Part 1

C2U
Please log in to read the full chapter

Medyo hindi na-proofread.

 

===

 

 

“AHHHHHH WINTONGGGG!!!”



 

Nagrereklamong ungol lang ang narining mula kay Winter nang marining ang matinis na boses ng bunganga ng bestfriend nyang si Maningning Marie “Ning-ning” walang middle name Santos. Minsan iniisip nya kung bakit nya naisipan na binigyan ng susi ng unit nya ang best friend nya. Nagtalukbong sya ng kumot knowing full well na wala namang mangyayari kung desidido ang bestfriend nya istobohin ang beauty sleep nya.



 

At as predicted, wala namang talab sa best friend nya na sinimulan agad na hilahin ang kumot nya, “Ningggg..kitang natutulog pa yung taooo..” 



 

“Hulaan mo sinong meron next week, pwede na akong mamatay!”



 

“Second coming?” inaantok at gulat na tugon ni Winter.



 

“Shunga!” isang sapok ang natanggap ni Winter sabay nito, “Wintong naman eh!! Pupunta na sa wakas ang Pretty Lethal sa Pilipinas!! Eto na!! This is it!!” reklamo ng best friend nya na inaalog-alog pa rin ang tulog na diwa ni Winter.



 

“Pretty Lethal, OMG!!” napatayo ang tulog na dalaga at sabay silang nagtatalon ng ilang segundo bago agad na tumigil si Winter, “Yan lang ginising mo ‘ko? Ano namang pake ko,” deadpan na sabi nito bago padapa na binagsak muli ang katawan sa malambot nyang kama.



 

“Winter naman ehhhhh,” atungal ni Ningning bago binagsak din ang katawan sa likod n Winter.



 

“Ugh, aray ko! Shuta ka Maningning!” sigaw ni Winter habang pumapalag pa rin maalis sa ilalim ni Ningning.



 

“Alam mo mamimiss kita Winter, my best friend,” biglang sentimyento ang boses nito na kala mo hindi nambbrutal ng best friend.



 

“Pinagsasasabi mo dyan?”



 

“Syempre pag nagkita na kami ng first love kong si Aeri, syempre sasama na ako sa kanya sa Japan, tapos ikaw maiiwan dito, sino na lang magt-tyaga sayo eh napaka asocial mo. Kasi aminin mo, kung di kita inampon, baka namatay ka sa lungkot.”



 

“Sira!” sagot naman ni Winter at pilit na inaabot ng pabaliktad na botong ang kaibigan. “Feeling mo talaga maaalala ka nya noh?”



 

“Bakit naman hindi!” tanong ni Ning na may kasama pang palo na kinatawa na lang ni Winter, “Syempre maaalala nya ako, kasi meron kaming special connection~” paliwanag nito na kala mo may sense yung sinasabi nya. Hindi naiwasan ni Winter na hindi mag-ikot ng mata which earned her another slap on her arm, “Puppy love yon! First love! First love never dies kaya!!”



 

Natawa lang si Winter bago mas mellow na nagsalita, “Pero Ning-ah, basta wag ka masyado magpaka-lunod sa perfect ending mo sa quest mo sa true love mo. Si Aeri kasi yung natatandaan mo, at si Aeri na hinahabol mo, si Giselle na sya ngayon. Yung bassista ng international band na Pretty Lethal. Ayoko lang madisappoint ka ng todo hindi mangyari yung happy ending na inaasahan mo,”



 

Mabilis pero sa isang iglap, nagawa ni Ningning na hatakin si Winter at ngayon na magkaharap na sila while lying on their sides sa kama ng huli, “Awww, talaga naman nag-aalalala ng husto ang aking very best friend, awwww,” medyo may pang-aasar na tugon ni Ningning, “Love mo talaga ako noh?” dagdag pa nito na naka-nguso pa nga. “Siguro maganda na rin na hindi ikaw ang puppy love ko, kasi ikaw naman ang naging best friend ko.”



 

Natigilan si Winter at malamlam na tinitigan si Ningning. Ayan na naman ang pesteng daga na nakatira sa puso ko, isip-isip ni Winter. Baka ito na ang tamang pagkakataon..



 

“Ning, alam mo sa totoo lang,” simula ni Winter.



 

Bihira makita ni Ningning na seryoso si Winter nang silang dalawa lang, sa mga pagkakataong ito naiintindihan ni Ningning ang mga taong may crush sa bestfriend nya. Meron kasi itong crush-able moment pag mukhang serious at misterious ito, yun nga lang hindi madalas makita ni Ningning kasi nga pag sya kasama ni Winter, napaka-insufferable nito, kung di mag-iinarte, masyadong pabebe.



 

“Win?” kinakabahang tawag ni Ningning. Hindi nya mapaliwanag bakit sya kinakabahan sa mga lalabas sa bibig ng kaibigan. She has this dreading feeling na baka may masira kung tama ang pakiramdam nya sa mga sasabihin ng bestfriend nya.



 

“..sa totoo lang kasi..” tuloy ni Winter, seryoso pa rin ang aura, “Kanina pa ako nabobother sa pagtawag mo ng puppy love, baka pwedeng gecko love na lang tawag mo, feel ko mas bagay sa’yo yon.”



 

“BWISIT KA MINJEONG!”



 

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Winter sa loob ng kwarto nya nang makita ang bwisit na bwisit na mukha ni Ningning kasabay pa ng paghaba ng nguso nito. Normally, ayaw nya pag tinatawag sya ng kanyang totoo o Korean name pero pag ang bestfriend nya ang gumagawa nito, hindi nya mapigilan ang matuwa, alam nya kasing mission accomplished sya sa pang-bbwisit dito. Kaya naman, “Op, op, op I changed my mind,” pagseseryoso nya, bago tinuloy ang sinasabi, “..sa nguso mong yan, parang mas bagay ang piggy love ganon,”



 

Mabilis na dumampot ng unan si Ningning at bwisit na pinagpapa-palo si Winter. Maya-maya pa ay nakahanap na rin sya ng sarili nyang unan at naging all-out pillow fight na nga ang nangyari sa dalawang dalaga na 23 at almost 23 years old na you’d think na sawa na sa makulit na asaran dahil lagi silang nag-aaway ng ganito ng halos buong labinlimang taon ng kanilang magkaibigan.



 

Pero hindi, isip ni Winter, she doesn’t think she’d want to stop this anytime soon.

 

***

 

“Minjeong, ano ba?!”



 

Pinigilan ni Winter na bumuntong-hininga sa bwisit at disappointed na boses ng kanyang Tito Changmin AKA Max dito sa Pilipinas.



 

Kaya siguro mas preferred nya ang tawagin syang ‘Winter’ ng mga tao ay dahil parang laging may kalakip na disappointment, frustration at inis pag may tumatawag sa kanya ng totoong pangalan nya. Na usually ang biological family nyang purong Koreano.



 

“Sorry po, Tito,” salita ni Winter kasabay ng pag-bow. She sighed as she wiped her sweaty forehead, she relaxed to a neutral position bago nag-bow muli sa halatang nabubwisit na tito nya.



 

Malakas na buntong hininga si Max na halata pa rin ang inis. “Kung di ka naman pala magseseryoso, bakit ko pa sinasayang yung oras ko mag-train sa’yo?” tanong nito, rinig sa boses nya ang disappointment, lungkot at frustration.



 

“Sorry po, Tito,” ulit ni Winter, sa sahig pa rin nakatingin.



 

“Win, kung hindi mo naman talaga gusto, bakit kasi piniplit mo pa?” 



 

Hindi sumagot si Winter, pero hindi nya din sinalubong ang tingin ng Tito nya. Alam nyang may punto ang Tito Max nya, wala syang natural talent sa fencing, at lalong hindi nya passion ang

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
cleoz_
#1
Chapter 1: may part 2 po ba? and cute kasi ng winning
kang_ddeul
#2
Chapter 1: huyyy winning!! 😍💕