Oneshot puno

Sundalo (oneshot story)
Please Subscribe to read the full chapter

March 19, 2023
8pm
One shot story

 

 

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako na bakit ako ang napili ng pamilya ko na magsundalo? 

Pwede naman kasi si kuya Renjun na lang sana kung walang sakit to eh, bakit ako pa?

Ang pinaka nakakatanga eh bat ba ako nagpalista? kung pwede naman ako pumunta kay lola. 


Dalwang taon na ko rito at sumusunod sa bawat sinasabi ng commander officer namin... gusto ko na umuwi... isang taon na lang malapit na...

Naalala ko pa yung unang pagtapak ko sa pagsusundalo... kabado syempre ikaw ba naman ang nasa isip ko noon na mamatay lang naman ako rito, kasi papasugudin ka sa war eh,

Mali pala ako, marami palang obligasyon ang pagiging sundalo ang iligtas ang mamayang pilipino at ang sariling bayan, kundi sa pagtulong sa kapwa nangangailangan lalo na kapag may kalamidad at lalo na kapag sa mga bukid o bundok na nakatira kasama rin pala sya sa training, pero ang pinaka una talaga namin ginawa bago maging sundalo eh ang magpaalam muna sa kani-kanilang mga magulang pinaka mahirap gawin kahit na sabihin natin na may galit tayo sa ating mga magulang, di tayo malapit, o kaya naman ay may tampo mararamdaman mo pa rin yung bigat na di mo sila makikita ng ilang taon mga 3 taon? o 4 taon?

Makikinig mo sila na nagsasabi na "mag-ingat ka, wag mo pababayaan ang sarili mo" daig pa ang sinabi nila na mahal na mahal ka nila. 

"Umuwi kang ligtas" sabi ni mom, napatingin naman ako rito na tumango lang


"wag ka na magtampo sa amin, ikaw lang ang may malakas na loob sa inyo ng kuya mo" sabi ni dad
bumuntong hininga naman ako may magagawa pa ba ako? ako naman ang naglista sa sarili ko, eh andito na ako wala na antrasan to napakalayo nitong training camp na to o boot camp na tinatawag ata. 


"wala na kong choice, duwag kasi yang si kuya Renjun" sabi ko na lang na walang ka emo-emosyon,
niyapos naman ako ni mom at dad kasama na rin si kuya

"Lahat ng mga nagpalista pumunta rito sa harapan" sabi nung parang commander officer

Tinanggal ko na ang yakap nila at pupunta na sana sa unahan dala ang gamit ko...

"Mag-iingat ka palagi, kahit noon pa man proud na kami sayo Winter, Umuwi kang ligtas at buo" sabi ni kuya Renjun

Nagpatuloy na ko ng paglalakad at huminga ng malalim, pinipigil kong wag tumulo ang luha ko... na nagkukunwari na matatag ang loob ko.

Pinagmasdan ko ang lahat ng mga tao sa pagilid naiyak ang nakakarami maski ang mga ama nila ay naiyak na rin, hinanap ng mga mata ko kung san kanina naka pwesto sina kuya, kita ko ang pagkaway nila at ang pagpahid ng luha ni mom, umiwas na ako ng tingin,

iiyak-iyak kayo dyan, kayo naman may gusto nito kasi kailangan ng isang myembro sa bawat pamilya ang mag sundalo kasi sa pamilyang Kim ay may dapat na magsundalo sa bawat henerasyon at ako ang napili nila dad kasi no choice naman talaga, dahil bawal si kuya Renjun may sakit ito sa puso. 

Napatingin ako sa mga kasama ko, halos mga babae pala kami lahat dito, hiwalay nga pala ang babae at lalaki kapag ganitong training palang ang pagkakaalam ko.

May lumapit na sundalo samin na nakapila.

"HU-MAN-DA NA!" sigaw nito
napaayos naman kami ng tayo,

"HU-MA-NAY NA!" sigaw ulit nito
at sumunod naman kami na nagsihanay

"Magtipon kayo ng 6 bawat hanay pumila kayo ng ayos!" 

"Sir Yes Sir!" sigaw namin.


Pagkatapos ng program pinapunta na kami sa kanya-kanya namin na silid di ko kilala ang mga kasama ko bali 6 kami nagkakahiyaan pa kami at tahimik na nakaupo lang sa bawat pwesto namin dito sa hihigaan namin mamaya. 


"Ryujin nga pala" pakilala nung katabi ko tinignan ko ito at tumango

"Winter" pakilala ko naman

"Hello, Ako si Ningning" bati nya samin

"Yuna here" taas kamay na sabi nito

"Chaeryeong"nakatinging nakangiti sakin

"Yujin mga tropa" sabi nito

Napatayo naman kaming lahat nang pumasok ang naka uniform na sundalo tumingin ito samin.

"Ako ang Squad Leader ngayong araw na ito hanggang bukas ng maga para sa basic training na gagawin nyo" panimula nito

"Ang pagiging ganap na sundalo ay hindi biro" tumingin ito sa isang kasamahan namin

"Meron bang nakakatawa!" sigaw nito na nakatingin sa kasamahan ko

"Wala po Sir!" sigaw nito at naka straight ng tayo

"katulad ng sabi ko hindi biro ang pagsusundalo kaya wag nyong gawin na madali lang ang pagsusundalo kaya seryosohin nyo! naiintindahan ba!" sigaw ulit nito

"Sir Yes Sir!" sigaw namin lahat

may narinig kaming may umutot, nagpipigil ang iba ng tawa at mababakas mo ang mga nakangiti ang mukha, kinakagat ko naman ang loob ng pisngi ko para wag mapatawa, napaka dugyot kung sino yun ang baho pa

"Maghanda na kayo! at susukatan kayo para sa uniform hindi ako makakapasok at tanging kayo lang mga babae, kaya magsiayos kayo at wag pasaway!" sigaw nito

"Sir Yes Sir!" sigaw ulit namin

Umalis naman ito agad, siguro naamoy nya yung baho.

Sa pagkaalis nyang yun nagsitawanan na kami.

"Layo naman ng iniisip mo Retsam Winter" tapik ni Ryujin sakin

napatingin naman ako rito

"Oo naalala ko lang naman yung umutot ka nung unang araw natin dito"

Nahampas naman ako nito at dinig kong natawa ang iba namin kasamahan, naging kaibigan ko na rin pala sila rito, kami-kami ang nagdadamayan sa lahat ng hirap. 'Di ko nga lang masabi sa kanila pero kaibigan na turing ko sa kanila kahit na I doubt them sometimes. 

"Napaka dugyot kasi hanggang ngayon nyan ni Ryujin" sabi ni Yuna

"Mas nakakakaba naman yung sagutan dati nyan ni Winter at ni Squad Leader noon dahil di alam ni Winter kung bakit pinili nya ang pagsusundalo" sabi ni Ryujin na halatang bumabalik sa nakaraan

"Tama ka ang intense kaya" sagot naman ni Ning
tinignan naman ako ni Yujin at Chaeryeong

"Isang taon na tayo at mahigit may sagot ka na ba? kung bakit ka nagsundalo?" tanong sakin ni Chaeryeong

Nakaabang naman silang lima sa isasagot ko, napabuntong hininga naman ako...

Ano ba dapat ang isagot ko? miski sarili ko nga hinahanap ko pa... di ko pwedeng sabihin na maka-tao ako at maka bayan kasi di ko ramdam sa sarili ko na mahal ko ang sarili ko at ang paglilingkod sa tao na ginagawa ko ay dahil sa utos di dahil sa gusto ko sya, kahit na mahal ko ang bayan ko di ko kayang ipaglaban dahil di ko pa tanggap ang sarili ko kung sino ba talaga ako, ang gulo ng isip ko, ewan ko na talaga. 

"Ayun pa rin sagot ko pinilit lang ako ng magulang ko dahil may sakit ang kapatid ko" sabi kong walang emosyon

napabuntong hininga lang silang lahat, sanay na sila sakin na tahimik at minsan may pagkapasaway.

"nakakausap mo pa ba si Tito?" tanong bigla ni Yujin

Napatingin naman ako rito

"Last na usap namin?" napaisip ako... kailan nga ba yun? 

"Yung nangyaring yun wala raw ba akong pangarap? Galit daw sakin si Lolo ang General saming pamilya" sabi kong mapakla 

natawa ako ng bahagya at napangisi, nagtataka naman ang mga tingin nila sakin.

"Dapat sya yung nagsundalo, bakit sakin pinasa? Kahit anong gawin nila di mapapalapit ang loob ko kay retired General" pagtatapos ko

Nagpagpag na ko at iniwan sila free time pa naman may 5 minutes pa bago ulit sumabak sa training ulit sa mga putikan, Pagkapunta ko sa toilet nagmadali akong umihi medyo malayo-layo rin kasi to at ayokong malate nanaman at patakbuhin nanaman ako ng 50laps at 100 push ups.

Pagkalabas ko andito pala si commander officer at si Boss Knight colonel, napatayo naman ako ng ayos, parang may inaabangan sila, dederetso na sana ako ng alis.

"Private Kim Minjeong" tawag sakin ni commander officer

Tumigil ako sa paglalakad at naging alisto sa kinikilos ko, humarap ako sa kanila at deretsong nakatayo

"Yes sir" sagot ko 

Tinignan naman ako nila at napabuntong hininga

"alam mo na ba kung bakit ka nagsundalo?" tanong ni colonel

Tiim bagang at mapuputlang kamay dahil sa higpit ng pagkakatiklop nito. Ayan nanaman sila sa tanong na yan kailan ba sila magsasawa? kahit ako di ko alam.

"hindi mo pa rin alam? samantalang ikaw ang mas nakakaangat sa kanila at maraming alam sa training, pwede ka naming iadvance training" dagdag pa nya

Di ako umimik kutob ko nanaman na ginamit ng lolo ko ang kanyang ranggo para mapunta ako sa mahirap na training talaga, ikaw ba naman simula bata pa lang tinuturuan na kami kung paano lumaban at dumepensa, lalo na nung kami ay 14 years old kung paano maging alisto sa kapaligiran.

Natigil lang noong nagkaproblema sa puso si kuya at nagpatuloy na ulit ang training ng ako lang.

Ganyan sila kahigpit sakin lalo na si lolo kahit bihira ko to nakikita at si dad ang nagtuturo sakin kasama ang ibang sundalo.

"Alam mo ba parehas kayong matigas ang ulo ni General Kim" 
napalingon naman ako sa nagsabi, napaayos kami ng tayo ulit

"Salute!" sabi ni colonel
sabay kaming tatlo nagsalute at ibinaba na ang mga kamay ng tapos na rin magsalute si retired General Lee, isa sa mga kaibigan ni lolo.

Kung andito to paniguradong andito rin si lolo nagmamatyag, nagpalingon-lingon naman ako, siguro matalas lang talaga ang paningin ko kahit malayo eh natatanaw ko yung sa bandang mapupuno, kita ko ang isang pigura sa may isang puno nakaitim ito. Bakit kasi dito sa mabundok pa ang training?

"May ta-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng kita kong yung taong itim ang suot ay may inihagis sa direksyon ni General Lee, dali-dali ko naman naitulak ito di naman kalakasan, napatingin ulit ako dun kita kong tumatakbo ito ng mabilis, kita ko rin ang gulat nina commander officer at colonel.

Bakit kasi pagala-gala tong mga matatandang to ayaw pumirmis sa kanilang mga bahay eh!

"Tawagan mo ang ibang mga sundalo, at magpalibot dito sa training camp walang makakalaam nito lalo na sa mga nagtratraining pa lang kailangan nilang maging ligtas din habang matapos ang mga training nila" sabi ni colonel

Nagmamadaling umalis si commander officer.
Napatingin naman ako kay colonel na tinitignan kung may natamo bang sugat si General.

Napatingin naman ulit ako sa mapuno, paano yun nakapasok dito? o meron nagpapanggap na sundalo dito at isa pala itong rebelde? napapaisip ako

"Salamat Private Kim Minjeong" 
napatingin naman ako rito at nagsalute lang kita ko naman ang ngiti nito

"matutuwa ang lolo mo sa pagsagip mo sa katulad ko"

Nawala ang ngiti ko at tumango na lamang. 

"Colonel ireport mo ang mga nangyari ngayon dito, lalo na kay Boss Knight, mukhang may isa syang magugustuhan na pasakit sa ulo nya" natawa naman silang parehas at nagsalute naman agad si colonel

Naiwan naman kaming dalwa

"Ok lang ho ba kayo?" pagbabasag ko sa katahimikan

tumango ito na may ngiti

"salamat, nakamatyag lang lolo mo, sigurado akong nakita nya ang ginawa mo"

"sana hindi to kasama sa plano nyo ayoko makilala ng iba dahil apo nya ako, magbabago tingin nila sakin" kalma kong sabi

hinawakan naman ako nito sa balikat

"Private Kim Minjeong, tingin mo ba hindi kami patas sa lahat sainyo habang nagtratraining kayo?" tanong nito

napaisip ako... patas naman lahat ayoko lang mag-iba tingin sakin ng ibang sundalo
tinapik nito ang balikat ko

"Mas hinihirapan nga ang training mo at ng mga kasamahan mo may nakikita silang potential sa inyo, patas ang lahat isa kang sundalo na tulad ko may mga bawat ranggo nga lang tayo pero sundalo tayong lahat na handang tumulong kahit ikamatay natin, dahil sa pagmamahal sa ating bayan at sa ating kapwa Pilipino o tao" tinapik nito ang ulo ko

"Salamat sa pagliligtas mo sakin Private Kim Minjeong mag-iingat ka sa mga nakapaligid sayo" paalam nito

Napaisip ako sa huling sinabi nya... May alam sya panigurado, pero di ko alam kung sino ang gumawa non... isa siguro yun sa mga sundalo... sundalo nga ba?

Nagmadali na kong pumunta sa pwesto namin, hingal akong pumunta sa pwesto ko sa pila, kita ko ang mga mata ng mga kasama ko na nagtatanong kung bakit ngayon lang ako, binaliwala ko ang mga tingin nila.

"Private Kim Minjeong!" sigaw ni commander officer

"Sir Yes sir!" sigaw ko pabalik

"Dahil late ka 50 laps at 100 push up" sabi nito
malaki ang mata kong di makapaniwala 

Haa! tangina? eh sabay lang naman kami dumating?

"Commander off-" 

"Kayong anim magkakasama Bilisan nyo na!" utos nito

"Sir Yes Sir!" sigaw nung lima tinignan naman nila ako ng masama

aba! kasalanan ko ba?

Dinig naman namin ang tawanan ng ibang mga sundalo lalo na yung mga mayayabang na walang bayag na ibang mga lalaki.

"May nakakatawa ba?!" sigaw ni Commander officer

"Sir No Sir!" sagot naman nilang lahat

Aalis na sana kaming anim

"Private Kim Minjeong"

napatigil naman ako... yung boses na yan... yan yung ayoko madinig

pati mga kasama ko ay napatigil
humarap naman ako at nagsalute kaming lahat

"General Kim, Boss Knight" tawag ni Commander officer at nagsalute

"ano po kailangan nyo?" magalang na tanong ko

siguro ramdam nila ang tension sa pagitan namin
napatawa naman ang nasa tabi ni lolo

"General Kim parang nalalamin ako, noong nagtratraining ako ikaw nagtuturo sa amin ngayon naman ako sa kanya" nakangisi naman itong nakatingin sakin

Kinabahan na ako, parang ayoko na.
tumango lang naman si lolo at lumapit sakin

"make me proud Apo" bulong nito
di ko alam ang gagawin gusto ko sana syang suntukin.

Di ako umimik

"Kayong anim pagkatapos nyo sa 50laps at 100push up dumeretso kayo sa office ko maliwanag!" sigaw ni Boss Knight

tumingin sya sa ibang mga sundalo na katulad namin at kay commander officer

"Simula ngayon ako ang hahawak sa anim na to!" sabi ni Boss Knight

"tangina mo Winter ano ginawa mo kalokohan napapunta tayo sa impyerno ng napaka aga" bulong sakin ni Ryujin

"di mo ba sinagot kung bakit mo gusto magsundalo?" tanong ni Ning

"O kaya sinampal mo ba lolo mo?" tanong naman ni Yuna

huminga ako ng malalim at tinignan lang sila, tumahimik naman sila.

"Commander officer bibigyan mo sila ng mas mahigpit na training ang anim na to hanggang sa mapagod sila" utos ni Boss Knight

"Sir! Yes! Sir!" nagsalute naman si Commander officer

"maiwan ko na kayo" tumingin naman ito samin

"pagkatapos nyo dyan deretso sa office ko may mga sasabihin ako sa inyo" sabi ni Boss Knight

"sir! yes! sir!" sigaw nung lima

"Private Kim Minjeong ano dapat ang isasagot!" sigaw nito

humarap ako dito

"sir! Yes! sir!" sigaw ko

"sasakit nga ulo ko sayo" sabi nito

nagsalute na kami at nag-umpisa na sa pagtakbo 50laps at 100 push up din to

Kinakanta namin ang twinkle twinkle little star habang natakbo paikot dito sa malawak na train camp na to.

Nang matapos na kami hingal na hingal kami at bumalik kay commander officer

"ano pa ginagawa nyo dito? pumunta na kayo kay Boss Knight bago pa pahirapan kayo non" sabi nito

Tumango naman kami at nagsalute na
sabay sabay kaming naglalakad papunta sa office na tinatawag ni Boss Knight

"makikita natin yung poging mayabang" sabi ni Ning

"may gusto si commander officer kay Winter" sabi naman ni Ryujin

"ayoko ng talong" sabi ko
nagsitawanan naman ang mga mokong
Nang makarating na kami, kumatok na ako

"Pasok!"

Binuksan ko naman ito at pumusisyon kami sa harap nya, nakita ko rin na andito pa sina General Lee at General Kim

"At Ease!" sigaw ni Boss Knight

"Alam kong nagtataka kayo ngayon kung bakit kayo pinatawag" tinignan niya isa-isa ang kasamahan ko at sakin, di ako nagpatinag dito.

Kala nya sya lang may kaya nyan di ako duwag.

"Pinatawag kayo dahil sa isang secret mission na gagawin nyong anim, walang ibang nakakaalam kundi kami at ang nakakataas at kayo" seryoso nito

nagtinginan naman ang lima at naguguluhan ang bawat mukha nila. 

Sigurado ako tungkol to kanina.

"May nagbabalak na pumatay sa mga nakakataas na ranggo lalo na kapag bumibisita ang mga retired General katulad nila" turo nya sa dalwa

tumango naman sila

"may napupuna ba kayo kapag nasa camp kayo?" tanong nito

"Wala naman po sir" sagot nina Ryujin

"Meron" sagot naman ni Chaeryeong
tumingin ito sakin at tumingin ito sa nasa unahan namin.

"Ano napupuna mo sa camp?" tanong nito

Nakaabang naman ang mga to sa sasabihin ni Chaeryeong

"One time po kasi kapag nagigising ako ng madaling araw 3:45am nakikita kong wala sa higaan si Private Kim Minjeong" tumingin sakin si Chaeryeong at nagpatuloy

"nung ikatlong araw sinundan ko sya tahimik lang naman ako sumunod nawala sya sa paningin ko nung papunta ako sa kakahuyan na pinuntahan nya ma-may" 

kita ko ang taranta nya at pagkalikot sa kanyang mga kamay

"ma-may nakita ako dalwang sibilyan na nakaitim.. a-akala ko katapusan ko na kasi po a-akala ko makikita ako, buti po at hinila ako sa madilim na corner kung nasaan si Private Kim Minjeong sa-sabi nya wag daw po a-ako ma-maingay pero baka po a-alarming sya" pagtatapos nito

Kita ko ang gulat sa mukha ng mga kasama namin.

tumingin naman sakin ang tatlo

"Kailan mo pa sila sinusundan?" tanong sakin ni General Kim

"nitong isang linggo, napupuna ko, na may kakaiba akong nararamdaman sa bawat kaluskos sa labas ng camp kaya nagmatyag ako, di ko naman maaasahan na may mga ganon palang ugali ang ibang mga nagpapanggap na sundalo dito" sabi ko

"nagpapanggap..." ngumisi si Boss Knight

"kilala mo ba sila?" tanong ulit nito

"hindi ko sila namukhaan... pero" may inihagis ako sa lamesa na itim na hidden camera na nakita kong nilalagay nila sa bawat puno at nakita ko rin sa ibang mga pasilidad. 

tinignan naman ito nung tatlo seryoso sila

"mukhang mapapaaga training nyo, advance training kayong anim" tumingin ito kay Ningning

"may alam kaba sa technology?" tanong nito

"kauntian lang po sir" mahinhin na sabi ni loka
siniko ko ito parang tanga na nagpapacute pa, sinamaan naman ako nito ng tingin

"Si Black Knight ang bahala sayo tuturuan ka nya sa bawat advance technology" sabi nitong seryoso

tinignan naman nya kaming natitira

"At kayo mamahinga na kayo! simula bukas magsisimula na tayo! magmatyag kayo sa paligid at kapag meron kayo nakita na kakaiba magreport kayo kaagad sakin! wala dapat ibang makakaalam nito Naiintindihan Ba!" 

"Sir! Yes! Sir!" sagot namin

"LUMANSAG NA!" 

papaalis na sana ako 

"Private Kim Minjeong" 

napatingin naman ako at napahinto rin ang mga kasamahan ko na lumingon

"Maiwan ka rito may pag-uusapan pa tayo tungkol dito" 

pinakita nya sakin ang mga maliliit na camera na nakuha ko, napabuntong hininga na lamang ako at tumango...

Pagkaalis ng mga kasama ko

"Bakit hindi mo agad nireport ito?" tanong sakin ni lolo

nagkibit balikat lang naman ako

"akala ko kasi di sya alarming" sagot ko

"Minjeong mapapahamak kayong lahat na nagtratraining dito kung di pa nangyari ang kanina" sabi nito na para bang dismayado at may pagkabahala ito.

malay ko ba! 

"nakita mo na ba ang laman nitong camera?" singit ni Boss Knight 

tumango naman ako

napangisi naman ito

"Kakaiba talaga ang yong apo General Kim, paano nya nagagawa na makalusot kay commander officer ang laptop na dala nya?"

"pasaway nga talaga ang batang to kung ako may hawak sayo una pa lang mahahalata ko na agad kaso di ka sakin pinahawak ni Daddy" dagdag nito

"Di ka sure" sagot ko rito

"gumalang ka sa Tito mo Minjeong!" 
di na ko umimik

"Daddy ok lang sakin wala pa naman kami sa training wag lang ako tatawagin ni Minjeong na Tito Changmin baka pauwiin ko na yan" asar nito

napairap naman ako sa mga to

"kailan ba kayo magkakaayos Minjeong at Daddy?" tanong nito

"Hindi kami magkakaayos ni Minjeong kapag hindi sya umaayos!" sigaw ni Tanda

"Malabnaw pa sa gatas ng evaporada na di na kami magkakaayos ng matandang yan, Malabo" sagot ko naman

Kinig ko naman ang tawa nina Tito changmin at ni General Lee

"wala ka na talagang galang sakin!" asik nito

"tsk!" tanging tugon ko na lang

"ano mga nakita mo sa tatlong camera na to?" pag-iibang tanong ni Boss Knight

"wala masyado kundi ang apat na mukha nung mga naglagay nyan at pinagmamasdan ata ang mga galaw at lugar dito sa camp, baka may plinaplano ang mga yan..." sagot ko lang

"kilala mo ba kung sino?" 

umiling ako

"di ko sila mamukhaan dahil nga naka mask itong itim, tanging mata lang ang nakita ko, may gamit silang contact lens para di sila masyadong makilala" seryoso kong sabi

kita ko rin ang pagseryoso nilang tatlo

"Ikaw ang mamatyag tuwing madaling araw kasama ako,  kaya mo ba?" tanong nito

tumango naman ako

"wala na ba kayong tanong? kung wala na aalis na ko" sabi ko

"Si Lee Chaeryeong ba di naman sya pasaway?" tanong sakin ni General Lee

Mukha ba kong tanungan ng mga batang iniwan sa daycare?

"Ok lang naman po sya, lagi nga lang pong nakabuntot sakin, inutusan mo ba to General Kim na sumunod lagi sakin?" tanong ko dito sa matanda

Isa rin sa magaling si Chaeryeong kaya siguro nilagay kami dito sa Special Force na tinatawag. 

Napatawa naman si General Lee

"Mahirap na lalo na isa kang pasaway" sabi ni lolo

"ewan ko na talaga sa inyo tinanggap ko na nga to" sabi ko

Ano pa ba ang gusto nila?

"Make me Proud Minjeong" diin na sabi ni General Kim

di ko inalis ang tingin kay lolo na may halong inis at galit

"Alamin mo sa sarili mo kung bakit no choice ka sa pagsusundalo pero nagsundalo ka pa rin? kung pwede ka naman umalis sa pamilya natin walang humahadlang sayo" huminga ito ng malalim at lumapit sakin

"Alamin mo kung bakit ka nagsundalo? ano ba ang pinaglalaban mo? alam kong di mo pinaglalaban na para maging proud ako sayo, may ibang dahilan kung bakit mo tinanggap yan, hanapin mo ang sarili mo sa ganon malaman mo kung ano ba talaga ikaw, kung eto ba talaga ang gusto mo walang pumipigil sayo at kung ayaw mo walang pipigil sayo na umalis ka" sabi nito at binangga ang balikat kong umalis na.

nakayuko naman ako na blangko ang isip, inis sa sarili at galit sa sarili ang nararamdaman ko ngayon, nagising ako sa ulirat nang maramdaman ko ang tapik sa balikat ko, 


Nag-angat ako ng tingin na may konting ngiti si tito.


"Pagpasensyahan mo na ang lolo mo mataas lang talaga tingin nya sayo na alam nyang kaya mo pang abutin ang dapat mong maabot, alam nyang malalaman mo sa sarili mo kung bakit ito ang pinili mo" pinahidan nya ang tumulong luha sa mukha ko

"Magpahinga ka na tatlong linggo lang kayo rito at sasabak kayo sa napaka hirap na training at lilipat na ulit kayo sa isang campsite malapit sa school, kayo ang magbabantay sa mga bisita at iinterviewhin kayo" tinapik nito ang ulo ko at niyakap ako.

"Mag-iingat ka..." umalis sa yakap si tito

Di pa nagproprocess ang mga sinabi sakin ni lolo at ang huling sabi ni tito.

Bakit kailangan ko mag-ingat?

Habang naglalakad papunta sa bunk namin napapaisip ako,

Ano ba talaga ang gusto ko? naiinis din ako sa sarili ko,

bakit nga ba ako sumunod kung may choice akong lumayas kina lolo at pumunta sa probinsya kay lola, napangiti ako ng mapakla, nagsundalo ba ko para sa paglilingkod ng bayan? o napipilitan lang ako dahil kay lolo na gusto ko naman na mapansin nya ko at maging proud sya sakin?

"Winter!" 

Gulat na napalingon naman ako kay Chaer

Dahil sa malalim na pag-iisip may naramdaman ako sa pisngi ko na mahapdi, hinawakan ko naman ito at may hiwa at dugo ang kamay ko
kaagad naman tumakbo si Chaer sakin

"K-kung di kita tinawag b-baka natamaan ka na sa ulo" asik nito,

Kita ko ang galit sa mata ni Chaer

tinignan nya ko

"ayoko mag-isip pero parang ikaw ang target nila..." sabi pa nito

hinila na nya ako at dinala kay Boss Knight

"Anong nangyari dyan?" pag-aalala nito

"nakita ko ang mga nakaitim na damit kung di ako nagkakamali apat silang lahat... k-kutob ko na ang target nila ay si Winter at hindi sila retired General" report ni Chaeryeong

Napahimas naman sa noo si Boss Knight

Gulat kaming napatingin sa malakas na pagbukas ng pinto, kita ko ang pag-aalala at pangamba nila. 

tinignan lang naman ako ni lolo

Nagsalute naman kami kay General Park at kay lolo
Inireport nila ang mga nangyari at mga nakita ko nung mga nakaraang linggo. 

"Maghihigpit tayo sa lahat ng mga kasundaluhan, magmatyag kayo ng mabuti" tinignan ako ni General Park

"mag-ingat ka sa susunod" sabi nito sakin

"retired General Kim dapat hindi mo muna pinagsundalo ang apo mo siya ngayon ang target ng mga rebeldeng sibilyan, naghihigante sila dahil napatay ang leader nila" seryosong sagot ni General Park

"Kayang labanan yan ng apo ko, sya mismo ang nagpalista rito may pagpipiliin sya pero mas nangibabaw ang pagpili nya maging sundalo at kutob ko hindi naghihimagsik basta-basta ang mga rebelde general,tandaan mo sa bawat pamilya may mga naiinggit at selos" Sagot naman nito

Napabuntong hininga naman si General Park

"Lo naman ayoko mapahamak ang mga kasundaluhan" sabi ni kuya Chanyeol

"General ka ano ba ang dapat ginagawa mo?" tanong ni tanda

Di na umimik si kuya Chan

Nalilito na rin ako kung bakit ako ang target nila, 
di ko napansin ang paghawak sakin ni lolo sa may baba at sadistang inangat nito ang mukha ko.

tinignan ko to ng masama

"kaya gamutin di ka mamatay sa hiwa" sabi lang nito at binitawan na ang mukha ko

leche talaga 

Umalis na kami ni Chaer... 

Simula ng nangyari ang pagsugat sa pisngi ko wala naman ng ibang kakaiba ang nangyari, tuloy kami ni Boss Knight sa pagmamatyag tuwing madaling araw at sa maga naman eh training ng aking mga kasamahan hanggang gabi, syempre kasama ako dun mas maaga nga lang ako nakakapagpahinga dahil sa pagmamatyag tuwing madaling araw, pero yung training mas doble ang hirap sakin, tinuturuan ako kung paano ang mga galaw ng isang assasin at kapag magkakasama naman kaming anim tungkol naman sa marksmanship.

Last day nanamin at aalis na kami bukas, 

Hingal kaming napahiga sa maputik na lupa wala na kaming mga stamina para makakilos pa sa hirap ng training na to.

Tarantado talaga ang tito ko pinahirapan nga kami.

Napangisi naman ako wala ngang pami-pamilya kapag isa kang sundalo

"Ano nginingisi-ngisi mo dyan?" tanong ni Ryujin

"Ang tanga mo kasi magplano" sabi ko na lang
Pinigilan naman ni Yuna si Ryujin na aatake na sana sakin

"Alam nyo kaya di natin matapos tapos tong last na training di tayo nagkakasundo sa plano" sabi naman ni Chaer

tahimik lang naman ako na nag-iisip kung bakit walang nagpaparamdam ni isa simula nung nahiwa ang pisngi ko.

Napatingin naman ako kay General Park at Boss Knight na nag-uusap, sila kaya ang may gawa kaya tumigil ang mga yun?

Nakita kong tumingin ito sa amin

"At bakit kayo nakaupo na? ITULOY NYO ANG GINAGAWA NYO! 200 PUSH UPS GO!" sigaw sa amin ni General Chanyeol

sumagot naman sila

"300 PUSH UPS PRIVATE KIM MINJEONG!" sigaw ni General

"Sir Yes Sir!" sigaw kong pabalik at nag-umpisa na
nakikinig ko pa ang hagikgik ng mga mokong

"Mautot sana kayo mga siraulo" asik ko sa kanila

Kinaumagahan kita sa mukha ng mga kasama ko ang liwanag na saya na makakapagpahinga kami ngayon dahil aalis na kami dito sa training camp na to at pupunta naman kami dito sa isang campsite na malapit mismo sa school na pabundok.

"Magkikita-kita pa tayo ulit bukas, wag kayo masyado mag-saya may mga training pa rin kayo, isang linggo lang napagbabantay sa bisita, kasama na rin ang training nyo na panibago, ang pag-akyat ng bundok team work." sabi samin ni Boss Knight
tumingin ito sakin

"may Squad Leader kayo pagkarating ninyo sa campsite, sa isang linggo na yan ako na ulit ang kaharap nyo kasama ang aking Team SF (Special Force) katatapos lang nila sa kanilang mission kaya makikilala nyo sila sa susunod na linggo"

"Opo Sir!" sagot namin

"Mag-ingat kayo" 

"HUMANDA NA!" 

"PUGAY KAMAY, NA!"

nagsalute kami

"LUMANSAG NA!" 

"mag-iingat kayo magmatyag maige" sabi ni Boss Knight

tumango naman kami at nagsipunta na sa sasakyan namin para sa kasundaluhan.

"Patagal ng patagal parang pahirap ng pahirap ang training natin"  sabi ni Yuna

"akala ko tapos na pagtalon-talon sa building di pa pala" sabi naman ni Ning 

tahimik lang naman kami nina Chaer na nakikinig

"Sa tingin nyo magaganda at pogi kaya ang mga bisita na pupunta?" tanong ni Ryujin na akala mo eh may bulate sa pwet at di makale

"itatapon kita palabas Ryujin" naiirita kong sabi

"napaka KJ mo talaga Retsam" sabi nito

"para kang bulateng di makale dyan" sabi ko

"Kasi Winter imagine,  paano kapag maganda sila aaacckkk!" kilig na sabi ni Ryujin

itunulak ko na ito para mapaupo

"KJ mo talaga" sabi ni Ryujin

nagtawanan naman ang mga ito. 

 

Nang makarating na kami dito sa campsite na sinasabi ni Boss Knight... mahirap nga gagawin namin... barilan naman ang train namin kaya pala pangisi-ngisi pa si tanga

Nakita namin na nakaabang na ang aming Squad Leader

"MAGTIPON NA!" 

Agad naman kaming nagtipon-tipon anim

"HUMANDA NA!" 

Sabay-sabay kaming umayos ng tindig

"PRIVATE LEE CHAERYEONG LIGTAS  KAMING ANIM NA NAKARATING DITO SA BOOT CAMP, SQUAD LEADER!"

tumingin naman ito sa katabi nya

"PRIVATE SHIN YUNA!"

tumingin naman ito sa katabi at ganun din ang ginawa ng iba

"PRIVATE NING YIZHUO!"

"PRIVATE AN YU-JIN!"

"PRIVATE SHIN RYUJIN!"

"PRIVATE KIM MINJEONG!"

sa harap lang naman ako nakatingin at ganon na rin ang iba pagkatapos namin sabihin ang mga pangalan namin.

"SALUTE!" sigaw ni Chaer

sabay-sabay kaming nagsalute at nagsalute naman si Squad Leader Sunny, nang binaba nya na ang kanyang kamay sabay-sabay naman kaming binaba rin ito.

"Pupunta muna tayo sa bunk nyo para ilagay ang mga gamit nyo, pagkatapos iintayin natin ang mga bisita maya-maya andito na sila" 

"Sir! Yes! Sir!"

"Ako nga pala ang Squad Leader nyong si Corporal Lee Sunny" sabi nito

"HARAP SA KANAN! RAP!"

"PASULONG KAD!"

nagsimula na kaming naglakad at sumunod sa kanya

"HAKBANG PAKANAN! KAD" 
akala ko pa naman sabay-sabay kami tong tangang si Ryujin nanaginip nanaman ng gising

"PAY ATTENTION! PRIVATE SHIN RYUJIN!" sigaw ng aming Squad Leader

"SORRY MA'AM!" 

nagpatuloy naman kami hanggang sa nakarating kami sa bunk namin

"Mag-ayos na kayo ng mga gamit, 15 minutes lang para makapag-ayos kayo!"

"DISMISSED!"

umalis na ito at iniwan kami para makapag-imis na 

"tatanga-tanga talaga si Ryujin mag-dadalwang taon na tayo rito ulupong ka pa rin" sabi ni Yuna

habang nag-iimis na kami

medyo alam na namin ang routine na ganto kapag nag-iimis palipat-lipat kasi kami ng campsite every 3months kaya nasasanay na kami,  kaso ngayon lang napaaga ang pagtatransfer samin gawa raw tuturuan kami more on sa weapon at technology.

napatawa naman ang iba na ikinagulat ko di kasi ako nakikinig sa kanila eh.

"Buti na lang at hindi mahigpit si Corporal Lee Sunny kundi baka pinatakbo tayo sa field napakalawak pa naman" sabi ni Yujin

"Kaano-ano mo si corporal Chaeryeong?" tanong naman ni Ning

Nakatingin naman halos lahat sa kanya maliban sakin, alam ko naman na pamilyang military rin kasi ang mga Lee, kaya inaaasahan ko na napilitan lang si Chaer ang kababata ko, pero di pala alam nya kung bakit gusto nya magsundalo, di dahil sundalo ang mga kaanak nya, kundi gusto nya ang magsundalo para makatulong sa bayan. Ang korni pakinggan pero tama naman sya. lahat sila may dahilan ang pagsusundalo, ako lang talaga ang wala.

"Tita ko haha hindi manlang bumati, pero syempre bilang isang sundalo na nagtratraining sabi sakin ni lolo walang kaanak-kaanak dito" seryosong sabi ni Chaer

tumingin naman ito sakin

"baka gusto nyo matulad kay Winter doble hirap pinapagawa ng tito nya sa kanya" tawang asar naman ang iba at tumanggi na buti wala silang kaanak dito na sundalo 

"Di ka naprepressure sa kanila dahil mataas expectation nila sayo?" tanong ni Ryujin

Nagkibit balikat naman ako

"di mataas expectation nila sakin dahil galit sila sakin, ano ineexpect nila sa tulad ko na walang pangarap? at di alam kung bat pumasok sa pagsusundalo rito?" walang emosyon kong sabi 

Tapos na ko sa ginagawa ko at lumabas sa room namin at iniintay na lang sila.

"Private Kim Minjeong tapos ka na ba sa pag-iimis?"  tanong ni Squad Leader
"Yes Ma'am" sagot ko

Dinig ko naman ang yabag ng mga paa nila na nagmamadali

"kakatakot pala si Squad Leader" pabulong na sabi ni Ning 

lumingon naman ako sa mga to

"Yung magpinsan na Shin nagbabatuhan pa ng damit ayun natamaan si Squad Leader sa mukha" 

tahimik naman kaming naka linya na 

"ALL OF YOU! 100 PUSH UP MAMAYA SA FIELD!" sigaw nito at masamang tumingin sa dalwa

"YES MA'AM!" sagot naming lahat

"Bago nyo simulan ang 100 Push up tulungan nyo ang mga bisita na dalhin ang mga gamit nila, mag-stay sila dito ng 2months para sa kanilang pag-iinterview at volunteer silang tutulong sa mga kalapit bahay dito na kayo ang kasama!" 

"Yes Ma'am!" sagot naman nila

"Maliwanag ba!" 

"Opo Ma'am!" sabay-sabay kami nagsalute anim.

"Private Kim Minjeong" 

"Yes Ma'am?" tanong ko

"Ikaw ang magiging Team Leader sa inyong anim" sabi nito 

di na ko nakatanggi ng nagsalita ulit ito

"Sumunod na kayo sakin bilisan nyo! para matapos nyo na ang mga gawain ninyo para makakain na kayo at makapagpahinga!"

Buntong hininga lang naman ako at kita ko ang saya sa mukha ni Chaeryeong.

Nagmartsa naman kami papuntang Field, kita namin ang mini bus at ang mga nasa labas na tao, mga nagmamasid siguro sila mukhang marami silang dala. 

bakit kami lang anim ang tutulong? wala bang ibang sundalo rito at kami lang dapat ang kumilos?

inangyan tinawag pa kami Special Force Training kung ganito pinapagawa samin lagi.

Nang makalapit na kami napansin ko yung babaeng nakatingin sakin, tinignan ko to at ngumiti naman to, di ko ito pinansin. 

"Ano hinihintay nyo! HUMANDA NA!"

lahat naman kami ay umayos sa pagkakatayo kita ko ang gulat sa mga mukha ng mga to.

"SQUAD LEADER CORPORAL LEE SUNNY!"
"TEAM LEADER PRIVATE KIM MINJEONG!"

tumingin naman ako sa katabi ko

"PRIVATE LEE CHAERYEONG!"

"PRIVATE SHIN YUNA!"

"PRIVATE NING YIZHUO!"

"PRIVATE SHIN RYUJIN!"

"PRIVATE AN YU-JIN!"

"PUGAY KAMAY, NA!" sigaw ko
muntik pa kong pumiyok dinig ko ang pigil na hagikgik ng mga kasamahan ko, kita ko naman sa unahan ko ang mga babaeng to na natatawa na.

Gusto ko magpakain sa lupa!

nagsalute naman kami.

"Tulungan nyo na sila sa mga dala nila, tutulong din ako, doon sila sa isang bunk sa katabi nyong room sa room 300"

 "YES MA'AM"

Nagsisimula na kami magpunta sa mga bisita at para tulungan sila nakita ko yung babaeng binubuhat ang isang kahon na halata naman mabigat ito. 

Lumapit ako rito

"tulangan na kita Miss?"

tinignan ko ang harap nito 

"Eyes on here" taas kilay na sabi nito

"Ah sorry, tinignan ko lang name tag mo Miss Yu Jimin" sabi ko rito at kinuha ang dalawang pinagpatong kong box... 

Tanga mo talaga Minjeong kala tuloy tinitignan mo yung ano nya!

"s-salamat" utal na sabi nito

Nakinig ko naman ang tawa ni Ryujin

"Ikaw ha hinahanap mo na pala ang hinaharap ng iba" asar nito

tumawa naman ang mga mokong

Sinipa ko naman si Ryujin

"PRIVATE KIM MINJEONG! 50LAPS" 

punyeta talaga!

nagtawanan naman silang anim kasama yung Yu Jimin na tumawa rin sinamaan ko sila ng tingin

"tapusin na natin tong mga dadalhin sa room 300, ang pagiging sundalo ay hindi puro biruan NAIINTINDIHAN BA?" 

"YES MA'AM" sagot nila

"PRIVATE KIM MINJEONG! NAIINTINDIHAN BA?" 

"YES MA'AM!" sigaw ko

"BAT HINDI KA SUMAGOT KANINA?"

"SORRY PO!" tanging tugon ko
nagsimula na kami dalhin ang mga gamit nila sa katabing kwarto namin kasya naman silang 10 na tao dun at halos mga babae naman sila at 2 lang naman ang lalaki na sa kabilang building sila sa mga lalaki na bunk...

Nasa tabi ko pala yung Yu Jimin na to di ko to pinansin at derederetso lang habang buhat ang kanilang mga gamit, ang bibigat naman ng dala nila.

Siniko naman ako ni Ryujin tinignan ko to ng masama

"Retsam sorry na" pagmamakaawa nito

"mamaya ka sakin" sabi ko rito at nagmadali na ilagay ang mga gamit sa loob ng bunk.

 

Nang matapos na kami nagpahinga lang kami ng konti, kita ko na nag-aabot ang mga volunteer na to ng mga tubig..

"Here" gulat akong napatalon ng konti, di ako naging alerto at naramdaman ang lamig ng bote sa pisngi ko.

Tinignan ko to ng masama
ngumiti lang naman ito

"wala man lang bang Thank you?" halatang may ngiti sa labi na nang-aasar

kinuha ko sa kanya ang tubig.

"Salamat" sabi ko na lang

"Pwede ba kitang interviewhin tomorrow?" tanong nito

tumingin ako rito

"wala kang makukuhang sagot sakin" sabi ko at aalis na sana ako

"salamat pala dito" tinaas ko naman ang mineral water na binigay nya

kita ko ang pag-ngiti nito.
 
tinawag na kami ni Squad Leader at sinimulan na ang 100push ups
malakas ang pagbilang namin na ginagawa.

Nang matapos na eh deretso naman ako ng 50Laps inangyan aabutin ako ng mga 45minutes nito

"Team Leader una na kami intayin ka namin dito sabay-sabay na tayong kumain" 

Tumango lang ako


Pawisan akong pumasok sa kainan namin mga sundalo andon na nga sila at nakapila na... kasabay ko naman si Squad Leader

"pumunta ka na sa mga kasama mo"

tapik nito sa balikat ko

"Yes Ma'am!"

Tumingin naman sakin ang mga kasamahan ko

"Kamusta?" asar ni Yuna

tinignan ko lang ang mga to

"Kumain na tayo kasabay natin yung mga bisita, mukhang type ka nung isa yung tinignan mo yung harapan" sabi ni Ryujin 

tinignan ko ng masama si Ryujin

nasapok naman to ni Yujin

"puro ka kalokohan"

"Tignan nyo kaya nakatingin kay Team Leader" nguso ni Ryujin dun sa babae

napatingin na rin ako na nakatingin nga ito sakin, ngumiti naman ito. Di ko na ito pinansin at tinignan ang nasa hapagkainan. 

Nang andito na sila tsaka kami kumain ng sabay-sabay.

"Uhm... Gusto ba talaga ninyo ang maging sundalo?" tanong nung singkit ang mata 
tumingin naman ang mga kasama ko na di umimik, at tumingin sa akin... 

"Mamaya sila sasagot kapag natapos na tayo sa pagkain, ubusin muna ninyo ang mga kakainin nyo wala dapat kayong ititira ni butil na pagkain." sabi ko

nagsimula na ulit ako sa pagkain at ganun din sila nakaramdam naman sila na parang takot.

Nang makatapos na kami at papasok na sana sa bunk nakita ko ang mga bisita na papasok na rin sa bunk nila

"Pa-pasensya na kanina, ayun talaga ang rules samin bawal ang nag-uusap kapag kumakain" 

Ngumiti naman sila

"Nako okay lang pasensya na rin" sabi nitong singkit

"Pwede mo silang tanungin kapag may free time kami" sabi ko na lang

Lumiwanag naman ang mga mukha nila
"Salamat?"

"Winter" sagot ko

"Salamat Winter"  sabi nilang lahat

Kita ko nanaman si Yu Jimin na para bang may sinasabi ang mga mata. Iniwasan ko to ng tingin.

 

Nag-umpisa na kami na maligo ngayon dahil ramdam namin ang lagkit sa katawan at ang mga amoy namin. 

Nang matapos kami binisita na kami ni Squad Leader

binanggit ko pangalan ko at sinabi na anim kami na nandito at nagbilang kami kung ilan kami sa loob

"magpahinga na kayo"

"YES MA'AM"

Humiga na ko para makabawi ng pahinga sana

"Hoy Team Leader ikaw ba ngayon ang magbabantay sa madaling araw?" tanong ni Yujin

tumango naman ako habang nakapikit

"Matulog ka na muna Retsam kami muna bahala di pa kami inaantok" sabi ni Ryujin

Sumangayon naman silang lahat

"Salamat" sabi ko

Dahil sa pagod nakatulog na nga talaga ako.

"Team Leader" 

niyugyug ako ulit

"Team Leader" 

Napabalikwas ako... tinignan ko ang kabuuan ng kwarto

"Okay ka lang ba?" tanong ni Chaer

tumango ako

"anong oras na?" tanong ko

"10pm na Retsam" sagot naman ni Ryujin

nagstretch na ako para mawarm up ang katawan ko at magising ang natutulog kong diwa, napatingin naman ako na tulog na sina Ning. 

"Bakit ngayon nyo lang ako ginising?" tanong ko dito sa dalwang gising pa, napakamot naman sila sa may batok nila. 

"so-"

Napahinto sila sa sasabihin nila ng may narinig silang kaluskos.

nagsignal ako na wag maingay

"Matulog na kayo" sabi kong mahina

"wala kang kasama retsam pano kami matutulog" takot na sabi ni Ryujin

napabuntong hininga ako

"Ako lang ang lalabas, kayong dalwa matulog na, wag kayo mag-alala sakin, kailangan kong bantayan ang nasa kabilang bunk" sabi ko

"Eh ret-"

"kung ayaw nyo pang matulog bantayan nyo ang katabi natin na bunk ako ang aalis para hanapin kung ano ang ingay na yun"

Tumango naman sila

"Mag-iingat ka" sabi nilang dalwa na may pag-aalala
tumango naman ako at tinapik sila sa balikat.

Dahan-dahan ang paglabas ko at maingat sa paglakad sinulyapan ko ang katabing bunk mga tulog naman ang mga ito.

Nang mapansin ko na may isang nawawala, dali-dali akong naglakad kung san nagpunta yung isa.
Alisto ako sa bawat kilos ko at nadidinig kong mga kaluskos.

Nang nakakalayo na ako sa bunk namin at papunta sa may Toilet may narinig akong pagpihit ng gripo, maingat ako nagtago at sumilip, nakahinga ako ng malalim na nag toilet lang pala tong babae na to.
May nakinig akong mga yabag na papalapit kahit pa dahan-dahan silang naglalakad, dalwa sila kita ko ang anino nila at ang suot nitong mga mask, halata sa katawan na isa ay lalaki at isa ay babae.

Lalabas na sana ang babae ng makita ako nito na may gulat sa kanyang mata,nsisigaw na sana sya nang tinakpan ko ang bibig nito at hinapit papalapit sakin.

"Wag ka maingay" bulong ko dito

hinila ko ito papasok sa cubicle sa may dulo ng dahan-dahan lang

binitawan ko naman agad ito at sumenyas na wag maingay, tumango naman ito na nanginginig ang mga kamay, kita ko ang takot sa mga mata nito.

"sorry" bigkas ko sa kanya

sinar

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ColdnaMalamigpa
Sorry di ko pa talaga to edited eh, medyo tinamad ako dahil medyo mahaba sya sana maenjoy nyo 😅

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo #1
Chapter 1: Chapter 1: the whole story is cute, there are some parts na confusing buy overall, it's a great story.
IamMeel530
#2
Chapter 1: Welcome Back Otornim namiss kita! 😍
howdoyouknowmee
541 streak #3
Chapter 1: Upvoted!