— fin.

Shooting My Shot
Please log in to read the full chapter

 

"Wintuuuhr, pwede pasuyo ulit? Hehe." Pagpapacute ni Yuqi, senior ni Winter sa team. 

 

Napatango si Winter kahit medyo labag na sa kalooban niya, palagi na lang kasi siya ang nakikita ng Ate Yuqi niya. 

 

"Hala, ate oh! Labag sa kalooban niya yan." Pambubuking ni Yujin sa kanya.

 

Mahina siyang siniko ni Winter sa tagiliran dahilan para magreklamo ito. 

 

"Maniwala ka dyan, ate. Oks lang, goods naman kami ni Ate Giselle, tropa ko na nga rin siya eh." Kalmadong sabi ni Winter. 

 

Natawa ang nakakatanda sa sinabi niya. Panglimang beses na siguro siyang magbibigay ng ticket kay Ate Giselle, kaibigan ng Ate Yuqi niya. 

 

Siya kasi lagi ang nauutusan dahil tumutugma yung vacant niya at vacant nitong kaibigan ng senior nila.

 

"Same time tsaka place, ate?" Tanong niya kay Yuqi. 

 

"Yes, beh. Treat na lang ulit kita mamayang dinner." Sagot nito at kumindat pa sa kanya. 

 

"Win, alam mo, kung pagod ka pwede namang ako na lang mag-abot. Nangangailangan lang yung tao oh." Pag-arte ng kaibigan niyang si Yujin. 

 

"Heh! Magtigil ka, di bagay sa'yo!" Pambabara niya sa kaibigan sabay hagis ng crumpled paper na sumakto sa mukha nito. 

 

Tumakbo si Winter pabalik sa kwarto nila ni Yujin dahil alam nyang gaganti ito, hindi niya ni-lock ang pinto pero dumiretso siya sa cr para makatakas sa kaibigan at dahil baka ma-late din siya sa klase kung di pa sya kikilos. 

 

Nagkakilala si Winter at Yujin noong try-outs sa team, incoming senior high school sila nun at parehas na nagbaka-sakaling makapaglaro sa UAAP. 

 

Nagulat na lang silang dalawa nung parehas matanggap at boom! Ilang taon na din silang roommates sa dorm, nasa iisang circle of friends na din ang mga kaibigan nila. 

 

Pagkatapos maligo ni Winter ay nagbihis at nag-ayos na siya. May 45 minutes pa naman at tatawid lang naman siya para makapasok sa campus. 

 

Wash day kaya hindi siya naka-institute polo, pero wala rin siya sa mood para pumorma kaya nagsuot lang siya ng white shirt, gray sweatpants at ang favorite nyang pair of Nike SB Dunk Low.

 

Papayag si Winter na guluhin ang lahat, wag lang ang tatlong bagay: schoolworks, buhok niya, at ang sapatos niya. 

 

Sneakerhead si Winter kaya magkakamatayan talaga kung magugulo o marurumihan ang mga sapatos niya, ingat na ingat siya sa mga ito. 

 

"Yu, bilisan mo na. Baka mahaba pila sa elev." Pagpapaalala niya kay Yujin. 

 

Classmates kasi sila ngayon sa Cardiorespiratory Fitness, parehas silang BS in Exercise and Sports Science ang program. 

 

Nagpaalam na sila sa mga teammates na natira sa dorm, dala na rin ni Winter ang ticket na ibibigay sa Ate Giselle niya, nasa wallet niya na. 

 

Pagkarating nila sa education building hindi naman ganon kahaba ang pila. Buti na lang din at nasa oras sila umalis ng dorm. Dumami kasi bigla yung nakapila sa elevator nung saktong nasa pila na sila. 

 

Nagtext na din siya sa Ate Yuqi niya para sabihin dun sa kaibigan nito na sa vacant time nya ng lunch maibibigay ang ticket. Pagkarating nila sa 6th floor ng building ay nagvibrate ang phone sa bulsa nya at nakita nyang nagreply na ang teammate niya. 

 

 

 

 

 

 

"Okay, guys. I'll be posting na lang sa canvas yung assessment natin. Magsilayas na tayo at maglunch." 

 

Iba't ibang reaction ang narinig sa classroom nila at karamihan ay nagt-thank you sa professor nila. Favorite kasi nila ang prof ngayon dahil magaling ito magturo at ka-vibes nila kahit medyo may edad na. 

 

"Message na lang ako sa gc for the format nung mamaya ah." Ang sabi ng classmate ni Winter.

 

"Sige, sige. Salamat! Ingat kayo." Sagot niya dito at nakipagfist bump. 

 

Gawain na nila itong magkaka-klase. Tuwing nagbabatian o papasok ng classroom at kapag magpapaalam sa isa't isa, fistbump o apir ang ginagawa nila. 

 

Laking pasasalamat nga ni Winter na maganda ang bond ng klase nila. 

 

Nagstairs na lang sila ni Yujin pababa dahil matagal at maliit lang yung elevator ng building kung hihintayin pa nila ito. 

 

"Gutom na ko, teh." Reklamo ni

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
547 streak #1
Nauurrr why naman wanshat lang huhu
yuyuyujimin #2
Chapter 1: bitin poooo 😭😭😭
KLXRYU #3
Chapter 1: bitinnnnnnnnn 😭 paki sundan naman po author 🙏
aesyeppi
#4
Chapter 1: na imagine ko feu whahahahaha
ryujinie__
701 streak #5
💙💛💙💛
wnddmks_ 669 streak #6
Chapter 1: waiting for ud (kung meron) hehehehe
TakuyaKen
#7
Chapter 1: may second part pb to hehe
PolarIce9 #8
Chapter 1: envisioning the green school, pak na pak ang wash day, canvas, and pila sa elevator, danas na danas ✨
howdoyouknowmee
547 streak #9
Chapter 1: Owemgeeee!!!!