? mas maganda ba yun sa kanya? at palaging bukambibig ni winter? 

    "okay" masungit niyang sabi at nagtalukbong ng kumot.

 

 

-----


    nagising si karina dahil sa tugtog ng gitara na nagmumula sa bakuran. nangingibaw ang tawanan nina mang berto.
bumangon siya at sumilip sa bintana. mukhang nakabuti ang pag-aalaga ni winter sa kanya dahil hindi na masakit ang kanyang ulo.

tumingin siya sa orasan. alas siyete na pala ng gabi, mukhang wala pa si winter. -saan ba nagpunta yun?


    "Ate karina!" tawag ni yuna na kasama rin sa umpukan. nandoon din ang iba nilang mga kaibigan. halatang may kasiyahan doon dahil inilabas pa ang mesa para paglagyan ng makakain.

 

    "anong meron?" tanong ni Karina.
    "wala naman. kaunting salo-salo lang, pang-alis ng stress. baka pwede pa kaming makahabol sa ganda mo" biro ni lily.
    "kayo talaga.... sige sandali lang, magbibihis ako."


dali-daling nagpunta sa banyo si karina at naligo. pagkatapos ay agad siyang nagbihis ng isang simpleng itim na shorts at puting t-shirt. lumabas na siya pagkatapos.
    "mukhang masarap ang pagkain ah. nakakagutom tuloy." pritong tilapia, pakbet at tinolang manok ang nasa mesa. mayroon ding manggang hinog at pakwan.

 

    "O, hindi pa ba tayo kakain? nandito na si karina." sabi ni mang delfin.
    "nasaan po si winter?" tanong ni karina.
    "hay naku. inaasikaso pa si Grace. manganganak na kasi. pero hahabol daw siya, ibinilin nga niya sa amin na wag daw kaming kakain nang hindi ka kasama"

 


karina was startled with what she heard and almost fell from her chair. -anong manganganak?? manganganak ang girlfriend ni winter? magkakapamilya na siya? paano yun? afford pala ni winter yung process

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
ah gumawa pala ako ng twitter: @stoicme_

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 11: Kasal and kids when author hahaha
taeknight09 #2
Chapter 11: ang ganda nito author. hidden gem itong story na 'to
elevenelevenfine
#3
special chapter 😭💗
jmjenjoyer
#4
Chapter 5: buti na lang hindi pa naman ako nagseselos sa kalabaw HAHAHAAHAHAHAH
barontagalog #5
ito pala una kong babasahin muna
_multiplayer__troy #6
waiting parin sa special chapter part two hehe thanks author! 💫
asdfghjklmaeee
173 streak #7
Chapter 11: Thanks po sa special chap ☺ tuloy na tuloy na talaga kasal nila huhu
joyie4ever #8
Chapter 10: HAHHAHAHAHA lt
sevenrina
#9
Chapter 11: ganyan ang bonding. laham na yata kita, authornim