-1-

Breaking Walls
Please Subscribe to read the full chapter

Irene's POV

 

- 6:00 AM, January 2022 -

 

Pikit-mata kong kinapa sa ilalim ng aking unan ang phone ko at pilit na inaaninag kung anong oras na. Imbyerna talaga 'tong bibig ng kapatid ko ang aga aga pa para magsisigaw. 

"ATE IRENE ATE IRENE ATE IRENEEEEEEE" sigaw ng kapatid ko na si Karina mula sa labas ng aking kwarto. "ANO BA KARS ANG AGA ANG INGAY MO" sigaw ko pabalik sa kanya bago ako tumayo at nag inat. 

Dahan dahan akong naglakad papunta sa aking pinto habang kinukusot ang aking mga mata para pagbuksan ang aking kapatid. Ngiting aso naman itong nakaabang saaking pinto habang dala dala ang kanyang maliit na phleb kit. "Ate may mga extra ka bang gamit jan? Di pa kasi dumadating mga inorder ko sa shopee hehe" sabi ni Karina at tinuro ko sa kanya kung nasan nakalagay ang aking mga supplies. "Wag mong ubusin gagamitin ko rin yan." 

Tumango naman si Karina at nagpasalamat ito sa akin. Buti nalang talaga at may mga naitabi na akong mga gamit bago magsimula second semester namin. "Salamat ate Rene! Life saviour ka talaga mwa!" 

Bago ko pa makalimutan, Karina Sevan, nag-iisa kong kapatid. First year medical technology student. Since we were kids, malapit na talaga kami ni Rina sa isa't isa. Only our mother raised us both. Matagal na silang hiwalay ng gago kong tatay. Sumama sa kanyang kabit kaya ayun, gago siya.

"Rina, ano ba schedule mo ngayon?" Tanong ko at agaran naman tiningnan ni Karina ang kanyang cellphone. "8:00 AM first class ko today, ate. Ikaw ano schedule mo?" Tqnong niya pabalik sa akin habang inaayos ang mga gamit na kinuha niya sa kanyang kit.

"8:00 AM din first class ko. Sabay na tayo papunta sa school." Agad namang napatalon ang kapatid ko sa saya dahil makakatipid nanaman ito sa pang gas. Pinalabas ko na rin siya para makapag prepare na rin ako sa aking sarili at sa aking mga gamit. First day na first day ng second semester magmumukha tayong stressed. Dapat fresh kasi galing Christmas break.

---

 

Pagkatapos kong maligo at inayos ang mga gamit ko, nagpalit na ako sa aking uniporme at inayos ang aking necktie. "Perfect" sabi ko habang tinatali ang aking buhok. Dumaan muna ako saglit sa kusina at kumuha ng isang pirasong tinapay at naabutan ko rin duon ang kapatid ko na kumakain. "Sev halika na 7:00 na baka ma late pa tayo, you know, traffic." 

Agad naman kaming nagpaalam sa aming kasambahay at lumabas na sa aming bahay. Bihira lang kasi si mama umuuwi dahil lagi busy sa trabaho. Maaga rin naman umaalis kapag nauwi siya rito sa bahay, kaya si manang Helen na ang tumatayo naming magulang. Pumwesto na ako sa driver's seat habang ang kapatid ko naman ay nasa passenger seat, kumakain parin. "Pati plato dinala mo talaga noh?" Inis kong sabi at inirapan ang ngumunguyang si Sevan. "Shi atwe ahng ahrteh ghutom fyung taop eh."

"Eh kung lunukin mo muna yang pagkain mo bago ka magsalita? Kahit kailan talaga Karina Sevan sakit mo sa bungo." Sagot ko at pinaandar na ang aking sasakyan. 

Saktong 7:30 kami dumating sa eskwelahan. Nagpaalam narin ako kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet