Part 2.4: It's just a bad week.

Double-dealing
Please Subscribe to read the full chapter

November 10, 2023

1:31 pm

Saturday 

Cubao, Metro-Manila

Novotel. Executive Suite. 



Gusto nang sabunutan ni SPO2 ang sarili niya. Ang dami niyang dapat gawin.

Una sa lahat ay asikasuhin ang nagdadabog na si Winter Chavez dahil wala raw siyang damit, malapit naman daw sila sa mga malls bakit hindi siya hayaang bumili pero syempre pera ni Karina ang gagamitin. 

 

Pangalawa, mag desisyon kung ibibigay niya ba si Winter kay Jeno o hindi, obvious naman na siya ang hinahanap nito at mga tauhan niya yung nasa barclub noong nakaraan. 

 

Pangatlo, maghanda ng magandang rason dahil malilintikan talaga siya sa pagliban niya sa trabaho. 

 

Pang-apat, yung tanginang utang ng tatay niya. 

 

Pang-lima birthday ng bunsong kapatid niya.

“Pwede ba babaeng hilaw manahimik ka muna kahit saglit lang?” sita niya sa kasama nang padabog nitong sinara yung cabinet na may lamang mag tuwalya. 

 

Hindi naman natinag yung isa. “Eh kung hinahayaan mo na kasi akong bumili ng damit ko ‘diba? Lagkit na lagkit na ako oh, hindi pa ako naliligo baka magreklamo ka na naman lahat nalang nirereklamo mo sa akin. ‘Tsaka akala ko ba pupunta tayo sa pre-”

“OO NA.”

 


//

 


November 10, 2023

2:22 pm

Saturday 

Cubao, Metro-Manila

Gateway Mall.

 


Sumusunod lang ang ating bida sa feeling turista niyang kasama. Hindi niya naman kasi ito mahayaang umalis mag-isa dahil nga baka may mangyaring masama. Sumang-ayon na lang din siya kanina para hindi na masyadong kuwestiyunin ng babae ang pagdelay niya ng pangako niya.

Atsaka para narin bumili ng regalo para sa bunso niyang kapatid na kausap niya ngayon sa tawag. “Ate kailan ka ba talaga uuwi? May bumugbog daw kay Tatay kahapon at inatake narin kaya nasa hospital ngayon si Totoy para bantayan siya.”

Napaka pabigat talaga ng gagong ‘yon.

“Ang sabi ng mga kapitbahay sinisingil daw si tatay ng mga inutangan niya, eh nasa milyon daw yun ate.” puno ng pag-aalala ang boses ni Eunchae. Kakatapos lang ng pangalawang subject niya at papunta na siya sa pangatlo.

“Wag mong problemahin yun, ako na bahala. Pag-uwi ko diyan, nasolusyunan ko na lahat.”

Sana nga.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang pumasok sa loob ng H&M si WInter.

Itong babaeng ‘to magpapalibre na lang doon pa sa branded.

“Sige na Eun, happy birthday. Celebrate kayo sa labas o padeliver sa bahay ng kahit ano magcacash-in na lang ako tapos diretso sa gcash mo.” bago pa makapag react ang kapatid niya, binabaan na niya ito ng tawag at sumunod sa clothing store.

Karina approached Winter from the back kaya medyo nagulat ito. “Paalala ko lang sa’yo dalawang pares ng damit lang ang kailangan mo.” hinampas siya nito ng hanger ng t-shirt na balak niyang isukat. “Wag ka nga mang gulat, parang sira.”

Mas naunang pumasok yung isa pero naunahan pa siya ng pulis pumili ng damit. “Bagay ba sakin ‘to or itong may konting design?” puro kasi tanong.

“Yung may design.”

“Lah? Ginawa mo naman akong bata.” tapos kapag sinagot, hindi pa rin makukuntento.

Walangya, tinanong mo pa ako?

Siguro higit isang oras sila sa loob ng H&M. Gusto pa ngang tumingin sa iba ni Winter kaso pinandilatan na siya ng kasama niya. Hindi lang ‘yon si Karina rin ang pinagbuhat niya dahil raw masakit yung mga braso niya.

Nasa loob sila ng Starbucks ngayon at siyempre yung desisyon ang nag desisyon at humila kay SPO2. Siya narin nga ang pinag-order at pinagbayad. Tila sugar mommy na siya sa lagay na ‘to.

Habang naghihintay sa kape nila, nagtext ulit si Karina kay Ningning habang si Winter naman ay paulit-ulit na tinitignan ang mga binili nilang damit, sinabi pa nga nito na aarborin niya ang sweatshirt at bucket hat na binili ng kaharap.




Ningning na walang sparks


Hindi na pala ako makakapasok.
Nadagdagan yung mga problema ko.
Baka sa Lunes na ako makapasok.

 

Tinitigan niya ang sariling mensahe. Iniisip niya ba kung tama ang desisyon niyang wag na muna mangdamay ng iba o magpatulong. Sinabihan kasi siya ni Jeno na dapat sila lang dalawa ang makakaalam.

Alam niyang kapag nilabag niya ‘yon, pamilya niya ang manganganib kaya kanina pa siya nag-iisip ng plano at kung paano niya ‘yon magpagtatagumpayan nang mag-isa.

Kaya niya naman kaso hindi niya pwedeng basta iwanan si Winter Chavez. Jeno mentioned na siya na lang daw ang nakakaalam na hindi nawala sa ilog Pasig ang susi ni Don Gustavo, kami lang daw dalawa.

Masyadong kumportable si gago sa akin, akala niya yata hindi ko alam na ang susing hinahawak niya ay para sa safe ni Don Gustavo.

Tarantado, aanhin ko yung 50 million mo kung pwede ko naman kunin lahat.

Tusong ngumisi si Karina.




Ningning na walang sparks

 

hoy anteh ka, bawas yan sa sweldo mo
may kinalaman ba yan sa pinasearch mo
sa akin?

 

Medyo lang dahil sa tatay kong
utang nang utang. 

kahit naman kaibiganin mo yung
anak ng business partner nung matanda
malabong hindi ka na singilin

Basta Ning, ako na bahala wag  ka 
na makigulo, ayos ba? Ililibre kita 
pagkabalik na pagkabalik ko diyan

 

sinasabi ko lang, tamad ako
wag kang mag-alala ‘ni hindi ko nga
binasa yung sinend ko sa’yo kasi
nagcocompe ako non.


Yan ang gusto ko sayo Ning, hindi ka pakielamera.

“Creepy mo naman.” bumagsak ang gilid ng mga labi niya nang marealize niyang nasa labas siya at hindi siya mag-isa. “Bawal ba ngumiti?”

“Creepy kasi ng ngiti mo tapos parang may masama kang binabalak.” walang pake si Winter kung may nakakarinig ba sakanila dahil puno ang SB. “Judgemental ka lang tsaka ano bang pake mo?

The shorter girl crossed her arms. “Yan init na kaagad ng ulo.” Umismid yung isa. “Dami mong sinasabi, edi wag kang tumingin. Nakikitingin ka na nga lang nang libre.”

Tumaas ang kilay ng babaeng orange ang buhok. “Wow, ano ka celebrity?” hindi siya pinansin ni Karina. Muli itong nagcellphone.

Aawayin pa sana siya ng kasama nang tawagin na ang order nilang kape.

Bahala ka diyan. Ingay mo eh kung ibigay na lang kaya kita kay Jeno? Wait nga, speaking of the motherer, itetext ko na nga pala ang demonyo.


0919**67531

 

Nahanap ko na yung pinapahanap mo.

3h!?!? oTt0keH!? J1hnj4??


Bilis ni gago mag-reply ah.


0919**67531

 

Pwede ba ayusin mo yung pag-tatype mo? 

Hindi kita maintindihan. Abnormal ka ba? 


nagulat lang aq cge i2 na nga


Putangina mo talaga. Tanginang kokote yan kasing laki ng langgam.


0919**67531

 

Dadalhin ko na agad sa’yo bukas.

Galit na chief ko sa presinto kaya
kailangan ko na agad bumalik. 

 

di q pa nga naexplain kung whyket
aq nagolat ih

galing m ah, di q p nga nasesend

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
I almost forgot to update.. The next part will take awhile bago ko mapublish because I have a lot of exams to survive. Regardless, thank you for waiting~

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Daan daan lang baka sakali 👨‍🦯
stillintoyu
200 streak #2
Chapter 6: ANG KULITTT naeexcite na ako sa next happenings hahshaah
stillintoyu
200 streak #3
Chapter 3: bading pota HAHAHSHAHHAHAHA
stillintoyu
200 streak #4
Chapter 1: tangina hahshshaha
Eybrelros #5
Chapter 6: Bilis naman mapol ni SPO2 😆 pasok "Hindi kita iiwan" by Sam milby😌
Eybrelros #6
Chapter 5: Sabi na nga ba ang lala haha
Ang swerte swerte naman ng ating bida lahat ng problema kusang lumalapit pati sariling solusyon lumalapit din yawa😆
yujiwinteo
65 streak #7
Chapter 4: Kulit pa din ng pov ni polis puro mura lang 😂
Kael_neo #8
Chapter 4: naks, medj close na. pero bro, I'm curious about sa key.
idkwhatnametouse #9
Chapter 4: kakarmahin ba to c karina
Kael_neo #10
Chapter 3: kyottie naman, sana si Minjeong 'yung angkas niya.