Price for A Broken Heart

Price for A Broken Heart
Please Subscribe to read the full chapter

I love Karina. 

 

Heck, I've been in love with her before I even knew what it really means to love someone.

 

She is the definition of love for me. She turned my life upside down and made it feel like home. She is my solace... she gave me everything I never thought I'd ever have in this lifetime. She...

 

She was perfect.

 

Like usual, she was waiting for me right outside my door. She was crouching as she delicately touched the flowers sa garden namin. I slowly walked papunta sa kanya and then, stopped. I shouldn't steal kisses anymore because...

 

"Karina, love, can we talk?" Karina faced me and when I saw her tears, parang nawala lahat ng plano ko. Parang bulang nawala ang kung ano mang balak kong sabihin kanina.

 

"What happened, love?" marahan kong tanong nang yakapin niya ako nang mahigpit. Ramdam ko ang unti unting paglamig ng balikat kong sinasandalan niya. Hindi, nababasa na ito ng mga luha ng girlfriend kong si Karina.

 

 

Hindi pa rin siya nagsasalita pero naririnig ko na ang mahinang paghikbi niya. Siguro... siguro I shouldn't break up with her right now. It can wait.

 

 

At oo, I'm planning on breaking up with my longtime girlfriend Karina who was my solace and the definition of love itself... who turned my life upside down and made it feel like home... who gave me everything I never thought I'd ever have in this lifetime.

 

 

Because there is no such thing as a perfect love.

 

 

And all I have to do now is break up with her.

 

 

Maybe not today, but next time. 

 

 

 

 

 

I waited until she seemed like she's back to normal. Nakakatawa na ulit siya at nakikipag-asaran pa sa kapatid niyang si Ningning na kakauwi lang galing sa school. Ningning is a cute kid. She's bubbly. She's lovely. 

 

 

 

But she hates me and when I say hate, I mean it! 

 

 

 

Ewan ko ba sa batang 'yan kung anong nagawa ko. Sa tuwing nakikita niyang kasama ko ang ate niya ay lumalalim ang simangot niya. Akala mo naman ay siya ang sinadya ko rito. Echosera.

 

 

I didn't like her pero kapatid siya ni Karina kaya naman wala akong choice kundi ang pilitin, sa abot ng makakaya ko, na makipaglaro sa kanya noon.

 

 

Pero noon 'yon! Bakit ko pa kailangang makipagbati sa kanya eh gusto ko nang hiwalayan ang ate Karina niya?

 

 

"Head inside, baby love. Mag uusap lang kami ni ate Win, okay?"

 

 

Karina is perfect. She's lovely. She's the sweetest too. And she...

 

 

"Don't hurt my ate, you weirdo!" banta ni Ningning sa akin bago siya tumakbo papasok sa bahay nila. Patawa tawa pa 'tong si Karina habang nakatingin sa kapatid niya kaya't nang magtama ang mata namin ni Ningning? I did what I couldn't have done before.

 

 

 

 

Binelatan ko siya. And boy, it does feel so good! Nakita ko ang padabog na pagtalikod ni Ningning sa amin pati na ang padabog niyang pagsara ng pinto. Ano ka ngayon, bata? Sinong mas immature ngayon? Ha!

 

 

 

Habang busy ako magcelebrate na napikon ko rin sa wakas si Ningning, hindi ko namalayang pinapanood na pala ako ni Karina at may matamis na ngiti sa kanyang labi. Nang magtagpo ang mata namin, she looked at me exactly like how she did before...

 

 

 

Before we ended up like this. 

 

 

 

Nakakainis.

 

 

"What did you want to tell me, love?"

 

 

Umiling ako at nilapatan ng halik sa pisngi si Karina. Marahan siyang tumawa at napailing iling na rin. 

 

 

"Pumunta ka rito para tsumansing?"

 

 

 

 

 

Hindi ah... pero oo... Siguro?

 

 

 

Maybe not today.

 

 

 

I may hate Ningning's guts (oo, bata siya, pero wala akong pake), and she may hate mine too, but I know how much she loves her ate Karina. So maybe just for today, I won't hurt her older sister. Ang gago ko, oo. Sino bang niloko ko? Kahit naman anong delay ko ay iisa lang ang ending, masasaktan at masasaktan ko pa rin si Karina.

 

 

 

 

 

Oo, hindi nga nung araw na 'yon...

 

 

 

 

 

 

 

Pero ngayon? I really have to.

 

 

 

It's our anniversary today, 7th, hopefully the last.

 

 

 

 

I watched Karina sing along sa tugtog habang nagddrive siya. Papunta kami ni Karina sa usual dating place namin. Some would have a special dating place like an amusement park o kaya naman ay restaurant na nagseserve ng mga paborito nilang putahe. Pero kami? Sa sementeryo.

 

 

Oo, kung saan may nananahimik na mga patay.

 

 

 

 

Doon niya sinabing mahal niya ako.

 

 

 

 

 

 

Doon ko rin siya sinagot noon.

 

 

 

 

 

Doon unang naglapat ang mga labi namin.

 

 

 

 

Doon kami laging pumupunta tuwing anniversary. Kagaya na lang ngayon.

 

 

 

Ang morbid pala talaga ng love story namin. Imagine? Sa sementeryo pa kami naglandian?

 

 

 

 

 

Siguro, sinumpa na kami ng mga nakahimlay doon kaya heto kami ngayon... patay na rin ang relasyon. Pucha talaga, lolo, bakit kasi iniwan mo ako kaagad? Edi sana hindi kami doon nagkita.

 

Hindi.

 

 

 

Mali. 

 

 

 

Bakit ko hihilingin 'yon kung Karina was the best thing to ever happen in my life. She's my home and solace and I don't know where I would be without her. She is... my world.

 

 

 

 

 

And that's not what she should be.

 

 

 

 

Hindi mo dapat gawing mundo ang isang tao because if you do, you'd never know your true potential. You'd miss all the great opportunities that will come your way if you spend your life making someone your whole world, no, your entire universe.

 

 

 

 

 

 

"Karina?"

 

 

 

 

 

Nakita ko ang pagnguso niya, "hindi love?"

 

 

 

Hindi ako sumagot. Ay hindi, wala pala akong masagot. Bahagya siyang tumingin sa akin bago muling binalik ang tingin sa kalsada. I knew she noticed something was wrong. Kitang kita sa bahagyang pagbago ng facial expression niya.

 

 

"Is something wrong, love?"

 

 

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago nagsalita. "Karina, ayoko na."

 

 

 

"Ayaw mo saan? Do you want me to pull over? Nahihilo ka b--"

 

 

"Karina, ayoko na. Itigil na natin 'to."

 

 

Sumulyap siya sa akin, gulong gulo pa rin sa nangyayari. Bahagya pa siyang sumala ng linya at rinig na rinig ang busina ng sasakyan sa likod namin. Bahagya siyang napapikit dahil doon pero agad na itinuwid ang sasakyan na sumakop na ata ng dalawang linya dahil wala na siya sa sarili. Bakit nga ba ngayon ko pa sinabi? Ang bobo lang.

 

 

"You don't want to go na sa dating place natin? Do you want to go somewhere else na lang, love?" Kitang kita ko ang maluha luha niya nang mga mata. 

 

"No, Karina. I want us to--" hindi ko natuloy ang sasabihin nang biglaan siyang prumeno. Napatingin tuloy ako sa unahan at...

 

 

 

Bumungad sa akin ang maraming sasakyang hindi gumagalaw. Traffic.

 

 

 

 

Syempre, traffic. Himala na kung makabyahe kami na hindi naiipit sa traffic. Sanay na ako dyan.

 

 

 

 

 

 

 

Pero ngayon pa talaga?!

 

 

 

 

 

Nabalot kami ng katahimikan habang parang nananadya pa ang "Hot Hits Philippines" sa Spotify na pinatugtog lang naman ang kantang Dulo ng Hangganan by IV of Spades. Nananadya ba 'to?

 

 

 

 

Wala tuloy makapagsalita sa amin. That was fine, really. Tumingin na lang ako sa bintana at pinagdasal na makarating na kami sa pinakamalapit na gasolinahan o na sana man lang makagalaw na kami?

 

 

 

Pero wala. Instead, I heard her muffled sobs. Agad tuloy akong napatingin sa kanya at nakitang nakatingin na lang din siya sa bintana. Bahagyang yumuyugyog ang balikat at pilit pinipigilan ang paggawa ng kahit anong ingay.

 

 

When I saw her like that, my heart dropped. 

 

 

 

 

It dropped and shattered into the tiniest little pieces that even the strongest type of glue won't get to fix.

 

 

 

"Karina..." 

 

 

 

 

Unti unting lumakas ang mga hikbi niya kaya't mas lalo akong naalarma.

 

 

 

"W-Why? What did I do wrong?" hirap na hirap na siyang magsalita habang patuloy pa rin sa pag iyak. Hindi niya nga magawang tumingin sa akin kaya't wala akong ibang makita bukod sa pagyugyog ng balikat niya at ang pagpunas niya ng mga luha niya.

 

 

 

 

"You didn't do anything wrong, Karina."

 

 

 

"Eh, bakit? Akala ko ba mahal mo ako?"

 

 

 

I sighed, "I loved you, Karina. I really did."

 

 

 

When she heard that, she faced me with her tear-stained cheeks. Her eyes are bloodshot. I... I did this.

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kopi_Pengu #1
Chapter 1: That’s why you have to be careful with your words and actions. Sinadya mo man o hindi, it’ll leave a mark on the other person. If only hindi sinabi ni Winter yan hindi naman magiging pangit pakikitungo ni Karina sa kanya.
yuyuyujimin #2
Chapter 1: grabe.