23:00

cuida mi ciudad
Please Subscribe to read the full chapter

 

Unlike all the cities that once cradled Karina to sleep, itong lungsod na binibigkisan ng isa sa walong matatapang na probinsya ang pinakamayuming taga-ugoy ng duyan. Hindi nakapipikon ang huni ng mga kuliglig dahil ang melodiya’y kumpas ng banayad na simoy ng hangin. Mabagal ang oras kaya maging ang mga palay at kawayan ay nagagawang kumaway sa kumakaripas na mga sasakyang nakikikiraan sa four-lane road na once a year lang kung makaramdam ng mabigat na daloy ng trapiko.

 

Kakaunti pa lamang ang mga bahay sa street nila kaya tanaw mula sa balcony ng kanyang villa ang nakapaligid ritong malalawak na bukirin at sakahan kahit na dalawang palapag lamang ito. Marami sa fixtures dito ay sinalvage ni Karina mula sa matandang bahay ng lolo’t lola niya nang iparenovate ito. Kaya siguro musika sa tainga niya ang paglangitngit ng mga pinto sa bawat k’warto ng bahay ay dahil nostalgic sa pakiramdam.

 

This year’s theme for the year-end season ought to be devoided of the Christmas spirit like how it annualy had been. ‘Yun nga lang, Karina’s mother wanted her to live with somebody ngayong taon dahil siya na lang ang naiwang Gavino rito sa Pilipinas. TLDR, ang pinakauna niya—at probably huli na ring—tenant ang may sala kung bakit halos kada tatlumpung minuto ay may nags’slow down na sasakyan sa harap ng bakuran niya para kunan ng retrato ang façade nitong inadornahan ng singkaban at mga parol na si Karina mismo ang nagdisenyo, na ang ila’y siya ring may gawa.

 

Dinig pa ngang bulung-bulungan ng matatanda sa lugar, ngayon lang daw nagkaroon ng buhay ang bahay na ito.

 

Nakaharap siya sa tanawing ipinakikilala ng bukas na lanai sa likod-bahay. At dahil bukas maging ang floor-to-ceiling windows niya, napahihintulutan ang hanging masakop ang buong bahay. Sa tunog ng kaluskos ng mga sanga, alam na ni Karina kahit hindi niya tingalain na amihan ang hanging lumalanyos sa nakalantad niyang braso. But even its visit—a subtle kalabit from the season—isn’t able to make Karina put down her cutter-sharpened 2B pencil na slightly taller lang sa ring finger niya; ito ang eksenang kinukumutan ng bilyong mga tala.

 

She sits on a butaca chair habang namamahinga sa kandungan niya si Julian Gavino, a calico cat na natagpuan niyang nakasiksik sa ilalim ng hood ng puting pick-up niya five months ago. The name was given by her tenant, though hindi naman naging discussion ang pagpapangalan at pag-aadopt sa pusa. Bigla na lang kasi itong umuwi na may dalang collar at tag matapos makatanggap ng photo ng pusa mula kay Karina, and etched on it are both their surnames. Karina likes to call the cat Jules—sunod sa apelyido ng tenant niya. Walang nakasisigurado kung pang-inis ba talaga ito. She’d even change the lyrics of Hey Jude to Hey Jules tuwing kinakanta niya ito sa pusa whenever it sleeps anywhere near her; tulad ngayon, habang ginagawa niyang patungan ng pocket notebook ang katawan ni Jules. Chicken sketches ng mid century cantilever chairs ang laman ng kasalukuyang pahina.

 

Karina suddenly squints, craning her neck para sipatin ang umilaw na screen. She slips the pencil behind her helix when her phone rang. A ghostly touch on Jules’ fur bago niya kunin ang phone sa katabing nesting table. Bumungad sa kanya ang nanay niyang nakikipagbeso sa kadarating lang nitong bisita.

 

“Oh, why are you still sitting there? D’yan ba ang party ‘nyo ni Guian? Ilibot mo nga ako, Rina, hija. I tell you what, Guian told me you were hands on in helping decorate the house kaya dapat makita ko ‘yan,” nang marinig ito’y agad napailing si Karina pero hindi nito nagawang itago ang saglit na pagsilip ng ngiti. Of course, Guian—her tenant skipped the part ng pagpilit at pangungulit niya kay Karina na tumulong.

 

Malayo na ang mommy niya mula sa ingay ng aligagang bahay. Sa likod nito makikita ang nakaparadang mga sasakyan. Karina waves at her father na sumunod sa asawa to place a coat over her shoulders. “Pinadalhan niya pa nga kami ng dad mo ng pictures of your wrinkled forehead while leading the workers. Ay! Nakakaexcite naman, it’s the first time na occupied ang bahay mo ngayong Christmas. An hour na lang bago ang pasko d’yan diba, anak?”

 

Agad ang pagtango ni Karina. Mabilis ang pagtunton ng kanang kamay niya sa noo ni Jules nang iangat nito ang kanyang ulo. The back of her fingers tried to soothe the disturbed. The enthusiasm evident in her mom’s voice probably awoken the cat.

 

“Yes, ma,” tuluyan nang bumangon si Jules para lumipat ng p’westo. Karina stood up para sundin ang nanay niya. Her camera pans over the dining table first nang makapasok siya sa loob ng bahay. “Gawa ko ‘yang graham cake. Guian let me ditch the mango,” there was a hint of pride in her voice na siguradong napansin ng tatay niya dahil kumurba ang dulo ng mga labi nito pataas. “Pumayag si Guian? Anong lasa n’yan?” pagkukunwari pa nitong mapakla ang timpla ng mukha sa paraan ng pagngiwi.

 

“Dad, ‘wag ka nga. Guian even brought a tub with her!”

 

A beat.

 

“What do you mean?” her mother raises a brow.

 

Karina swallows. May pag-aalinlangan sa ngiting binigay niya sa mga magulang through the phone. Her dad waves good bye pero bago umalis ay malambing nitong pinisil ang balikat ng asawa; perhaps, para ipaalalang walang lugar ang galit at sermon sa mga oras na ‘to. Itinuloy ni Karina ang paglalakad papunta sa front yard habang yakap ang sariling braso; mas malamig ang hangin dito dahil tabing kalsada. “She went back sa metro after helping me prepare my Noche Buena.”

 

Hindi pa ganap na bilog ang buwan, may bahagyang tapyas sa kaliwang bahagi. Mula sa kinatatayu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
547 streak #1
Chapter 1: Uyy ngayon ko lang nakita to ah